You are on page 1of 22

10

PANGALAN:_____________________________________
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

ARALING PANLIPUNAN
Kwarter I – Linggo 7-8
Mga Angkop na Hakbang
ng Community-based Disaster Risk
Reduction and Management Plan

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Araling Panlipunan – Baitang 10
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter I – Linggo 7-8: Mga Angkop na Hakbang ng Community-
based Disaster Risk Reduction and Management Plan
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi m aaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Merry Queen M. Galvez, John Lawrince E. Retanal
Pangnilalamang Patnugot: Nimfa V. Alaska, Zenon M. Oblan
Editor ng Wika: Jouilyn O Agot
Tagawasto: Nimfa V. Alaska, Rodney M. Ballaran

Tagasuri: Marites L. Arenio, Nimfa V. Alaska

Tagaguhit: Karl Gabriel G. Buenafe

Tagalapat: Baby Erma P. Anas


Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD. ASDS
Cyril C. Serador PhD. CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
MaritesL. Arenio, EPS-Araling Panlipunan
Fe O. Cabasal, PSDS
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR: Ronald S. Brillantes, Rodney M. Ballaran,


Carissa M. Calalin, Jouilyn O. Agot

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Una at Ikalawang Yugto:
Hakbang ng Community-based Disaster Risk
Reduction and Management Plan
MELC: Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRRM Plan.

Mga Layunin:

1. Nauunawaan ang Community-based Disaster Risk Reduction and Management Plan;


2. Nasusuri ang gampanin ng pamahalaan, NGO, at mga mamamayan sa
pagsasakatuparan ng mga hakbangin ng CBDRRM Plan; at
3. Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng Community-based Disaster Risk
Reduction and Management.

Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Isulat sa patlang ang titik ng
tamang sagot na tinutukoy ng bawat aytem.
______ 1. Ang sumusunod ay nakapaloob sa pagsasagawa ng Disaster Risk Assessment,
MALIBAN sa isa, alin dito?
A. Disaster Assessment C. Risk Assessment
B. Hazard Assessment D. Vulnerability Assessment

______ 2. Napakahalaga para sa isang pamayanan ang maging handa sa mga sakunang
dumarating, alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng structural
mitigation?
A. Namahagi ng emergency kit ang DSWD sa mga pamilyang miyembro ng 4Ps.
B. Kinumpuni ng mga lokal na pamahalaan ang mga tulay na maaaring masira sa
pagtama ng isang lindol.
C. Nagsagawa ng pagpupulong ang mga residente ng Bgy. San Jose tungkol sa
mga dapat gawin sa panahon ng kalamidad.
D. Tiniyak ng NFA na sapat ang suplay ng bigas para sa mga mamamayang
naapektuhan ng lockdown sa Puerto Princesa.

______ 3. Ang sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng Disaster Risk Assessment,


MALIBAN sa isa, alin dito?
A. Nagiging mulat ang kaisipan ng mga mamamayan sa korapsyon na nagaganap
sa pamahalaan.
B. Nagiging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard na mayroon sa kanilang
komunidad na noon ay hindi nila alam.
C. Nagiging sistematiko ang pagkalap ng datos sa pagtukoy, pagsusuri, at
pagtatala sa mga hazard na dapat unang bigyang pansin.
D. Nagbibigay ng impormasyon at datos na magagamit sa pagbuo ng plano at
magsisilbing batayan sa pagbuo ng akmang istratehiya sa pagharap sa mga
hazard.
1
______ 4. Ano ang tawag sa sistematikong pagtugon sa mga sakuna sa pamamagitan ng
pagtutulungan ng ibat’ ibang ahensiya ng pamahalaan kasama ang mga piling
NGO?
A. Bottom-Up Approach C. Cluster Approach
B. CBDRRM Approach D. Top-Down Approach

______ 5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng epekto ng cluster approach?


A. Nagiging dahilan ito ng mabagal na pagkilos ng pamahalaan dulot ng pag
aasahan ng iba’t ibang ahensiya.
B. Nagkakaroon ng kalituhan sa mga ahensiya ng pamahalaan kung sino nga ba
ang dapat unang kumilos sa panahon ng sakuna.
C. Hinikayat nitong gumawa ang mga mamamayan ng kanilang sariling paraan
upang makabangon mula sa pagsalanta ng isang sakuna.
D. Napabibilis nito ang pagbangon mula sa isang sakuna sa pamamagitan ng
pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya at institusyon ng pamahalaan.

______ 6. Sa panahon ng kalamidad, sila ang tumutulong sa paglikas ng mga mamamayang


maaapektuhan ng kalamidad. Sila rin ang nangunguna sa isinasagawang search,
rescue and retrieval operations. Ano ang ahensiya ng pamahalaan na nakatalaga
sa pagbibigay proteksiyon sa mga mamamayan sa lahat ng uri ng banta?
A. Department of National Defense
B. Department of Social Work and Development
C. Department of Interior and Local Government
D. National Disaster Risk Reduction and Management Council

______ 7. Alin sa sumusunod ang mga layunin ng Disaster Preparedness?

I. to inform II. to advise III. to instruct IV. to prepare

A. I, II, at III C. I, III, at IV


B. I, II, at IV D. II, III, at IV

______ 8. Ano ang tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard at oras
ng pagtama nito sa isang komunidad?
A. Frequency C. Forewarning
B. Force D. Speed of onset

______ 9. Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng needs assessment?


A. Upang makahingi agad ng donasyon sa pribadong sektor bago pa dumating ang
kalamidad.
B. Upang agad matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayang
naapektuhan ng kalamidad.
C. Upang malaman ang mga pangangailangan ng mga mamamayan bago pa man
tumama ang isang kalamidad.
D. Upang maiwasan ang sobrang paglalaan ng pamahalaan ng pondo para sa
pagkain at gamot sa panahon ng sakuna.

______ 10. Ano ang tumutukoy sa pagtaya ng kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o
komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard?
A. Capacity Assessment C. Risk Assessment
B. Hazard Assessment D. Vulnerability Assessment

2
Ating Alamin at Tuklasin

Paghawan ng Balakid Napakahalaga sa isang


komunidad ang pagkakaroon ng isang
CBDRRM- Community-based matibay na plano laban sa mga sakunang
Disaster Risk Reduction and maaaring dumating. Sa ganitong paraan,
Management Plan. maraming buhay at ari-arian ang
mailalayo sa panganib kung ito ay
Damage Assessment- sa hakbang na
maisasagawa nang wasto.
ito tinataya ang lawak ng pagkasira ng
mga ari-arian at imprastraktura dulot ng Ngunit hindi sapat ang
kalamidad. pagsasagawa ng isang Community-based
Loss Assessment -ay ang pagtataya ng Disaster Risk Reduction and Management
pansamantala at pang-matagalang Plan. Mayroong itong mga hakbang na
pagkaantala ng mga serbisyo at dapat sundin upang higit na maging
produksiyon dulot ng mga pagkasirang epektibo ang pagpaplano at pagsasagawa
nito. Ito ang mga sumusunod: A.) Disaster
natamo pagkatapos ng isang sakuna.
Prevention and Mitigation, B.) Disaster
Sa madaling salita, ang damage at loss Preparedness, C.) Disaster Response at
ay magkaugnay sapagkat ang loss ay D.) Disater Rehabilitation and Recovery.
resulta ng damage.

Sa araling ito, malalaman mo ang mga hakbang na dapat sundin upang higit na
maging epektibo ang pagpaplano at pagsasagawa ng Community-based Disaster Risk
Reduction and Management Plan.

A. Disaster Prevention and Mitigation


Ang unang hakbang sa pagsasagawa ng Disaster Management Plan ay tinatawag na
Disaster Prevention and Mitigation kung saan tinataya ang mga banta na mayroon sa
isang pamayanan gayundin ang kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga bantang
ito.
Hazard Assessment
Hazard Assessment ito ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na
maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa
isang partikular na panahon.
Temporal na Katangian ng Hazard
Frequency Dalas ng pagdanas ng hazard. Maaaring ang hazard ay nagaganap
taon-taon, isang beses sa loob ng lima o sampung taon o kaya ay
biglaan lamang.
Duration Pag-alam sa tagal kung kailan nararanasan ang hazard. Maaaring ito
ay panandalian lamang tulad ng lindol; sa loob ng ilang araw tulad ng
baha o kaya ay buwan tulad ng digmaang sibil.
Speed of Bilis ng pagtama ng isang hazard. Maaaring mabilisan o walang babala
onset tulad ng lindol o kaya ay may pagkakataon na magbigay ng babala tulad
ng bagyo o baha.
Forewarning Tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard at
Onset oras ng pagtama nito sa isang komunidad

3
Force Maaaring natural tulad ng hazard na dala ng hangin, tubig tulad ng
malakas na pagbuhos ng ulan, baha, pag-apaw ng ilog, flashflood, tidal
wave, at storm surge, lupa tulad ng landslide at lahar; apoy tulad ng
pagkasunog ng kagubatan o kabahayan; seismic tulad ng lindol at
tsunami; gawa ng tao tulad ng conflict gaya ng digmaang sibil, rebelyon,
at pag- aaklas; industrial/technological tulad ng polusyon, pasabog,
pagtagas ng nakalalasong kemikal at iba pang hazard tulad ng
taggutom, tagtuyot, at pagsalakay ng peste sa mga pananim.

Ano ang Hazard Mapping at Historical Profiling?


Ang Hazard Mapping ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mapa ng mga
lugar na maaaring masalanta ng hazard at ang mga elemento tulad ng gusali, taniman,
kabahayan na maaaring mapinsala.
Historical Profiling/Timeline of Events ay gumagawa ng historical profile o timeline
of events upang makita kung ano-ano ang mga hazard na naranasan.

Hazard Assessment (Historical Profile)

Hazard Frequency Duration Speed of Forewarning Force When


Onset
Flood
Type
Drought
Earthuake
Landslide
Civil war
Pollution
Volcanic
Eruption

Ang Historical Profile ay isang paraan sa pagsasagawa ng Hazard Assessment.


Kinakailangan dito ang koordinasyon ng mga opisyales ng barangay o kaya ng
pamahalaang panlungsod upang ito ay mapunan ng tamang impormasyon.
Mahalaga pa rin sa CBDRM Approach ang partisipasyon ng mga mamamayan dahil
mayrooon silang personal na karanasan sa mga hazard sa kanilang lugar. Mas mabibigyan
ng sapat na kaalaman ang mga mamamayan kung sila ay kabahagi sa pagsasagawa ng
hazard assessment sa kanilang pamayanan.

Naunawaan mo sa bahaging ito ang mga hakbang at kahalagahan ng


Hazard Assessment. Sa susunod na bahagi ng aralin ay mauunawaan mo
naman kung ano ang nilalaman ng Vulnerability at Capacity Assessment at
kung paano ito makatutulong sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and
Management Plan.

4
Vulnerability at Capacity Assessment (VCA)
VCA- Vulnerability Capacity Assessment sa pamamagitan nito ay masusukat ang
kahinaan at kapasidad ng isang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang hazard na maaaring
maranasan sa kanilang lugar.
Vulnerability Assessment tinataya dito ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan
o komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard.
Capacity Assessment tinataya ang kakayahan ng komunidad na harapin ang iba’t
ibang uri ng hazard.
Ayon kina Anderson at Woodrow (1990) mayroong tatlong kategorya ang Vulnerability:
ito ay ang Pisikal o Materyal, Panlipunan, at Pag-uugali tungkol sa hazard.

Vulnerability Assessment
Ang pagiging vulnerable ng isang lugar ay nangangahulugang mayroon itong
kakulangan sa mga nabanggit na kategorya. Bunga nito, nagiging mas malawak ang
pinsala na dulot ng hazard.
Halimbawa, kung ang isang komunidad ay walang pakialam sa mga programang
pangkaligtasan ng kanilang pamahalaan, hindi nila alam ang kanilang gagawin sa panahon
ng sakuna o kalamidad.
Maituturing bang vulnerable ang mga mamamayan?
Ang mga mamamayan ay matatawag na vulnerable dahil sila ang mga posibleng maging
biktima ng sakuna o kalamidad.
Ayon kina Abarquez at Murshed, (2004), sa pagsasagawa ng Vulnerability Assessment,
kailangang suriin ang sumusunod: Elements at Risk, People at Risk, at Location of People at
Risk.
Elements at Risk. Tumutukoy ang elements at risk sa tao, hayop, mga pananim,
bahay, kasangkapan, imprastruktura, kagamitan para sa transportasyon at
komunikasyon, at pag-uugali. Halimbawa, may mga bahay sa pamayanan na
maituturing na vulnerable. Ilan sa mga dahilan ay ang lokasyon nito, dahil malapit sa
anyong-tubig nasa paanan ng bundok, nasa mababang bahagi ng pamayanan, o kaya
ay gawa sa mga kasangkapang madaling masira ng bagyo.
People at Risk. Tumutukoy ito sa mga taong higit na maaapektuhan ng pagtama ng
isang sakuna. Halimbawa, sa kasalukuyan ay may nagaganap na pandemya, ang
COVID-19, hinihikayat ang mga bata at senior citizens na manatili sa kanilang
tahanan dahil mas madali silang kapitan ng virus dahil hindi ganoon katibay ang
kanilang immune system.
Location of People at Risk. Sa usapin naman ng location of People at Risk, tinutukoy
ang lokasyon o tirahan ng mga taong natukoy na vulnerable.

Halimbawa ng Vulnerability Assessment Chart


Lugar: Bgy. Bagong Sikat, Puerto Uri ng hazard: Bagyo, Storm Surge
Princea City
Elements at Risk: Mga kabahayan,
bangka at mga mamamayan
Dahilan: Dahil direktang nakaharap sa
People at Risk: Mga mangingisda, dagat, mas vulnerable ang pamayanang ito
matatanda, kababaihan at mga bata sa malakas na hangin at malalaking
daluyong dulot ng bagyo.
Location of People at Risk: Coastal
Area, Bgy. Bagong Sikat, PPC
5
Ang mga naunang hakbang ay nakapaloob sa Disaster Prevention. Sa
unang unang yugto ng CBDRM Plan ay isinasagawa rin ang mga hakbang para
sa Disaster Mitigation na kinapapalooban naman ng Risk Assessment.
Tunghayan ito sa susunod na bahagi ng aralin.

Risk Assessment
Kung ang Disaster Prevention ay tumutukoy sa pag-iwas sa mga hazard at kalamidad,
sinisikap naman ng mga gawain sa Disaster Mitigation na mabawasan ang malubhang
epekto nito sa tao, ari-arian, at kalikasan. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat
gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad, at hazard na may layuning maiwasan o
mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan (Ondiz at Redito, 2009).
Dalawang Uri ng Mitigation

Structural Mitigation
Tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa sa pisikal na kaanyuan ng isang
komunidad upang ito ay maging matatag sa panahon ng pagtama ng hazard. Ilan sa
halimbawa nito ay ang pagpapagawa ng dike upang mapigilan ang baha, paglalagay
ng mga sandbags, pagpapatayo ng mga flood gates, pagpapatayo ng earthquake-proof
buildings, at pagsisiguro na may fire exit ang mga ipinatatayong gusali

Non-Structural Mitigation
Tumutukoy sa mga ginagawang plano at paghahanda ng pamahalaan upang maging
ligtas ang komunidad sa panahon ng pagtama ng hazard. Ilan sa halimbawa nito ay
ang pagbuo ng Disaster Management Plan, pagkontrol sa kakapalan ng populasyon,
paggawa ng mga ordinansa at batas, information dissemination, at Hazard
Assessment.

Kahalagahan ng Disaster Risk Assessment


Ayon kina Ondiz at Redito (2009), ang sumusunod ay dahilan kung bakit mahalaga ang
pagsasagawa ng Risk Assessment:
1. Nagiging sistematiko ang pagkalap ng datos sa pagtukoy, pagsusuri, at pagtatala sa mga
hazard na dapat unang bigyang pansin.
2. Nagiging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard na mayroon sa kanilang
komunidad na noon ay hindi nila alam.
3. Nagsisilbing batayan sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management Plan.
Nagiging gabay sa pagbuo ng mga polisiya, programa, proyekto, at istratehiya upang
maging handa ang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang hazard.
4. Nagbibigay ng impormasyon at datos na magagamit sa pagbuo ng plano at magsisilbing
batayan sa pagbuo ng akmang istratehiya sa pagharap sa mga hazard.
5. Isa sa mahalagang produkto ng risk assessment ay ang pagtatala ng mga hazard at
pagtukoy kung alin sa mga ito ang dapat bigyan ng prayoridad o higit na atensyon. Ito
ay tinatawag na Prioritizing Risk.
Mahalaga ang mga hakbang na nakapaloob sa yugto ng Prevention and Mitigation. Lahat
ng impormasyon na makukuha mula sa pagsasagawa nito ay makatutulong upang
magkaroon ng malinaw na batayan sa pagbuo ng DRRM Plan ang isang pamayanan

Hindi natatapos ang DRRM plan sa pagtataya ng mga banta ng kalamidad at


kakayahan ng komunidad na harapin ito. Mahalagang gamitin ang mga
impormasyong nakalap mula sa unang hakbang sa pagbuo ng ikalawang yugto:
ang Disaster Preparedness.

6
Ikalawang Yugto: Disaster Preparedness
Sa ating lipunang ginagalawan madalas tayong nakapapanood ng mga patalastas sa
telebisyon tungkol sa mga dapat gawin sa panahon ng sakuna. Mayroon ding mga anunsyo
sa radyo, sa mga pahayagan, at maging sa ating pamayanan tungkol sa mga gagawin natin
kung sakaling tayo ay makaranas ng iba’t ibang kalamidad. Ito ay ilan lamang sa mga
gawaing nakapaloob sa ikalawang yugto ng DRRM plan.
Disaster Preparedness ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa
panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna, o hazard. Mahalagang malaman ng mga
miyembro ng pamilya, ng mga mamamayan sa komunidad, at maging ng mga kawani ng
pamahalaan ang mga dapat gawin sa panahon ng sakuna o kalamidad.
Layunin ng mga gawaing nakapaloob sa yugtong ito na mapababa ang bilang ng mga
maapektuhan, maiwasan ang malawakan at malubhang pagkasira ng mga pisikal na
istruktura at maging sa kalikasan, at mapadali ang pag-ahon ng mga mamamayan mula
sa dinanas na kalamidad.
(Pinagkunan: “Kontemporaryong Isyu”, Learning Resource Management and
Development System, accessed August 10, 2021, https://lrmds.deped.gov.ph.)

Tayo’y Magsanay
:

Gawain 1
Panuto: Punan ang assessment chart na nakikita at nararanasang kalamidad/sakuna
sa inyong barangay.

Lugar: Uri ng hazard:

Elements at Risk: Dahilan:

People at Risk:

Location of People at Risk:

Gawain 2
Panuto: Punan ang Historical Profile na nararanasan sa inyong barangay.

Frequency Duration Speed of Onset Forewarning Force When


Hazard
Flood
Drought
Type
Earthuake
Landslide
Civil war
Pollution
Volcanic
Eruption

Bakit mahalaga ang CBDRRM plan?

7
Ating Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Ipamalas ang iyong pag-unawa sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot
sa mga sumusunod na katanungan.

1. Bigyang kahulugan at kahalagahan ang sumusunod;


a. Disaster Prevention and Mitigation
Kahulugan: ___________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Kahalagahan: _________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

b. Disaster Preparedness
Kahulugan: ___________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Kahalagahan: _________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Gawain 2
Panuto: Pumili ng isang uri ng hazard o kalamidad. Sa isang short bond paper, gumawa ng
poster ad na nagpapakita ng sumusunod:

1. Impormasyon tungkol sa katangian at kahulugan ng disaster


2. Mga sanhi at epekto nito
3. Mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng disaster
4. Mga gamit na dapat ihanda upang maging ligtas kapag naranasan ang disaster.
5. Mga opisyales, kawani ng pamahalaan, o NGO na maaaring hingan ng tulong.

Rubrik sa Pagmamarka ng Poster Ad


Pamantayan 5 4 3
Napakalinaw at Malinaw at maayos Di- masyadong malinaw
Nilalaman maayos ang ang nilalaman ang nilalaman
nilalaman
Talagang wasto ang Wasto ang pag- Di-masyadong wasto ang
Organisasyon pag-organisa ng organisa ng mga pag-organisa ng mga
mga ideya ideya ideya

Lubos na nagpakita Nagpakita ng Di- masyadong nagpakita


Pagkamalikhain ng pagkamalikhain pagkamalikhain sa ng pagkamalikhain sa
sa kaniyang katha. kaniyang katha kaniyang katha
Kabuuan 15 Puntos

Bakit mahalaga na malaman mo ang Disaster Prevention and Mitigation


at Disaster Preparedness?

8
Ang Aking Natutuhan
Panuto: Kumpletuhin ang talata sa pamamagitan ng pagsulat ng mga salita sa mga
patlang na makikita sa ibaba.

pamahalaan kalamidad Disaster Preparedness

banta Disaster Prevention and Mitigation

Ang unang hakbang sa pagsasagawa ng Disaster Management Plan ay


tinatawag _________________________________________ na kung saan tinataya ang
mga _________ na mayroon sa isang pamayanan gayundin ang kakayahan ng
pamayanan na harapin ang mga bantang ito.

Ang ikalawang hakbang ay tinatawag na ___________________________ ay


tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng
____________________, sakuna, o hazard. Mahalagang malaman ng mga
miyembro ng pamilya, ng mga mamamayan sa komunidad, at maging ng mga
kawani ng _______________ ang mga dapat gawin sa panahon ng sakuna o
kalamidad.

Aralin 2

Ikatlo at Ikaapat na Yugto:


Hakbang ng Community-based Disaster
Risk Reduction and Management Plan
Natunghayan mo na ang una at ikalawang yugto ng pagsasagawa ng CBDRRM Plan.
Atin naming aralin ang ikatlo at ikaapat na yugto ng CBDRRM Plan. Ang bayan ng Puerto
Princesa ay karaniwang nakararanas ng bagyo at pagbaha, matututunan mo rito ang iba’t
ibang pagtataya na isinasagawa pagkatapos ng isang sakuna/kalamidad.
Ikatlong Yugto: Disaster Response

Dito inaalam ng kinauukula n ang lawak ng pinsala na dulot ng isang kalamidad.


Mahalaga ito sapagkat dito nakabatay ang pagiging epektibo ng pagtugon ng pamahalaan
at iba pang sektor ng lipunan sa nagdaang kalamidad

Needs Assessment

Sa hakbang na ito tinataya ang mga pangunahing pangangailangan ng isang


komunidad na sinalanta ng isang kalamidad tulad ng pagkain, damit, gamot, tahanan, at
9
iba pa. Dahil dito agad-agarang natutugunan ang pangangailangan ng mga apektado ng
isang kalamidad. Madaling masasagot ang tanong na “ano ang uunahin ng pamahalaan?”.
Halimbawa, ang isang komunidad ay sinalanta ng isang malakas na bagyo, nakapaghanda,
at nakapag-imbak ng sapat pagkain at nakapaghanda rin ang evacuation centers ang lokal
na pamahalaan ngunit sa kasamaang palad marami ang nagkakasakit sa mga
mamamayang nasalanta, ano ang uunahin ng pamahalaang paglaanan ng kanilang pondo?
Maaaring sa pagkakataong ito mas bibigyang prayoridad ng pamahalaan ang pagbili at
pamamahagi ng gamot dahil ito ang higit na kinakailangan ng mga mamamayang apektado
ng kalamidad.

Damage Assessment

Sa hakbang na ito tinataya ang lawak ng pagkasira ng mga ari-arian at


imprastraktura dulot ng kalamidad. Dito tinutukoy kung ano-anong mga ari-arian at
imprastraktura ang tuluyang nasira, dapat palitan at maaari pang isaayos. Dito rin tinataya
ang halaga at panahong kakailanganin sa pagsasayos ng mga pinsala.

Loss Assessment

Ang Loss Assessment ay ang pagtataya ng pansamantala at pang-matagalang


pagkaantala ng mga serbisyo at produksiyon dulot ng mga pagkasirang natamo pagkatapos
ng isang sakuna. Sa madaling salita, ang damage at loss ay magkaugnay sapagkat ang loss
ay resulta ng damage. Halimbawa, ang pagkasira ng isang paaralan pagkatapos ng isang
malakas na bagyo ay maituturing na damage, habang ang pagkaantala ng klase dulot nito
ay maituturing na loss. Isa pang magandang halimbawa nito ay ang pagkasira ng mga
pananim dahil sa pagsalanta ng peste ay maituturing na damage habang ang pagbaba ng
produksiyon at suplay nito sa pamilihan ay maituturing na loss.

Ikaapat na Yugto: Disaster Rehabilitation and Recovery

Ang yugtong ito ay nakatuon sa muling pagpapanumbalik at pagpapabuti ng normal


na daloy ng pamumuhay ng mga mamamayang naapektuhan ng isang kalamidad.
Binigyang-pansin din dito ang pagpapanumbalik ng mga serbisyong naantala
(komunikasyon, transportasyon, tubig, kuryente), imprastraktura (kalsada, tulay, paaralan)
at hanapbuhay ng mga mamayan. Hindi biro ang hakbang na ito sapagkat maaaring abutin
ng buwan at taon ang pagpapanumbalik ng normal na pamumuhay ng mga tao.

Ang pinakalayunin ng Disaster Rehabilitation and Recovery ay hindi lamang ibalik sa


normal na pamumuhay ang mga komunidad na naapektuhan ng sakuna kundi lumikha ng
isang pamayanan na kayang harapin ang mga darating pang kalamidad.

Noong taong 2006, sa pangunguna ng United Nations, partikular na ang Inter-Agency


Standing Committee (IASC) ay ipinakilala ang Cluster Approach. Ito ay isang sistematikong
pagtugon sa mga sakuna sa pamamagitan ng pagtutulungan ng ibat’ ibang ahensiya ng
pamahalaan kasama ang mga piling NGO. Layunin nitong mas maging sistematiko at
mabilis ang pagtugon sa mga nangyayaring sakuna. Kaya naman noong 2007 ay ipinalabas
ang NDCC Circular No. 5- 2007, isang direktiba mula sa National Disaster Coordinating
Council (NDCC) na nagpapatibay ng cluster approach sa Pilipinas. Sa bisa naman ng NDCC
Memo No. 12 s.2008, nagtalaga ng mga ahensiya na mamumuno sa bawat cluster. Ilan sa
mga ito ay ang:

10
MGA AHENSIYA NG PAMAHALAAN NA ITINALAGANG UMAGAPAY SA PAMAYANAN
SA PANAHON NG SAKUNA

Ito ang ahensiya ng pamahalaan na


nakatalagang mamahala sa pagkain sa panahon ng
Department of Social Work sakuna. Sinisigurado nito na may sapat na pagkain at
and Development malinis na tubig para sa mga mamamayan. Ang
(Pinagkunan: “DSWD Logo Department DSWD rin ang nakatalaga sa mga evacuation center
of Social welfare and Development, upang kumalinga sa apektado ng sakuna.
accessed August 28, 2020.
(www.dswd.gov.ph.)

Ang ahensiya na nakatalaga sa kalusugan ng


mga mamamayang naapektuhan ng kalamidad.
Sinisiguro nilang may sapat na suplay ng gamot para
sa may mga sakit. Binibigyan prayoridad nila ang mga
Department of Health may karamdaman, mga bata, mga may-edad at mga
buntis.
(Pinagkunan: “DOH Logo Department
of Health, accessed August 28, 2020.
(www.doh.gov.ph.)
Ito ang ahensiya ng pamahalaan na nakatalaga
sa pagbibigay proteksiyon sa mga mamamayan sa
lahat ng uri ng banta. Sa panahon ng kalamidad, sila
ang tumutulong sa paglikas ng mga mamamayang
maaapektuhan ng kalamidad. Sila rin ang
Department of National nangunguna sa isinasagawang search, rescue and
Defense retrival operations. Sa ilalim ng ahensiyang ito ang
(Pinagkunan: “DND Logo Department
National Disaster Risk Reduction and Management
of National Defense, accessed August Council (NDRRMC) na siyang pangunahing ahensiya
28, 2020. www.dnd.gov.ph.) na may pananagutan na tiyakin ang kaligtasan at
kabutihan ng mga mamamayan sa panahon ng
sakuna.

Ang ahensiya na nakatalaga sa edukasyon. Ang


mga paaralan ang isa sa mga nagsisilbing evacuation
centers sa panahon ng kalamidad, sinisiguro ng
Department of Education ahensiyang ito na makapaghatid ng pinakaangkop na
(Pinagkunan: “Deped Logo.Department serbisyong pang-edukasyon sa mga apektado ng
of Education, accessed August 28, 2020. kalamidad.
(www.deped.gov.ph.)

Isa ang sektor ng agrikultura sa lubhang


naaapektuhan ng mga kalamidad na tumatama sa
Pilipinas, nakaatang sa ahensiyang ito ang
responsibilidad na mapanumbalik sa ayos ang buhay
Department of Agriculture at hanapbuhay ng mga magsasaka at mga
(Pinagkunan: “DA Logo Department of mangingisdang naapektuhan ng kalamidad.
Agriculture, accessed August 28, 2020.
(www.da.gov.ph.)

Hindi lamang ang mga ahensiyang nabanggit sa itaas ang kaagapay ng pamahalaan
upang mapanumbalik sa ayos ang buhay ng mga mamamayan, nariyan din ang iba pang
mga ahensiya, institusiyon at NGOs tulad ng sumusunod:

11
Ay isang organisasyon na nakatuon sa
pagtaguyod ng mga serbisyong panlipunan sa
pamamagitan ng bolunterismo. Sa panahon ng
sakuna, isa sila sa mga unang tumutugon upang
Philippine Red Cross
magbigay ng serbisyong panlipuan sa mga
(Pinagkunan: “Red Cross of the mamamayang apektado.
Philippines Logo. “ Red Cross of the
Philippines, accessed August 28, 2020.
(www.redcross.org.ph.)

Ang pangunahing samahan ng mga


mamamahayag sa Pilipinas. Ito ang institusyong
sumisiguro sa paghahatid ng mga napapanahong
ulat sa mga pangyayari at mga impormasyong
Kapisanan ng mga Brodkaster
nakatutulong sa mga mamamayang apektado ng
ng Pilipinas
kalamidad.
(Pinagkunan: “KBP Logo, “Kapisanan ng
mga Brodkaster ng Pilipinas, accessed
August 28, 2020. (www.kbp.org.ph.)

Ang pangunahing institusyon sa Pilipinas na


Philippine Atmospheric, nilikha upang magbigay ng babala tungkol sa baha
Geophysical and Astronomical at sa mga bagyo, pampublikong taya ng panahon,
Services Administration meteorolohiya, astronomikal at iba pang
impormasyon at serbisyo.
(Pinagkunan: “PAGASA Logo,
“Department of Science and Technology,
accessed August 28, 2020.
(www.bagong.pagasa.dost.gov.ph.)

Ang ahensiya ng pamahalaan na responsable


para sa pagpapaigting ng kapayapaan at kaayusan,
pagpapanatili ng seguridad ng mamamayan, at
Department of Interior and pagpapalawig ng kapabilidad ng mga lokal na yunit
Local Government ng pamahalaan. Ang mga pamahalaang lokal na
may responsibilidad na siguruhin ang kaligtasan ng
(Pinagkunan: “DILG Logo, “Department of mga mamamayan sa panahon ng kalamidad.
Interior and Local Government, accessed
August 28, 2020, (www.dilg.gov.ph.)

(Pinagkunan: “Kontemporaryong Isyu”, Learning Resource Management and


Development System, accessed August 10, 2021,
https://lrmds.deped.gov.ph.)

12
Gawain 1
Panuto: Alamin kung ang salitang may salungguhit ay needs, damage o loss. Isulat
ang sagot sa patlang bago ang bilang.

______________1. Ang Bgy. Mandaragat ay sinalanta ng isang lindol, dahil dito


pansamantalang naantala ang klase dahil sa pagkasira ng mga
gusaling pampaaralan.
______________2. Dahil sa pananalanta ng Bagyong Yolanda, humigit-kumulang
tatlong libong pamilya ang nawalan ng tahanan.
______________3. Maraming mga bata at matatanda ang nakaranas ng paninikip ng
dibdib dahil sa ashfall na nagmumula sa Bulkang Taal ngunit kulang
ang suplay ng gamot mula sa lokal na pamahalaan.
______________4. Tinatayang sa susunod na linggo pa maibabalik ang suplay ng
kuryente sa Puerto Princesa matapos mabuwal ang mga poste ng
PALENGKO dahil sa pagtama ng isang malakas na buhawi.
______________5. Dahil sa COVID-19 Pandemic, marami sa mga Palaweño ang
humihingi ng ayudang bigas at iba pang pagkain mula sa
pamahalaan dahil na rin sa ipinpatupad na Ehanced Community
Quarantine.

Gawain 2
Panuto: Magbigay ng dalawang kahalagahan ng bawat pagtataya sa ilalim ng ikatlong
yugto ng CBDRRM Plan. Isulat ang sagot sa bawat kahon sa ibaba.

Needs Assessment Damage Assessment Loss Assessment

Bakit mahalagang maunawaan mo ang needs, damage at loss assessment?

13
Ating Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Ipamalas ang iyong pag-unawa sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa
sumusunod na katanungan.

1. Ano-ano ang hakbang ng CBDRRM Plan?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Bakit mahalagang mayroong maayos na CBDRRM Plan ang isang pamayanan lalo
na sa panahon ng kalamidad?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Higit nga bang magiging matagumpay ang pagtugon sa mga nangyayaring sakuna
sa pamamagitan ng Cluster Approach? Pangatuwiranan.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Gawain 2
Panuto: Gumawa ng isang katha, maaaring tula, awitin, slogan at poster sa temang:
“Pagkakaisa at Pagtutulungan, Susi sa Pagbangon ng Bayan”. Isulat sa inilaang espasyo.

14
Rubrik sa Pagmamarka
Pamantayan 5 4 3
Nilalaman Napakalinaw at Malinaw at maayos Di- masyadong malinaw
maayos ang ang nilalaman ang nilalaman
nilalaman
Organisasyon Talagang wasto ang Wasto ang pag- Di-masyadong wasto ang
pag-organisa ng mga organisa ng mga pag-organisa ng mga ideya
ideya ideya

Pagkamalikhain Lubos na nagpakita Nagpakita ng Di- masyadong nagpakita


ng pagkamalikhain sa pagkamalikhain sa ng pagkamalikhain sa
kaniyang katha. kaniyang katha kaniyang katha
Kabuuan 15 Puntos

Sa iyong sariling pang-unawa, makakatulong ba sa iyong lipunang


ginagalawan ang CBDRRM Plan?

Ang Aking Natutuhan


Panuto: Kompletuhin ang talata sa pamamagitan ng pagsulat ng mga salita sa mga
patlang na makikita sa ibaba.

hanapbuhay pagpapabuti Disaster Rehabilitation and Recovery

lipunan Disaster Response

Ang _______________________ ay ang ikatlong yugto, dito inaalam ng


kinauukulan ang lawak ng pinsala na dulot ng isang kalamidad. Mahalaga ito
sapagkat dito nakabatay ang pagiging epektibo ng pagtugon ng pamahalaan at
iba pang sektor ng ____________ sa nagdaang kalamidad.

Ang ikaapat na yugto ay ang _________________________, sa yugtong ito


ay nakatuon sa muling pagpapanumbalik at ___________________ ng normal na
daloy ng pamumuhay ng mga mamamayang naapektuhan ng isang kalamidad.
Binigyang-pansin din dito ang pagpapanumbalik ng mga serbisyong naantala
(komunikasyon, transportasyon, tubig, kuryente), imprastraktura (kalsada,
tulay, paaralan) at _____________ ng mga mamamayan.

15
Ating Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Isulat sa patlang ang titik ng
tamang sagot na tinutukoy ng bawat aytem.
_____ 1. Ang sumusunod ay nakapaloob sa pagsasagawa ng Disaster Risk Assessment,
MALIBAN sa isa, alin dito?
A. Disaster Assessment C. Risk Assessment
B. Hazard Assessment D. Vulnerability Assessment

_____ 2.Napakahalaga para sa isang pamayanan ang maging handa sa mga sakunang
dumarating, alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng structural
mitigation?
A. Namahagi ng emergency kit ang DSWD sa mga pamilyang miyembro ng 4Ps.
B. Kinumpuni ng mga lokal na pamahalaan ang mga tulay na maaaring masira sa
pagtama ng isang lindol.
C. Tiniyak ng NFA na sapat ang suplay ng bigas para sa mga mamamayang
naapektuhan ng lockdown sa Puerto Princesa.
D. Nagsagawa ng pagpupulong ang mga residente ng Bgy. San Jose tungkol sa
mga dapat gawin sa panahon ng kalamidad.

_____ 3. Ang sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng Disaster Risk Assessment,


MALIBAN sa isa, alin dito?
A. Nagiging mulat ang kaisipan ng mga mamamayan sa korapsyon na nagaganap
sa pamahalaan.
B. Nagiging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard na mayroon sa kanilang
komunidad na noon ay hindi nila alam.
C. Nagiging sistematiko ang pagkalap ng datos sa pagtukoy, pagsusuri, at
pagtatala sa mga hazard na dapat unang bigyang pansin.
D. Nagbibigay ng impormasyon na magagamit sa pagbuo ng plano at magsisilbing
batayan sa pagbuo ng akmang istratehiya sa pagharap sa mga hazard.

_____ 4. Isang sistematikong pagtugon sa mga sakuna sa pamamagitan ng pagtutulungan


ng ibat’ ibang ahensiya ng pamahalaan kasama ang mga piling NGO.
A. Bottom-Up Approach C. Cluster Approach
B. CBDRRM Approach D. Top-Down Approach

_____ 5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng epekto ng cluster approach?


A. Nagiging dahilan ito ng mabagal na pagkilos ng pamahalaan dulot ng pag-
aasahan ng iba’t ibang ahensiya.
B. Nagkakaroon ng kalituhan sa mga ahensiya ng pamahalaan kung sino nga ba
ang dapat unang kumilos sa panahon ng sakuna.
C. Hinikayat nitong gumawa ang mga mamamayan ng kanilang sariling paraan
upang makabangon mula sa pagsalanta ng isang sakuna.
D. Napabibilis nito ang pagbangon mula sa isang sakuna sa pamamagitan ng
pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya at institusyon ng pamahalaan.

_____ 6. Ano ang ahensiya ng pamahalaan na nakatalaga sa pagbibigay proteksiyon sa mga


mamamayan sa lahat ng uri ng banta. Sa panahon ng kalamidad, sila ang
tumutulong sa paglikas ng mga mamayang maaapektuhan ng kalamidad. Sila rin
ang nangunguna sa isinasagawang search, rescue and retrival operations.
A. Department of National Defense
B. Department of Social Work and Development
C. Department of Interior and Local Government
D. National Disaster Risk Reduction and Management Council
16
_____ 7. Alin sa sumusunod ang mga layunin ng Disaster Preparedness?

I. to inform II. to advise III. to instruct IV. to prepare

A. I, II, at III C. I, III, at IV


B. I, II, at IV D. II, III, at IV

_____ 8. Ano ang tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard at oras
ng pagtama nito sa isang komunidad?
A. Frequency C. Force
B. Forewarming D. Speed of onset

_____ 9. Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng needs assessment?


A. Upang makahingi agad ng donasyon sa pribadong sektor bago pa dumating ang
kalamidad
B. Upang agad matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayang
naapektuhan ng kalamidad.
C. Upang malaman ang mga pangangailangan ng mga mamamayan bago pa man
tumama ang isang kalamidad.
D. Upang maiwasan ang sobrang paglalaan ng pamahalaan ng pondo para sa
pagkain at gamot sa panahon ng sakuna.

_____ 10. Ano ang tumutukoy sa pagtaya ng kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o
komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard?
A. Capacity Assessment C. Risk Assessment
B. Hazard Assessment D. Vulnerability Assessment

17
Susi sa Pagwawasto
Aralin 1 Aralin 1
Tayo’y Magsanay Ating Pagyamanin

Gawain 1 Gawain1:
Sariling sagot ng mag-aaral Sariling sagot ng mag-aaral

Gawain 2 Gawain 2: (Posibleng sagot)


Sariling sagot ng mag-aaral
Disaster Prevention and Mitigation kung saan tinataya ang mga
banta na mayroon sa isang pamayanan gayundin ang kakayahan ng
Aralin 1 pamayanan na harapin ang mga bantang ito.
Ang Aking Natutuhan
1. Disaster Prevention Disaster Preparedness ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat
and Mitigation gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna, o
2. Banta hazard. Mahalagang malaman ng mga miyembro ng pamilya, ng mga
mamamayan sa komunidad, at maging ng mga kawani ng
3. Disaster Preparedness
pamahalaan ang mga dapat gawin sa panahon ng sakuna o
4. Kalamidad
kalamidad.
5. Pamahalaan

Ating Subukin Ating Tayahin

1. A 6. D 1. A 6. A
2. B 7. A 2. B 7. D
3. A 8. C 3. B 8. A
4. C 9. B 4. A 9. C
5. D 10. D 5. D 10. D

Aralin 2 Aralin 2
Tayo’y Magsanay Ang Aking Natutuhan
1. hanapbuhay
Gawain 1
2. pagpapabuti
1. Needs
2. Damage
3. Disaster Rehabilitaion
and Recovery
3. Needs
4. Loss 4. lipunan
5. damage 5. Disaster Response
Gawain 2
Posibleng sagot
Needs Assessment Damage Assessment Loss Assessment
Natataya dito ang mga Natutukoy dito ang mga ari- Natutukoy dito ang mga serbisyo
pangunahing pangangailangan arian at impastraktura na naantala at kinakailangan ng
ng mga mamayang maari pang masalba o agarang aksiyon mula sa
naapektuhan ng sakuna. maisaayos at ang mga pamahalaan upang maipagpatuloy
impastraktura na kinakilangan ang serbisyo nito sa mga
palitan. mamamayan.

Aralin 2
Ating Pagyamanin
Gawain1:
1.) Disaster Prevention and Mitigation, Disaster Preparedness, Disaster Response at Disater
Rehabilitation and Recovery.
2.) Napakahalaga sa isang komunidad ang pagkakaroon ng isang matibay na plano laban sa mga
sakunang maaaring dumating. Sa ganitong paraan, maraming buhay at ari-arian ang mailalayo sa
panganib kung ito ay maisasagawa nang wasto.
3.) Sariling sagot ng mag-aaral.

Gawain 2:
Sariling sagot ng mag-aaral

18
Sanggunian
Website

“Kontemporaryong Isyu.” DepEd- Learning Resources Management and Development


System. Accessed August 10, 2021. lrmds.deped.gov.ph.

19
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

20

You might also like