Professional Documents
Culture Documents
Arapan Q1 Module 4 Revised PDF
Arapan Q1 Module 4 Revised PDF
10
Araling Panlipunan
Unang Markahan
KONTEMPORARYONG ISYU AT
HAMONG PANGKAPALIGIRAN
i
Araling Panlipunan- Grade 10
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 - Module 4: Hamong Pangkapaligiran
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon-Dibisyon ng Bukidnon
Office Address: Fortich St., Sumpong, Malaybalay, Bukidnon
Telephone: (088) 813-3634
E-mail Address: bukidnon@deped.gov.ph
ii
Suriin
Hazard Assessment
Ang Hazard Assessment ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at
pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna
o kalamidad sa isang partikular na panahon. Sa pamamagitan ng hazard
assessment, natutukoy kung ano-ano ang mga hazard na gawa ng kalikasan o gawa
ng tao na maaaring maganap sa isang lugar. Sa pagsasagawa ng hazard
assessment, dapat bigyang pansin ang pisikal at temporal na katangian nito.
Sa bahaging ito ng disaster management plan, tinataya ang mga hazard at
kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
Mula sa mga impormasyon na nakuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang
maging handa ang isang pamayanan sa panahon ng sakuna at kalamidad.
Isinasagawa ang Disaster Risk Assessment kung saan nakapaloob dito ang Hazard
Assessment, Vulnerability Assessment, at Risk Assessment. Tinataya naman ang
kakayahan at kapasidad ng isang komunidad sa pamamagitan ng Capacity
Assessment. Bakit kailangang mauna ang pagsasagawa ng pagtataya sa yugto ng
Prevention and Mitigation? Ito ay dahil kailangang maunawaan ng mga babalangkas
ng plano kung ano-ano ang mga hazard, mga risk, at sino at ano ang maaaring
maapektuhan at masalanta ng kalamidad.
Pisikal na katangian ng Hazard
Pagkakilanlan Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang hazard
at kung paano ito umusbong sa isang lugar
Katangian Pag- alam sa uri ng Hazard
Intensity Pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaring idulot ng
hazard
Lawak Pag-aaral tungkol sa angkop at tagal ng epekto ng hazard
Saklaw Pagtukoy kung sino ang maaaring tamaan o
maapektuhan sa hazard
Predictability Panahon kung kalian maaaring maranasan ang hazard.
Manageability Pagtaya sa kakayahan ng komunidad na harapin ang
hazard upang mabawasan ang malawakang pinsala.
4
Mahalagang maunawaan ng isang komunidad ang mga pisikal na katangian ng
hazard sa kanilang lugar upang maging malinaw ang mabubuong hazard
assessment. Bukod dito, ang impormasyon na maibibigay sa pagtukoy sa mga
pisikal na katangian ng hazard ay magdudulot ng higit na ligtas na pamayanan.
5
Balikan
Tuklasin
Suriin
13
Vulnerability Assessment
Ang pagiging Vulnerable ng isang lugar ay nangangahulugang mayroong
itong kakulangan sa mga nabanggit na kategorya. Bunga nito, nagiging mas
malawak ang pinsala na dulot ng hazard. Halimbawa, kung ang isang komunidad ay
walang pakialam sa mga programang pangkaligtasan ng kanilang pamahalaan, hindi
nila alam ang kanilang gagawin sa panahon ng sakuna o kalamidad. Ang mga
mamamayang ito ay matatawag na vulnerable dahil sila ang mga posibleng maging
biktima ng sakuna o kalamidad. Samantala, ang mga mamamayan naman na may
maliit na kita ay maituturing rin na vulnerable dahil maaaring hindi sapat ang
kanilang sweldo upang tustusan ang dagdag na gatusin sa panahon ng sakuna tulad
ng bagyo o baha.
Tatlong Kategorya ng Vulnerability:
1. Pisikal o Materyal
Tumutukoy sa mga materyal na yaman tulad ng suweldo mula sa trabaho, pera sa
bangko at mga likas na yaman. Ang kawalan o kakulangan ng mga nabanggit na
pinagkukunang-yaman ay nangangahulugan na ang isang komunidad ay vulnerable
o maaaring mapinsala kung ito ay makararanas ng hazard
2. Panlipunan
Tumutukoy sa pagiging vulnerable o kawalan ng kakayahan ng grupo ng tao sa
isang lipunan. Halimbawa ay mga kabataan, mga matatanda, mga may kapansanan,
maysakit at iba pang pangkat na maaaring maging biktima ng hazard. Kasama rin
dito ang pagiging vulnerable ng institusyong panlipunan tulad ng pamahalaan.
3. Pag-uugali tungkol sa Hazard
May mga paniniwala at gawi ang mga mamamayan na nakahahadlang sa pagiging
ligtas ng isang komunidad. Bunga nito, nagiging vulnerable ang isang komunidad.
Ayon kina Abarquez at Murshed, (2004), sa pagsasagawa ng Vulnerability
Assessment, kailangang suriin ang sumusunod: Elements at risk, People at risk, at
Location of people at risk.
Ang vulnerability ng isang pamayanan ay nakabatay sa lokasyon nito, halimbawa,
mas vulnerable sa pagbaha, ang mga mabababang lugar. Samantalang vulnerable
naman sa landslide ang mga naninirahan malapit sa paanan ng bundok. Ipinakikita
sa talahanayan ang halimbawa ng instrumento na ginagamit sa pagsasagawa ng
Vulnerability Assessment. Mahalaga rin ang mga impormasyon na makukuha sa
Vulnerability Assessment dahil makatutulong ito sa pagbuo ng disaster management
ng isang pamayanan.
14
Tuklasin
https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Freliefweb.int%2Fsites%2Freliefweb.int%2Ffiles%2Fstyles%2Fattachment-large%2Fpublic%2Fresources-pdf-previews%2F1406643-
Needs%2520and%2520Capacity%2520Assessment%2520Book-min%25202019-07-05%252007-47-
13.png%3Fitok%3DggGPqL2L&imgrefurl=https%3A%2F%2Freliefweb.int%2Freport%2Fnepal%2Fneeds-and-capacity-assessment-fourteen-rural-and-urban-municipalities-disaster-
risk&tbnid=byyKMGCcETuVuM&vet=12ahUKEwjo5Irx6qXqAhULCpQKHeoCDRsQMygWegUIARDWAQ..i&docid=e6HSwlUi-
JUF1M&w=613&h=859&q=capacity%20assessment%20in%20disaster%20management&hl=en&ved=2ahUKEwjo5Irx6qXqAhULCpQKHeoCDRsQMygWegUIARDWAQ
https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fwww.ifrc.org%2FPageFiles%2F40699%2Fp-
ZWE0223_464.jpg&imgrefurl=https%3A%2F%2Fwww.ifrc.org%2Fen%2Fwhat-we-do%2Fdisaster-management%2Fabout-disaster-
management%2F&tbnid=fSZu2eJCzPc8SM&vet=12ahUKEwjV0tC866XqAhVZAKYKHY_7BkcQMyg6egQIARA_..i&docid=UbaIZdiE27Hb5M&w=
464&h=250&q=capacity%20assessment%20in%20disaster%20management%20QUIPMENT&hl=en&ved=2ahUKEwjV0tC866XqAhVZAKYKHY_
7BkcQMyg6egQIARA_
R A S M
Suriin
Risk Assessment
Kung ang Disaster prevention ay tumutukoy sa pag-iwas sa mga hazard at
kalamidad, sinisikap naman ng mga gawain sa disaster mitigation na mabawasan
ang malubhang epekto nito sa tao, ari-arian at kalikasan. Ito ay tumutukoy sa mga
hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may
layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan (Ondiz
at Redito, 2009).
Dalawang uri ng Mitigation
Structural migitation- Tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa sa pisikal na
kaanyuan ng isang komunidad upang ito ay maging matatag sa panahon ng
pagtama ng hazard. Ilan sa halimbawa nito ay ang pagpapagawa ng dike upang
mapigilan ang baha, paglalagay ng mga sandbags, pagpapatayo ng mga flood
gates, pagpapatayo ng earthquake-proof buildings, at pagsisiguro na may fire
exitinguisher ang mga ipinatatayong gusali.
Non -Structural migitation- Tumutukoy sa mga ginagawang plano at paghahanda ng
pamahalaan upang maging ligtas ang komunidad sa panahon ng pagtama ng
hazard. Ilan sa halimbawa nito ay ang pagbuo ng disaster management plan,
pagkontrol sa kakapalan ng populasyon, paggawa ng mga ordinansa at batas,
information dissemination at hazard
21
Kahalagahan ng Disaster Risk Assessment
Ayon kina Ondiz at Redito (2009), ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit
mahalaga ang pagsasagawa ng risk assessment:
1. Nagiging sistematiko ang pagkalap ng datos sa pagtukoy, pagsusuri, at pagtatala
sa mga hazard na dapat unang bigyang pansin.
2. Nagiging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard na mayroon sa kanilang
komunidad na noon ay hindi nila alam. Sa pamamagitan ng risk assessment ay
nagkakaroon ng mas matibay na batayan ang maaaring maging epekto ng hazard
sa kanilang komunidad.
3. Nagsisilbing batayan sa pagbuo ng disaster risk reduction and management plan.
Nagiging gabay sa pagbuo ng mga polisiya, programa, proyekto, at istratehiya
upang maging handa ang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang hazard.
4. Nagbibigay ng impormasyon at datos na magagamit sa pagbuo ng plano at
magsisilbing batayan sa pagbuo ng akmang istratehiya sa pagharap sa mga hazard.
5. Isa sa mahalagang produkto ng risk assessment ay ang pagtatala ng mga hazard
at pagtukoy kung alin sa mga ito ang dapat bigyan ng prayoridad o higit na
atensyon. Ito ay tinatawag na Prioritizing risk.
Ang mga naunang hakbang ay nakapaloob sa Disaster Prevention. Sa unang yugto
ng CBDRM Plan ay isinasagawa rin ang mga hakbang para sa Disaster Mitigation
na kinapapalooban naman ng Risk Assessment. Tunghayan ito sa susunod na
bahagi ng aralin. Risk Assessment kung ang Disaster prevention ay tumutukoy sa
pag-iwas sa mga hazard at kalamidad. Sinisikap naman ng mga gawain sa disaster
mitigation na mabawasan ang malubhang epekto nito sa tao, ari-arian, at kalikasan.
Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna,
kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang
pinsala sa tao at kalikasan (Ondiz at Redito, 2009).
Gabay na tanong:
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
22