You are on page 1of 1

She’s dating the gangster

Mahalaga ang pamagat upang maakit o mahiyakat na maipanood ng mga tao. Ang pamagat na
“She’s Dating The Gangster” ay nagbibigay ng ‘clue’ o pahiwatig tungkol sa pelikulang ito.
Maganda rin itong pelikula para saakin dahil pinapakita sa pelikulang ito ang walang pasubaling
pagmamahal ng mga tao sa isa’t isa.

Ang mga aktor naman na gumanap sa pelikulang na ito ay sina: Daniel Padilla bilang Kenji
Delos Reyes, Kathryn Bernando bilang dalagang Athena /Kelay Dizon, Dawn Zulueta bilang
Athena Dizon, Sofia Andres bilang Athena Abigail Tizon-Delos reyes, Khalil Ramos bilang
binatang Lucas Lazaro at iba pang aktor na nagdala ng pelikula para mas gumanda pa ito at
mapaiyak ka lalo.

Itong pelikula na ito ay nagsimula lahat dahil kay Bianca Bernardo dahil siya ang nagsulat nito
(nobela) sa ‘Wattpad’ at ang nagdirek naman nito ay si Cathy Garcia-Molina. Hindi magiging
sikat at kahikahikayat itong pelikula na ito kung hindi ito isinulat ni Bianca Bernardo dahil siya
ang mismong gumawa ng kuwento at dahil din kay Cathy Garcia-Molina na sobrang galing sa
pagiging direktor.

Ang sinematograpiya ang iisa sa mga mahalaga sa pag gawa ng pelikula dahil dito ipinapakita
ang mensahe ng isang pelikula. Mahalaga ang sinematograpiya dahil isa itong teknik na pag
gamit ng mga kamera, ilaw at iba pang teknik at ang musika. dahil dito ay mas lalo mong
madadama ang pelikula.

You might also like