You are on page 1of 4

I.

Layunin:

Nakikilala ang ilan sa mga halimbawa ng Pabula.

Naiuugnay ang representasyon ng mga tauhang hayop na tinalakay sa kaugalian ng tao sa totoong

buhay

Nakapagbibigay ng simpleng mensahe o aral hinggil sa pabulang tinalakay.

II. Paksang-Aralin

a. Paksa: Pabula: Ang Gorilya (Amomongo) at ang Alitaptap (Ipot-ipot)

b. Sanggunian: Baisa, Julian A. et al, Pinagyamang Pluma, Phoenix Publishing House.

Pp. 249-252

c. Mga Kagamitan: Larawan, visual aid,

III. Pamamaraan

a. Panimulang Gawain

1. Pambungad na panalangin

2. Pagbati

3. Pagtala ng mga lumiban

b. Balik-aral

c. Pagganyak

Ang klase ay magkakaroon ng isang laro na tatawaging “Pagsasahayop.” Sila ay

mahahati sa 3 grupo na may tig-tatlong miyembro. Magpapakikita ng larawan ang guro

ng iba’t-ibang larawan ng pabula. Kinakailangang mahulaan ng mga mag-aaral ang

titulo ng pabula. Bago sumagot ang mga ito, sabay-sabay nilang bibigkasin ang huni

ng hayop na naatas sa kanilang grupo at pagkatapos ay sasabihin ang sagot. Ang

grupong may pinakamaraming puntos ang siyang mananalo.

Ang mga pamagat ng pabulang huhulaan

1. Si Langgam at si Tipaklong

2. Si Unggoy at si Buwaya

3. Ang Aso at ang kanyang Anino

4. Si Pagong at si Matsing
5. Ang Leon at ang Daga

d. Pagtatalakay

Muling babalikan ng guro at mga mag-aaral ang kanilang aktibidad at kanilang

pupunain ang pagkakapare-pareho ng mga larawan.

 Ano ang pagkapare-pareho ng mga nasa larawan?

 Naiisip niyo na ba kung ano ang tatalakayin natin ngayong araw?

 Kung gayon, base sa ginawa nating aktibidad anong uri ng panitikan ang

gumagamit ng mga hayop bilang tauhan sa kwento?

e. Paglalahad

Ang guro ay muling gagamit ng mga larawan para sa mga detalye at iba pang

impormasyon ukol sa pabula.

Mga Larawan Katanungan

Unang larawan: Mapa ng Greece, Zeus, at ang mga  Ano ang nakikita ninyo sa
Diyos sa Gresya. larawan?
 Sa tingin ninyo, ano ang
kinalaman nito sa Pabula ?

Pangalawang larawan: Imahe ni Aesop “Ang ama ng  Kilala niyo ba siya?


sinaunang pabula”  Ano kaya ang ginagampanan
niya at naging kontribusyon niya
sa larangan ng pabula?
Pangatlong larawan: Larawan ng puso,  Anong nakikita ninyo sa
larawan?
 Sa pagbabasa natin ng mga
akdang pabula, ano kayang
napakahalagang bagay ang
maiiwan nito sa ating buhay base
sa larawan?

Pang-apat na larawan: Larawan ng unggoy at aliptaptap.  Ano ang nakikita ninyo sa


larawan.

Ang Unggoy
at ang
Alitaptap

Ang huling larawang ipapakita ng guro ay nagpapakita sa pabulang tatalakayin. Ang

larawan ay binubuo ng imahe ng unggoy at Alitaptap.

Tatalakayin ng guro ang pabula sa pamamagitan ng paggamit ng storybook.

f. Pagpapahalaga

 May mga tao pa kayang katulad ni Amomongo?

 May mga tao pa kayang katulad ni Ipot-ipot?

 Sino ang nararapat na gayahin sa dalawa? Bakit?

 Sa tingin ninyo, ano ang rason ni Ipot-ipot sa paghahamon kay Amomongo?

 Ano ang aral na nakuha mo sa kwento?

IV. Pagtataya /Ebalwasyon

Pangkatang Gawain

Bumuo ng ng dalawang grupo at gumawa ng isang slogan na pumapatungkol sa iba pang

mga aral na matutunan sa pabulang nabasa. Pumili ng isang representante upang talakayin ito

sa klase. Narito ang pamantayan sa paggragrado.


Pamantayan

Mensahe ng Slogan 40%

Pananalita 25%

Pagkamalikhain 20%

Kooperasyon at Partisipasyon 15%

V. Kasunduan

 Gumawa ng isang kwento na kinasasangkutan ng mga tauhang hayop.

 Basahin ang Alibughang Anak.

You might also like