You are on page 1of 5

I.

Panimula
 Ang pelikulang She's Dating the Gangster ay isang pelikula na para sa mga
kabataang Pilipino noong 2014 batay sa pinakamabiling nobela na may
kaparehong pangalan, na orihinal na inilathala sa Wattpad ni Bianca
Bernardino. Ang pelikula ay sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina, at
pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Inilabas ito ng Star
Cinema kasama ang Summit Media bilang bahagi ng produksiyon, at
ipinalabas sa mga sinehan noong 16 Hulyo 2014 bilang tampok na bahagi ng
ika-20 anibersaryo nito.
II. Pamagat ng Pelikula
 Ito ay pinamagatan ng She’s Dating The Gangster dahil ang pangunahing
tauhan na babae na si Athena ay umiibig at nakikipag date sa pangunahing
tauhan na lalaki na si Kenji.
III. Karakterisasyon at Pagganap
A. Pangunahing Tauhan
 Kenji Delos Reyes/Kenneth (Daniel Padilla) – isang tipikal na “bad boy” at
campus heartthrob sa Sputhwell High. Siya ay isang gangster, gwapo, sikat,
hilig uminom at umibig na tinatago sa kalooban.
 Athena Dizon/Kelay (Kathryn Bernardo) – Siya ay nahulog kay Kenji na isang
gangster. Siya ay isang transferee student na nag-aaral sa Southwell High.
B. Katuwang na Tauhan
 Athena Abigail Dizon (Sofia Andres) – Siya ang dating girlfriend ni Kenji.
Palagi siyang pinagseselos ng dating kasintahan na si Kenji.
 Lucas – Malapit na kaibigan ni Athena at kalauna’y nagging dahilan ng
pagseselos ni Kenji.
 Kenji Delos Reyes (Richard Gomez) – Siya ang kasalukuyang Kenji. Ama
ni Kenneth. Isa sa pasahero ng airplane crash.
 Athena Dizon (Dawn Zulueta) – Siya ang kasalukuyang Athena Dizon.
Tiya ni Kelay na malapit na mamatay.
IV. Uri ng Genre ng Pelikula
 Ang pelikulang She’s Dating The Gangster ay isang romantic komedya-drama
para sa mga kabataang Pilipino noong 2014 hango sa isang sikat na wattpad
story na orihinal itinatala ni Bianca Bernardino na siyang binigyan ng movie
adaptation na pinangungunahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ito ay
nagiging komedya dahil kahit gaano man ka seryoso at madrama ang palabas
dahil ito ay nagbibigay focus sa problema ng isang pamilya at pag-ibig, mayroon
din itong mga scene na nagbibigay saya sa manunuod.
V. Tema o Paksa ng Akda
 Isang anggulo ng pagmamahal ang malakas na isinisigaw ng pelikula—
walang pag-ibig na walang sakripisyo. At ang pinaka-malaking sakripisyo ay
ang kalimutan ang sarili para sa minamahal. Pero hindi kailangang mabuhay
sa takot. Sapagkat sabi nga ni Athena: “Pagmamahal at hindi takot ang
nagbibigay-buhay.”
VI. Sinematograpiya
 Ang sinematograpiya ng nasabing pelikula ay nasa direksyon ni Dan Villegas,
siya ay kilala bilang isang tanyag na director at “cinematographer.” Maayos at
maganda ang nagging sinematograpiya ng pelikulang She’s Dating The
Gangster. Naayon din ang daloy ng “effects” na idinagdag , at hindi ito
nakakasisira sa pelikula bagkus nakatutulong pa ang mga ito upang mas
mapaganda ang presentasyon ng palabas. Isa sa tumatak sa
sinematograpiya ng pelikula ay ang mga kuha mula sa bulking Mayon at
maging ang ganda ng Albay ay dumagdag rin sa ma emosyon na bumabalot
sa bawat eksena ng pelikula.
VII. Paglalapat ng Tunog at Musika
 Ang nagging theme song ng pelikulang She’s Dating The Gangster ay mula
sa orihinal na kanta ni Regine Velasquez na “Till I Met You” na binigyang
buhay ni Angeline Quinto para sa pelikula. Angkop ang nagging musika dahil
sa mala-anghel na boses ni Angeline, at bawat linya naman ng kanta ay
tagos sa puso sapagkat nakauugnay ito sa kwento ng pelikula. Naging mas
makapagbagbag damdamin rin ang mga nakakaiyak na eksena dahil
sumasabay din ang pagpapatugtog ng kanta sa nakakalungkot o nakakakilig
na eksena. Madadala ka talaga sa bawat emosyon ng kumakanta dahil na
aayon nga ito sa tema ng pelikula.
VIII. Editing
 Ang pelikulang She’s Dating The Gangster ay nagtataglay ng mabuting
aspektong teknikal o editing. Maliban sa mahusay na pagpili sa mga musika
at tunog na ipinapagtugtog sa bawat eksena na syang nakakatulong upang
mahilo ang emosyon na nais ipadama ay may maayos ta naangkop rin ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Malinaw rin ang boses at
binibigyang pokus ang nais ipahiwatig ng bawat eksena. Sa kabila ng
pagiging flashbacking uri ng pelikula, ito ay hindi nakakabuo ng kalituhan sa
manunuod. Magkaiba ang uri ng ilaw na ginamit sa kasalukuyan at nakaraan
na syang isa sa dahilan upang matukoy ng manunuod ang kaibahan ng
eksena na ipinapakita. Mahusay rin ang pag-edit at kapanipaniwala ang mga
effect o special effects. May kasanayan rin sa pagkuha ng anggulo ang
tagahawak ng kamera na syang nakakatulong upang makita ang emosyon sa
mga mukha ng taga-ganap. Sa kabuoan ay masasabi na mahusay, malinaw
at makatotohanan ang pelikulang ito.
IX. Production Design
 Ang kanilang mga props na ginamit ay talagang angkop sa palabas.Ang mga
kasuotan na ginamit ay talagang angkop sa palabas lalong lalo na ang mga
bida na sila Daniel Padilla na umaakting bilang si Kenji na siyang gangster ay
talagang ang kasuotan ay gangster look and outfit. Sila Athena (Kathryn
Bernardo at Sophia Andres) at iba pang mga kaibigan at kaklase nila ay
nagsuot din ng mga typical outfit para sa mag-aaral sa isang unibersidad.
Ang lokasyon naman ay talagang akmang-akma sa kwento. Dahil nagsimula
ito nuong sila ay nag-aaral pa at kung saan una nagkita sila Athena and
Kenji. pinapakita ang Skwelahan sa Kwento. Lalong lalo na ipinapakita din sa
pelikula ang isa sa tourist spot at ipinapakita ang ganda ng Pilipinas sa
pamamagitan ng pagpapakita ng Mayon Volcano, Albay na siyang paboritong
lugar ni Athena at ito ring lugar na ito ang siyang lugar kung saan nangako si
Kenji na papakasalan nya si Athena.
X. Direksyon
 Ito ay direksyon ni Cathy Garcia-Molina. At para sa akin, talagang
nakapahusay ng director na ito. Lahat ng mga movie ng Kathniel na siya ang
director ay talagang blockbuster. Mahusay ang pagka direktor nito at
nabibigay talaga sa director ang kanyang gusting ipahiwatig sa manuood at
ang mensahi ng pelikula nito. Naipakita ng direktor ang “adolescent angst” at
ang paglalim ng pagiging magkaibigan at pagmamahalan ni Kenji at Athena
na hindi kinasangkapan ang sex.
XI. Buod o Synopsis
 Nagsimula ang kwento ng dalawang taong sina Kenji Delos Reyes (Daniel
Padilla) at Athena Dizon (Kathryn Bernardo). Si Kenji ay isang gangster, dahil
sa pagmamahal sa isang babae ay hinabol-habol ni Kenji ang kaniyang
kasintahan dati, parati nya ito tinetext na akala niya ito ang kaniyang
kasintahan ngunit ito pala ay si Athena Dizon, isang transferee student sa
kanilang paaralan, magkapareho ng pangalan. Nang nalaman ito ni Kenji a
naisipan niyang gamitin si Athena upang pagselosin ang isang Athena na
mas tinatawag na Abigail – kanyang ikalawang pangalan. Nagpanggap na
magkasintahan ang dalawa at kalaunan ay nahuhulog na sila sa isa’t-isa.
Nais itigil ni Athena ang kanilang usapan ngunit ayaw pumayag ni Kenji at
doon inamin ni Athena na nagiging totoong gusto na niya si Kenji at ganun
din ang nararamdaman ni Kenji. Nanging masaya silang dalawa sa kanilang
relasyon hanggang isag araw ay nalaman ni Kenji na may cancer si Abigail at
na ospital ito, pinuntahan niya ito. Nalaman din ni Athena ang sitwasyon ni
Abigail at mas pinili niyang palayain si Kenji upang mabuhay si Abigail na
mas masaya sa piling ni Kenji. Hindi nila alam na may sakit din sa puso si
Athena. Kalaunan ay nagpakasal si Abigail at Kenji., nalaman din nilang nag
abroad ang pamilya ni Athena. Namatay si Abigail makalipas ang ilang taon
ngunit nagkaanak sila ni Kenji at ito si Kenneth. Isang aksidente ang
nagpatagpo ulit kay Kenji at Athena, sa tulong ni Kenneth at ni Calli na
pamangkin ni Athena ay nagkita sila ulit makalipas ang maraming taon. At
doon din sa pagkikitang iyon ay nawalan na ng buhay si Athena.
XII. Kuwento

Ang pelikulang She’s Dating The Gangster ay hango sa isang sikat na wattpad story
na binigyan ng movie adaptation. Ito’y pinangungunahan nina Kathryn Bernardo at Daniel
Padilla sa director ni Cathy Garvia-Molina.

Ang pelikulang ito ay para sa lahat. Ito ay ang angkop sa mga bata dahil walang
bastos na salitang makukuha sa pelikula o kaya mga hindi kanais-nais na mapanood ng
bata hangga’t may gabay lang ng magulang. Ito rin ay pangpamilya dahil ditto makikita ang
pagmamahal ng magulang sa kanilang anak, makikita rin ditto ang iba’t-ibang klaseng
pagmamahal ng magulang na maibibigay nila sa kanilang mga anak. Ito rin ay pwede sa
mga magkakaibigan at teenager na tiyak na sila ang target na audience sa pelikulang ito.
Tuturuan ka kung paano magmahal, tumanggap ng pagkakamali at tanggapin ang taong
mahal mo at kung paano magpatawad.

Maganda ang deliberi ng storya, ang mga karakter ay nabigyan ng hustisya, bawat
emosyon at linya sa pelikula ay tagos at tumatak sa masa tulad ng linyang “Gangster” na
pumatok dati at ang dialogue na “itigil na natin to dahil nagiging totoo na” “Totoong ano?”
“Totoong nagustohan na kita”. Ang bawat emosyon na inihahatid ng pelikula ay talagang
totoong-totoo na hindi pilit yung emosyon na nais nila iparating sa mga manonood. Ang
lugar ay maganda rin, naipakita ang kagandahan ng Mt. Mayon na makikita lang dito sa
Pilipinas, kanila rin ipinagmamalaki ang magagandang lugar ditto sa Pilipinas.

Ang kanta ng pelikula na “Till I Met You” ay mas nagbigay ng kagandahan sa


nasabing palabas dahil ito ay saktong-sakto sa pagmamahalan nina Kenji at Athena na mas
nagbibigay ng emosyon sa mga manonood. Ang istorya ay hinaluan ng originality dahil nga
ito ay hango sa isang wattpad story, nilagyan nila ng sariling timpla na kung saan ay mas
nagustuhan ng manonood dahil hindi nila inaakala na binigyan ito ng sobrang plot twist. Ang
mga salitang ginamit ay malinaw at angkop para sa lahat. Sa pangkalahatan, masasabi
kong napakaganda ng pelikulang She’s Dating The Gangster, maraming makukuhang aral
at reyalisasyon sa buhay.

XIII. Mga Kaisipan o Aral ng Pelikula


 Ang pelikula ay kapupulan ng aral na syang maaring dalhin ng bawat
manunuod sa totoong buhay. Kinapapalooban ito ng maraming mensahe na
syang magbibigay linaw sa kaisipan ng bawat isa. Isa sa mga mensahe ay
ang pagsasakripisyo para sa mas nangangailangan. Masasabi man na lahat
ng tao ay may pangangailangan ngunit kung ito ay magbubunga ng kasawian
ta kalungkutan sa iba ay mas maiging ipaubaya nalang. Kagaya ng
pagpapaubaya ni Athena (Kathryn Bernardo). Naging mensahe rin ng
pelikula ang tunay na pagmamahal na galing sa pamilya. Kahit ano man ang
mangyari ay hindi iniiwan ng pamilya ang isang miyembro nito bagkos ay
tinutulungan bumangon pagkatapos lumugmok. At ang panghuli ay ang
pagmamahal sa tamang panahon. Sinasabi na gaano man ninyo kamahal
ang isa’t isa ngunit kapag hindi pa tama ang oras ay paghihiwalayin kayo ng
pagkakataon. Kaya naman ay mas nakakabuti na magsaya at sulitin ang
pagkabata at huwag madaliin ang paghahanap sa tamang tao sapagkat ang
tamang tao na nakalaan sa iyo ay ibibigay lamang sa tamang panahon at
pagkakataon.
XIV. Konklusyon at Rekomendasyon
 Natural ang pagrerebelde ng kabataan, pero sa kaso ni Kenji, tumindi ito
dahil sa kawalan ng pagmamahal ng mga magulang. Uhaw sa pagmamahal,
handa siyang gawin ang lahat magkabalikan lang sila ni Abigail, kahit na
pilitin si Athena na magkunwaring kasintahan niya. Sa pelikula, pinatunayan
din ni Athena ang katapangan hindi lang sa kanyang pamumuhay ng normal
sa kabila ng malalang karamdaman, kundi sa pagpaparaya alang-alang sa
iba. Talagang napakaganda ng kwento at akoy napahanga kahit ako ay isang
wattpad reader rin pero ang masasabi ko lang ay huwag sana ugaliin ng mga
director na mag movie adaptation ng mga wattpad story lalong lalo na kung
iibahin rin nila ang mga plots nito kasi talagang madidismaya yung mga taong
unang nakapagbasa sa kwento sa wattpad at masisira ang kanilang
imahinasyon sa palabas. Overall, salute to all the actresses and actors and
all the production team and design for putting a good and blockbuster show.

You might also like