You are on page 1of 3

Panuto : Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ang tagapagtaguyod ng walong inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang ng mga


tinedyer ay si
a. Erich Fromm. c. Sean Covey.
b. Robert Havighurst. d. Walter Mc Kenzie.
2. Ito ay pangkaisipang palatandaan ng pag-unlad ng mga kabataan.
a. Madalas mainitin ang ulo.
b. Pantay ang pagtingin sa kapwa.
c. Naniniwalang makaluma ang mga magulang.
d. Nakagagawa ng mga pagplano sa hinaharap.
3. Alin sa mga palatandaan ng pag-unlad sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
ang naglalarawan ng aspetong moral?
a. Nagiging mapag-isa sa tahanan.
b. Alam kung ano ang tama at mali.
c. Nagkakaroon ng maraming kaibigan.
d. Mas nakapagmememorya.
4. Nararapat na bukas ang komunikasyon sa pakikipag-ugnayan ng kabataan sa kanilang mga
kasing-edad. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
a. Mahalin ang sarili.
b. Maglaro at maglibang na kasama ang mga kaibigan.
c. Tanggapin ang kapwa at ang kanyang tunay na pagkatao.
d. Pagbabahagi ng nararamdaman, mga plano, mga takot, at kasiyahan sa kaibigan.
5. Ano ang maitutulong sa paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon
ng pagdadalaga o pagbibinata?
a. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili.
b. Pagiging mabuti at mapanagutang tao.
c. Paghahanda sa susunod na yugto ng buhay.
d. Lahat na nabanggit
6. Ang Theory of Multiple Intelligences na nagsasaad ng iba’t-ibang talinong taglay ng tao ay
pinangungunahan ni
a. Dr. Howard Gardner. c. Lawrence Kohlberg.
b. Edward Thorndike. d. Professor Ericsson.
7. Ang bawat tao ay may talento at kakayahan. Ano ang kakayahan?
a. Ito ay biyaya na binigay ng Maykapal.
b. Ito ay pambihirang katangian na minana sa magulang.
c. Ito ay kalakasang intelektuwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay.
d. Ito ay likas na kakayahan na kailangang tuklasin at paunlarin.
8. Ang mga sumusunod ay mga bagay na dapat malaman tungkol sa tiwala sa sarili MALIBAN sa:
a. Ang tiwala sa sarili ay hindi pangkalahatang bagay.
b. Ito ay maaaring tumaas o bumababa ayon sa karanasan sa buhay.
c. Ito ay hindi nakasalalay sa mga bagay na labas sa ating sarili.
d. Ang tiwala sa sarili ay namamana sa mga magulang.
9. Ang taong may bodily/kinesthetic na talino ay natututo sa pamamagitan ng mga kongkretong
karanasan o interaksiyon sa kapaligiran habang ang naturalist ay
a. mahusay sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
b. natututo sa pamamagitan ng damdamin, halaga, at pananaw.
c. mabilis na matututo sa pamamagitan ng pangangatuwiran at paglutas ng suliranin.
d. may talino sa pag-uuri, pagpapangkat, at pagbabahagdan.
10. Ano ang pinakahalaga na dahilan kung bakit binigyan ng Diyos ang tao ng talento?
a. Tuklasin ng tao ang kanyang ibang talino.
b. Patuloy na paunlarin ang kanyang ibang talino.
c. Gamitin ang talento upang mapalakas ang tiwala sa sarili.
d. Ibahagi sa kapwa ang talentong biyaya mula sa Diyos.
11. Ano ang angkop na larangan ng hilig ng taong nasisiyahan sa pagtuklas ng bagong kaalaman,
pagdidisenyo at pag-imbento ng mga bagay o produkto?
a. Computational c. Persuasive
b. Mechanical d. Scientific
12. Paano mo ba matutuklasan ang iyong mga hilig?
a. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpasigla sa iyo.
b. Pagnilayan ang iyong mga hilig na libangan at paboritong gawin.
c. Suriin ang mga gawaing iyong iniiwasang gawin.
d. Lahat na nabanggit
13. Si Harry ay kilalang atleta na mahusay sa laro na volleyball. Tinuturuan niyang maglaro ang
mga kabataan sa kanilang barangay. Anong tuon ng atensyon ang ipinakita ni Harry?
a. Tuon sa Datos c. Tuon sa Tao
b. Tuon sa Bagay d. Tuon sa Ideya
14. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang dahilan upang malaman mo ang iyong mga
hilig?
a. Magbibigay kahulugan ito sa bawat pang-araw-araw mong gawain.
b. Makatutulong ito upang matukoy ang bagay na nais mong gawin sa iyong libreng oras.
c. Palatandaan ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan at kaganapan sa iyo
bilang tao.
d. Makapagpapaunlad ito ng talento at kakayahan.
15. Ano ang magiging kahihinatnan ng pagiging matapat sa pagtupad sa tungkulin bilang
nagdadalaga/nagbibinata?
a. Matitiyak ang kaganapan ng pagkatao.
b. Tataglayin ang kakayahan na harapin ang susunod na yugto ng buhay.
c. Matitiyak ang tagumpay sa pagharap sa hamon ng pagiging isang dalaga/binata.
d. Magkakaroon ng mga kakayahang kailangan upang maging isang magandang halimbawa
sa kapwa kabataan.
16. Mahalagang tuparin ng tao ang kanyang tungkulin sa kalikasan upang
a. makikinabang nang lubos ng mga henerasyon na darating.
b. mapangalagaan ang kalikasan para patuloy na matugunan ang pangangailangan ng
lahat ng tao.
c. maiiwasan ang patuloy na pagkasira ng kalikasan.
d. lahat na nabanggit
17. Ano ang mas makabuluhang layunin ng pagiging isang mag-aaral?
a. Pataasin ang marka.
b. Pagyamanin ang kakayahang mag-isip.
c. Matutunang lutasin ang sariling mga suliranin.
d. Pagkaroon ng masidhing pagnanais na matuto.
18. Ang pinakamahalagang tungkulin ng tao na nagpapakita ng kanyang tunay na pagkatao ay
a. pagkamit ng kaganapang pansarili.
b. hanapin ang kabanalan.
c. maglingkod sa Diyos na malaya.
d. Lahat na nabanggit sa itaas
19. “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay, para sa sarili lamang.”
Ano ang pinakaangkop na pakahulugan sa katagang ito?
a. Ang tao ay nabubuhay hindi para sa sarili lamang kundi para sa kanyang kapwa.
b. Ang lahat na tao ay mayroong pananagutan sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa.
c. Mabubuhay nang matiwasay ang isang tao kung ipauubaya ng tao ang kanyang
sarili para sa kanyang kapwa.
d. Hanggang sa huling yugto ng buhay ng tao, mahalagang suriin ang kanyang sarili sa
kanyang kakayahan na makipagkapwa.
20. Ang mundo ay may tatlong uri ng nilikha. Ito ay halaman, hayop, at
a. apoy. c. tao.
b. hangin. d. tubig.
21. Ang tunguhin ng kilos-loob ay ang
a. pag-unawa. c. kumilos.
b. kabutihan. d. katotohanan.
22. Ang mga sumusunod ay katangian ng isip MALIBAN sa:
a. ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala.
b. ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran.
c. ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya.
d. ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay.
23. Sa pamamagitan ng isip nahahanap ng tao ang
a. kabutihan. c. karunungan.
b. kaalaman. d. katotohanan.
24. Anu-ano ang tatlong mahalagang sangkap ng tao ayon kay Dr. Manuel Dy Jr.?
a. material, kamalayan, at konsensiya
b. isip, puso, at katawan
c. kaluluwa, isip, at damdamin
d. pandamdam, materyal, at kalooban
25. Ang kilos-loob ay kapangyarihang magpasya habang ang gamit ng isip ay ang
a. kumilos. c. karunungan.
b. pag-unawa. d. katotohanan.
26. Alin sa mga katangian ng Likas na Batas Moral ang nagmula sa mismong katotohanan – ang
Diyos?
a. Di-nagbabago c. Pangkalahatan
b. Obhetibo d. Walang hanggan
27. Ang Likas na Batas Moral ay nakapangyayari sa lahat na lahi, kultura, sa lahat na lugar at sa
lahat na pagkakataon. Ito ay nangangahulugan na ang Likas Batas Moral ay
a. obhektibo. c. walang hanggan.
b. unibersal. d. di nagbabago.
28. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensiya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip.
b. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaalam ng tama at mali, mabuti o masama.
c. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat na tao.
d. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.
29. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita sa pagsunod sa Likas na Batas Moral?
a. Hinayaan ni Fidel ang pitaka ng kaklase na nakalimutang kunin sa ibabaw ng mesa.
b. Kinuha ni Barry ang krayola sa bag ng nakatulog na kapatid upang makagawa ng
proyekto.
c. Pinili ni Raymond na pagalitan na lamang dahil sa pagsasabi ng katotohanan.
d. Kasama ni Martin ang mga kaibigan sa harap ng computer at maglaro ng limang oras.
30. Sobra ang sukli na natanggap ni Matthew ng bumili siya ng mga materyal para sa kanyang
proyekto. Ito na ang pagkakataon upang may dagdag na pambili siyang materyal sa ibang
proyekto ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsensiya ang ginamit ni
Matthew?
a. Tamang konsensiya c. Popular na konsensiya
b. Purong konsensiya d. Totoong konsensiya
31. Ano ang kalayaang magnais o hindi magnais?
a. Kalayaang gumusto c. Kalayaang tumukoy
b. Pang-akademikong kalayaan d. Kalayaang politikal
32. Ano ang nagbibigay hugis o direksyon sa kalayaan?
a. Isip c. Batas moral
b. Konsensya d. Dignidad
33. Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos. Ang pangungusap na ito ay nangangahulugang:
a. Magiging malaya lamang ang tao kung ang kanyang ginagawa ay kabutihan.
b. Ang kalayaan ng tao ay nagtatapos sa kanyang paglabag sa Likas na Batas Moral.
c. Hindi ganap na malaya ang tao, hindi siya maaaring mamili batay lamang sa kanyang nais.
d. Lahat na nabanggit
34. Ang kalayaan ng tao ay palaging may kakambal na
a. kasiyahan. c. materyal.
b. pananagutan. d. panahon.
35. Alin sa mga sitwasyon sa ibaba ang nagpapakita ng kawalan ng kalayaan?
a. Pagbibigay ng libreng pagkain sa mga pulubi.
b. Dahil sa uso, ginaya ni Marianne ang pagsuot ng blusa na labas ang pusod.
c. Tumulong si Katya sa mga kapwa kabataan na panatilihing malinis ang kapaligiran.
d. Kahit tiyahin ni Emma ang kahera ng paaralan, pumipila siya tuwing mayroong bayaran.
36. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng kalayaan?
a. Kahirapan at pag-susugal
b. Paninigailyo at pag-inom ng alak
c. Paggawa ng gawaing bahay at pag-aaral
d. Pakikipag-away at pakikipagrelasyon sa kabilang kasarian
37. Ang dignidad ay galing sa salitang latin na dignus, ibig sabihin ay
a. karapatan. c. kapayapaan.
b. katotohanan. d. karapat-dapat.
38. Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad MALIBAN sa:
a. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
b. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
c. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat na pagkakataon.
d. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.
39. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?
a. Kapag siya ay naging masamang tao.
b. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao.
c. Sa oras na niyapakan ang karapatan ng kanyang kapwa.
d. Wala sa nabanggit
40. Paano mapanatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?
a. Kumikilos bilang kagalang-galang na indibidwal.
b. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang
paggalang sa kapwa.
c. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong mayroon ang tao kundi
sa karangalan bilang tao.
d. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging karapat-dapat sa kanilang pagkilala.

You might also like