You are on page 1of 5

“PANUNURING PAMPELIKULA”

“Matakot Ka Sa Kulam”

Ipinasa ni: John Bryn D. Bulabos

Ipinasa kay:
“Matakot Ka Sa Kulam”

I. Instruksyon

Ang kulam ay isang ng mga mangkukulam upang makapaghiganti sa kanilang


mga kaaway, isa itong kapangyarihan na galing sa kadiliman na nakakatakot at
nakakasindak, mayroon silang iba't-ibang kagamitan na gamit sa kanilang pangkukulam
, isa na dito ang manika, karayum, at marami pang iba. Gumagamit din sila ng mga
malalakas na orasyon upang mapagtagumpayan ang pagkulam sa isang tao na kanilang
kinasusuklaman.

a) Pamagat at tema ng pelikula.

“ Matakot ka sa Kulam”, ang pelikulang ito ay patungkol sa kulam.

b) Pagpapakilala sa deriksyon, nagsulat ng skrip, mga artistang gumanap sa


pelikula, kumpanyang gumawa ng pelikula, at kung anong uri ng pelikula ito.

• Derik Jun Lana


• Judy Ann Santos ( Maria ), ( Mira )
• Dennis Trillo ( Paul )
• Sharline San Pedro ( Sophie )
• Tj Trinidad ( Dave )
• Regal Films
• Ang pelekulang ito ay nakakatakot at nakakasindak.

II. Paglalarawan sa Buod ng Pelikula

“Matakot Ka Sa Kulam”

Judy Ann Santos (Mira), kasama ang kanyang kakambal na si (Maria). Ang
kanilang Ina ay isang “mangkukulam” doon sa kanilang lugar, silang dalawa ay natuto
ng gumamit ng kapangyarihan tungkol sa pagkulam bago pa namatay ang kanlang Ina.
Si Mira ay lumayas sa kanilang lugar at pumunta sa Maynila upang doon ipagpatuloy
ang kanyang pag-aaral. Siya ay naging “Top Real State Agent” sa pinagtratrabahuan
niyang kumpanya. Nagkaroon sila ng anak ni Paul (asawa ni Mira) na babae
na nagngangangalang Sophie. Nang mamatay ang Ina ni Mira, ay nagbalik siya sa
kanilang lugar para kunin si Maria. Si Mira ay nagpasalamat na ang kanyang kapati na
si Maria ay nasa mabuting kalagayan, pero nagtaka si Mira dahil mag-isang nagsasalita
si Maria. Si Mira ay tumawag ng doktor sa Mental Hospital para kunin si Maria upang
gumaling ito sa kanyang karamdaman.

Si Mira ay nagtago ng lihim sa kanyang asawa na si Paul, na meron pala siyang


nakaraan sa ibang lalake na nagngangalang Dave o si Tj Trinidad. Pagkataos ng huling
pagbisita ni Mira sa kanyang kakambal na nasa Mental, si Maria ay nagalit dahil
trinaydor siya ng kapatid niyang si Mira, dahil sa galit nito ay kinulam niya ang kanyang
sariling kapatid habang nagmamaneho ng kotse pauwing bahay. Ang kulam na ginawa ni
Maria ay tungkol sa pagpapalitan ng kanilang espiritu ng kanyang kambal na si Mira.
Pagkatapos ng pagpapalitan nila ng katawan, ay biglang naaksidente si Mira sa kanyang
minamanehong kotse, at si Maria naman ay pinaslang ng kanyang ka room mate,
pagkatapos ng nangyaring aksidente si Mira ay walang natatandaan at ang sabi ng
doktor ay nagka amnesia siya dahil narin sa aksidenteng nangyari sa kanya. Nang
makalabas na sa hospital si Mira ay agad na bumalik sila sa kanilang bahay kasama ang
kanyang asawa na si Paul at ang kanilang anak na si Sophie. Nang nakarating sila sa
bahay ay may naramdaman si Mira na kakaiba at pati rin ang kanyang asawa at anak na
si Sophie na may nagpapakitang isang babae na may mahabang buhok at nakasuot ng
putting damit. Dahil sa pangyayaring ito ay napilitang humingi ng ng tulong sa isang
espiritista o albularyo. Ang albularyo ay nagsbi ng babala para sa kaligtasan ni Mira at
ng kanyang pamilya laban sa malakas na mangkukulam, pagdating ng eclipse ay
magbabalik ang babaeng may mahabang buhok at nakasuot ng puting damit na
magpapakita kay Paul at may malakas na hangin na magsasarado ng pinto at
maghihiwalay sa kanilang dalawa, habang nasa master's bedroom si Mira ay may nakita
siyang luggage ni Maria, binuksan niya ito at may nakita siyang libro ng mangkukulam,
binuksan niya ang libro at doon niya naalala ang lahat. Yun na nga, na siya pala si Maria
na nasa loob ng katawan ni Mira at pagkatapos non ay naging ganap na siyang Maria na
may maitim na binabalak na may mahabang buhok at nakasuot ng putting damit. Nag
-umpisa na siyang mangkulam, kinulam niya ang kapatid ni Paul na babae sa
pamamagitan ng pagsugat sa mukha nito na nasa litrato na naging dahilan ng pagdugo
ng mukha nito.

Sa pangyayaring iyon ay may nakitang video tungkol kay Mira sa bedroom ni


Sophie. Ang video ni Mira ay nagsasabi kung paano matatalo ang kapangyarihan ni
Maria, at sinabi pa ni Mira sa kanyang asawa na si Paul na tumakbo palabas ng bahay at
dalhin ang abo ni Maria at saka gumawa ng bilog gamit ang abo ni Maria. Nagplano ang
mag-ama kung paano mahuhuli ang mangkukulam na si Maria, si Sophie ay nagtago sa
damohan habang hawak nito ang voodoo doll na ginawa ni Mira at habang si Paul naman
ay matapang na hinarap ang mangkukulam. Habang dahan-dahang naglakad si Maria
patungo kay Paul ay bigla itong huminto dahil nalaman na niya ang binabalak ni Paul,
pero biglang lumabas si Sophie at tinulak niya si Maria papunta sa bilog na abo. Ang
kapangyarihan ni Maria bilang isang mangkukulam ay biglang nawala at kasabay din
non ay sinunog ni Paul ang voodoo doll para mawala na ang katawan ni Mira.
Pagkatapos ng pagkawala ni Maria ay nagpakita si Mira sa kanyang asawa at anak at
nagsabi ito sa kanila na nandiyan lang siya parati sa kanilang tabi at hindi nawawala.

Dahil galing sa pamilya ng mangkukulam si Mira ay maaaring mapasa ito sa


susunod na henerasyon at yun ay si Sophie na nakuha ang libro ng mga mangkukulam at
natuto ng gamitin ito.

III. Pnunuri sa Pelikula

1) Nilalaman
a) Ano ang pinaksa o tema ng pelikula?
Ang pinaksa o tema ng pelikulang ito ay tungkol sa kulam o sa mga
mangkukulam na may maitim at malaks na kapangyarihan.
2) Artistiko at teknikal na kapangyarihan
a) Maayos ba at di nakalilito ang pagkabalangkas ng pangyayari?
Sa umpisa ng pelikula ay medyo nakalilito dahil huli na ng nalaman
na kinulam pala siya at pinagpalit ang espiritu niya sa espiritu ng kanyang kambal, kaya
nga naaksidente siya nagka amnesia.
Pero maayos naman dahil tamang-tama lamang ang pagkagawa ng
sound effects at makatotohanan ang pagkaganap ng mga tauhan lalong-lalo na si Ms.
Judy Ann Santos.
b) May sapat bang damdamin o panlasa sa kagandahan o sining?
Sa tingin ko ay oo, dahil ang pelikulang ito ay may halong drama na
nagpapakita sa pagmamahal ng bida sa kanyang pamilya at sa kakambal niya.
c) Makatotohanan at mahusay ba ang pagkaganap ng papael ng mga
tauhan?
Talagang makatotohanan ang pagkaganap ng mga tauhan sa pelikula
dahil kuhang-kuha nila at damang-dama nila ito, tulad na lamang ni Judy Ann Santos na
may dalawang ginagampanang tauhan bilang si Maria at si Mira.
d) Lahat ba ng tagpo ay malinaw at mahalaga sa pinapaksa? May dapat
bang pangusin? May dapat bang idagdag?
Para sa aking opinyon ay maayos naman at malinaw na naiintindihan
ang ipinapaksa ng pelikula na tungkol sa kulam at sa palagay ko rin ay wala na dapat
pang idagdag dahil perpektong-perpekto ang pagkagawa ng pelikulang ito.
e) May maganda bang tagpuan na angkop?
Ang magndang tagpuan na napanood ko ay yung natalo na ni Paul at
ni Sophie ang mangkukulam na si Maria.
f) Mahusay ba ang paglalapat ng tunog ng musika?
Talagang napakahusay ng pagkakalapat ng musika dahil talagang
nakakasindak at nakakatakot ang kinalalabasan ng musika sa pelikulang “Matakot ka sa
Kulam”
3) Ayon sa pamahalaang pangmoral
a) May pagtutumbas ba sa tunay na buhay ang mga pangyayari?
Sa tingin ko wala, dahil wala pa akong nababalitaan o napapanood sa
tv na katulad sa pelikulang ito.
b) Punung-puno ba ito ng sestimentalidad at tiyak na pangangaral?
Sa tingin ko ay oo, dahil nakita ko sa pelikulang ito kung paano
magmahal sa pamilya at sa kapatid.
c) Karapat-dapat bang panoorin kahit ng mga kabataan?
Sa tingin ko ay oo, dahil hindi naman ito malaswang pelikula na dapat
ipagbawal sa mga kabataan.

IV. Pangwakas

a) Paglalahad ng kabuuang reaksyon o mungkahi ukol sa pelikula.

Ang masasabi ko sa pelikulang ito ay napakaganda at dahil sa sobrang


ganda ng pelikula ay wala akong masabi.
At napaganda din ng pagkaganap ng mga tauhan, at pati na rin sa direktor
at mga nagsulat ng pelikula.

You might also like