You are on page 1of 2

Parenting Seminar

Sa ika-15 ng Oktobre naganap ang unang Parenting Seminar na ginanap sa


JPJMNHS-MARBEL EXTENSION. Ang layunin ng seminar ay mapalago ang relasyon ng
magulang at anak. Ito ay dinalohan ng mga magulang at ilang estudyante,tinuro din sa
Parenting Seminar kung paano ma-open ng anak ang kanilang problema sa kanilang mga
magulang na walang pag-aatubilin. Tinalakay din sa oryentasyon ang pag-unlad ng
enrollment ng mga estudyante at ang mga darating na mga aktibidad, at sabi ni Ma'am
Maychelle isang guro na galing sa JPJMNHS-MARBEL EXTENSION “No one can exchange
parents love" totoo naman na walang bagay ang makakapagpalit ng pagmamahal ng isang
magulang sa isang anak.

3rd Quarter School Monitoring


Evaluation and Plan Adjustment
(SMEPA) 2022-2023
Ika-25 ng Nobyembre 2022 ginanap sa JPJMNHS-MARBEL EXTENSION ang pangatlong
School Monitoring Evaluation and Plan Adjustment sa taong 2022-2023. Ito ay dinalohan ng
Public School District Supervisor (PSDS) na si sir Dr. Arnil C. Sambria, principal ng inang
paaralan si sir Ronie Morala at principal ng JPJMNHS-MARBEL EX. na si Teresita G.
Sta.Rita, SSG President ng JPJMNHS-MARBEL EXT. na Elbern Ipili at mga guro,PTA
officers ng JPJMNHS-MARBEL EXT.,barangay Captain na si Jeffrey Balaoro at ang kanyang
mga kagawad,SK Chairman na si Brian Mahilum.
Sa unang bahagi ng programa tinalakay ni Ma'am Rachel Regidor ang Maintenance and
Other Operating Expenses (MOOE) na kung saan dito kinukuha, ginagasto at kung saan
napunta ang pera sa paaralan.
Sa pangalawang bahagi naman ay tinalakay ni Ma'am Cheryl Maisa ang Program
Implementation Progress dito tinalakay kung ano ang progress sa paaralan at sa mga
programa nito.
Sa pangatlong bahagi naman ay tinalakay ni Ma'am Daisy Durupan ang Enrollment Update.
At ang panghuling bahagi ay tinalakay ni Sir Steven Pahang ang Vaccination Status ng mga
estudyante at guro sa paaralan ng JPJMNHS-MARBEL EXTENSION.

DRRM Seminar Preparedness and


simulation workshop
Setyember 21,22 taong 2022, ang Barangay Marbel LGU nagsagawa ng Disaster Risk
Reduction and Management Seminar na pinapangunahan ng Brgy.Kapitan Jeffray Balaoro
at isa sa naimbitahan ng seminar ang paaralan ng JPJMNHS-MARBEL EXTENSION.
Ito ay dalawang araw na seminar kung saan ang layunin nito ay mahikayat at maibahagi ang
karanasan sa komunidad.Tinalakay din sa seminar ang sanhi at bunga ng mga natural na
kalamidad tulad ng baha at lindol.
Ang mga kawani ng City Disaster Risk Reduction Pamamahalan ng Tanggapan ng
Kidapawan ay nangangasiwa sa praktikal na aktibidad upang makatulong sa pakikilahok sa
indibidwal na kilalanin at harapin ang mga kritikal na mga kahinaan habang kumukuha sila
mula sa mga taong may kolektibong karanasan.
Sa unang araw, tinalakay ang mga iba't ibang kalamidad na maaaring tumama sa pagdating
ng panahon,sanhi at bunga ng kalamidad, bulnerability,pagtukoy sa mga maaapektuhan at
kung saan lilipat ang maaapektuhan sa kalamidad.
Sa pangalawang araw, tinalakay ang iba't ibang panlunas at kung ano ang gawin kung may
madisgrasya sa panahon ng kalamidad. Pagkahapon naman ay nagkaroon ng simulation
workshop kung saan binigyan sila ng eksena ng kalamidad at kung paano ito ma resulba at
dito malalaman kung ano ang kanilang natutunan sa unang araw ng seminar.
Ang seminar na ay dinalohan ng mga opisyales ng barangay Marbel,kagawads,SK
Chairman Brian Mahilum, JPJMNHS-MARBEL EXTENSION SSG President Elbern
Ipili,purok president,barangay health workers,bpat,NGO's at religious sectors.

You might also like