You are on page 1of 1

Noong mga huling taon ng dekada 90, nagkaroon ng isang romantic disaster film na Titanic, starring Leonardo

DiCaprio as Jack Dawson at Kate Winslet as Rose Bukater (Nais kong pasalamatan ang Wikipedia para sa apelyido
nina Jack at Rose!). Para sa mga kahapon lang ipinanganak at hindi napanood ang pelikulang ‘to, ito ay tunay na
istorya ng trahedyang naganap sa karagatan at ang pag-iibigan ng dalawang taong langit at lupa ang pagitan sa gitna
ng matinding trahedyang ito. Lumubog ang RMS Titanic matapos bumangga sa isang iceberg habang binabaybay
ang Atlantic Ocean noong April 14, 1912.
Napakaraming eksenang nagmarka sa bawat nakakapanood sa pelikulang 'to. Sino nga ba ang hindi makakalimot sa
pagpinta ni Jack sa hubo’t hubad na katawan ni Rose? Sa sinehan ko unang napanood ang pelikulang 'to kasama ng
aking mga magulang at bunsong kapatid kaya naman napaka-awkward ng eksenang 'yun. Medyo nahihiya-hiya pa
kaming sumulyap noon sa cute na utong ni Kate Winslet. Pero nung pinanood ulit namin un eh nasanay na rin kaming
makita ang “pasas sa monay” kahit may kasamang mas nakatatandang nanonood. Isa pang eksena ay 'yung tinatawag
na “I’m the king of the world” scene. Tapos meron pang naging paboritong gayahing eksena sa ibang pelikula at
katatawanan kung saan nakatayo si babae sa dulo ng bangka at habang umaandar ito ay itinataas ang kanyang mga
braso na parang pakpak ng eroplano, habang nakayakap naman mula sa likuran si lalake. At sino nga ba ang hindi
makakaalala sa sex scene nila Jack at Rose kung saan sila nagsalo ng kaligayahan sa isang lumang sasakyan na
ayon sa mga kabarkada kong medyo malikot ang mga isipan eh na-devirginize daw si Rose doon dahil kung
matatandaan ay pinakita 'yung basang kamay ni Rose na pumalo sa bintana habang ehem… “nagtitirahan” sila ni Jack.
Dugo daw 'yun ni Rose dahil first time n'yang makipag-sex ayon sa mga kabarkada ko. (Hanep ang mga kabarkada ko
noon.) At meron pang nakakatuwang eksena kung saan tinuruan ni Jack na dumura si Rose sa dagat. Hanep! Pati
pagdura tinuro.
Kung merong “light moments” eh meron ding mga eksenang aantig sa inyong mga puso. May isang nakakaawang
eksena kung saan nagpakabayani ang “captain of the ship” at hinayaan na lang n'yang anurin s'ya ng noo'y papasok
nang tubig sa loob ng Titanic. Pero ang mas nakaka-antig para sa akin ay 'yung eksena ng dalawang mag-asawang
matanda na magkayakap pa sa kama hanggang sa inanod sila ng papasok na rumaragasang tubig dagat.
Pero bukod sa mismong pelikula, pumatok din ang original soundtrack nito na “My Heart Will Go On” na inawit ng diva
na si Celine Dion. Dahil sa popularity ng pelikula, nahatak din ang popularidad ng awiting ito kaya naman matagal na
nanatili ito sa number one spot ng MTV Asia Hitlist (Ito 'yung countdown dati ng MTV, kumbaga para s'yang MYX Hit
Chart ngayon). Halos buong araw ako kung tumutok noon sa MTV kaya natatandaan kong sobrang tagal ng kantang
'to sa top one, tapos lagi namang second placer lang 'yung “Frozen” ni Madonna. Madalang kung makaungos si
Madonna kesa kay Celine Dion na consistent number one. (Trivia: Ginawan ni Michael V ng “Myusik Tagalog
Bersyon” ang awiting ito at tinawag na “Ang Puso Ko'y Tutuloy” by Celine Din'yon.)
Ayon sa aking pananaliksik sa malawak na mundo ng Wikipedia, napag-alaman kong ang pelikula palang ito ay
pumapangalawa sa listahan ng highest grossing films of all time, umabot sa mahigit 1.8 billion dollars ang kanilang
earnings sa ticket sales sa buong mundo Kung ngayon nangyari sa atin 'to eh bale mahigit 79 billion pesos ang
earnings ng Titanic. Hanep! Makakagawa ka na ng ilang sequels doon ng Mano Po, Enteng Kabisote at Shake Rattle
and Roll sa ganoong kalaking halaga! Ganyan kalaki ang impact ng istorya na ginawa ng higanteng barko na 'to!
Makalipas ang mahigit sampung taon, sigurado akong marami pa ring nanonood at nakakapanood sa inyo ng
pelikulang ito na itinuturing nang classic sa movie history. At tulad ng theme song sa pelikula, ang popularidad ng
Titanic “will go on and on”.

You might also like