You are on page 1of 6

Gerona Junior College, Inc.

Poblacion 3, Gerona, Tarlac

Panunuring Pampanitikan

Ded na si Lolo
ni Soxio Topacio

Ipinasa ni:
Jamie Jazel P. Sabado
BSEd III – Filipino

Ipinasa kay:
G. Harmon Dela Cruz Balido
I. Pamagat: Ded na si Lolo.

II. Mga Tauhan

 Lolo Juanito
- Si Lolo Juanito ang yumaong Ama nina Syano, Dolores, Mameng, Junnee, at
Charing. Ang kaniyang mga anak ay nagdadalamhati sa kaniyang pagkawala sa
mundo dahil hindi na nila muling masisilayan ang Ama.

 Syano
- Panganay na anak ni Juanito at siya lamang ang nakakaalam na may iba
pang pamilya ang kaniyang Ama. Sa bandang huli ay ibinahagi niya sa kaniyang mga
kapatid ang itinatagong lihim tungkol kay Aling Pilar at sa Amang yumao.

 Dolores
-Ikalawang anak ni Juanito at naiinggit sa kapatid na si Mameng. Silang
dalawa ay hindi magkasundo dahil sa hindi pantay na pakikitungo ng kanilang
yumaong Ama kay Dolores.

 Mameng
-Ikatlong anak ni Juanito at siya ang naninirahan sa bahay ng kaniyang Ama.
Sa kaniya ipinagkatiwala ng Ama ang bahay at pera nito kaya naiinggit si Dolores sa
kaniya.

 Junnee
- Ikaapat na anak ni Juanito at pilit na naghahahanap ng mga kasagutan
tungkol sa mga pamahiin.

 Charing-
Ikalimang anak ni Juanito at siya ang laging nasa gitna tuwing nag-aaway
sina Dolores at Mameng.
 Bobet
- Siya ang anak ni Chareng na laging inihahanda ang amonya tuwing may
nahihimatay sa pamilya.
 Pilar
-Isang misteryong babae na pumunta na burol ni Lolo Juanito. Nakilala bilang
unang asawa ng yumaong Ama ng limang magkakapatid.
 Socorro
-Siya ang anak nina Aling Pilar at Juanito.

III. Buod ng Pelikula

Ang pelikulang “Ded na si Lolo” ay kwento ng isang yumaong Ama ng limang


magkakapatid. Sa unang bahagi ng kwento ay ipinakita ang pagkagulat ni Chareng dahil
sa balitang namatay na ang kaniyang Ama. Siya ay nahimatay at agad namang naagapan
dahil sa amonya na pinaamoy sa kaniya. Pumunta ang kaniyang pamilya sa tahanan ng
Ama upang makita ito. Pagdating sa bahay ay nakita rin niya ang iba pa niyang mga
kapatid. Silang lahat ay nag-iyakan sapagkat hindi na muling masisilayan ang kanilang
Ama.
Sa burol ni Lolo Juanito, si Mameng at Dolores ay hindi magkasundo dahil sa
hindi pantay na pagtingin ng kanilang Ama noong ito ay nabubuhay pa kaya may lihim
na inggit si Dolores sa kaniyang kapatid. Maraming tao ang nakiramay sa burol ng
kanilang Ama at napansin nilang may misteryong babaeng dumating. Ang babaeng ito
ay nangangalang Aling Pilar at siya ang unang asawa ni Juanito. Si Syano lamang ang
nakakaalam ng lihim at huli na ang lahat bago pa niya sinabi sa kaniyang mga kapatid.
Ipinakita sa kwento ang mga pamahiing pinaniniwalaan ng mga Pilipino tuwing
may namamatay. Nang ihahatid na sa puntod ang kanilang Ama ay nagkasundo-sundo
na ang magkakapatid sapagkat sila ay naliwanagan sa katotohanan at lihim.
IV. Banghay ng mga Pangyayari (Story Grammar)
a) Tagpuan
- Ang tagpuan ng kwento ay sa tahanan ni Lolo Juanito sapagkat dito siya
ibinurol. Ang bawat kasapi ng pamilya ay nagsama-sama upang masilayan
ang kanilang Ama hanggang sa huling hantungan nito. Maraming mga tao
ang nakiramay dahil kilala si lolo Juanito sa kanilang barangay. Sa
tahanan din makikita ang ibat-ibang katangian at ugali ng mga anak.
Nariyan ang pagtatalo, inggit, pagdedesisyon sa libing ng Ama at ang
pinaniniwalaang mga pamahiin.
- Ang sementeryo ay isa ring tagpuan sa kwento sapagkat ito ang huling
hantungan ng amang namayapa.
b) Protagonista
- Ang bida sa pelikulang Ded na si Lolo ay ang limang magkakapatid na sina
Syano, Dolores, Mameng, Junne at Charing. Sila ang anak ni Lolo Juanito
na may ipinakitang ibat-ibang kaugalian ngunit sa bandang huli ay
nagkasundo-sundo rin. Ang daloy ng kwento ay umiikot sa kanilang
pamilya upang masilayan ang Amang yumao at maihatid ito sa huling
hantungan.
c) Antagonista
- Si Dolores ang antagonista sa kwento sapagkat mayroon siyang inggit kay
Mameng dahil ang kaniyang kapatid ang nakatira sa tahanan ng kaniyang
Ama. Hindi rin niya iniisip ang binibitawang salita kaya nasasaktan na
niya ang damdamin ng iba. Siya ay hindi kasundo ng kaniyang mga
kapatid sapagkat mataas ang pagtingin niya sa kanoyang sarili.
d) Suliranin

-Ang suliranin ng pelikulang Ded na si Lolo ay ang hindi pagkakasundo-


sundo nina Dolores at Mameng. Si Dolores ay mayroong inggit at tampo sa
kapatid sa pag-aakalang si Mameng ang paborito ng kanilang Ama.
-Isa rin sa mga suliranin ay ang pagdating ni Aling Pilar sa burol ni Juanito.
Makikita sa kwento na mayroong pagtataka ang apat na magkakapatid sa
misteryong babae maliban kay Syano . Ipinaliwanag ni Syano na si Aling Pilar
ang unang asawa ng kanilang Ama.

e) Mga kaugnay na Pangyayari o mga pagsubok sa paglutas ng Suliranin


- Si Dolores at Mameng ay nagkasundo at naliwanagan sa mga bagay-bagay
patungkol sa inngit at tampuhan.

-Nakilala ng magkakapatid ang misteryong babaeng nakiramay sa


pagkawala ng kanilang Ama. Nagbigay ng tulong pinansyal si Aling Pilar
upang mabayaran ang mga utang sa pagkamatay ni Juanito.

f) Mga ibinunga
-Sa pagwawakas ng kwento ay nalutasan ang mga suliranin tulad ng
hindi pagkakasundo ni Dolores at Mameng. Ang pamilya lamang ang unang
magtutulungan sa hirap at ginhawa upang malutasan ang problema.

V. Paksa o Tema

-Ang pokus ng kwento ay tungkol sa pagkamatay ni Lolo Juanito.


Umiikot din ang pelikula sa pagluluksa ng limang magkakapatid sa Amang
yumao. Batay sa kwento ay ipinakita ang ibat-ibang pamahiin na
pinaniniwalaan kapag mayroong namamatay ngunit may ilan pa rin na
naghahanap ng paliwanag ukol dito.

VI. Mga Aspektong Teknikal

a) Sinematograpiya
- Ang Pelikulang Ded na si Lolo ay ipinalabas noong ika-anim ng Mayo
taong 2009. Ang daloy ng kwento ay nakapokus sa mga paniniwala ng
mga Pilipino gaya ng mga pamahiin. Naging maganda at makulay ang
pelikula sapagkat ito ay isang Drama- comedy.
b) Musika
- Ang Pamagat ng musikang ginamit sa pelikulang Ded na si Lolo ay “Ang
buhay nga naman” ni Noel Cabangon. Akma ang ginamit na musika sa
kwento.
c) Visual Effects
- Sa panahong ito ay hindi pa gaanong nagagamit ang mga aplikasyon sa
pag-eedit kaya masasabi ko na ang kwentong Ded na si Lolo ay natural
ang visual effects.
d) Set Design
- Ipinakita sa pelikulang Ded na si Lolo ang kaisipan at paniniwala ng mga
Pilipino. Ito ay hango sa totoong buhay na hanggang ngayon ay
nararanasan pa rin ng ilang mga Pilipino. Ang kwentong ito ay
nagpapaalala na makakaya ang hirap ng buhay kung ang lahat ay
nagtutulungan.

VII. Kabuuang mensahe ng Pelikula

- Likas na sa ating mga Pilipino ang maranasan ang hirap at kaginhawaan


ng buhay. Walang sino man ang makatutulong sa ating kundi ang sariling
pamilya lamang. Minsan sa buhay ay masasabi natin na dumarating sa
punto na hindi pagkakaunawaan sa bawat kasapi ng pamilya lalo sa
usapang pera. Ang pelikulang ito ay nagpapaalala sa atin na mahalin natin
ang mga taong kadugo natin dahil sila ang katuwang natin sa mga
kabiguan. Ito ay kultura at tatak bilang mga Pilipino.

You might also like