You are on page 1of 7

Kwento: Apolakus!

Isinulat ni Alice Mallari;


Iginuhit ni Leo Agtuca

Buod ng Kwento
Sa isip ng batang si Dadoy, siya ay isang madyikero na lumalaban sa masasamang tao. Ngunit sa totoong buhay
siya ang inaasar, tinutuya at inaagawan ng pagkain ng dalawa niyang kaklase. Sina Jay-Jay at Yuki ang gustong
labanan ni Dadoy upang hindi na siya asarin at agawan ng baon, pero di niya sila malabanan. Napansin ng kanyang
nanay na matamlay lagi si Dadoy at nagtatago sa likod ng batang madyikero. Nalaman niya na may umaaway pala
kay Dadoy kaya kinausap niya ang guro ni Dadoy. Tinuruan niya si Dadoy na gumawa ng mabuti sa dalawang batang
umaaway sa kanya. Dahil dito naging magkaibigan na ang mga bata.

BANGHAY- ARALIN
Likha nina: Blas, Llanera, Lee
(EDR 110)

Layunin
A. Pagwawari o Pagpapahalaga
1.Maunawaan ang kahalagahan ng pakikipag-usap ng problema sa magulang at guro.
2.Mapagtanto ang mga naaangkop na paraan sa pagpigil ang masamang pakikitungo sa isa’t isa.
3.Maramdaman ang kalungkutan at takot sa pagkakataon na tayo ay inaaway.
4.Maramdaman ang saya dulot ng pagkakaibigan.
5.Mabigyang-halaga ang istilo ng manunulat at ilustrador sa paggamit ng ganitong uri ng
kwento.
B. Paglilinang ng Kasanayan
1. Mailarawan ang dalawang anyo ng pangunahing tauhan.
2. Maihambing ang kathang-isip at ang realidad sa buhay ng pangunahing tauhan sa
kwento.
3. Maglista ng mga bagay na ginagawa ng mga batang nang-aaway o nang-aasar palagi.
4. Maisulat ang mga nararapat na tugon kapag nakakaranas ng pang-aasar o pang-aaway.
5. Isulat ang pasasalamat para sa mga tao sa buhay mo.
6. Makapagsulat ng liham ng pagpapatawad sa kapwang nakasakit sa iyo.

Pamamaraan
A. Bago Magbasa
1. Pag-alis ng balakid
Paggamit sa konteksto sa pamamagitan ng pagsasalaysay kung saan gagamit ng isang kwento;
litrato, halimbawa at pagpipilian; at pag-arte kapag naaangkop
Salita Kahulugan Paraan ng paghawan

duweto sabay na nagsalita paggamit sa konteksto at pag-arte

engkwentro harapan o labanan paggamit sa konteksto

sugpuin Talunin paggamit sa konteksto

usbong bagong labas na bunga paggamit sa konteksto at litrato

tagdan Flagpole paggamit sa konteksto at litrato

namalikmat hindi totoong nandoon; mabilisang paningin paggamit sa konteksto at pagpapakita ng


a o pagpuna sa nakita naaangkop na galaw

espasol puting kakanin pagpapakita ng halimbawa at litrato


Ang isasalaysay ay:
1. Sa isang malayong lugar mayroong dalawang kawal. Sila ay laging magkasama dahil sila ay matalik na
magkaibigan. Minsan sila ay napapagkamalang kambal. Minsan nagduduweto kapag sila ay nagsasalita.
(Magduduweto sina Mea at Jem. Ano kaya ang ibig sabihin ng duweto? Paano kaya sila magsalita,
magkasabay o hindi?)
2. Dahil sila nga ay mga kawal, madami na silang naengkwentrong mga masasamang tao at mga
nakakatakot na halimaw. (Ano kaya ang ibig sabihin ng engkwentro? Ano bang ginagawa ng mga kawal sa
mga masasamang tao at mga nakakatakot na halimaw? Kinamusta ba nila yung mga masasamang tao?)
3. Isang araw ay lumapit sa kanila ang hari at hiniling na sugpuin ang masamang dragon sa kanilang
kaharian. “Sugpuin ninyo ang dragon dahil wala nang taong lumalabas sa kaharian. Lahat kasi ay takot sa
kanya,” ang sabi ng hari. (Ano kaya ang ibig sabihin ng sugpuin? Gusto ba ng hari na manatili ang dragon
o mawala ang dragon?)
4. Totoo nga na masama ang dragon! Tinatakot nito ang mga tao. Nagbubuga siya ng apoy kaya nasisira ang
bagong usbong na palay! Hindi na tuloy lumalaki ang mga palay. (Ano kaya ang ibig sabihin ng usbong?
Malaki na kaya yung tanim na palay? O maliit pa lang? Matanda o bata pa yung tanim? Puno ba ito?)
5. Napagpasyahan nilang tulungan ang hari. Nang sumunod na araw, nagkita sila sa paaralan sa tapat ng
mataas na tagdan kung saan nakasabit ang bandila ng kanilang kaharian. (Ano kaya yung tagdan? Building
ba ito? Saan ba nakasabit ang bandila sa inyong paaralan?)
6. Dumating ang gabi kaya’t sila ay tumigil muna at natulog. Sa kalagitnaan ng gabi, may narinig silang
mababang tunog. Nang tiningnan nila akala nila ito na yung dragon! Pero namalikmata lang sila at isang
malaking puno lang pala ito. (Ano kaya yung malikmata? Nakita ba nila yung dragon? Totoo kaya yung
nakita nila?) Sumunod na araw tumuloy na sila sa kweba kung saan nakatira ang dragon. At doon nga
nakalaban nila ang masamang dragon! Mahaba ang kanilang paglalaban pero sa huli sila ay nagtagumpay
sila! Pag-uwi nila ay nagsaya ang buong kaharian at nagpakain ang hari. Sa sobrang pagod, espasol na lang
ang kinain nila at sila ay natulog na. (Alin kaya sa dalawang to [kutsinta at espasol] ang espasol?)

2. Paggaganyak
Nakanood na ba kayo ng nagma-madyik o ng salamangkero? Ano ang minadyik ng napanood
ninyo?

3. Pagtatakda ng Layunin
Tamang-tama kasi may ipapakilala akong bata ngayong araw na ang hilig din sa madyik. Ano kaya
ang gusto niyang imadyik? Bakit kaya siya nagmamadyik? Gumana kaya ang kanyang madyik? Alamin
natin sa kwento ni….
4. Ipakilala ang kwento, pamagat, may-akda, ilustrador, naglimbag at petsa ng paglimbag sa libro.

B. Habang Nagbabasa
Basahin ang kwento sa harap.
Pasabayin ang mga bata sa pagbabasa ng ibang mga salita (yung mga imbentong salita ni Dadoy, hal.
Tendegus Apolakus!)
Mga tanong:
1. Gagana kaya ang madyik ni Dadoy? Ano kaya ang gagawin nina Jay-Jay at Yuki?
2. Totoo bang may 2 unggoy? Sino kaya ang tinutukoy na unggoy ni Dadoy?
3. Totoo kayang nangyari iyon kina Jay-Jay at Yuki?
4. Tama ba ang ginawa nila kay Dadoy?
5. Kung kayo si Dadoy, sasabihin ninyo ba sa Nanay ninyo ang totoo?
6. Kanino pala tayo dapat humingi ng tulong kapag tayo ay may problema?
7. Bakit kaya namula ang mukha nina Jay-Jay at Yuki?

C. Pagkatapos Magbasa
- Ngayon mga bata, may gagawin tayong mga gawain tungkol sa kwento natin kanina. Igugrupo ko
kayo sa 4. Ipapaliwanag ko isa-isa ang mga gawain at sabay-sabay tayong gagawa ng mga ito. Handa na ba
kayo?
Sa pisara ididikit ko ang mahiwagang patpat ni Dadoy. Unti-unting mawawala ang patpat at kapag
naubos na ito lahat, ibig sabihin dapat tapos na ang gawain ninyo. Sige simulan na natin.

1) Noon at Ngayon
Isulat sa patlang ang dalawang katauhan ng ating bida. Buuin ang puzzle at isulat sa patlang kung anong
katauhan niya.
Bata o Madyikero?

_______________________ __________________________

2) Kathang isip o realidad?


Alamin kung kathang-isip o realidad ang mga pangyayari sa mga larawan (photocopy ng mga pahina ng
libro). Idikit ang mga larawan na kathang-isip sa kaliwang bahagi, at ang mga larawan na naglalaman ng
realidad sa kanan.
Kathang-isip Realidad

3) Ang dapat kong gawin!


Ano ang dapat gawin tuwing mayroong nang-aaway o nang-aasar sa inyo? Lagyan ng tsek ang kahon kung
ang nakasulat sa papel ay tama, at ekis naman kung mali.

4) Patawad, di ko na uulitin
Isipin ninyo na kayo sina Yuki at Jay-Jay. Sumulat kayo ng liham ng pagpapatawad kay Dadoy.

Mga Tanong Para sa Talakayan:

Ano nga ulit ang pangalan ng pangunahing tauhan sa kwento? Ilan ang nagiging ● Dadoy
anyo niya? Anu-ano ang nagiging anyo niya? Upang higit nating makilala ang ating ● 2
bida, tawagin natin ang unang pangkat. Babasahin nila ang kanilang gawa.

Group 1

Dalawa ang anyo ni Dadoy kasi minsan siya ay batang madyikero. ● Apolakus!

At ano nga ba yung sinasabi ni Dadoy tuwing siya ay nagmamadyik?


Totoo bang kaya niyang gumawa ng madyik?

Sa ating kwento, may mga panahon kung saan iniisip ni Dadoy na magmadyik. Ito
yung mga pangyayaring tinatawag na kathang-isip. Ibig sabihin, hindi talaga
nangyari ang mga bagay na iyon. May panahon din kung saan pinapakita ang totoong
nangyayari.

Kaya atin namang tawagin ang pangalawang grupo para ipakita ang kaibahan ng
nasa isip ni Dadoy at ang totoong mga pangyayari. ● Hindi po

Teka, bakit nga ba kasi gustong magmadyik si Dadoy? At ano ba ang gusto niyang i-
madyik? Anu-ano ang mga ginagawa sa kanya?

May mga ganito bang bata sa eskwelahan ninyo? Maaring hindi baon ang kinukuha,
maaring namimilit silang ibigay ang pera mo sa kanila o kaya laging may inaaway
na mas maliit sa kanila? O kaya naman namgnyari na bas a inyo ito? Kung oo, ano
ang ginawa mo?

Si Dadoy naman ano ang gusto niyang gawin sa kanila, kahit man lang sa isip niya?
Tama ba yung mga iniisip ni Dadoy?

Ano kaya ang dapat gawin ni Dadoy o hindi dapat gawin ni Dadoy? Tawagin nating ● Hindi po.
ang pangatlong grupo upang sabihin sa atin. Mali po kasi
ang gumanti
Bukod sa sinabi ng pangatlong grupo, ano pa kaya ang maaring ninyong gawin kung sa mga nang-
nangyari sa inyo ito? (to the teacher: make sure the processing is towards non- aaway.
violent ways and means)

Sorry, di ko na
uulitin.
Ano kaya ang dapat nilang sabihin kay Dadoy?

Tingnan nga natin ang ginawa ng susunod na grupo.


Iniisip ni Dadoy na hindi na siya maaagawan ng baon nina Jay-Jay at Yuki sa
pamamagitan ng pagsasabi ng “Apolakus!” Pero hindi ito gumana. Ito’y kathang-isip
lamang.
Eh ano pala yung salitang gumana?
Saan-saan nagamit ang salitang ito sa kwento?

Ano ang natutunan natin kay Dadoy? (to the teacher the following points must be
processed: we do not just keep quiet when someone bullies-nangaapi- us, but getting
back through violent means will not solve anything—you have to tell someone—
your teacher, parents, guidance etc.—In Dadoy’s case, he did was the opposite,
showed goodness and it yielded something positive)

You might also like