You are on page 1of 3

abang Elementary School, 1st

Place Sa Gulayan Sa Paaralan –


Area Level
Lubos ang saya ng mga guro ng Sabang Elementary School sa kanilang pagwawagi at makakuha
ng Unang Pwesta sa patimpalak na Gulayan Sa Paaralan ng Department Of Education – Area
Level. Nasa ikalima mula sa kaliwa ang kanilang Prinicipal na si Teacher Norma Cantos.

November 16, 2015 | Avegail Alday

Si Gng. Norma Cantos, Principal I ng Sabang Elementary School ay nagbahagi kung paano
sila nanalo bilang 1st Place sa Area Level Competition ng Gulayan Sa Paaralan, November 16.

“Ang gulayan sa paaralan ay isang programa ng Department of Education na kung saan


naglalayung matugunan ang pangangailangan ng paaralan para sa School Feeding Program.
Sa paraang ito matuturuan din ang mga bata kung paano nila mapapaunlad ang mga munting
lupain sa kanilang hardin o sa kanilang bakuran at ang mga ani sa mga halamang kanilang
itinanim ay ginagamit din nila upang malaman ng Entreprenuerial Skills ng mga mga-aaral.”

“Ang paaralan ay binubuo ng 9082 sq. m. at ang 385 sq.m ay ginagamit naman para sa
kanilang gulayan sa paaralan. Makikita dito ang pagsasama- sama ng mga mag-aaral, mga
magulang, guro, PTA Officers, Sangguniang Bayan, sa pamamagitan ng Ibaan Municipal
Agriculture Office na si Gng. Ethel Joy Salazar at Mayor Juan “Danny” Toreja. At
pinagtulungan din ito ng mga Barangay Tanod at Officials, Ibaan Organic Farmers Association
President na napakalaki ng tulong sa na si G. Vic Gamboa.”

Ang Sabang Elementary School ay gumagamit ng organic fertilizers tulad ng vermicast na binuo
ng mga bulate. Nagmula naman ang mga bulate sa Municipal Agriculture Office at kay G. Vic
Gamboa. Iba’t iba namang halamang gulay ang matatagpuan sa kanilang hardin tulad ng talong,
okra, petchay, papaya, kamoteng kahoy at baging, at upo. At upang mapangalagaan ang mga
halaman mula sa mga insekto, nagtanim din sila ng mga tinatawag na “sacrificial plant”. Dito
dumadapo ang mga insekto sa halip na sa mga halamang gulay.

“Ang gulayan sa paaralan ay isa sa mga strands ng School Base Management Program na kung
saan ang pamunuan ng paaralan ay nagsasagawa ng iba’t ibang programa para sa
pagtataguyod hindi lamang ng kaalaman ng mag-aaral kundi ng kanilang kaunlarang
pangkalusugan.”

Una ng nanalo ang Sabang ES bilang champion sa District Search sa Best Gulayan sa Paaralan
kung saan nakipagtagisan sila laban sa mga paaralan sa bayan ng Ibaan. Muli silang nagwagi sa
Area Level noong November 12. Mga paaralan  naman mula sa bayan ng  San Jose, San Juan,
Rosario, Padre Garcia at Taysan kanilang nakatunggali. Nanguna sila sa Category C o sa mga
paaralan na mayroon 250 – 399 bilang ng estudyante.

Naniniwala din si G. Cantos na ang paggamit nila ng organic fertilizer ang siyang pangunahing
dahilan upang magwagi sila Area Level ng kompetisyon.

Muli nagpapasalamat sila sa lahat ng tumulong sa kanila dahil kung hindi dahil sa mga tulong ay
hindi sila magiging champion.

Click here more of Sabang ES Teachers’ photos.

Intramurals 2012 isinagawa sa Dapdap


High School
Posted on July 29, 2013 by ATCunanan

Standard
Sama-samang idinaos ang taunang labanang pampalakasan “Intramurals 2012” na isinagawa sa
Dapdap High School noong kaakibat ng Departamento ng MAPEH. At dito inilunsad ang kauna-
unahang Search For Mr.&Ms. Bigatin 2012.
Pinangunahan ang patimpalak nina Gng. Ruby Valiente at G. Mervin Artillero bilang
pangunahing tagapagsalita. Sinimulan ang unang parte sa paghingi ng lakas at gabay sa Poong
Maykapal sa pag-awit ng Lupang Hinirang ng DHS Choir. Kasunod nito ang “Raising of Colors”
kaagapay ang ibat ibang chairman ng Bawat taon. Nagbigan naman ng mensahe ang Head
Teacher III ng MAPEH na si G. Solomo D. Manipon, ang pag-iilaw sa simbolo ng
Pagkakaibigan at pagiging mapagkumbaba at ang Oath of Ameteurism ni John Carlo Guevarra
kasabay ang mga manlalaro. At sa ganap na pagbubukas ng paligsahan pinangunahan ito ni Gng.
Amelia I. Cachero ang punong-guro ng DHS sa kanyang paghahandog ng mensahe.Sa unang
parte ng programa di ginanap ang Search fot Bb. At G.Bigatin,Vocal Solo, Duet at Acoustic.Sa
ikalawang parte idinaos ang Search for Mr.and Ms.Intrams 2012, Modern Dance at Ballroom. At
sa punto ring ito inanunsyo ang mga nagsipagwagi. Ballroom Dancing Unang pwesto, 3rd Year
Level;Ikalawang pwesto 4rd Year Level;Ikatlong Pwesto 2nd Year Level;at ikaapat na pwesto,
Grade 7.Sa Singing Contest Duet ay sina Christian Cinco at si Ruffa Mae Pantua.Solo Singing
Contest, unang pwesto, 4th year level;ikalawang pwesto, 3rd year level;ikatlong pwesto,2nd year
level;at ikaapat na pwesto, Grade 7.Acoustic Band, unang pwesto, 4th year level;ikalawang
pwesto, 3rd year level;ikatlong pwesto,2nd year level at ikaapat na pwesto, Grade 7. Mr. and Ms.
Intramurals ay sina Shyne Lapuz at David John Carriel Brewer at ang itinanghal na Bb At G
Bigatin ay sina John Paul Dungca at April Joy Silverio.Layunin ng patimpalak na ito na
paipamalas ang angking talento hindi lamang sa mental na pang kaisipan pati na rin sa pisikal na
kalakasan.
Related articles
 BU Among Top 20 Healthiest US Colleges (bu.edu)

You might also like