You are on page 1of 4

I.

Pamagat

SEVEN SUNDAYS

ii.Mga tauhan

Aga Muhlach,Ronaldo Valdez,Enrique Gil,Ding Dong Dantes,Cristine Reyes,Donita Rose,Ketchup


Eusebio,Kakai Bautista,Kean Ciprano,Charlie Dizon,Jeffry Tam,Ryan Bang,Clara Del Rosario,Iza
Calzado,Edward Barber,Kyle Echarri,Menggie Cobarrubias

iii.Buod ng Pelikula

Wala nang asawa at namumuhay kasama si Jun ang matandang si Manuel


Bonifacio. May kaniya-kaniya nang buhay ang mga anak niyang sina Allan, Bryan,
Cha, at Dex.

Nang minsang magpatingin sa doktor si Manuel, lumabas na mayroon siyang lung


cancer. Ipinaalam niya ito sa mga anak. Ayaw nang magpagamot ni Manuel at
hiniling na lamang sa mga anak niya na magkasama-sama sila sa loob ng pitong
linggo bago siya yumao. Hindi man magkakasundo at mga abala man, pumayag
sila sa hiling ng amang may karamdaman.

Pinilit man ng magkakapatid ngunit talagang hindi na sila magkasundo. Umabot


sa puntong nagkagulo na ang magkakapatid at nagkalabasan ng mga dinadala at
sama ng loob sa isa’t isa. Ang kanilang amang si Manuel na sobrang nabahala sa
nangyari ay ibinulgar na wala naman talaga siyang sakit at nagkamali lamang ang
unang resultang dumating sa kaniya.

Napagtanto ng magkakapatid ang kahalagahan ng isang pamilya. Kaya naman


nagkapatawaran ang magkapatid na Allan at Bryan na may pinakamalaking
hidwaan sa lahat. Unti-unting naayos ang gusot sa kanilang pamilya.

Ang nakaaangat sa buhay na si Bryan ay handa na ngayong magbigay ng tulong sa


kaniyang mga kapatid. Bandang huli ay pinagtulungan nilang buksan muli ang
kanilang negosyo na tindahan.

IV.Banghay ng mga pangyayari

A. A.Tagpuan

Bahay ni Manuel Bonifacio- sa tahanan ng pamilya Bonifacio kung saan


nagsilaki ang magkakapatid na Allan,Bryan,Cha, at Dex. sa bahay din na
iyon sila nagkikita kita ng pitong Linggo upang dalawin ang kanilang
amang si Manuel na nagpanggap ng may sakit na kanser.
Bakuran- kung saan ang pamilyang Bonifacio ay sama samang
nagsasaya. At kung saan nagkaroon ng di pagkakaunawaan at
pagtatalo.
ABC- ang tindahang ipinundar ng pamilya Bonifacio, na
pinamamahalaan ng panganay na anak na si Allan.
Beach- kung saan ang pamilyang Bonifacio ay sama samang nagsaya
ng araw na iyo

Sementeryo- kung saan nakalibing ang ang asawa ni Manuel Bonifacio.


Simbahan- kung saan nagsisimba si Manuel Bonifacio.
B.Protagonista
•Manuel Bonifacio
•Allan Bonifacio
•Bryan Bonifacio
•Cha Bonifacio
•Dexter Bonifacio
C.Antagonista
Mr.Kim
D.Suliranin
Mayroong iba’t ibang suliranin sa pelikulang “Seven Sundays” tulad ng
pagkakaroon ng DI PAGKAKAINTINDIHAN sa pagitan ng mga
magkakapatid, pagkakaroon ng INGGITAN sa mga magkakapatid,
KAHIRAPAN, PAGSISINUNGALING at PAGNANAKAW ngunit ang
pangunahing suliranin sa pelikula ay ang PAGKUKULANG ng
PAGMAMAHAL at ATENSYON ng mga magkakapatid sa kanilang kapwa
kapatid at sa kanilang ama.
E.Mga Kaugnay na pangyayari o mga pagsubok sa paglutas sa suliranin
Ang kanilang Ama ay nagiisa na lamang sa kanilang bahay ngunit
madalas siya ang hinihintay ng kanyang mga anak na dumating sa
tuwing may okasyon upang sila ay makumpleto ngunit hindi na ito
nangyari simula ng mamatay ang kanyang asawa at nagkaroon na ng
pamilya ang kanyang mga anak.
Hiniling nya na magipon ipon ang kanyang mga anak tuwing linggo sa
kanilang bahay dahil sya ay may sakit na at pwede na syang mamatay
ano mang oras.Nagkasundo naman ang magkakapatid ngunit nagkaroon
ng pagtatalo dahil sa komplikasyon sa kanilang mga schedule dahil sa
kanilang pamilya.
F.Mga ibinunga
Ang Pelikulang SEVEN SUNDAYS ay isa sa pelikulang Pilipinong
nagpapakita ng kasalukuyang kalagayan ng pamilya sa lipunan.
Pinupukaw nito ang isipan.
V.Mga aspektong Teknikal
A.Sinematograpiya
Ang sinematograpiya ng pelikulang ito ay maganda. Tama lang ang
liwanag at dilim madali mong malalaman ang mga nangyari.
B.Musika
Ang tunog o musika na ginamit sa pelikula ay angkop sa kanilang
programa
C.Visual effects
Parang natural lang ang pagganap ng mga karakter kung panonoorin ito
Sa “screen” Maganda tingnan ang pag control sa kulay kung titingnan
ang pelikula.
D.Set design
Naangkop sa pagganap ng mga tauhan ang desinyo kaaya-ayang
panuorin ang mga karakter at tagpuan at nagagampanan ng maayos ang
bawat karakter batay sa magandang kinalabasan ng set design.
VII.Kabuuang mensahe
Kahit gaano kaabala ang mga anak sa kanilang mga sariling buhay
huwag sanang kalimutan maglaan ng oras para sa mga magulang

You might also like