You are on page 1of 15

Bunga ng Pagtuturo sa

mga Estudyante ng
PKMPC ng “Disaster
Readiness and Risk
Reduction” at First
Aid”
Rasyunale
Sa nakalipas na ilang dekada, nasaksihan, narinig at
naramdaman natin ang epekto ng mga trahedya at
kalamidad na nangyari sa ating bansa at maging sa iba’t
ibang panig ng daigdig. Hindi natin maitatanggi na sa
bawat bagyong dumaan, lindol na naganap at mga
trahedyang hindi inaasahang mangyari ay may naitala
sa mga ito na nagalusan, napilayan, lubhang nasugatan
at mga namatay. Dahil dito, nagpapaalala ang
pamahalaan na maging alerto at manatiling handa sa
peligro na dulot ng mga sakunang pwedeng mangyari
kahit anumang oras.Dahil hindi natin alam kung kailan,
saan at paano ito eksaktong mangyayari.
Bahagi ng bagong kurikulum ng kagawaran ng Edukasyon
ang pagtuturo sa Senior High School students ng Disaster
Readiness and Risk Reduction, ito’y may layuning turuan
ang mga estudyante ng mga dapat gawin na paraan upang
mabawasan, lunasan o maiwasan ang epekto ng isang
kalamidad o trahedya. Ang pagkakaroon ng kaalaman
patungkol sa mga ito ay mahalaga sapagkat sa mga ito ay
mababawasan natin ang epekto ng trahedya o kaya naman
maiiwasan natin na _______ ang tinamong sugat o pinsala
sa katawan ng isang tao sa naaksidente gaya ng
pagkalason, pagkasugat at iba pa. Ito rin ay mahalaga na
ituro sa mga estudyante upang sila’y magkaroon ng
kaalaman at makatulong pagdating sa totoong eksena sa
pagsagip ng buhay.
Ang paksang ito ang aming napili sapagkat ito’y isa sa mga
asignaturang aming kinukuha. Ang gusto naming kunin ay
ang pananaw ng ibang estudyante na kumukuha rin nito.
Ang sakop ng pag-aaral na ito ay para sa mga kumukuha
ng Science and Technology, Engineering and Mathematics
(STEM) at General Academic Strand (GAS) na estudyante
ng Pambansang Komprehensibong Mataas na Paaralan ng
Calasiao (PKMPC) na kailan lang ay lumahok sa
programang patungkol dito. Ito’y naglalayong kumuha ng
datos kung gaano ba talaga kaepektibo sa mga estudyante
ang pagtuturo ng DRR at First Aid sa kanila. Ang
limitasyon ng pag-aaral na ito ay ang mga respondents na
sasagot sa mga katanungan.
Layunin
Ang konseptong papel na ito na pinamagatang “Bunga ng
pagtuturo sa Estudyante ng Disaster Risk Reduction” ay
naglalayong:

•Mabatid ang mga pananaw ng iba’t ibang estudyante


patungkol sa DRR at sa pagbibigay ng paunang lunas;

•Maimbestigahan kung magiging epektibo ba ito sa kanila


o hindi;

•Malaman ang positibo o negatibong opinyon nila sa DRR


at pauang lunas at

•Madiskubre kung pinagtutuunan nila ng pansin ang


asignaturang ito.
Metodo
Awput o Resulta

You might also like