You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V (Bicol)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LIGAO CITY
Binatagan, Ligao City

ARALING PANLIPUNAN 10
Kwarter 1 - Linggo 4

SDO LIGAO CITY LAS_2021


LAS DEVELOPMENT TEAM
Schools Division Superintendent: Nelson S. Morales, Jr.
Assistant Schools Division Superintendent: Maylani L. Galicia
Chief Education Supervisor, CID: Tita V. Agir
EPS, LRMDS: Nestor B. Bobier
EPS, AP Jose R. Nobela

Writers: Rusty Otilla Ligao NHS


Ryan Vibar BRSHS
Tolen Payacag Ligao NHS

Editor: Fermin Curaming Ligao NHS

Illustrator/Lay-out Artist: Daryl S. Prepotente DPPMHS

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office of Ligao City—CID, Learning Resources


Management Section
Binatagan, Ligao City

Telefax: (052) 485-24-96

Email Address: ligao.city@deped.gov.ph


GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 10
KWARTER 1, LINGGO 4

Pangalan: __________________________ Antas/Seksyon: _____________

PAGHANDAAN: PAGHARAP SA KALAMIDAD

I. MGA KAKAYAHANG PAMPAGKATUTO

A. Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na


dulot ng mga suliraning pangkapaligiran.
1. Naiisa-isa ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib
na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran.

II. PANIMULANG KONSEPTO

TALAHULUGAN:
Bigyang-pansin ang mga sumusunod na salita:
Kalamidad - tumutukoy sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng malaking
kapinsalaan at kabagabagan sa mga tao at komunidad na tinatamaan nito.
Hazard – ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa
ng tao. Kung hindi maiiwasan, maaari itong magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian,
at kalikasan.
Hazard Assessment- tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na
maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad
sa isang partikular na panahon.
Risk –ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng
pagtama ng isang kalamidad. Ang vulnerable na bahagi ng pamayanan ang
kadalasang may mataas na risk dahil wala silang kapasidad na harapin ang panganib
na dulot ng hazard o kalamidad.
Vulnerability – tumutukoy ang vulnerability sa tao, lugar, at imprastruktura na may
mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard. Ang pagiging vulnerable ay
kadalasang naiimpluwensiyahan ng kalagayang heograpikal at antas ng kabuhayan.
Halimbawa, mas vulnerable ang mga bahay na gawa sa hindi matibay na materyales.

PAMPROSESONG GAWAIN: PAGHANDAAN: PAGHARAP SA KALAMIDAD


DISASTER PREVENTION AND MITIGATION
Disaster Management Plan ang tumataya sa mga hazard at kakayahan ng
pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran. Mula sa mga
impormasyon na nakuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang maging handa ang
isang pamayanan sa panahon ng sakuna at kalamidad.
Disaster Risk Assessment - nakapaloob dito ang Hazard Assessment, Vulnerability
Assessment, at Risk Assessment.
Capacity Assessment - tinataya naman nito ang kakayahan at kapasidad ng isang
komunidad
Hazard Assessment ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na
maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad
sa isang partikular na panahon. Sa pamamagitan ng hazard assessment, natutukoy
kung ano-ano ang mga hazard na gawa ng kalikasan o gawa ng tao na maaaring
maganap sa isang lugar. Sa pagsasagawa ng hazard assessment, dapat bigyang
pansin ang Pisikal at Temporal na katangian nito.
Pisikal na Katangian ng Hazard
Pagkakilanlan- pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang hazard at kung
paano ito umusbong sa isang lugar.
Katangian- pag-alam sa uri ng hazard .
Intensity- pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard.
Lawak- pag-aaral tungkol sa sakop at tagal ng epekto ng hazard
Saklaw –pagtukoy kung sino ang maaaring tamaan ng o maapektuhan ng hazard.
Predictability- panahon kung kailan maaaring maranasan ang isang hazard.
Manageability- pagtaya sa kakayahan ng komunidad na harapin ang hazard upang
mabawasan ang malawakang pinsala.

Temporal na Katangian ng Hazard


Frequency - Dalas ng pagdanas ng hazard. Maaaring ang hazard ay
nagaganap taon-taon, isang beses sa loob ng lima o sampung taon o kaya ay biglaan
lamang.
Duration - Pag-alam sa tagal kung kailan nararanasan ang hazard. Maaaring ito ay
panandalian lamang tulad ng lindol; sa loob ng ilang araw tulad ng baha o kaya ay
buwan tulad ng digmaang sibil.
Speed of Onset - Bilis ng pagtama ng isang hazard. Maaaring mabilisan o walang
babala tulad ng lindol o kaya ay may pagkakataon na magbigay ng babala tulad ng
bagyo o baha.
Forewarning - Tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard at
oras ng pagtama nito sa isang komunidad.
Force - Maaaring natural tulad ng hazard na dala ng hangin, tubig tulad ng malakas
na pagbuhos ng ulan, baha, pag-apaw ng ilog, flashflood, tidal wave at storm surge,
lupa tulad ng landslide at lahar; apoy tulad ng pagkasunog ng kagubatan o kabahayan;
seismic tulad ng lindol at tsunami; gawa ng tao tulad ng conflict gaya ng digmaang
sibil, rebelyon, at pagaaklas; industrial/technological tulad ng polusyon, pasabog,
pagtagas ng nakalalasong kemikal at iba pang hazard tulad ng taggutom, tagtuyot, at
pagsalakay ng peste sa mga pananim.
Vulnerability at Capacity Assessment (VCA)
Vulnerability at Capacity Assessment (VCA) sumusukat ang kahinaan at kapasidad
ng isang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang hazard na maaaring maranasan sa
kanilang lugar.
Vulnerability Assessment- tinataya nito ang kahinaan o kakulangan ng isang
tahanan o komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard.

Tatlong Kategorya ng Vulnerability

Kategorya Deskripsiyon Halimbawa

Pisikal o Tumutukoy sa mga materyal Di sapat na kita


Materyal na yaman tulad ng suweldo Pagkakaroon ng utang
mula sa trabaho, pera sa Kakulangan ng sapat
bangko at mga likas na nakakayahan at edukasyon
yaman. Ang kawalan o Kawalan ng pangunahing
kakulanganngmga serbisyo tulad ng edukasyon,
Nabanggi na pangkalusugan, Sistema ng
pinagkukunang-yaman ay Komunikasyon at
nangangahulugan na ang transportasyon
isang komunidad ay
vulnerable o maaaring
mapinsala kung ito ay
makararanas ng hazard.

Panlipunan Tumutukoy sa pagiging Kawalan ng pagkakaisa


vulnerable o kawalan ng ng mga miyembro ng pamilya
kakayahan ng grupo ng tao ng mga mamamayan. Hindi
sa isang lipunan. Halimbawa maayos na ugnayan sa pagitan
ay mga kabataan, mga ng mamamaya at
matatanda, mga may pamahalaan
kapansanan at
maysakit

Capacity Assessment

Capacity Assessment- tinataya at sinusuri ang kakayahan at kapasidad ng


komunidad na harapin ang iba’t ibang uri ng hazard.

Tatlong Kategorya ng Capacity Assessment

Pisikal o Materyal - sinusuri kung ang mga mamamayan ay may kakayahan na


muling isaayos ang mga istruktura tulad ng bahay, paaralan, gusaling
pampamahalaan, kalsada at iba pa na nasira ng kalamidad.
Aspektong Panlipunan- naman, masasabing may kapasidad ang isang komunidad
na harapin ang hazard kung ang mga mamamayan ay may nagtutulungan upang
ibangon ang kanilang komunidad mula sa pinsala ng mga sakuna at kung ang
pamahalaan ay may epektibong disaster management plan.
Paguugali ng Mamamayan tungkol sa Hazard- na bukas ang loob na ibahagi ang
kanilang oras, lakas, at pagmamay-ari ay nagpapakita na may kapasidad ng
komunidad na harapin o kaya ay bumangon mula sa dinanas na sakuna o panganib.

Mahalaga ang pagsasagawa nito sapagkat magbibigay ito ng imporasyon sa


mga mamamayan at sa mga pinuno ng pamayanan kung ano at kanino hihingi ng
tulong upang mapunan ang kakulangan ng pamayanan.Tandaan na hindi lahat ng
pamayanan ay mayroong magkakatulad na pisikal na katangian. Kung kaya’t
maaaring makaapekto ito sa kanilang kapasidad. Gayundin, ang pagkakaiba ng
antas ng kita ng bawat pamayanan ay mayroon ding malaking epekto sa pagiging
handa nila sa panahon ng kalamidad.

III. MGA GAWAIN

Pagsasanay 1: KAHANDAANG-SALITA
Tukuyin ang angkop na konsepto ng mga kahulugan ng nasa ibaba ng kahon. Piliin
lamang ang mga sagot mula sa loob ng kahon
Hazard Mapping Vulnerability Assessment Hazard Assessment
Disaster Management Plan Capacity Assessment

________________1. Tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na


maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad
sa isang partikular na panahon.
________________2. Tinataya nito ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o
komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard.
________________3. Tinataya at sinusuri ang kakayahan at kapasidad ng
komunidad na harapin ang iba’t ibang uri ng hazard.
________________4. Ito ay tumataya sa mga hazard at kakayahan ng pamayanan
sa pagharap sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran. Mula sa mga impormasyon na
nakuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang maging handa ang isang pamayanan
sa panahon ng sakuna at kalamidad.
________________5. Isinasagawa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mapa ng mga
lugar na maaaring masalanta ng hazard at ang mga elemento tulad ng gusali, taniman,
kabahayan na maaaring mapinsala.

Pagsasanay 2: CALLOUT
Kumpletuhin mo ang pahayag na iyong makikita sa loob ng speech balloon.
Siguraduhing ang iyong sagot ay hindi bababa sa 20 salita kung kinakailangan.
A.Nakapaloob sa Disaster Risk Assessment ang
____________________________________
_____________________________________

B.Sa pagsasagawa ng hazard assessment, dapat bigyang pansin ang dalawang


katangiang ____________________________________________
____________________________________________

Pagsasanay 3: KKK BOARD


Panuto: Punan ng tamang impormasyon ang talahanayan.

KONSEPTO KAHULUGAN KAHALAGAHAN


HAZARD ASSESSMENT
VULNERABILITY
ASSESSMENT
RISK ASSESSMENT
CAPACITY
ASSESSMENT

B. PAGTATAYA:
Panuto.Tukuyin ang tamang sagot na inilalarawan sa bawat pangungusap o
katanungan.
__________1 Pinag-aaralan ang kakayahan at kapasidad ng isang komunidad kung
paano haharapin ang iba’t ibang uri ng hazard.
__________2.Tinitiyak nito kung ang mga mamamayan ay may kakayahan na muling
isaayos ang mga istruktura tulad ng bahay, paaralan, gusaling pampamahalaan,
kalsada at iba pa na nasira ng kalamidad.
__________3.Ito ay tumutukoy sa bilis ng pagtama ng isang hazard. Maaaring
mabilisan o walang babala tulad ng lindol o kaya ay may pagkakataon na magbigay
ng babala tulad ng bagyo o baha .
__________4. Pagtaya sa kakayahan ng komunidad na harapin ang hazard upang
mabawasan ang malawakang pinsala.
__________5. ang tumataya sa mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa
pagharap sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran. Mula sa mga impormasyon na
nakuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang maging handa ang isang pamayanan
sa panahon ng sakuna at kalamidad. .

IV MGA SANGGUNIAN

Araling Panlipunan 10, Quarter 1, Module 3: Paghandaan:Pagharap sa Kalamidad.

V.REPLEKSIYON/SUHESTIYON/KOMENTO

Paano ka makakatulong para mapaghandaan ang mga panganib na dulot ng mga


suliraning pangkapaligiran ?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Inihanda nina:
Rusty Otilla (LNHS)
Ryan Vibar (BRSHS)
Tolen Payacag (LNHS)

You might also like