You are on page 1of 21

EKSTRA: AN OVERVIEW OF THE PHILIPPINE MEDIA INDUSTRY

Jalika Raphaella R. Deray

Broadcasting 30043
Analysis of Broadcasting, Interactive and Emerging Media Texts

Kim Bernard G. Fajardo


Submitted to the
Department of Broadcast Communication
College of Communication
Polytechnic University of the Philippines
July 2, 2019
Deray, Jalika; BROA30043; Page 2 of 21

Ang pelikulang Ekstra ay isang Filipino socio-


realist drama-comedy na tumatalakay at
nagpapakita hindi lamang sa buhay ng mga
gumaganap sa ekstra sa mga pelikula ngunit
ipinapakita rin dito ang realidad ng lipunan na
ating kinabibilangan, nilalarawan ng Ekstra ang
buhay ng mga tinatawag na bit player o ang
mga tao o bagay na mayroong maliit na parte sa
isang bagay o pangyayari. Ipinakita
ng Ekstra kung gaano kalupit
ang showbiz bilang industriya lalo na para sa
mga bit player na puro kontraktuwal at walang-
katiyakan sa trabaho. Bukod sa buhay ng mga

Figure 1, Photo courtesy of Quantum Films ekstra, ipinakita rin dito ang buhay sa mundo ng
isang produksyon, mula sa pagiging direktor, assistant director, executive producer,
production assistant, catering staff, utility crew, production manager, wardrobe head, at
lahat ng mga kasapi sa isang produksyon. Bilang isang estudyante na nag-aaral ng
Broadcast Communication, ang pelikulang ito ay makatutulong sa amin upang maipakita
sa amin ang totoong buhay sa loob ng industriya ng midya.
Ang pelikulang Ekstra ay pinagbibidahan ng Star for All Seasons na si Vilma
Santos. Ito ay isang entry para ika-siyam na Cinemalaya Film Festival sa ilalim ng
kategoryang Director’s Showcase. Pinakaunang itong inilabas ng Star Cinema sa mga
sinehan noong Agosto 2013 bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang ika-dalawampung
anibersaryo sa industriya.
Matapos kong panoorin ang pelikula,ang aking pinakaunang tugon ay
napakahusay ng pagkakagawa ng pelikula, napakagaan panoorin dahil ipinakita rito ang
buhay ng mga dakilang ekstra sa masayang paraan, ngunit hindi mababago ng mga ngiti
at halakhak ang reyalidad na mahirap ang isang maging ekstra. Maraming tumatak na
pangyayari sa pelikula na hindi ko malilimutan, una ay ang linya ng bida sa pelikula na si
Vilma Santos na gumanap bilang si Loida Maglaban, ang sabi niya, “Huwag mong ni-
lalang ang crowd. Crowd is crowd! Aanhin mo ang eksena kung puro bida lang?”
Deray, Jalika; BROA30043; Page 3 of 21

Naipahayag dito ang importansya ng crowd sa mga eksena at naipaliwanag niya kung
bakit hindi dapat minamaliit ang ginagampanan ng mga ekstra bilang crowd. Isa pang
linyang aking natatandaan ay ang linya ni Tart Carlos na gumanap bilang si Venus;
“Props lang tayo dito!”—Ipinahiwatig dito ang pananaw ng mga ekstra na tila ang tingin
lamang nila sa sarili nila ay mga mumunting palamuti sa pelikula, ngunit ang hindi nila
alam ayu mayroon din silang ginagampanang papel sa pagbuo ng bawat eksena ng
pelikula. Isa pa sa mga tumatak sa isip ko ay ang araw-araw na kalbaryong
pinagdadaanan ng bawat tauhan sa malalang trapiko, isang malaking kalaban ang
pagbiyahe dahil sa mabigat na trapiko sa, hindi lamang ito nagaganap sa pelikula ngunit
pati rin sa totoong buhay. Tumatak din sa akin ang mga nakakatuwang eksena kagaya ng
pag-aagawan ni Loida at Venus sa papel bilang isang kasambahay dahil ang ka-eksena ng
mapipili ay si Marian Rivera bilang Belinda, naipakita rito ang pagpupursigi at
pagpapakapalan ng mukha ng mga ekstra para lamang magkaroon ng kaunting eksena
kahit pa hindi kita ang mukha dahil iba nag nabibigay nitong satispaksyon sa kanila at
syempre dagdag din ito sa talent fee nila upang dagdag panggastos o kaya naman ay
pandagdag tulong para sa pamilya.

Figure 2, Venus, Ekstra. THE AUDITION SCENE

Tumatak din sa aking isip ang pangyayari sa unang araw ng shooting ng mga
talents para sa soap opera na Una Kang Naging Akin kung saan pinagpasapasahan ang
mga talents at tila hindi binibigyang pansin ng mga staff, ipinapakita nito na mayroong
sistema ng herarkiya na nagaganap sa pagitan ng iba’t ibang mga posisyon na bumubuo
sa isang produksyon. Isa pang eksena na tumatak sa isip ko ay ang mga masusuwerteng
Deray, Jalika; BROA30043; Page 4 of 21

pagkakataon na napipili si Loida bilang ekstra sa ibang eksena at sa tuwing napipili siya
ay makikita talaga ang nag-uumapaw na kasiyahan sa kaniyang mukha dahil iyon ang
tanging layunin ng mga ekstra, ang mapasama sa mga eksena kahit pa nasa background
lamang sila, kahit pahapyaw lamang na dadaan sa kanila ang camera, ang importante ay
kasama sila sa eksena, masaya na sila doon.
Maraming bagay sa pelikula na kumiliti at kumalabit sa aking pag-iisip, tulad ng
kung gaano kabigat ang isang maging ekstra, kung gaano katatag ang loob ng bawat isa
sa kanila upang tanggapin ang mga papel na matatalaga sa kanila, kung gaano sila
katapang na sumabak at sumugal sa walang kasiguraduhan, Habang pinapanood ko ang
pelikula, napapaisip din ako kung ganito ba ang pinagdadaanan ng lahat ng ekstra sa mga
pelikula, iniisip ko ang ibang pelikulang napanood ko at iniisip ko ang mga ekstra na
gumanap sa bawat pelikula, iniisip ko kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ng mga
ekstra at kung paano nga ba talaga sila tratuhin sa set, kung ilang ekstra na ang mga
sumuko at tuluyang nagtagumpay.
Napakaraming tanong at mga bagay na pumapasok sa isip ko at inaalala ko
matapos kong panoorin ang pelikula, kaya’t nasabing kong napakahusay ng pagkakagawa
nito dahil nag-iwan ito ng mga katanungan sa akin na patuloy kong iisipin pagkatapos
kong mapanood ang pelikula, nag-iwan ito ng marka upang mas lalo akong maging
interesado sa buhay ng mga ekstra at pati na rin sa pelikulang Ekstra. Nakuha nito ang
interes ko sa ;ahat ng aspeto at pananaw ng bawat tauhan na bumubuo sa isang
produksyon.
Panonoorin ko ba ulit ang pelikulang Ekstra? Oo, panigurado, panonoorin ko ulit
ito, sa katotohanan ay tatlong beses ko na itong napanood, at habang tumatagal ay mas
ginagawa ko pang kritikal ang aking pag-aanalisa sa pelikulang ito, mas nabibigyan ko ng
maayos na kritik ang isang pelikula kung higit isang beses ko na itong napanood, dahil
mas masusuri ko talaga ang bawat eksena, implikasyon at struktura ng mayroon ang
pelikula. At hindi malabong panoorin ko ulit ang Ekstra sa ika-apat na beses upang
masala ang bawat tauhan. Inireomenda ko na rin ang pelikulang ito dahil nais kong
ipakita sa ibang tao kung paano ang daloy sa mundo at trabahong tinatahak ko, isa itong
magandang paraan upang mabasag ang ideya ng mga tao na nagsasaing walang pera sa
sining, madali lang ang sining, at wala tayong mapapala sa sining. Nagpapatunay ang
Deray, Jalika; BROA30043; Page 5 of 21

pelikulang ito na walang madali sa kahit anong industriya at ito ang nais kong iparating
sa ibang tao na naniniwala sa mga miskonsepsyon ukol sa sining.
Ang pangalawa at pangatlong pagkakataon na panonood ko sa pelikulang Ekstra
ay iba sa pinakaunang pagkakataon, mas nagging kritikal ako sa panonood, mas nagging
mapanuri ako, mas isinuksoko ko ang mga paa ko sa sapatos ng bawat tauhan upang
maintindihan ko kung saan sila nanggagaling at upang kahit papaano ay maramdaman ko
ang pakiramdam na nais nilang iparating. Mas binigyang pansin ko rin ang mga maliliit
na detalye at kung paano ito naka-ambag sa pagbuo ng eksena, mas inintindi ko ang mga
linya ng bawat tauhan at kung paano nila ito sinasabi. Mas binigyang pansin ko rin ang
mga tao sa background at kung gaano kahusay ang mga ekstra sa pelikulang Ekstra. Nag-
pokus din ako sa kung paano ang ginawang atake ng director upang gawin bida ang
ekstra at kung paano ginawang ekstra ang mga bida sa soap opera na Una Kang Naging
Akin na parte ng pelikula. Mas nag-pokus din ako sa iba’t ibang mga shots at sa
cinematography ng pelikula. Binigyang pansin ko rin kung paano nila ipinakita ang
nangyayaring pag-eesteryotipo sa mga artista sa industriya,

Figure 3 Ekstra, TUBUHAN

Inilaban ang pelikulang ito sa Cinemalaya Independent Film Festival sa


kategoryang Director’s Showcaseat ito ay humatok ng iba’t ibang kagawaran. Nanalo ito
bilang Best Screenplay para kay Zig Madamba Dulay, Antoinette Jadaone, at Jeffrey
Jeturian. Nanalo naman bilang Best Supporting Actress si Ruby Ruiz na gumanap bilang
si Josie dahil sa kanyang kagilagilalas na pag-arte bilang isang talent coordinator sa
Deray, Jalika; BROA30043; Page 6 of 21

pelikula. Nanalo naman ang Star for All Seasons na si Vilma Santos bilang Best Actress
na gumanap sa papel ni Loida Maglaban. Naiuwi naman ni Jeffrey Jeturian at NETPAC
Award, Audience Award at Special Jury Price dahil sa kakaibang atake na ibinigay niya
upang maipakita ang mabigatg na buhay ng mga ekstra sa magaan na paraan at nabihag
nito ang mga puro ng mga manonood. Nominado rin si Direk Jeffrey Jeturian sa
Balanghai Trophy Award (IMDb, 2014).
Nominado rin si Jeffrey Jeturian sa Audience Award sa Black Movie Film Festival
noong 2014. Sa Dhaka International Film Festival naman ay naiuwi ni Vilma Santos ang
Jury Prize bilang Best Actress noong 2014. Nominado rin bilang Best Picture, Best
Director (Jeffrey Jeturian), Best Screenplay (Zig Madamba Dulay, Antoinette Jadaone, at
Jeffrey Jeturian), Best Editing (Zig Madamba Dulay, Glenn Ituriaga), at Best Story (Zig
Madamba Dulay, Antoinette Jadaone, at Jeffrey Jeturian) sa FAMAS Award noong 2014
(IMDb, 2014).
Nakakuha naman ng anim na nominasyon ang pelikulang Eksta sa Gawad Urian
Award; Best Picture, Best Actress (Vilma Santos), Best Supporting Actress (Ruby Ruiz),
Best Direction (Jeffrey Jeturian), Best Production Design (Ericson Navarro), at Best
Sound (Addliss Tabong, Wild Sound) noong 2014 (IMDb, 2014).
Sa Golden Screen Awards, Philippines naman ay nanalo ng Best Performance by
an Actress in a Leading Role (Vilma Santos)at nominado ang pelikula bilang Best Motion
Picture, Best Performance by an Actress in a Supporting Role (Ruby Ruiz), Best
Performance by an Actress in a Supporting Role (Tart Carlos), Best Performance by an
Actor in a Supporting Role (Marlon Rivera), Best Director (Jeffrey Jeturian), at Best
Editing (Zig Madamba Dulay, Glenn Ituriaga) noong 2014 (IMDb, 2014).
Samantala, nominado rin ang pelikula sa Star Awards for Movies bilang Movie
Supporting Actor of the Year (Vincent de Jesus), Movie Supporting Actor of the Year
(Marlon Rivera), Movie Supporting Actress of the Year (Ruby Ruiz), Indie Movie of the
Year, Indie Movie Director of the Year (Jeffrey Jeturian), Indie Movie Screenwriter of the
Year (Zig Madamba Dulay, Antoinette Jadaone, Jeffrey Jeturian), Indie Movie
Cinematographer of the Year (Lee Meily), Indie Movie Production Designer of the Year
(Ericson Navarro), Indie Movie Musical Scorer of the Year (Vincent de Jesus) , Indie
Movie Editor of the Year (Zig Madamba Dulay, Glenn Ituriaga) Indie Movie Sound
Deray, Jalika; BROA30043; Page 7 of 21

Engineer of the Year (Addiss Tabong), at Movie Actress of the Year (Vilma Santos)
(IMDb, 2014).
Sa kabuuan ay humakot ito ng walong (8) panalo at tatlumpu’t isang (31)
nominasyon (IMDb, 2014), isa itong matibay na katibayan na maganda at tagumpay ang
kinalabasan ng pelikulang ito, pinilahan at sumikat dahil sa magandang kwento at bago
ang konsepto, itong pelikulang ito ay ang nag-bigay ng pagkakataon sa mga mamamayan
upang masilip ang mga pangyayari sa likod ng kamera at upang makita ng mga
manonood ang mga pinagdadaanan ng bawat tao na bumubuo sa isang produksiyon, isa
itong maganda at makapangyarihang instrument upang magbigay respeto sa mga taong
naghahatid sa atin ng entertainment sa araw-araw nating pamumuhay, hindi lamang sa
mga bigatin at malalaking artista ngunit pati na rin sa mga dakilang ekstra na pumupuno
sa mga puwang na dapat lagyan sa bawat eksena upang maging mas makatotohanan ito.
Para sa akin ay maimpluwensiya ang pelikula na ito lalo na sa mga taong hilig manood
ng mga pelikula, naiimpluwensiyahan nito ang mga taong sa pagbabago ng kanilang mga
pananaw sa mga ekstra sa bawat palabas na pinapanood nila, malaki ang tyansa na
magbigay ang pelikula ng magandang dulo upang mabago ang pananaw sa mga ekstra na
binabansagang, “Ekstra ka lang naman!”, hindi sila ekstra lang, ekstra sila at may
ginagampanan silang importanteng papel sa bawat eksena na kabilang sila. Nakalikha ang
pelikula ng isang maganda at makapangyarihang pananaw sa mga ekstra, at dahil dito ay
umani ito ng mga magagandang rebyu.
Sinasabing ang pelikulang Esktra raw ay maaaring mapanood gamit ang ilang
lente. Maaari itong makita bilang pagbibigay pugay hindi lamang sa mga ekstra kundi sa
lahat ng bumubuo sa isang pelikula, mula sa mga artista, ekstra, direktor, catering at
maging ang mga sekyu na nagbabantay doon. Ipinakikita rin dito ang hindi patas na
pagtrato sa mga tao gaya ng pagiging mayabang ng mga nasa taas, habang halos apihin
na ang mga ekstrang nasa ilalim. Inilarawan din dito ang kahalagahan ng bawat taong
bumubuo ng set hanggang sa pinaka-mababang posisyon at kung gaano kahirap at katagal
bumuo ng isang palabas para sa publiko (Mateo, 2013).
Ayon sa isa pang artikulo, maganda raw na sa pamamagitan ng pelikulang ito ay
nakikita ng masa ang hirap na pinagdadaanan ng mga ekstra upang kumita ng katiting na
perang ipangbubuhay sa pamilya. Isa raw itong napaka-impormatibong palabas dahil
Deray, Jalika; BROA30043; Page 8 of 21

inilalarawan dito ang katotohanan sa likod ng magagarbong pelikulang napapanood ng


tao sa TV at sine. Bukod dito, kung sisipatin raw ay maaaring nang gawing isang dokyu
ang palabas tungkol sa hindi patas na pagtrato sa mga ekstra sa pelikula (Hawson, 2013).
Sinasabi rin na isa sa mga napakahusay na pelikula ang Ekstra dahil malinis at
makatotohanan raw ang pagkakalahad ng kuwento. Sobrang interesante nito at nagmukha
nang isang reality show ang tinutunghayan ng mga manonood. Naging maayos ang
palitan ng mga aktwal na eksenang pinagbibidahan ni Piolo Pascual, Marian Rivera,
Cherie Gil at Pilar Pilapil. Nakadagdag pa raw sa ganda ng pelikula ang maingat na
paghahatid ng detalye tungkol sa mga pangyayari. Puro papuri rin ang nakuha ni Vilma
Santos dahil hindi raw matatawaran ang kaniyang pagganap sa nasabing pelikula. Sa
usaping teknikal, sinasabing akma at epektibo ang paglapat ng mga tunog, ilaw at
musika. Kung sinematograpiya naman ang pag-uusap ay hindi rin nagpahuli ang maaayos
na kuha ng kamera lalo na sa pagsasa-detalye ng mahahalagang elemento at eksena sa
pelikula. Sa pangkabuuan ay makikita ang seryosong hangarin na maisalaysay ang
karanasan ng mga ekstra sa totoong buhay (CBCP, 2013).”

Figure 4 Jeffrey Jeturian (Director of the film Ekstra) with Vilma Santos

Tunay na magamaganda nag pagkakagawa sa pelikulang ito kaya umani ito ng


samu’t saring feedback mula sa iba’t ibang sanggunian at karamihan dito ay magaganda.
Saludo ako sa mg ataong naka likod ng tagumpay na ito, mula sa direktor na si Jeffrey
Jeturian, na siyang naging susi upang maipahayag nang magaan ang mga mabibigat at
mapapait na reyalidad sa ating lipunan, na-direkta niya
Deray, Jalika; BROA30043; Page 9 of 21

nang maayos ang bawat tauhan at walang nasayang na kahit anong eksena dahil
sa kanyang husay sa pagiging direktor. Purong talent rin ang ipinamalas ng mga taga-
sulat ng buong kwento at ang mahusay na screenplay na ginampanan naman nina Zig
Madamba Dulay, Antoinette Jadaone, Jeffrey Jeturian.
Napabilib din ako ng bawat tauhan na gumanap sa pelikulang ito, nabigyan nila
ng hustisya ang bawat eksena at linya na nakatalaga sa kanila. Bawat karakter ay may
sari-sariling istilo ng pag-arte. Ating isa-isahin ang ilang mga tauhan sa pelikula upang
malaman natin ang iba’t ibang uri ng tao na maaari nating makasalamuha sa produksiyon.

Loida Maglaban (Vilma Santos). Si Loida ay isang


reketera na palaging umaasang magkaroon ng booking
upang gumanao na isang ekstra sa iba’t ibang palabas sa
telebisyon, ginagawa niya ito dahil mag-isa niyang pinapag-
aral ang kaniyang nag-iisang anak, todo-kayod para may
pambayad ng matrikula at panggastos sa araw-araw na
pamumuhay. Hindi maikakaila na isa na siyang beteranong
ekstra dahil sa dami na ng kanyang naranasan sa pagiging
ekstra, mahusay, maparaan at propesyonal. Napakahusay
talagang umarte ni Ate V, halos wala kang masasabi dahil sa
kaniyang kahusayan, kaya walang duda kung bakit siya
humakot ng award bilang Best Actress sa pelikulang ito.
Figure 5 Loida, Ekstra
Hindi lamang kita ang motibasyon ni Loida Malabanan.
Liban sa pangarap na maging sikat, isa rin siyang malugod na tagahanga. Ang makita
nang malapitan ang mga idolo niya ay para bang sapat na para mapawi ang mga hirap at
pagod niya. Minsan naglalaro rin ang kapalaran. Nagkaroon siya ng pagkakataong
magkaroon ng speaking part at gumanap bilang abogado na pinagyabang na niya sa anak,
mga kaibigan at kakilala, pero para lamang maunsiyami bandang huli dahil di siya nakita
at pinalitan pa siya ng iba sa papel niya.
Deray, Jalika; BROA30043; Page 10 of 21

Venus (Tart Carlos). Ang side-kick o kaibigan ni


Loida na kasakasama niya sa pag-eekstra. Gustong gusto
ko ang karakter ni Venus na palaban, Kilala si Tart bilang
kasambahay sa isang sumikat na palabas sa telebisyon na
“Be Careful With My Heart”. Hindi ko talaga malilimutan
ang isa sa paborito kong eksena ni Venus at Loida, ang
tila auditon ng pagiging yaya sa harap ng Assistant
Director, nagpatalbugan ang dalawa at na-showcase sa
eksenang iyon ang dalawang magkaiba ngunit parehas na
mahusay na artista.

Josie (Ruby Ruiz). Gumanap bilang talent


coordinator. Maisabuhay niya ang karaniwang ugali ng
Figure 7 Venus, Ekstra
mga talent coordinators,
mataray, strikto, mabunganga ngunit nandoon pa rin ang
tiyaga. Takot sa mga tinatawag na boss. Ginagampanan
ang trabaho upang mapunan ang mga kulang na roles. Isa
rin siyasa mga mahuhusay na artista, napakanatural kaya
walang duda kung bakit naiuwi niya ang gawad bilang
Best Supporting Actress dahil sa talentong ipinamalas
niya sa pelikula.
Figure 6 Josie & Loida, Ekstra

Madonna (Antonette Garcia). Ang


dakilang ekstra na business woman. Sa kanya
mo makikita ang halimbawa ng isang ekstra na
mayroon pang ibang ekstra habang
nagtratrabaho bilang ekstra, para bang may side
line pa siya habang nag-eekstra sa mga palabas.
Makikita rin dito kung gaano kapursigido ang
bawat isa para kumita pera, lahat ng paraang

Figure 8 Madonna, Ekstra pwedeng pagkakitaan ay talagang gagawin nila,


Deray, Jalika; BROA30043; Page 11 of 21

at isa yan sa mga katangian ng mga mamamayan sa ating lipunan, kung saan may
pagkakakitaan, doon tayo pumunta para kumita para sa pamilya. Madalas nating Makita
si G. Antonette sa iba’t ibang palabas o pelikula at talagang subok na siyang artista,
mahusay at propesyonal.

Vincent (Raymund Ocampo). Ang Assistant Director ng


soap opera na Una Kang Naging Akin, isa pang napakahusay na
aktor, nabigyan niya ng hustisya ang pagiging Assistant Director
at naisabuhay niya ang mga karaniwang katangian ng isang
katulong ng direktor. Ang mga Assistant Diretors ay kadalasang
napagpapasahan ng galit ng direktor, bugbog sa mga masasakit
na salita at utos, Nagampanan niya nang maayos ang kaniyang
papel at siguradong isa rin siya sa mga hindi malilimutang
karakter sa pelikula dahil sa kanyang husaa.
Figure 9 Vincent, Ekstra

Marlon Rivera (Direk). Siya ang gumanap bilang


direktor ng soap opera na Una Kang Naging Akin, napabilib
ako sa ipinakita niyang kagalingan dahil nagawa niyang
makipagsabayhan sa mga bigating artista, ang isa sa paborito
kong eksena niya sa pelikula ay noong pinaliguan niya ng
mura at masasakit na salita si Loida dahil sa palpak niyang
performance bilang isang abogado, bumagay sa kanya ang
papel niya bilang isang direktor.
Iyan ang ilan sa mga tauhan na tumatak sa akin dahil
sa kagilagilalas na ipinakita nilang performance na siyang
nagbigay sa pelikula ng kulay at bumuhay sa kwento sa Figure 10 Direk, Ekstra

isinulat nga mga manunulat.


Nagbigay rin ng maganda at kakaibang flavor sa pelikula ang ibang mga karakter
sa soap opera na pinamagatang Una Kang Naging Akin na parte ng kwento, kabilang
dito ang ilang bigatin at beteranong mga aktres na sina Piolo Pascual bilang Brando,
Marian Rivera bilang Belinda, Cherie Gil bilang Donya Beatriz, Pilar Pilapil bilang Ms.
Deray, Jalika; BROA30043; Page 12 of 21

Amanda o Donya Esmeralda, Cherry Pie Picache, Tom Rodriguez bilang Rafael, Eula
Valdez, Richard Yap at ang iba pa.

Figure 11 Ekstra, Behind the scenes

Patungkol sa performance ng mga karakter sa Una Kang Naging Akin, wala


akong masabi kundi napakahusay rin nilang lahat, syempre dahil matagal na rin sa
industriya ang mga artistang ito at beteranong beterano na sila pagdating sap ag-arte.
Nakadagdag sila ng aliw sa pelikula, nakadagdag ng bagong lasa at nabigyang
representasyon nila ang mga kasapi nilang mga propesyonal at beterano sa industriya.
Sa pamamagitan ng paghalo ng mga bigating artista ay mabibigyan ulit ang mga
manonood ng panibagong anggulo at ito ay ang anggulo ng mga bida at kontrabida sa
isang pelikula, kung ano ang kanilang mga ginagawa, kung paano sila tratuhin ng mga
staff?production team, kung paano sila umakto sa likod ng kamera. Isa itong magandang
hali,mbawa upang ipakita sa mga manonood ang iba’t ibang uri ng mga artista, mayroon
dito ‘yung mga palaging nahuhuli sa call time, pa-importante, mga tunay na propesyonal,
may mga matataas ang tingin sa sarili, mahirap pakisamahan, mabubuti sa katrabaho at
marami pang iba.
Magandang paraan ang ginawa dito upang mabigyang pansin din ang ibang
aspeto ng produksyon, hindi lamang nakatuon ang pansin sa mga ekstra ngunit mayroon
ding pahapyaw sa bawat tao na parte ng produksyon.
Deray, Jalika; BROA30043; Page 13 of 21

Figure 12 Loida, Ekstra

Unang ipinalabas ang Ekstra sa mga sinehan noong Agosto 2013, sa panahon na
ito ay marami nang sumikat na mga kilalang personalidad na nagsimula sa pagiging
ekstra. Simula noon pa lang, tila naging pangarap na ng bawat isa sa atin ang maging
artista, noong bata ako kapag tinatanong ako kung ano raw ba ang gusto ko paglaki, ang
palagi kong isasagot ay ang maging artista. Sa tingin ko ay halos lahat tayo ay pinangarap
mag-artista dahil tuwing nakikita natin ang mga artista sa telebisyon, nasasaksihan natin
na parang magaan ang trabaho nila, napakagaganda ng mga mukha at makikinis mga
balat, at kumikita ng limpak limpak na salapi. Mayroong ganitong pag-iisip sa ating mga
Pilipino noon, gustong mag-artista dahil daw madali lang at malaki ang kita.
Sa isang pananaliksik na isinagawa noong 2012, napag-alaman na ang kagustuhan
na sumikat para lamang matawag na “sikat” ay ang pinaka-popular na pangarap sa mga
grupo ng kabataan edad sampu hanggang labing-dalawang taong gulang (Kaufman,
2013). Sa isa namang pag-aaral na isinagawa ng isang grupo ng mga mananaliksik na
pinangunahan ni John Maltby noong 2008, nagbigay sila ng siyam na salik na nag-
uudyok sa mga indibidwal na maging interesado sa pag-aartista. Una ay ang ambisyon, at
ang pag-iisip na ito ang magiging sikreto sa pagtatagumpay kasabay ng paniniwala sa
sarili, sipag at tiyaga. Sumunod naman ang kung paano bigyang kahulugang isang tao
ang pagsikat, halimbawa; kung para sa taong ito, ang ibig sabihin ng pagsikat ay ang
madaliang pagkuha o pagkamit ng lahat ng kaniyang mga kagustuhan, materyal o hindi;
sa oras na sikat ka na ay mamahalin ka na ng lahat ng tao). Ang isa pa ay ang hangarin na
Deray, Jalika; BROA30043; Page 14 of 21

maging mabuting ehemplo sa lipunan at ang pang-huli ay ang pag-iisip na kabilang na sa


mga elitista ang mga taong sikat (Maltby et al, 2008).
Nagsimula na rin ang pagsabak ng mga nagnanais maging artista sa pagiging
ekstra, dahil sa mga nalalaman natin noon na may mga bigating artista ang nagsimula sa
pag-eekstra sa iba’t ibang palabas, kaya naman ang iba’y sumugal para mag-ekstra at
magbabaka sakaling mag-boom sila. At itong pelikulang Ekstra ang nagbigay ng insight
sa bawat manunuod kung ano ng aba ang pinagdadaanan hindi lamang ng mga ekstra
kundi ang bawat tao sa parte ng produksyon. Iyon ang nananaig na istruktura sa atin,
kung gusto mo maging isang sikat na artista, mag-ekstra ka muna, at paswertihan na lang
kung mapapansin ka o hindi, kung hindi pinalad, sumubok ka ulit, dahil nga ganon ang
ginawa ng mga sumikat na artista na galing sa pag-eekstra.
Ang pelikulang Ekstra ay pinaghalong drama at komedya. Ang kwento ay
nagpapakita ng parang walang katapusang araw sa buhay ng isang ekstra sa pelikula. Siya
si Loida Malabanan (Vilma Santos), mahigit limampung taong gulang at may isang anak.
Dahil nangangailangan ang kaniyang anak ng pangmatrikula, muli siyang pumasok sa
trabaho bilang isang ekstra. Sakto naman dahil may nangangailangan ng artista
kinabukasan. Gabi pa lang, humiram na siya ng damit na gagamitin mula sa kaniyang
mga kaibigan. Madaling araw siyang nagising, naghanda at tumungo sa lugar kung saan
siya susunduin kasama ng iba pang ekstra. Sa bahaging ito ng pelikula ipinakikita ang
pagmamaliit sa mga katulad niya: iiwan kapag nahuli sa call time; agad-agad papalitan
kapag nakitang hindi bagay sa role na hinahanap; at papauwiin kapag hindi nagustuhan
gaano man kalayo ang pinagmulan.
Nang mag-umpisa na ang taping ng pelikulang pinagbibidahan nina Marian
Rivera at Piolo Pascual, nagsimula na ang pagrolyo ng tyansang sumikat ni Loida. Ngunit
paano ito mangyayari gayong ang kaniyang ginaganapan ay hindi gaanong pansinin sa
pelikula? Siya ay naging manggagawang background lang habang nag-uusap sina Marian
at Piolo. Ginawa rin siyang kasambahay na nagsilbi kay Marian ng maiinom kung saan
hindi man lang nakita ang kaniyang mukha. Naging ka-double rin siya ng artistang si
Eula Valdez sa eksenang sasaktan siya ni Cherry Gil. Hindi rin ipinakita ang kaniyang
mukha rito dahil tinakpan ng supot ng pandesal.
Deray, Jalika; BROA30043; Page 15 of 21

Bukod pa sa nakapanliliit na role, ang pagod, puyat, gutom ay kaakibat ng trabaho


ng pagiging isang ekstra. Gayunpaman, nagtiis si Loida para kumita pa lalo at mabuo ang
halagang hinihingi ng anak. Pagsapit ng gabi, isa nanamang role ang binigay sa kaniya.
Sa pagkakataong ito, may linya na at kita na ang kaniyang mukha. Sumikat kaya siya?
Ipinakita rin dito ang kumbensyon ng mga pangyayari sa bawat kwento ng mga
ipinapalabas sa ating telebisyon, ang mga paulit-ulit na pangyayari, story line, predictable
plots. Na dapat tujwing mayroong naghahalikan ay naka-slow motion ang video at
mayroong audio na love song, tungkol sa mga kabit, sa mga arranged marriages at
tungkol sa love team na mayaman at mahirap.
Patungkol naman sa mga Aspetong Teknikal. Nababagay ba ang mga tunog at
musikang ginamit sa pelikula? Nakatulong ba ang musika sa paguhit ng emosyon at
pagpapatingkad ngkagandahan ng kwento? Ang musika na ginamit sa pelikulang ito ay
naaangkop sa bawat eksena na ginagawa ng mga aktor. Lalong nakakadala ang bawat
eksena dahil sa tulong ng musikang ginamit. May malungkot, masayang klase ng musika
depende sa eksena. Masasabi kong maayos ang pagkakagamit nila sa musika at
nakadaragdag ito sa pagiging magaan ng pelikula, maayos ang arrangements, at
nakakaganang panoorin dahil angkop ang bawat musikang ginamit sa mga eksena.

Figure 13 Loida & Joyce, Ekstra

Sa aspeto naman ng Sinematograpiya, maganda ba ang kabuuang kulay ng


pelikula? Mapusyaw ba o matingkad ang pagkakatempla ng kulay na kuha ng mga
camera? Maganda ba ang visual effects na ginamit? Maayos ang pagkakatimpla ng kulay
Deray, Jalika; BROA30043; Page 16 of 21

na kuha ng mga camera . Hindi masyadong matingkad at hindi din naman masyadong
mapusyaw. Maganda ang visual effects na ginamit. Lutang na lutang ang mga aktor sa
eksena. Isa rin sa rason kung bakit naka-eengganyo panoorin ang pelikula dahil sa
magandang sinematograpiya nito. Nakakaakit, sabi nga nila,
Ukol naman sa pagkasunud-sunod ng mga pangyayari, maayos ba ang
pagkakasunud-sunod ng mga eksena? Hindi ba ito nakalilito? Lahat ba ng tagpo ay
malinaw at mahalaga sa pinapaksa? Hindi nakakalito ang mga tagpo ng eksena , maayos
naman ang pagkakasunod sunod nila. Sinimulan nila sa pagpapakilala isa isa ng mga
gaganap sa eksena pagkatapos ay sinalaysay nila ang buong kwento ng pelikula. Natapos
ito ng maganda ang kinalabasan. Sa katunayan ay naaalala ko pa nga ang buod ng istorya
dahil hindi ito komplikado at hindi pinahaba nang sobra dahil sapat na ang storyline at
tagal nito upang ma-enjoy ng mga manonood ang pelikula. Dahil minsan, sa sobrang
damiong ang ng istorya, naguguluhan na rin ang mga manonood, kapag masyadong
mahaba ang kwento mo, tila naboboring ang iyong audience. Hindi katulad ng pelikulang
Ekstra, mayroong patutunguhan ang bawat eksena at kwento, hindi mahaba ngunit sapat
na upang maunawaan ng mga manonood ang kwento o istorya na nais ipabatid ng mga
taong bumuo sa kwento ng Ekstra.

Figure 14 Belinda & Brando, Ekstra KISSING SCENE

Sa mga tagpuan ng eksena, may maganda bang tagpuan ang pelikula?


Nakatutulong ba ang tagpuan sa kabuuang palabas? Angkop ba ang mga tagpuang
Deray, Jalika; BROA30043; Page 17 of 21

ginamit sa tema at kwento ng pelikula? Angkop naman ang mga tagpuan na ginamit nila
sa pelikula. Napakita ng maayos ng tagpuan ang bawat eksena na mahahalaga. Malaki
ang naitulong nito para maunawaan ang kwento. Isa rin ito sa mga pagsubok na
hinaharap ng production team, ang paghahanap ng shooting location na nababagay at
eksakto para sa mga eksena, kailangan din nila ikonsidera ang lagay ng panahon kung
ang mga shots nila ay exterior, kailangan din nila isipin ang set design nila,
napakaraming bagay na kailangang isipin at ikonsidera bago magsimula ang paggawa ng
isang palabas o pelikula.
Makatotohanan naman ang mga pangyayaring pinakita sa pelikula. Tinalakay sa
pelikulang ito ang kahirapan ng bawat pilipino. Ginagawa nila ang ibat ibang trabaho
kumita lang ng kaunting pera para matustusan nila ang pangangailangan ng kanilang
pamilya. Pinapasok kahit ang pinakamaliiyt na butas ng karayom upang may pantustos sa
pamilya at upang maka-survive sa araw-araw na pamumuhay.

Figure 15 Venuis & Loida, Ekstra (c) Andronico

Ang pelikulang Ekstra ay hindi lamang patungkol sa mga tao na naghahanap-


buhay bilang ekstra sa mga palabas o pelikula, ito ay kwento ng bawat manggagawa,
pamilya at mamamayan sa ating lipunan, ito ay sumasalamin sa panlipunang reyalidad,
simula sa sistema ng herarkiya, ang linya sa pagitan ng mga nakaaangat at mga nasa
laylayan, at pakikipagtungo ng magkakaibang tao mula sa iba’t ibang sector ng lipunan,
Deray, Jalika; BROA30043; Page 18 of 21

ang paghahanap buhay ng bawat manggagawang kontraktuwal na walang kasiguraduhan,


Ito ay kwento ng bawat Pilipino na araw-araw nakikipagsapalaran sa agid ng buhay,
araw-araw na nakikipagsapalaran sa reyalidad ng buhay, kwento ng mga kumakayod para
sa pamilya, kwento ng mga nang-aapi at inaapi, kwento ng masalimuot at mapait na
reyalidad sa ating kinakaharap araw-araw, kwento ng mga matitibay ang puso, kwento ng
mga sumusugal sa walang kasiguraduhan. Nirerepresenta ng bawat tauhan ang mga
Pilipino na mayroong iba’t ibang uri ng pamumuhay. Oo, naka-pokus ito sa kung anong
klaseng mundo ang mundo ng midya, magulo, maingay, masamok, magastos,
nakakapagod, ngunit ano bang pinagkaiba nito sa mundong ating ginagalawan? Hindi ito
tulad ng ibang pelikula na bubusugin ang iyong mga mata sa kasinungalingan at
pantasya, iba ito, ipapakain sa iyo ng pelikulang ito ang mga katotohanan sa iba’t ibang
aspeto ng buhay. Nilalarawan ng Ekstra ang buhay ng mga bit player sa paraang
nakakatawa. Pero sa kabila ng mga halakhak ay malinaw ang reyalidad na mahirap pa
lang maging ekstra. Kaya sinuman ang magsabi ngayon na “ekstra lang ako” ay hindi
mo mamatahin, bagkus igagalang at irerespeto sa laki ng kanilang sakripisyo, makasingit
man lang sa kakapiranggot na eksena sa murang bayad na pinaghirapan nila iyan ang
personal kong pananaw sa lente ng reyalidad at humanidad.
Kung tayo ay titingin lamang sa surface, kung maiging iisipin, ang pelikulang
Ekstra ay isang napagandang palabas hindi lamang para sa mga “umeekstra” sa mga
pelikula ngunit pati na rin sa mga manonood lamang. Sa katunayan, isinagawa ni Jeturian
ang pelikula upang magbigay pugay sa lahat ng bumubo ng isang pelikula dahil nais
nitong lalong mapahalagahan ng mga manonood ang mga pelikula kung nakikita nila ang
lahat ng hirap at pagod na ibinibigay ng mga bumubuo nito dito. Bukod doon, minsan na
rin kasing naranasan ni Jeturian na hindi mabigyang pansin sa lahat ng hirap na
ginugugol niya noon bilang miyembro ng ilang malalaking production team noong
nagsisimula pa lamang siya sa industriya. Nagsimula siya na ginagampanan ang halos
lahat ng papel sa produksyon gaya ng production assistant, script continuity, art director,
production assistan at sa pagtagal ng panahon, assistant director. Gaya ng mga ekstra, sa
kabila ng lahat ng hirap, puyat at pagod, tiniis niya ang mga ito dahil mahal niya ang
ginagawa niya. Mahal ang industriya ng pelikula (Mateo, 2013). Gaya ng nabanggit,
isinulat ang pelikula para sa mga manonood, ngunit mas mahalaga, isinulat ito para sa
Deray, Jalika; BROA30043; Page 19 of 21

mga ekstra, upang ipaalam sakanila na hindi sila dapat sumuko sa kanilang pangarap
dahil nakikita sila, napahahalagahan sila, na hindi porket tingin nila hindi sila
magtatagumpay ay susuko na sila. Ang panlipunang implikasyon nito ay ang pagbabago
sa sistema ng mga direktor at sa set ng shooting. Dapat matapos ito panoorin ay
magkaroon ng mas matinding pagpapahalaga sa mga ekstrang naghihirap upang makita
lamang sandali sa telebisyon, at kahit man lamang likod nila, at patas na pagtrato sa lahat.
Hindi dapat porket ekstra lamang sila ay hindi na sila bibigyan ng tratong gaya sa artista,
maaaring hindi pantay, dahil siyempre, iba pa rin ang malalaking personalidad, ngunit
dapat, ay patas.

Figure 16 Ekstra, TUBUHAN

Sa panahon ngayon, hindi naman maikakaila na marami ang naghahangad na


maging matagumpay sa larangan ng show business kahit pa nangangahulugan ito na
kinakailangan muna ng karamihan na magdaan sa hirap bago maabot ang kani-kanilang
pangarap na maging isang artista. Sa pangkabuuan, napakahalaga na marami ang
mapakanood ng pelikulang ito sapagkat tinalakay dito ang mga sakripisyo at pagsisikap
ng mga gumaganap bilang ekstra sa mga palabas sa telebisyon at mga pelikula upang
kumita sa marangal na paraan at makatulong sa pagtataguyod sa pang araw-araw na
pangangailangan ng kanilang pamilya. Mahalaga rin na bigyang pansin ang
determinasyon ng mga ito upang pagbutihin lalo ang pagganap sa pag-asang baka isang
araw ay makuha sila bilang malalaking artista. Makahulugan at malaman ang mga
linyang sinasambit ni Loida sa mga kapwa ekstra upang magbigay inspirasyon na kahit
Deray, Jalika; BROA30043; Page 20 of 21

maliliit na papel lamang ang nabibigay sa kanila ay dapat silang maging masaya sa kabila
ng mga hindi kanais-nais na kalagayan ng kanilang trabaho at maunawaan ang
kahalagahan nila sa pagbuo ng isang palabas. Nakakatulong rin ang pelikula upang
maipaalam sa publiko ang mga kaganapan sa likod ng mga sinusubaybayan nilang mga
palabas sa telebisyon dahil bukod sa mga ekstra ay buong tapat din ditong ipinakita ang
hirap ng mga tao sa likod ng produksyon at ang kanilang mga hamon at ang presyur na
hinaharap sa trabaho. Bukod doon, mahalagang maipakita sa madla ang ganitong uri ng
palabas upang ipakita ang pagmamalabis at kasamaan ng ugali ng ibang artista at ng
direktor na siyang nagiging dahilan ng mga presyur na hinaharap ng mga lahat, lalo na ng
mga kinakawawa na siyang mga pinakamaliliit na miyembro ng produksyon, ang mga
ekstra na di makalaban sa pang-aapi, pangmamaliit at pagpapahiya sa kanila. Mahalaga
rin ito na mapanood ng mga malalaking bosses at mga namamahala sa produksyon upang
maigi nilang pagnilayan na ang kulturang ipinrisinta sa pelikula ay hindi dapat
makasanayan sapagkat bagamat ekstra lamang ang papel ng mga ito sa pelikula ay malaki
pa rin ang epekto nito sa kabuuan ng palabas. Ang Ekstra ay isang kakaibang
pagmamasid sa tunay na buhay ng mga taong hindi natin nakikilala sa likod ng kamera at
ito rin ay sumasalamin sa panlipunang realidad.
Deray, Jalika; BROA30043; Page 21 of 21

SANGGUNIAN
CBCP. (2013). Ekstra. Nakuha mula sa
https://cbcpcinema.blogspot.com/2013/08/ekstra.html
Hawson, F. (2013). Review: Ekstra is an excellent paradox. Nakuha mula sa
http://news.abs-cbn.com/lifestyle/07/29/13/cinemalaya-review-ekstra-excellent-paradox
IMDb. (2014). Ekstra. Nakuha mula sa https://www.imdb.com/title/tt3031022/awards
Kaufman. S. (2013). Why Do You Want to Be Famous?. Nakuha mula sa
https://blogs.scientificamerican.com/beautiful-minds/why-do-you-want-to-be-famous/
Maltby, J., Day, L., Giles, D., Gillett, R., Quick, M., Langcaster-James, H., & Linley, P.
A. (2008). Implicit theories of a desire for fame. British Journal of Psychology,99(2),
279-292. doi:10.1348/000712607x226935
Mateo, I. (2013). Movie Review: ‘Ekstra’ exalts the lowly bit players, raps ‘studio
system’. Nakuha mula sa
http://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/content/322320/movie-review-ekstra-exalts-
the-lowly-bit-players-raps-studio-system/story/

You might also like