You are on page 1of 4

AMES Table Tennis Boys and Girls, nasungkit ang

kampyonato

Nakamit ng AMES Table Tennis ang kamyonato sa


ginanap na District and Municipal Meet sa As-Is Integrated High
School noong Enero 21, 2023.

Muling nagpakitang gilas ang mga manlalaro ng paaralan


ng AMES sa larangan ng paglalaro ng table Tennis makalipas
ang halos tatlong taon pagkatigil nito dahil sa pandemya.
Matitinding depensa ang pinakawalan ng koponan ng AMES sa
simula pa lamang ng laban.

Patuloy ang pananalasa ng AMES Table Tennis hanggang


sa huling laban ng laro.

Unang nakaharap ng mga manlalaro ng AMES ang


Manghinao Uno Elementary at sinundan ito ng manlalaro ng
Inicbulan-Rizal Elementary School at kapwa nila nagapi.
Nakaharap din nila ang mga taga Cupang Elementary School.

“Tikas, liksi at tiwala sa sarili ang naging puhunan


naming.,” pahayag ni Jamir Andrei L. Abante

Sila ay sinanay ng kanilang guro na sina Gng. Maribel D.


Montoya at Fely A. Cabral.

-Anthon Carl D. Montoya

Earthquake Drill, isinagawa

Isinagawa ng mga mag-aaral ng Paaralang Elementarya ng


Alagao-Malindig ang kanilang kahandaan sa pagdating ng
sakuna o kalamidad sa pagsasagawa ng Earthquake Drill sa
ilang magkakaibang buwan.

Ang nasabing gawain ay alinsunod sa DepEd Order 27,


s.2015 na kung saan inaasahang na ang bawat paaralan ay
magkaroon ng kaalaman o kasanayan sa posibleng pagdating
ng lindol para sa kaligtasan ng mga bata upang maiwasan ang
pagkakagulo o kalituhan sakaling dumating ang trahedya.

Nagtago ang mga bata sa ilalim ng desk, upuan at mesa.


Pagkatapos ay pumila sila at nagtungo sa open area ng paaralan
habang sinagawa ang duck, cover and hold.Dagdag pa dito ang
pagbibilang ng mga guro kung tama ba ang bilang ng mga
batang nagsagawa ng nasabing drill.

Ipinaliwanag ni Gng. Jennifer O. Suarez, gurong


tagapamatnubay ng DRRM, ang dahilan kung bakit kailangang
maging handa at kung bakit kailangang kada quarter ay
isinagawa ang nasabing aktibidades.

Ipinamalas din ng SPG Officers sa pangunguna ng kanilang


Pangulo Nina Sofia C. Macaradang, bata sa ika-anim na baitang
ang tamang ginagawa bago, tuwing at pagkatapos ng lindol.

Inaasahan na sa mga susunod pang taon ay mas


magagawa ng mga mag-aaral ang quarterly Earthquake Drill
para sa lalong higit pang kaalaman at kaligtasan ng mga bata.

Anthon Carl D. Montoya


Paaralang AMES nakiisa sa Brigada Eskwela

Ipinatupad ng Dept. of Education ang sama-sama at


buong pusong tumulong sa pag-aayos ng kapaligiran at
pasilidad sa bawat pampubliko at pribadong paaralan.
Nilahukan ito ng mga magulang, guro ng paaralan ganundin ang
brgy functionaries.

Layunin ng mga programang ito, ay ang higit na


mapagtibay ang samahan ng mga magulang, barangay at ng
paaralan para sa higit na ikaaayos at ikagaganda ng pag - aaral
ng mga bata dito.

At bilang pagsunod at pakikiisa, ang AMES ay


nagsagawa ng ganitong programa noong huling linggo ng Hulyo
taong dalawang libo at dalwaput dalawa. Ang mga magulang ay
nagpakitang gilas sa pagsuporta sa kanilang mga anak. Sama -
sama silang nag - ayos at naglinis sa paligid ng paaralan,
kasama ang pagsubaybay ng mga guro ng paaralan. Ang
programang ito ay tumagal ng halos isang linggo na naging
daan upang higit na gumanda ang pisikal na anyo ng paaralan.

Sa mga magulang na naging kabahagi sa


programang ito,

Maraming Salamat Po!

Pupil Government ng AMES, itinatag

Natatag na muli ang bagong opisyales ng Pupil


Government ng AMES. Ang mga mag - aaral na bumubuo dito
ay sina Nina Sofia C. Macarandang bilang Pangulo, Mark
Reigner C. Dagyapen bilang Pangalawang Pangulo, Criztia Cruz
bilang Kalihim, Xyriel P. Dimayuga bilang Ingat - Yaman, Liezly
Nicole de Guzman at Darcy Cruzat bilang P.I.O., Princess LJ de
Guzman at Prince Jairus Generoso bilang Business Managers,
Robilyn at Adrian dela Paz bilang Sargento de Armas at ang
mga Auditor na sina Beatrice Aviah Bonado at Seirabel Glory
Caringal. Sila ang ianaasahan ng mga guro ngayon sa paaralan
na mangunguna sa katahimikan, kaayusan at sa ikauunlad ng
paaralan. Inaaahan din na sila ang magiging modelo ng bawat
mag - aaral para sa paghubog ng magandang pag-uugali sa
loob at labas ng paaralan.

You might also like