You are on page 1of 1

Alamat ng Bato

Noong unang panahon, may isang bata na nagngangalang Baste. Si Baste ay


isang napakakulit na bata kaya halos lahat ng bata sa lugar niya ay ayaw syang
kalaro. Pagdating ng kanyang ika labing limang kaarawan, inakala ng mga kapit
bahay nito na magbabago na ito dahil sa ito ay binata na. Ngunit ang hinala ng mga
kapitbahay ni Baste ay naging kabaliktaran dahil mas naging matigas ang kanyang
ulo. Isang araw, habang naglalakad si baste ay may nakita siyang isang matandang
babae na humihingi sa kanya ng kapirasong tinapay, sa halip na bigyan nya ito dahil
napakarami naman ang hawak niyang tinapay pero hindi niya pinansin ang
matanda at nagpatuloy siya sa paglalakad. Napanaginipan ni Baste ang
pangyayaring iyon at nakita nya sa kanyang panaginip na nagpalit anyo ang
matanda bilang isang diwata at pinagsabihan ang binata. Kinabukasan, habang
naglalakad si Baste sa kagubatan ay tinapakan nito ang bahay ng diwata na nakita
nya sa kanyang panaginip. Sa halip na humingi ng tawad sa nagawa, hindi manlang
nya pinansin ang Diwata. Sa sobrang galit ng Diwata ay isinumpa niya si Baste na
maging bagay na napakatigas gaya ng katigasan ng kanyang ulo. Hindi na nakita
ng kanyang pamilya si Baste at nang makita nila ang bagay na sobrang tigas ay
tinawag nila itong Baste dahil kasing tigas ito ng kanyang ulo at di kalaunan at
tinawag na Bato.

You might also like