You are on page 1of 8

Masusing Banghay Aralin sa Filipino VII

I. Layunin
1. Nakababasa ng akdang “Ang Mataba at Payat na Usa” sa
pamamagitan ng dugtungang pagbasa.
2. Naiisa-isa at napagkukumpara ang bawat tauhan sa pabula sa tulong
ng venn diagram.
3. Nakapagbibigay ng sariling opinyon at saloobin batay sa
paksang “Ang Mataba at Payat na Usa”.
4. Naipapakita ang pagpapahalaga sa mga kwentong Maguindanaon at
Maranao sa pamamagitan ng sanaysay.
5. Naisasadula ang mahahalagang pangyayari sa kwento sa
pamamagitan ng shadow puppet play, talk show at living
gallery.
II. Paksang-aralin
A. Ang Mataba at Payat na Usa (Pabula)
B. https://docs.google.com/viewer?
a=v&pid=sites&srcid=ZGVmYXVsdGRvbWFpbnxrYW1maWxhbm
R1YnJpYXpheTEwMjE5NzEyMDc4OHxneDo1NDM5ZmQ5N2Yx
ZjJjYTNi
C. Larawan ng mataba at mapayat na usa, larawan ng isang usang
sugatan, larawan ng puno ng mansanas, pentelpen, cartolina, tela at
karton.
III. Pamamaraan

Gawaing - Guro Gawaing - Mag-aaral


A. Aktibiti
1. Ano ang masasabi ninyo
sa unang larawan?

Mataba po yung usa.

E itong pangalawang
larawan naman?
Mapayat pong usa.

Tingnan naman natin


ang huling larawan. Ano
ang masasabi nyo rito?

Sugatan po yung usa.

Ang ating araling


tatalakayin ngayong
araw ay kaugnay ng
mga larawang aking
ipinakita.

2. Oral na Pagsagot
Ngayon ay palawakin
muna natin an ating
talasalitaan bago tayo
dumako sa pagtalakay
ng aralin.
Hanapin ang
kabaliktaran ng mga
salita sa loob ng kahon.

Daskal Mahinhin Natuwa


Kinuha Naniniw ala

Mabubuhay1.Mamamatay Binigay Nagtataka Mabubuhay


Binigay 2.Tinanggap
Daskal 3.Maingat
Natuwa 4.Nanlumo (magsisitaasan ng kamay)
Naniniwala 5.Nagdududa (may magsasagot na
estudyante sa unahan.)

Sino ang nagsagot sa unang


bilang?

Ang kabaliktaran ng
mamamatay ay mabubuhay,
tama! Ngayon, gamitin mo
ito sa pangungusap.

(magtataas ng kamay ang


sumagot)
Sa ikalawang bilang naman.
Ano ang kabaliktaran ng
tinanggap? Gamitin din ito sa
pangungusap.

Mabubuhay lamang ako kung


ikaw ay lilisan na.

Sa ikatlong bilang?

Binigay po. Binigay ni Reo


Sa ikaapat na bilang naman? kay Yna ang bulaklak.

Ang kabaliktaran ng maingat


ay daskal. Ang kapatid ko ay
At sa huling bilang? daskal kaya nabasag ang
pinggang hawak nya.

Ang kabilktaran ng nanlumo


Tama ang inyong mga sagot. ay natuwa. Natuwa ang bata sa
Basahin naman natin ang kanyang nakuhang regalo.
kwentong ating tatalakayin
ngayon.
Ang kabaliktaran ng
nagdududa ay naniniwala .
B. Analisis Naniniwala si Rosa sa
1. Ang kwentong ating kasinungalin ni Fidel.
tatalakayin ay ang “Ang
Mataba at Payat na
Usa”. Kunin ang inyong
kopya at basahin ito
mula sa unang hanay
hanggang sa huli. Kada
estudyante ay isang
pangungusap ang
babasahin.

2. Anong uri ng panitikan


ang akdang ating
tinalakay?

Tungkol saan naman ang


kwento?

Paano mo nasabing
inggitera ang isa sa mga
usa? Pabula po.

Tungkol po sa magkapatid na
usa po tapos yung isa po ay
inggiterang usa.

Nung nakita nya po kasi ang


mga karneng dala at ibibigay
sa kanya ni Mapiya a Bolawa
ay hindi nya ito tinanggap at
sinabing magkakaroon din sya
C. Abstraksyon noon. Pumatay siya ng usa
1. (Magdidikit ng kartolina sa kahit ito ay mapayat na at
unahan na may larawan ng kinuha ati lamang loob nito
puno ng mansanas.) Ano ang mahigitan lamang at
nakikita o napapansin nyo sa malamangan ang kanyang
gitna ng puno? kapatid.
May nakalagay pong salitang
“inggit”.

Ang gagawin nyo ngayon ay


ilalagay nyo sa bawat
mansanas ang maaaring
maging bunga ng inggit.
(Isa-isang magtataas ng kamay
at magsasagot sa unahan.)

Sino ang mga sumagot sa


unahan? Magpaliwanag ang
isa kung bakit iyon ang
naging sagot.
Maaari pong maging bunga ng
inggit ay ang galit. Kasi po
minsan pag naiinggit po ang
isang tao sa inyo, kahit wala
naman po kayong ginagawa sa
kanya nagagalit po sila sa’yo.

2. Pangkatang Gawain:
Hahatiin natin ang klase sa
dalawang grupo.
Magbilang kayo ng
hanggang dalawa at kung
sino ang katulad nyo ng
numero ay ang inyong
kagrupo.
(magbibilang at pupunta sa
kani-kanilang grupo.)
Pumili kayo ng kinatawan
at pumunta dito upang
bunutin ang kanilang
gagawin.

Ano ang nabunot ng unang


pangkat?
Shadow puppet play po.
Ang gagawin nyo dyan ay
isasadula nyo ang maikling
kwento gamit ang shadow
puppet play. Mayroon ako
ritong tela at mga tauhan
ma gawa sa karton na
gagamitin ninyo sa
pagsasagawa ng shadow
puppet play.

Ano naman ang nakuha ng


ikalawang pangkat?

Tableu po.

Ang gagawin nyo naman


dyan ay pipili kayo ng isang
eksena sa kwento at
ipapakita ninyo ang
pangyayari dito habang
nakatigil. Halimbawa,
nagluluto. May kunwari-
kunwariang kawali tapos
hawak nyo yung sandok na
umaaktong nagluluto pero
nakatigil kayo.

(Pagkatapos ng limang
minuto ay ipepresenta na sa
unahan.)

D. Aplikasyon
Batay sa inyong sariling
karanasan, magbigay ng mga
maaaring dahilan ng inggit.

Isa po sa maaaring dahilan ng


inggit ay dahil sa
pagkukumpara. Minsan po
kasi kapag nagkukumpara
tayo bumababa yung tingin
natin sa sarili natin kaya po
naiinggit tayo.
Kung kayo naman si Marata a
Borawa, ano ang gagawin
ninyo? Tatanggihan nyo rin ba
ang ibibigay sa inyo ng
kapatid nyo? Ipaliwanag.

Tatanggapin ko po at hindi po
ako maiinggit sa kanya dahil
kapatid ko naman po sya.
Kung mayron man po akong
pagkain ay babahagian ko rin
po sya.
May iba pa bang sagot?

Tatanggapin ko rin po. Kasi po


may tiwala naman ako sa
kapatid ko kaya alam ko pong
mabuti ang maidudulot nito sa
akin kaya wala pong dahilan
para mainggit ako sa kanya.
Magaling. Tingnan natin kung
natutunan nga ba talaga ninyo
ang ating aralin. Kumuha ng
¼ na papel at sagutan ang
mga sumusunod. (maglalagay
ng kartolina kung saan
nakalagay ang pagsusulit.)

A. Panuto: Isulat ang tamang


sagot kung ang may
salangguhit na salita sa
pahayag ay mali at isulat
naman ang USA kung ang
pahayag ay tama.

1. Ang dalawang usa ay


magpinsan.
-magkapatid

2. Ang anak ni Marata a


Balowa ay si Mararaya.
-Marata
Si Mapiya a Balowa ang ina ni Marata.
-Marata a Balowa

Ang bayan kung saan nakatira ang


dalawang usa ay sa bayan ng
Akamaniyog.
-Agamaniyog

Si Marata a Balowa ang nakakita sa


matabang usa.
-Mapiya a Bolawa

B. Pagkumparahin ang dalawang


pangunahing tauhan sa kwento sa
pamamagitan ng Venn Diagram.

C. Gumawa ng maikling sanaysay kung


paano pahahalagahan ang panitikan ng
mga Maguindanaon at Maranao.

Bibigyan ko lamang kayo ng sampung


minuto para magsagot.

IV. Kasunduan/Takdang Aralin


Ipapabasa ang epiko ng Mindanao na “Prinsipe Bantugan” para sa
susunod na aralin.

Inihanda ni:
Monica P. Alpuerto
Bsed-Filipino IIB

You might also like