Professional Documents
Culture Documents
Alamat
“Alamat Ng Sibuyas”
Palibhasa ay marami ang nagpapagamot sa ama, kadalasan ay maraming tao sa kanilang kubo.
Hindi maialis na mapansin ang mag-kapatid dahil maliit lang ang kubo at doon mismo
nanggagamot ang kanilang ama.
"Maganda rin si Buyas," madalas ay maririnig ng kanyang ina. Ayaw na ayaw ni Buyas na
maririnig ang ganyong usapan. Agad na siyang pupunta sa likod ng kubo at doon uubusin ang
oras hanggang maubos ang kanyang mga luha.
Nang magdadalaga si Buyas ay umibig siya sa isang makisig na binata. Ang problema, ang
bunso niyang kapatid ang gusto ng lalaki.
Masakit na masakit sa loob ni Buyas tuwing aakyat ng ligaw ang binata sa kapatid. Ang gagawin
niya ay magtatago sa kanilang likod-bahay at doon i-iiyak ang bigat ng damdamin.
Alam ng kanyang ina ang nararamdaman ni Buyas ngunit wala itong magawa! Hindi nito
mapanghihimasukan ang puso ng binata. Isa pa ay paano naman ang damdamin ng bunsong
anak?
Ilang buwan pa ay isinama na ng binata ang mga magulang upang hingin ang kamay ng kapatid
ni Buyas. Nais raw pakasal ng dalawa sa ikalawang pagbilog ng buwan.
Sumapit at natapos ang araw ng kasal ng bunsong kapatid ay hindi na nakita si Buyas.
Isang umaga, habang nagwa-walis sa likod-bahay ang ina ay napansin nito ang isang halamang
tumubo roon. Nang bunutin iyon ng babae para itanim sa mas maayos na lugar ay nakita ang
bilog nitong mga bunga.
Natuklasan ng ina na maaaring ipanahog sa pagkain ang bunga. Pero higit sa lahat, natuklasan
nitong nakapagpapaiyank ang bunga pag hinihiwa.
Naalala tuloy ng ina ang anak na si Buyas. Pinangalanan nitong buyas ang bungang iyon.