You are on page 1of 1

ASTEEGS-Women Category, nasungkit ang ginto sa

Table Tennis

Namayagpag ang
College of Engineering -
women’s category sa
larong table tennis
matapos ilampaso ang
College of Social
Science and Humanities
sa kanilang huling laro
noong ika-23 ng Nobyembre sa iskor na 3-2. Itinaob din
nina Rose Ann Garay, Rona Kismundo, Keyla Dacayo at
Rijee Joyce Rafols ang ibang kolehiyo na siyang naghatid
sa kanila upang masungkit ang ginto. Lubos ang saya ng
koponan matapos magwagi sa kanilang huling taon ng
paglalaro para sa kolehiyo. Puspusang pag-iinsayo ang
kanilang sekreto upang magwagi at mamayagpag sa
nasabing larang. Hinirang din si Rose Ann Garay bilang
Most Valuable Player sa larong Table Tennis-Women’s
Category.

You might also like