You are on page 1of 5

SACRED HEART OF JESUS

MONTESSORI SCHOOL
J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City

Montessori-Based Learning
Learning Instructional Packets (LIPs)

OFFLINE-PICK-UP
Araling Panlipunan – 10 (3 hours/week)
Monday (1:00-4:00)

First Quarter
Mga Isyung Pangkapaligiran at pang-ekonomiya

Week-7
Lesson-7
Lesson 7: Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRM Plan

Teacher: Joniel P. Galindo


SACRED HEART OF JESUS MONTESSORI SCHOOL
J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City
Montessori-Based Learning
Learning Instructional Packets (LIPs)
Araling Panlipunan-10
S.Y 2020-2021

Name: ________________________________________________ Date submitted: ________________


Grade & Section: ______________________________________ Teacher: _______________________

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Content Standard:
Ang mag-aaral ay… Ay may pag- unawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga Hamong Pangkapaligiran upang maging bahagi ng
pagtugon na makapagpapabuti sa pamumuhay ng tao.
Performance Standard:
Ang mag-aaral ay… Nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon sa hamong pangkapaligiran tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay
ng tao.
Pangunahing Pang-unawa: Mahalagang maging mulat tayo sa mga kontemporaryong isyu sa ating lipunan, sa bansa, at sa
buong mundo.

Pangunahing Tanong: Paano natin matimbang ang mga pahayag tungkol sa mga kontemporaryong isyu sa ating bansa at sa
buong mundo?

I. LEARNING COMPETENCY

 Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRM Plan

Layunin:
Pagkatapos ng aralin ikaw ay inaasahang :
 Naipaliliwanag ang katangian ng top-down approach sa pagharap sa suliraning pangkapaligiran
 Nakapagmasid at masuri ang pagkakaiba ng Top - Down at Bottom Approach.
 Naisa-isa ang katangian ng topdown approach sa pagharap sa suliraning pangkapaligiran
 Integrates Values (Fruits of normalization/ Beatitude of the month/ PVMGO)
 nakakukuha ng hindi bababa sa 75% na kasanayan

Sariling Layunin: Magagawa kong … ________________________________________________________________________

II. LEARNING CONTENT


Lesson 7 : Mga Isyung Pangkapaligiran at pang-ekonomiya

 Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRM Plan

Materials:
LIP

References:
1. K to 12 Curriculum Guide
2. MELCs
3. https://www.youtube.com/watch?v=5jgBb8L_5g

III. LESSON PRESENTATION

Pre assessment

Larawan Nito, Hulaan Mo!


Halimbawa ng
a. ________________________ b. ____________________________
COMMUNITY-BASED DISASTER RISK MANAGEMENT

isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy,
pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan.

Isinasagawa ito upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala sa buhay at ari-arian

Abarquez at Zubair (2004) ay isang proseso ng paghahanda laban sa hazard at kalamidad na nakasentro sa kapakanan ng
tao. Binibigyan nito ng kapangyarihan ang tao na alamin at suriin ang mga dahilan at epekto ng hazard at kalamidad sa kanilang
pamayanan.

Top-down approach

Ay tumutukoy sa situwasiyon kung saan lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa
panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o AHENSYA NG PAMAHALAAN.
maisaalang-alang ang pananaw ng mga namumuno sa pamahalaan sa pagbuo ng plano dahil sa kanilang kaalaman sa mga
sistemang ipatutupad ng DISASTER RISK MANAGEMENT.

Bottom-up approach
nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag aanalisa at paglutas sa
mga suliranin at hamong pangkapaligiran.

kung saan ay nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa, at
paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang pamayanan.

KATANGIAN NG BUTTOM-UP APPROACH

a. Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang kaunlaran ng kanilang KOMUNIDAD
b. Bagama’t mahalaga ang tungkulin ng lokal na pamahalaan, pribadong sektor at mga NGOs, nanatiling
pangunahing kailangan para sa development ang pamumuno ng lokal na pamayanan.
c. Ang malawak na partisipasyon ng mga mamamayan sa komprehensibong pagpaplano at mga gawain sa
pagbuo ng desisyon para matagumpay na BOTTOM-UP STRATEGY
d. Ang responsableng paggamit ng mga tulong pinansyal ay kailangan.
e. Mahalagang salik sa pagpapatuloy ng matagumpay na bottomup approach ay ang pagkilala sa mga
pamayanan na may maayos na pagpapatupad nito.
f. Ang responsiblidad sa pagbabago ay nasa kamay ng mga mamamayang naninirahan sa pamayanan.
g. Ang iba’t ibang grupo sa isang pamayanan ay maaaring may magkakaibang pananaw sa mga banta at
vulnerabilities na nararanasan sa kanilang lugar.

Mga Yugto sa Pagbuo ng CBDRRM Plan

UNANG YUGTO: Disaster Prevention and Mitigation

tinataya ang mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran. Mula sa mga
impormasyon na nakuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang maging handa ang isang pamayanan sa panahon ng sakuna at
kalamidad.

Hazard Assessment
tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang
sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon.

Vulnerability at Capacity Assessment (VCA)


Vulnerability Assessment, tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o komunidad na harapin o bumangon mula
sa pinsalang dulot ng hazard. Samantalang ang Capacity Assessment naman ay tinataya ang kakayahan ng komunidad na harapin ang
iba’t ibang uri ng hazard.

Vulnerability Assessment
ang pagiging vulnerable ng isang lugar ay nangangahulugang mayroon itong kakulangan sa mga nabanggit na kategorya.
Bunga nito, nagiging mas malawak ang na dulot ng hazard.

Capacity Assessment

sinusuri ang kapasidad ng komunidad na harapin ang anomang hazard. Mayroon itong tatlong kategorya: ang Pisikal o
Materyal, Panlipunan, at Pag-uugali ng mamamayan tungkol sa hazard. Sa Pisikal o Materyal na aspekto, sinusuri kung ang mga
mamamayan ay may kakayahan na muling isaayos ang mga istruktura tulad ng bahay, paaralan, gusaling pampamahalaan, kalsada at
iba pa na nasira ng kalamidad. Sa aspektong Panlipunan naman, masasabing may kapasidad ang isang komunidad na harapin ang
hazard kung ang mga mamamayan ay may nagtutulungan upang ibangon ang kanilang komunidad mula sa pinsala ng mga sakuna at
kung ang pamahalaan ay may epektibong disaster management plan.

Samantala, ang mga mamamayan na bukas ang loob na ibahagi ang kanilang oras, lakas, at pagmamay-ari ay nagpapakita na
may kapasidad ng komunidad na harapin o kaya ay bumangon mula sa dinanas na sakuna o panganib.

Risk Assessment
Kung ang Disaster prevention ay tumutukoy sa pag-iwas sa mga hazard at kalamidad, sinisikap naman ng mga gawain sa
disaster mitigation na mabawasan ang malubhang epekto nito sa tao, ari-arian, at kalikasan.

Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning
maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan.

Dalawang uri ng Mitigation

Structural migitation

tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa sa pisikal na kaayuan ng isang komunidad upang ito ay maging matatag sa
panahon ng pagtama ng hazard. Ilan sa halimbawa nito ay ang pagpapagawa ng dike upang mapigilan ang baha, paglalagay ng mga
sandbags,
pagpapatayo ng mga flood gates, pagpapatayo ng earthquake-proof buildings, at pagsisiguro namay fire exit ang mga ipinatatayong
gusali.

Non Structural migitation

tumutukoy sa mga ginagawang plano at paghahanda ng pamahalaan upang maging ligtas ang komunidad sa panahon ng
pagtama ng hazard. Ilan sa
halimbawa nito ay ang pagbuo ng
disaster management plan, pagkontrol sa kakapalan ng populasyon, paggawa ng mga ordinansa at batas, information dissemination, at
hazard assessment.

IKALAWANG YUGTO: Disaster Preparedness

Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard.

IKATLONG YUGTO: Disaster Response

ito ay tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad. Mahalaga ang impormasyong makukuha mula sa
gawaing ito dahil magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan ng isang pamayanan na
nakaranas ng kalamidad.

IKAAPAT NA YUGTO: Disaster Rehabilitation and Recovery


ito ang mga hakbang at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang
pangunahing serbisyo upang
manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang nasalantang komunidad

Reciprocal Teaching!

Panuto: Buuin ang mga natutunan na ukol sa pagharap sa mga sakunang pangkalikasan sa pamamagitan ng
kagamitang ito sa pagtuturo. Maaring higit sa isa ang mga kasagutan.

Ang alam ko tungkol sa mga sakunang pangkalikasan ay ____________________ at sa mga pamamaraang magagamit upang
harapin ang mga sakunang pangkalikasan ay ____________________.
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________

Sa tingin ko, ang mga natutunan ko na tungkol sa mga


Subalit narito pa ang ilan sa mga katanungan ko tungkol
sakunang pangkalikasan at sa mga pamamaraang
magagamit upang harapin ang mga ito ay ... sa mga sakunang pangkaliksan at sa mga pamamaraang
magagamit upang harapin ang mga ito:
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
_____________________________________________
______________________________________________

Sa mga natutunan ko na ukol sa mga sakunang Sa pangkalahatan, sa tingin ko, ang pinakamahalagang
pangkalikasan at sa mga pamamaraang magagamit upang aral at paglalahat na maaaring matutunan mula sa mga
harapin ang mga ito na nais kong maibahagi sa iba ay ... sakunang pangkalikasan at sa mga pamamaraang
magagamit upang harapin ang mga ito ay ...
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

You might also like