You are on page 1of 2

DUGONG BUGHAW NAMAN!

#MEaNTOReign

“Sulong, Dugong Bughaw


Laban, ‘wag bibitaw.
Sa hamon, ‘di aayaw
Ganito kami sa C-O-E-D!!

Lupad Mentors, Lupad!


Full Force Mentors!!”

Sigawan ng mga estudyante mula sa Kolehiyo ng Edukasyon. Sigawan ng mga


estudyanteng buo ang pag-asang maitatayong muli ang banderang bughaw.

Oras. Pawis. Luha. Dugo. Pagod. Salitang konektado sa naging sakripisyo ng mga
estudyante na lumahok sa bawat kumpetisyon hinggil sa pagdiriwang ng Intramurals
2022. Mga sakripisyong nagbunga ng pilak. Pilak na magpapaalala sa kanila na
‘muntikan na naming makuha ang ginto.’

Namayagpag ang Mentors sa Dance Night matapos nitong maiuwi ang ginto sa lowland
folk dance competition at modern contemporary dance. Nagwagi rin ang pambato nila
sa musical night na si Althea Ella Gale Cabagon para sa kategoryang vocal solo at sina
Nelvi Caiña, Brianne Bacaoco, Judelyn Piquero, at Josh Nicole Pepito naman para sa
kategoryang quartet. Nagwagi rin ang kolehiyo sa Literary Competition sa kategoryang
Pagsulat ng Sanaysay. Sa larangan ng isports, nasungkit din nila ang ginto sa Athletics
(Men-Women), Badminton (Women), Softball (Women), at sa Dance Sports. Higit sa
lahat, pinakasentro sa pagdiriwang ang Ms. MSU na kung saan matagumpay na
naisakamay ng Mentors ang korona. Kinoronahan bilang Ms. MSU si Bb. Hazel Jane
Anating, samantalang ang isa nilang kinatawan na si Laica Eupeña ay itinanghal na 2 nd
runner up. Sa mga panalong ito, naiukit ang karanasang hindi malilimutan,
maipagmamalaki, pag-asang kaya ring lumipad at makipagsabayan ng kolehiyo sa
karera tungo sa rurok ng tagumpay. Ika nga, Mentors are game changers!

Ang pagkamit ng Kolehiyo ng Edukasyon sa unang gantimpala sa overall ranking


matapos makipagtunggali sa labing-isang koponan na lumahok ay isang tunay na
karangalan at kapalaluan ng kolehiyo. Walang paglagyan ng tuwa at saya ang nadama
ng bawat estudyante at mga guro sa kolehiyong ito matapos inanunsiyo ang kanilang
pagkapanalo. Mula sa kolehiyong sinasabing mahina raw pagdating sa isports at
kadalasang nasa ibabang puwesto sa Intramurals na nagdaan, ay kanilang pinatunayan
na kaya rin nilang makipagsabayan at makapasok sa itaas.

Kasabay nga ng pagtatapos ng Intramurals noong Nobyembre 26 ay ang pag-iwan din


ng katanungang, ”Maaagaw na ba ng College of Education ang ginto mula sa College
of Engineering sa susunod na Intramurals o hanggang dito na lang ang lipad ng College
of Education.” Masasagot lamang ang katanungang ito sa susunod na taon. Abangan…

You might also like