You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino I

I. Layunin:

Natutukoy ang dalawang uri ng Pangalan at ang mga halimbawa


nito.

II.Paksang Aralin:

a. Uri ng Pangalan

b. Sanggunian: Katinig, Pagbasa at Gramatika Pahina 44-49

c. Kagamitan: Larawan, tsart

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag- aaral

A. Balik- Aral

Magandang umaga mga bata Magandang umaga po


guro.

Bago tayo mag- umpisa sa ating

aralin , ano an gating huling Guro, tungkol po sa

napag- aralan? pagsunod sa payo ng

magulang.

Tama, bakit kailangan making

tayo sa payo ng ating mga magulang? Guro,para hindi tayo

mapahamak.

Tama

B. Pagganyak

Ano ang nakikita niyo sa larawan? Guro, iba’t- ibang


larawan ng tao,
bagay, hayop at
pangyayari.

Tama

C. Paglalahad ng Aralin

Ang ating pag- aarlan ngayon ay

tungkol sa Uri ng Pangalan. Ang

mga larawan ay mga halimbawa ng

pangngalan.

Ano ang unang larawan? Guro, doktor po.


Tama, doktor ang halimbawa

ng ngalan ng tao.

Ano naman ang larawan na ito? Guro, aso po

Tama, ang aso ay halimbawa

ng ngalan ng hayop.

Ano naman ang larawan na ito? Guro, simbahan po

Tama, ang simbahan ay halimbawa

ng ngalan ng lugar.

Ano, naman ang larawan na ito? Guro, bagon taon po

Tama, ang bagong taon ay halimbawa

ng ngalan ng pangyayari.

Ang mga larawan na nakita ninyo

ay ang mga uri ng pangngalan.

Ang Pangngalan ay tumutukoy sa

ngalan ng tao, lugar, bagay,

hayop o pangyayari.

May dalawang uri ng Pangngalan ang

Pangngalang Pambalana at Pangngalang

Pantangi.

Ang Pangngalang Pambalan ay

tumutukoy sa karaniwang ngalan

ng tao, hayop, bagay, lugar at

pangyayari.

At nagsisimula ito sa maliit


na titik.

Halimbawa: lolo, aso, cellphone,

lungsod, actor

Ang Pangngalan Pantangi naman ay

tumutukoy sa tiyak o tanging ngalan

ng tao, hayop, bagay, lugar at

pangyayari. Nagsisimula ito sa

malaking titik.

Halimbawa: Lolo, Peter, Blackie,

Samsung, Manila, Michael V.

D. Paglalahat:

Ang Pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay,


lugar at pangyayari. May dalawang uri ito ang Pangngalang
Pambalana at Pangngalang Pantangi.

IV. Pagtataya

Sumulat ng isang pangngalang pantangi para sa bawat


pangngalang pambalana.

1. planeta

2. bansa

3. festival

4. kuya

5. paligsahan

6.aklat

7. mang- await

8. sapatos

9. lungsod

10. bangko

V. Takdang Aralin

Magbigay ng limang halimbawa ng Pangngalan Pambalana at


limang halimbawa ng Pangngalang Pantangi.

You might also like