You are on page 1of 16

2.

 Paghahanda sa Kalamidad (Disaster Preparedness)

3. Pagtugon sa Kalamidad (Disaster Response) ;at

4. Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad (Disaster Rehabilitation and


Recovery)

*Narito ang mga paliwanag sa bawat yugto ayon sa lektura ng propesor na


si Jensen DG. Mañebog.

UNANG YUGTO: PAGHADLANG AT


MITIGASYON NG KALAMIDAD (Disaster
Prevention and Mitigation)
Nakatuon ang unang yugtong sa pagpigil o paghadlang (prevention) at
pagbawas sa panganib (mitigation) na maaaring idulot ng kalamidad.
Nakapaloob sa yugtong ito ang pagtukoy sa kung ano-ano ang mga panganib at
mga risk na dala ng kalamidad, sino-sino at alin-alin ang maaaring
maapektuhan, at kung maaari bang hadlangan o mabawasan man lang ang
epekto ng kalamidad.

Tinutukoy din sa yugtong ito ang mga kahinaan at kakulangan, at maging ang
kapasidad ng pamayanan na humarap sa kalamidad. Ang mga makukuhang
impormasyon hinggil sa mga bagay na ito ay mahalga sa paglikha ng plano
upang maging handa ang isang pamayanan sa kalamidad.

May apat na hakbang na nakapaloob sa unang yugtong ito ng ng CBDRRM Plan.


Talakayin nating isa-isa ang bawat hakbang:

1. Pagtataya ng Panganib (Hazard Assessment)


Sa Pagtataya ng Panganib, tinutukoy ang katangian ng panganib at sinusuri ang
uri, lawak, at sakop ng pinsala na maaaring maidulot nito, sa layuning matukoy
ang angkop na pamamahala sa panganib na gagawin upang maiwasan o
mahadlangan ang matinding pinsala.

Samakatuwid, ang Pagtataya ng Panganib ay pag-unawa ng isang komunidad sa


panganib, sakuna o kalamidad na maaring nitong maranasan, upang makabuo
ng mabisang plano sa pagtugon sa mga ito.

Sa hazard assessment, tinutukoy halimbawa kung ano-ano ang mga hazard na


maaaring maganap sa pamayanan na dulot ng kalikasan at alin-alin naman ang
gawa ng tao. Tinataya din ang mga sumusunod na katangian ng panganib:

· ang iba’t ibang uri ng panganib na maaring maranasan


· ang maaaring pagmulan ng panganib

· ang mga maaaring maapektuhan ng panganib

· ang panahon kung kailan maaaring maranasan ang isang panganib

· ang tindi o lawak ng maaaring maging epekto ng panganib

Mayroon dalawang importanteng proseso sa ilalim ng hazard assessment: (a)


ang Hazard Mapping at (b) Historical Profiling/Timeline of Events.

(a) Ang Hazard Mapping ay ang pagtukoy sa mapa ng mga maaaring


maapektuhan ng panganib na mga dako at mga nakapaloob na elemento gaya
ng mga kabahayan, iba pang mga gusali, dakong pang-agrikultura, at kabuhayan
o negosyo ng mga tao.
(b) Ang Historical Profiling/Timeline of Events naman ay ang pagbuo ng balangkas
o tala ng mga naranasan ng isang komunidad na mga panganib o hazard sa
nakaraan, gaano kadalas naganap o paulit ulit na nagaganap ang mga ito, at
anu-ano at gaano katindi ang pinsala na naidulot ng mga ito.
Upang makakalap ng sapat at tamang impormasyon sa paggawa ng Historical
Profiling/Timeline of Events, kakailanganin ang koordinasyon sa mga opisyales
ng barangay o kaya ay ng pamahalaang panlungsod o pambayan.

Sa pagsasagawa kapwa ng Hazard Mapping at Historical Profiling/Timeline of


Events, kailangan ang partisipasyon ng mga mamamayan, lalo na ang matagal
na sa pamayanan, sapagkat mayrooon silang personal na karanasan sa mga
hazard o panganib na naganap sa kanilang lugar.

Parte na rin ng paghahanda sa mga tao sa pagharap sa kalamidad ang gawin


silang kabahagi sa pagsasagawa ng hazard assessment sa kanilang komunidad.

2. Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan


(Vulnerability Assessment)
Sinusukat sa bahaging ito ang kahinaan at kakulangan ng isang komunidad sa
pagharap at pagbangon sa iba’t ibang kalamidad o hazard na maaaring
maranasan sa kanilang dako.

Ayon kina Anderson at Woodrow (Rising from the Ashes, 1990) mayroong tatlong
kategorya ang Vulnerability o Kahinaan: (a) ang Pisikal o Materyal, (b) Sosyal o
Panlipunan, at (c) Pag-uugali ng tao tungkol sa panganib.
(a) Ang kahinaang pisikal o materyal ay tumutukoy sa kakulangan sa pinansiyal
at likas na yaman upang makalikha o makapatindig ng mga estruktura na
makahahadlang sa epekto ng kalamidad. Ang isang komunidad na may
kahinaang pisikal o materyal ay maituturing na vulnerable at maaaring
makaranas ng matinding epekto ng kalamidad.

Halimbawa ay ang may maliit lamang na kita dahil maaaring hindi sapat ang
kanilang suweldo upang matustusan ang dagdag na gastusin sa panahon ng
kalamidad.

(b) Ang kahinaang sosyal o panlipunan ay tumutukoy naman sa kawalan ng


kakayahan ng pamahalaan at ng mga mamamayan na harapin o hadlangan ang
panganib. Halimbawa, vulnerable sa matinding epekto ng kalamidad ang isang
komunidad na walang maayos na ugnayan ang mga mamamayan at hindi
maayos ang pamamalakad ng lokal na pamahalaan.
Samakatuwid, salik sa kategoryang ito ang mga programa ng pamahalaan ukol
sa kalamidad at ang suporta ng mga mamamayan. 

(c) Ang pag-uugali tungkol sa panganib ay tumutukoy sa mga paniniwala at gawi


ng mga tao na nakahahadlang sa pagiging ligtas sa sakuna ng isang komunidad.

Halimbawa, ang kawalan o kakulangan sa kaalaman, kawalan ng interes, at


negatibong pagtanggap sa mga impormasyong pangkaligtasan at programa ng
pamahalaan ay nagbubunga ng pagiging vulnerable ng komunidad sa panganib.

Ayon naman kina Abarquez at Murshed (2004), marapat na suriin ang


sumusunod na konsepto para sa mabisang Pagtataya ng Kahinaan at
Kakulangan:

· Elementong nalalagay sa panganib (Elements at risk)


Tumutukoy ito sa lahat ng elemento sa komunidad na posibleng maapektuhan
ng sakuna gaya ng mga tao, kabahayan, imprastruktura, at mga alagang hayop
at pananim.

· Mamamayang nalalagay sa panganib (People at risk)


– Tumutukoy sa mga uri ng mamamayang posibleng higit na maapektuhan ng
kalamidad dahil sa kawalan ng kakayahan o sa kanilang kalagayang pisikal, gaya
ng mga may kapansanan, buntis, matatanda, at mga maliliit na bata.

· Kinaroroonan ng mga mamamayang nalalagay sa panganib (Location of people at


risk)
 – Tumutukoy ito sa lokasyon ng mga taong vulnerable o may malaking
posibilidad na makaranas ng panganib. Halimbawa, vulnerable sa panganib ng
baha ang mga nasa mabababang lugar. Peligroso naman sa landslide ang mga
nakatira sa may paanan ng bundok.
3. Pagtataya ng Kapasidad (Capacity Assessment)
Sa Pagtataya ng Kapasidad ay sinusuri ang kakayahan ng komunidad na
tugunan at harapin ang iba’t ibang uri ng hazard. Gaya ng sa Pagtataya ng
Kahinaan at Kakulangan, mayroon din itong tatlong aspekto o kategorya: (a)
Pisikal o Materyal, (b) Sosyal o Panlipunan, at (c) Paguugali ng mamamayan
tungkol sa hazard.

(a) Sa pisikal o materyal na aspekto ay tinataya ang kapasidad ng komunidad na


makabangon matapos makaranas ng kalamidad at makapumbalik sa dating
pamumuhay.

Halimbawa, sinusuri rito kung ang komunidad ay may kapasidad na maisaayos


ang mga mga nasirang tahanan, paaralan, gusaling pampamahalaan, tulay,
kalsada at iba pa. Tinataya rin kung maibabalik ba ang naapektuhang kabuhayan
ng mga mamamayan.

(b) Sa aspektong sosyal o panlipunan ay sinusuri ang pagiging mabisa ng mga


programa at planong pangkalamidad ng pamahalaan at ang kakayahan ng mga
mamamayan na magtulungan upang ibangon ang kanilang komunidad sa
pinsala ng kalamidad o sakuna. Halimbawa, tinataya rito kung mayroon bang
tiyak na programa ang komunidad para sa mabisang ugnayan o koordinasyon
ng mga mamayan at ng lokal na pamahalaan.

(c) Sa aspektong pag-uugali ng mga mamamayan ay tinataya ang kapasidad ng


mga tao na tanggapin at sundin ang mga programa at pamamaraan na
ipinatutupad ng pamahalaan ukol sa kalamidad. Sinusuri, halimbawa, kung ang
mga tao ay handang magtanggi ng sarili at magbahagi ng kanilang panahon at
tinatangkilik, kung kakailanganin, upang makabangon sa pinsala ng kalamidad
ang kanilang komunidad.

Tangi sa mga ito, bahagi rin ng Pagtataya ng Kapasidad ang pagtatala ng mga
imporatenteng kagamitan, imprastraktura, mga tauhan, at iba pa na mga
kakailanganin sa panahon ng pagtama ng kalamidad.

4. Pagtataya ng Peligro (Risk Assessment)


Nakapaloob sa Pagtataya ng Peligro ang sistematikong pagkalap ng mga datos
na mahalaga sa pagtukoy, pagtatala, at pagsusuri sa mga panganib, lalo na ang
mga marapat na unang bigyang pansin.

Kung gayon, ang isa sa importanteng produkto ng Risk Assessment ay ang


rekord o tala ng mga hazard. Nakapaloob din sa Pagtataya ng Peligro ang
Prioritizing Risk—ang pagtukoy kung alin-alin sa mga naitalang panganib ang
dapat bigyan ng higit na atensyon o prayoridad.
Sa pamamagitan ng Pagtataya ng Peligro ay magkakaroon ng matibay na
basehan ang mga tinatayang maaaring maging epekto ng kalamidad. Ang
produkto ng Risk Assessment ay magsisilbing batayan sa paglikha ng mga
akmang istratehiya, polisiya, programa, at proyekto upang maihanda ang
komunidad sa pagharap sa mga panganib.

Sa Risk Assessment, magkakaroon ng sapat na kaalaman hindi lamang ang mga


tagapangasiwa ng komunidad kundi maging ang mga mamamayan tungkol sa
mga hazard na mayroon sa kanilang lugar. Sa gayon ay nagkakaroon sila ng
interes at sapat na pagkakataon na maghanda upang maiwasan ang matinding
epekto ng mga kalamidad.

Ang Pagtataya ng Peligro (Risk Assessment) ay itinuturing na isang uri o hakbang


sa ilalim ng Mitigasyon ng Kalamidad.

Ang Mitigasyong Estruktural at


Mitigasyong Di-estruktural
Pansinin na ang unang yugto sa pagbuo ng CBDRRM Plan ay hindi lamang
tungkol sa paghadlang kundi maging sa mitigasyon ng panganib (Disaster
Mitigation).

Iminumungkahi na ang Mitigasyon ng Panganib ay marapat isagawa bago pa


ang pagtama ng sakuna o kalamidad upang mapigilan o maiwasan ang matindi
at malawakang pinsala nito sa komunidad o mabawasan man lamang ang mga
epekto nito.

Ang Mitigasyon ng Panganib ay mauuri sa dalawa: (a) ang Mitigasyong


Estruktural at (b) Mitigasyong Di-estruktural.

(a) Ang Mitigasyong Estruktural ay tumutukoy sa mga pisikal na paghahanda ng


komunidad upang mapaghandaan ang pagdating ng kalamidad.
Nakapaloob rito ang pagtatayo ng mga estruktura na makahahadlang sa
matinding epekto ng kalamidad. Halimbawa ay ang pagtatayo ng dike bilang
paghahanda sa posibleng pagbaha, kalakip ang pag-aaalis ng mga bara sa mga
kanal at pagpapalalim sa mga sapa at ilog. Ang patatayo naman ng mga gusali
na earthquake proof ay makakatulong upang mabawasan ang pinsala na posibleng
maidulot ng mga lindol.  
(b) Ang Mitigasyong Di-estruktural ay tumutukoy naman sa paghahanda ng
komunidad, sa pangunguna ng pamahalaan, na may kinalaman sa mga plano sa
pamamahala sa kalamidad.
Kabilang dito ang pagpapalaganap sa mga mamamayan ng wastong kaalaman
ukol sa uri at katangian ng mga kalamidad. Nakapaloob din dito ang
pagsusulong ng public awareness at information dissemination tungkol sa mga
konkretong programa at proyekto ng local na pamahalaan sa pagtugon sa
panganib.

Matapos nating talakayin ang unang yugto na ukol sa paghadlang at mitigasyon


ng kalamidad, dumako naman tayo sa kasunod na yugto sa pagbuo ng CBDRRM
Plan.

IKALAWANG YUGTO: PAGHAHANDA SA


KALAMIDAD (DISASTER PREPAREDNESS)
Ang Paghahanda sa Kalamidad ay tumutukoy sa mga preparasyong ginagawa ng
komunidad bago ang pagdating o pagtama ng sakuna o kalamidad o sakuna.
Nakasalalay rin sa mabisang paghahanda ang pag-iwas sa matindi at
malawakang pinsala na maaaring maidulot ng kalamidad.

Kinikilala sa yugtong ito ang halaga ng pagtataglay ng lahat ng mamamayan ng


sapat na kaalaman ukol sa mga dapat gawin bilang tugon sa kalamidad. Kaya sa
panig ng pamahalaan, mahalaga sa yugtong ito ang mabisang pagbibigay ng
mga tama at akmang impormasyon, paalala, at babala sa mga mamamayan.

May tatlong pangunahing layunin ang yugtong ito:

1. To inform (magpaalám) – magbigay kaalaman tungkol sa mga kakaharaping


panganib at peligro at tungkol sa pisikal na katangian ng komunidad at
kapasidad na tumugon sa kalamidad.

2. To advise (mag-abiso) – magbigay ng mga impormasyon tungkol sa mga


gagawin bilang paghahanda sa panganib at para sa proteksiyon at pag-iwas sa
mga sakuna at hazard.

3. To instruct (magtagubilin) – magbigay ng mga konkretong hakbang na


marapat gawin, kabilang ang pagtuturo sa mga ligtas na dako na dapat
puntahan at mga opisyales na mahihingan ng tulong sa panahon ng kalamidad
at sakuna.

Kung gayon, importanteng bahagi ng yugtong ito ang pagpapaalam at


pagpapaunawa sa mga tao ukol sa mga dapat na gawin bago ang pagtama ng
kalamidad, habang nagaganap ito, at pagkatapos ng kalamidad.

Ang pagbibigay ng impormasyon, paalala, at babala ay maaaring sa


pamamagitan ng barangay assembly/meeting, pagdidikit ng poster o billboard,
pagbabahay-bahay ng mga lider ng purok, pamamahagi ng flyers, patalastas sa
telebisyon, radyo, at pahayagan, at anunsiyo gamit ang social media.
Mahalagang elemento rin ng Paghahanda Sa Kalamidad (Disaster Preparedness)
ang aktibong koordinasyon ng mga ahensiya ng gobyerno, pakikibahagi ng
bawat sektor ng lipunan, at pagtutulungan o kooperasyon ng mga mamamayan.
Ito ay upang maiwasan ang pagkaantala ng mga programa ukol sa kalamidad at
ang mga pagkalito na maaari pang magbunga ng dagdag na pinsala sa
komunidad.

Dumako na tayo sa kasunod na yugto na magbibigay sa iyo ng kaalaman tungkol


sa pagtugon sa gitna ng kalamidad.

Sa ayaw man natin o hindi, panaka-naka ay nakararanas at nakararanas pa rin


tayo ng mga kalamidad. Paano ba tutugon ang komunidad sa mismong panahon
ng kalamidad? Ito ang saklaw ng ikatlong yugto sa paghahanda ng plano sa
pamamahala sa kalamidad.

IKATLONG YUGTO: PAGTUGON SA


KALAMIDAD (Disaster Response)
Sa yugtong ito ng pagbuo ng CBDRRM Plan, pangunahing tinataya kung gaano
kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad. Importante ang mga
impormasyong makakalap sa hakbang na ito dahil magsisilbing batayan ang
mga ito upang maging akma at epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan
ng isang komunidad na nasalanta ng kalamidad.

Nakapaloob sa Pagtugon Sa Kalamidad (Disaster Response) ang tatlong uri ng


pagtataya: ang (1) Pagtatasa ng Pangangailangan o Needs Assessment, (2)
Pagsusuri sa Pinsala o Damage Assessment, at (3) Pagtatasa ng Pagkawala o
Loss Assessment.

(1) Ang Pagtatasa ng Pangangailangan ay pagtukoy sa mga pangunahing


pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad gaya ng pagkain, tahanan, damit,
at gamot.

(2) Ang Pagsusuri sa Pinsala ay pagtukoy sa bahagya o pangkalahatang


pagkasira ng mga kabahayan, ari-arian, at imprastruktura dulot ng kalamidad.

(3) Ang Pagtatasa ng Pagkawala ay pagsusuri sa pansamantalang pagkawala ng


mga serbisyo (gaya ng pagkawala ng kuryente at communication signal) at sa
pansamantala o pangmatagalang pagkawala ng produksyon (gaya ng pagkasira
ng mga pananim).

Ang damage (pinsala) at loss (pagkawala) ay magkaugnay dahil ang loss ay


bunga ng na-damage o napinsalang mga produkto, serbisyo, at imprastraktura.
Halimbawa, ang pagkasira ng tulay, na isang damage, ay magbubunbga ng
kawalan ng maayos na daloy ng transportasyon, na isang loss.

Gayundin, ang pagkasira ng mga lupaing-taniman, na isang uri ng damage, ay


magdudulot ng pagbaba o pagkawala ng produksiyon ng palay at mga gulay, na
isang halimbawa ng loss. Ang pagguho o pagkawasak ng isang ospital na
maituturing na damage ay magdudulot ng pagkaantala o pagkawala ng
serbisyong pangkalusugan na maituturing na loss.

Gaya sa mga naunang yugto, sa yugtong ito ay kailangan ng komunikasyon,


kooperasyon, at koordinasyon ng lahat ng sektor ng lipunan. Sa Pagtugon Sa
Kalamidad (Disaster Response) ay mahalaga rin ang kaligtasan ng lahat kaya
kailangang isaalaang-alang ang kakayahan ng bawat isa sa pagsasagawa nito.

Sa ikatlong yugto ng pagbuo ng CBDRRM Plan ay mahalaga ang pagkakaroon ng


mga tamang datos sa naging pinsala ng kalamidad. Ang mga ito kasi ang
magsisilbing batayan para sa kasunod na yugto na ating tatalakayin, ang
Disaster Rehabilitation and Recovery.

IKAAPAT NA YUGTO: REHABILITASYON AT


PAGBAWI SA KALAMIDAD (Disaster
Rehabilitation and Recovery)
Nakapokus ang ikaapat at panghuling yugto sa pagbuo ng CBDRRM Plan sa
rehabilitasyon at pagbawi o pag-recover mula sa naganap na kalamidad. Ang
pangunahing layunin sa yugtong ito ay ang pagpapanumbalik sa dating
kaayusan ng nasalantang komunidad at ang pagbalik sa normal na daloy ng
pamumuhay ng mga mamamayang naapektuhan ng kalamidad.

Kaya naman sinusuri sa yugtong ito ang mga nararapat na mga gawain at
hakbang para sa agarang pagsasaayos ng mga napinsala ng kalamidad.

Ang ilan sa mga pangunahing binigyang pansin sa yugtong ito ay ang


pagpapanumbalik ng suplay ng kuryente at tubig, ng sistema ng transportasyon
at komunikasyon, at ng sapat na suplay ng pagkain, damit, at gamot. Kasama rin
sa rehabilitasyon ang pagkukumpuni ng mga nasirang bahay, pasilidad, at
istruktura.

Nakapaloob din sa yugtong ito ang pagsuporta sa mga kabuhayang napinsala ng


kalamidad at ang kaakibat na pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing
bilihin. Mahalaga rin ang pagkakaloob ng psychosocial services upang
matulungang malampasan ng mga biktima ang trauma na kanilang dinanas at
mabigyan sila ng pag-asa at lakas ng loob.
Sa pagbuo ng mga programa at plano para sa Rehabilitasyon at Pagbawi sa
Kalamidad, kailangan ang mga akma, konkreto, at sistematikong hakbang at
pamamaraan.

Sa pagpaplano at implementasyon ng mga programa ng pamahalaan sa


bahaging ito ay napakahalaga ng pakikibahagi ng mga mamamayan at maging
ng iba pang sektor ng lipunan, gaya ng Non- Government Organizations (NGOs).

Tandaan na susi ang pagtutulungan ng lahat ng sektor ng lipunan sa mabilis at


matagumpay na pagbangon mula sa pinsala ng kalamidad.

*Libreng lektura para sa kasunod na MELC: Nasusuri ang dahilan, dimensyon at epekto ng


ng globalisasyon
-Kung may paksa sa Mga Kontemporaryong Isyu na nais mong hanapin (e.g.
migrasyon, civic engagement, etc), i-search dito:

Copyright 2014-present © by Jensen DG. Mañebog


Share this:

 Share

Like this:

Loading...

Related

Natatalakay ang Kalagayan, Suliranin at Pagtugon sa Isyung Pangkapaligiran ng Pilipinas


August 25, 2021

In "Contemporary Issues"
Nasusuri ang Kahalagahan ng Kahandaan, Disiplina at Kooperasyon sa Pagtugon ng Mga Hamong
Pangkapaligiran
August 26, 2021

In "Contemporary Issues"

Mga Halimbawa ng Kontemporaryong Isyu


September 12, 2020

In "Contemporary Issues"
 ← Komunikasyon sa Pamilya: Isang Essay
 Ang Mga Epekto ng Globalisasyon →
Share This Post:

Categories
Select CategoryBusinessCommunicationContemporary
IssuesDebateEducationEthicsFashionFEATUREDFemaleGovernmentHealthHistoryHow toJose
RizalLatestLife LessonsLogicMathMeetingPambungad sa Pilosopiya ng TaoPansariling
KaunlaranPhilippine StudiesPhilosophyPoliticsPsychologyReligionScienceSocial
ScienceTechnologyTourismTravelUncategorizedValues EducationWorld

Sponsored Link
Single but happy?

Trending
Your Corner
HistoryView All

Did Jose Rizal have a son (or children)?


 April 8, 2021

Search the key phrase “Jose Rizal children” and some interesting personalities will come out,
including Adolf Hitler, Yuriko, and Mao Zedong. But are they Jose Rizal’s children?

Share this:

 Share

Like this:

Loading...
Jose Rizal: On the Full Name of the Filipino Hero
 April 5, 2021

Jose Rizal height: A discussion on how tall (or short) our hero was
 April 5, 2021

Jose Rizal Family Tree: The Ancestry of the Hero


 April 4, 2021

Ang Big 4
 April 2, 2021

 Popular
 Recent
 Comment

Ang Epekto ng Migrasyon sa Aspektong Panlipunan, Pampulitika, at Pangkabuhayan


 September 13, 2020

Some Ways to Become a Responsible Adolescent


 September 14, 2020
Ang Epekto Ng Climate Change Sa Kapaligiran, Lipunan, At Kabuhayan Ng Tao Sa Bansa At Sa
Daigdig
 September 12, 2020

Mga Halimbawa Ng Paglabag Sa Karapatang Pantao Sa Pamayanan, Bansa, At Daigdig


 November 4, 2020

Nasyonalismo at Patriotismo: Ang Pagkakaiba


 August 7, 2019

Random Picks

Lipunang Birtwal: Mga Katangian at Pamamaraan


 March 20, 2021

Bonifacio Sends Valenzuela to Rizal in Dapitan


 September 16, 2020

Segunda Katigbak and Jose Rizal: Their secret strange last meeting
 February 25, 2021

Ang Iba’t Ibang Uri Ng Kalamidad Na Nararanasan Sa Komunidad At Sa Bansa


 September 12, 2020

Hinduism: The Brief History, Core Teachings, Fundamental Beliefs, Practices, and Related Issues
 September 18, 2020

Click to release stress


EthicsView All

Moral Standards and Non Moral Standards (Difference and


Characteristics)
 September 9, 2021

Let us differentiate moral standards and non moral standards. What is non-moral
standards? And what is the difference between moral standards and non moral standards?

Share this:

 Share

Like this:

Loading...

What is Moral Dilemma (And the Three Levels of Moral Dilemmas)


 August 27, 2021

Should Abortion be Tolerated or Legalized in the Philippines? Questions and Answers


 June 6, 2021

Random Pics
Ang Sibiko, Pagkamamamayan, at Civic Engagement
 November 7, 2020

Ang Mga Pangunahing Institusyon Na May Bahaging Ginagampanan Sa Globalisasyon


 September 13, 2020
Confucianism Philosophy: As Applied in Education, Ethics, Social Philosophy, Religion and More
 August 9, 2021

Drafting and Delivering an Impressive Debate Speech


 February 1, 2020

Ano ang Layunin ng Pilosopiya?


 February 3, 2021

Hindu Caste System in India: A Simplified Summary


 August 6, 2021

Social ScienceView All

Nagbabago ang mga ugnayan ng tao dahil sa sistema ng lipunan


 March 21, 2021

Kahulugan ng Sosyalismo, Epekto, at Kahinaan nito


 March 21, 2021

Lipunang Birtwal: Mga Katangian at Pamamaraan


 March 20, 2021

Paano Nahuhubog Ng Tao Ang Lipunan At Ng Lipunan Ang Tao


 March 20, 2021
Mga Epekto ng Pakikilahok sa Mga Gawaing Pansibiko
 November 7, 2020

Some Social Science Disciplines


 September 14, 2020

About Us
MyInfoBasket.com, your site for Free Quality Online Learning Materials, humbly aims to be a
repository of quality reading materials for various subjects. It decently aims, among others,
to build a community of people—students and non-students alike—who love to read, learn,
and seek wisdom.
As MyInfoBasket.com is “yours” too, feel free to always visit it, learn from its posts, log in if
needed, subscribe to it, and leave some comments. 
Enjoy our basket!

Useful Links
 Advertise!
 Documentation
 Facebook
 FAQ
Menu
 Home
 About Us
 Privacy Policy
 Hello Page
 Contemporary Issues
 Psychology
Contact Us
MyInfoBasket.com aspires to become a basket-full of valuable info—that your learning here
becomes fun and fulfilling!
Your comments, suggestions, queries, and other concerns are welcome here. 
To contact us, please e-mail us here.
 Home
 About
 Privacy Policy
 Contact Us
 Contemporary Issues
 Pambungad sa Pilosopiya ng Tao
Copyright © 2021 MyInfoBasket.com. All rights reserved.
Theme: ColorMag Pro by ThemeGrill. Powered by WordPress.

Privacy Policy
RedditTwitterEmail

You might also like