You are on page 1of 1

Alamat Ng Sibuyas (Buod)

Noong unang panahon, may isang batang nag ngangalang Buyas. Siya ay anak ng
isang manggagamot sa kanilang lugar.
Maliit pa si Buyas ay kapansin pansin dito ang pagiging maramdamin. Lalo pa
nung ipinanganak na ang kanilang bunsong kapatid. Mas maganda ito kung
ihahambing kay Buyas.
Palibhasa ay maraming nagpapagamot sa kanilang kubo ay di maalis na mapansin
ang magkakapatid.
"Ang ganda naman ng inyong bunso" saad ng isang nagpapagamot.
"Maganda rin si Buyas" sabat naman ng kanyang ina.
Ayaw na ayaw ni Buyas ng nakakarinig ng ganoong usapan kaya't madalas ay
pumupunta ito sa likod ng kubo upang ubusin ang luha.
Nang magdalaga si Buyas ay umibig ito sa isang binata.
Ngunit ito naman ay may gusto sa kanilang bunsong kapatid.
Masakit sa kalooban ni Buyas sa tuwing ito ay naakyat ng ligaw sa bunsong
kapatid.
Alam ng kanyang ina ang nararamdaman ngunit wala itong magawa. Hindi nito
pwede pang himasukan ang pagkagusto ng binata sa bunsong anak.
Ilang buwan pa ay isinama na ng binata ang magulang upang hingin ang kamay ng
kapatid ni Buyas. Nais na nitong magpakasal.
Labis na nagdamdam si Buyas.
Nang sumapit at matapos ang kasal ng bunsong kapatid ni Buyas ay di na sya
nakita.
Isang umaga, habang nagwawalis ang ina ni Buyas ay may napansin itong
kakaibang halamang tumubo sa kanilang bakuran.
Nang bunutin ang halaman para itanim sa ibang lugar ay napansin nito ang bilog
nitong mga bunga.
Natuklasan ng ina na maari pala itong ihalo sa pagkain. Ngunit ito'y nakakapag
paiyak kapag hinihiwa.
Naalala tuloy ng ina ang anak nitong si Buyas, kayat pinangalanan nitong "Buyas"
ang bunga na iyon.
At lumipas ang maraming panahon, ito'y naging "Sibuyas"

You might also like