You are on page 1of 3

Camp General Emilio Aguinaldo High School

IKATLONG MAHABANG PAGSUSULIT SA KONTEMPORANEONG ISYU

UNANG BAHAGI: MULTIPLE CHOICE. Piliin ang titik ng tamang sagot

1. Ang Community-Based Disaster Risk Reduction Management ay nakasentro sa kapakanan ng _______.


A. Barangay C. Pamahalaang nasyonal
B. Local Government Unit D. tao

2. Ang mga hazard tulad ng bagyo, thunderstorm, at storm surge ay halimbawa ng natural hazard. Alin naman ang
halimbawa ng anthropogenic hazard?
A. digmaan
B. landslide
C. lindol
D. tsunami

3. Anong konsepto ang tumutukoy sa mga natural na pangyayari o gawa ng tao na maaaring magdudulot ng panganib at
pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya?
A. disaster C. natural hazard
B. hazard D. vulnerability

4. Ayon sa weather forecast ni Kuya Kim, may paparating na malakas na bagyo sa Luzon at kasama ang inyong bayan sa
matatamaan nito. Ano ang iyong gagawin kung naninirahan ka sa mababang lugar at peligroso sa baha?
A. Lumikas sa mataas na lugar
B. Lumikas kapag mataas na ang tubig
C. Kapag tumaas ang tubig ay umakyat sa bubong ng bahay
D. Manatili sa bahay at ipako na lamang ang bubong at bintana

5. Ang vulnerability at risk ay magkaugnay. Kung ang risk ay mga inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay na dulot
ng isang kalamidad. Ano naman ang vulnerability?
A. Kakayahan ng pamayanang harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad.
B. Mga hazard na dulot ng kalikasan.
C. Tumutukoy sa tao, lugar, at imprastrukturang may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard.
D. Mga bantang maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao.

6. Bakit mahalagang makinig o alamin lagi ang mga pahayag, babala at alerto patungkol sa kalamidad?
I. Dahil ligtas ang may alam
II. Upang malayo o makaiwas sa peligro
III. Upang maging handa sa paparating na kalamidad

A. I,II, III B. I, II C. I, III D. II, III

7. Alin sa sumusunod ang mga katangian ng Bottom-up approach?


I. Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang kaunlaran ng kanilang komunidad.
II. Ang pagpaplano o pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng
pamahalaan.
III. Ang responsibilidad sa pagbabago ay nasa kamay ng mga mamamayang naninirahan sa pamayanan.
IV. Ang partisipasyon ng mga mamamayan sa komprehensibong pagpaplano at mga gawain ay kinakailangan para
sa matagumpay na estratehiyang ito.

A. I,II,III,IV B. II,III,IV C. I,III,IV D. II,IV

8. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga lugar sa mapa na maaaring masalanta ng hazard at mga
elementong maaaring mapinsala tulad ng mga tulay, kabahayan, gusali, at iba pang imprastruktura. Ano ito?
A. hazard mapping C. risk profiling
B. physical assessment D. timeline of events

9. Magiging matagumpay ang CBDRRM Approach kung _____. Ano ito?


A. maraming pondo ang pamahalaan.
B. matatalinong tao at may pinag-aralan ang nangunguna sa mga gawain sa komunidad.
C. magtutulungan ang pamahalaan, mga mamamayan, NGO’s at iba’t ibang sektor ng lipunan.
D. susunod lamang ang mamamayan sa idinidikta ng pamahalaan sapagkat alam na nila ang mga susunod pang
mangyayari.

10. Aling yugto ng CBDRRM Plan ang nagsasabing “Ang lahat ng impormasyong makakalap ay mahalaga sa pagtataya sa
lawak ng pinsalang naranasan ng isang pamayanan upang epektibong matugunan ang kanilang mga pangangailangan”?
A. Preparedness C. Rehabilitation and Recovery
B. Prevention & Mitigation D. Response
Camp General Emilio Aguinaldo High School
11. Aling titik ang may wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang ng CBDRRM Plan?
A. Preparedness, Prevention and Mitigation, Rehabilitation and Recovery, at Response
B. Preparedness, Response, Prevention and Mitigation, at Rehabilitation and Recovery
C. Prevention and Mitigation, Preparedness, Response, at Rehabilitation and Recovery
D. Prevention and Mitigation, Response, Preparedness, at Rehabilitation and Recovery

12. Ang pagtatayang ito ay isinasagawa upang makita ang mga nakaambang panganib na mararanasan ng isang
pamayanan, kung gaano ito kadalas mangyari, at alin ang naging pinakamapaminsala.
A. Capacity Assessment
B. Hazard Mapping
C. Historical Profiling o Timeline of Events
D. Vulnerability Assessment

13. Isang uri ng pagtataya na sumusuri sa kakayahan o kapasidad ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang uri ng hazard.
A. Capacity Assessment
B. Hazard Assessment
C. Risk Assessment
D. Vulnerability Assessment

14. Yugto ng CBDRRM na tumutukoy sa mga hakbangin ng pagsasaayos ng mga nasira at pagpapanumbalik ng mga
serbisyong naantala.
A. Disaster Prevention and Mitigation
B. Disaster Preparedness
C. Disaster Response
D. Disaster Recovery and Rehabilitation

15. Ito ay isa sa layunin ng disaster preparedness na nagbibigay ng mga impormasyon at kaalaman tungkol sa hazard at
mahahalagang impormasyon tungkol sa komunidad.
A. To inform
B. To advise
C. To instruct
D. Lahat ng nabanggit

16. Bakit may nasasaktan at nawawalan ng buhay sa tuwing nagkakaroon ng kalamidad?


I. Pagtangging lumikas ng mga tao mula sa mga mapanganib na lugar
II. Pakikinig sa radyo o panonood ng tv upang malaman ang pinakahuling balita
III. Hindi pagsunod ng mga tao sa tagubilin ng mga awtoridad kapag may kalamidad

A. I,II, III B. I, II C. I, III D. II, III

17. Sa pagsasagawa ng Vulnerability Assessment mahalaga na suriin ang sumusunod na salik maliban sa
A. Elementong nalalagay sa panganib
B. Mamamayang nalalagay sa panganib
C. Kinaroroonan ng mga mamamayang nalalagay sa panganib
D. Kinaroroonan ng mga elementong nalalagay sa panganib

18. Ang yugtong ito ay binubuo ng mga gawain na naglalayong maibalik sa dating kaayusan ang daloy ng pamumuhay sa
mga nasalantang komunidad.
A. Disaster Preparedness
B. Disaster Response
C. Disaster Rehabilitation
D. Disaster Prevention

19. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa Disaster Prevention & Mitigation?
A. Capacity Assessment
B. Needs Assessment
C. Hazard Assessment
D. Risk Assessment

20. Nakapaloob sa yugtong ito ang mga gawain tulad ng hazard assessment at capability assessment.
A. Disaster Preparedness
B. Disaster Rehabilitation and Recovery
C. Disaster Response
D. Disaster Prevention and Mitigation
Camp General Emilio Aguinaldo High School
21. Isang pamamaraan sa Disaster Rehabilitation and Response kung saan ang lokal na pamahalaan ay nakikipagtulungan
sa mga NGOs o non-government organizations sa pagtugon sa pagsasaayos ng pamayanan matapos ang kalamidad.
A. Cluster Approach
B. Top-down Approach
C. Bottom-up Approach
D. CBDRRM Approach

22. Bahagi ng Disaster Rehabilitation and Recovery ang mga hakbang at gawaing nakatuon sa pagsasaayos ng mga
nasirang pasilidad at estruktura. Ano ang pangunahing gampanin ng yugtong ito?
A. Mabigyan ng sapat na proteksyon ang mga nasalanta ng kalamidad
B. Makapagbigay ng mga inaasahang serbisyong panlipunan at paglilingkod pampamahalaan
C. Manumbalik sa dating kaayusan at normal na pamumuhay ang mga nasalantang komunidad
D. Maipagkaloob sa mga nasalantang komunidad ang mga pangunahing pangangailangan at gamut

23. Sa pagbuo ng CBDRRM Plan, ano ang nararapat mong gawin bilang mamamayan ng isang lugar upang maging handa
sa pagtama ng iba’t ibang hazard at kalamidad?
A. Maging aktibong kabahagi sa pagbubuo ng plano para sa buong pamayanan.
B. Magsagawa ng pansariling plano para matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
C. Makibahagi sa gawaing pangrehabilitasyon at protektahan ang mga naapektuhan.
D. Magkaroon ng planong pinansiyal upang matustusan ang pangangailangan ng mga tao.

24. Bilang katuwang ng Disaster Risk Reduction Management Plan, Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalahad ng
kahalagahan ng pagtataya sa pinsalang dulot ng isang kalamidad?
A. Magsisilbi itong gabay ng mga NGOs para sa mga gawaing pangkabuhayan
B. Magiging epektibo ang aksiyon ng mga ahensiya ng pamahalaan sa muling pagbangon
C. Maiiwasan ang malaking pinsalang maaaring idulot ng kalamidad kung ito ay mapapahalagahan
D. Magsisilbi itong batayan upang matugunan ang pangangailangan ng mga nakaranas ng kalamidad.

25. Bukod sa pagkakaroon ng sapat na kagamitan, ano ang dapat gawin ng mga mamamayan upang maging handa
pagdating ng kalamidad?
A. Magsagawa ng pagpupulong ang mga ahensiya ng pamahalaan upang gabayan ang mga mamamayan.
B. Magkaroon ng kapasidad na harapin ang panganib sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa pamayanan.
C. Ipagbigay alam ang mga nararanasang suliraning pangkapaligiran na maaaring magdulot ng kapahamakan.
D. Magsagawa ang pamahalaan ng pagbabahagi ng kaalaman at tulong sa mga maaapektuhan.

IKALAWANG BAHAGI: MULTIPLE CHOICE. Tukuying ang konsepto na nilalarawan sa bawat bilang.

26. Ang ahensiya ng gobyerno na nangangasiwa sa National Disaster Risk Reduction & Management Council

27. Ang kalagayang may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga panganib o tumutukoy sa kahinaan at
kakulangan ng isang pamayanan

28. Ito ay tumutukoy sa mga gawaing binuo para makamit ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at hazard.

29. Ito ay banta o pangyayari na maaaring magdulot ng pinsala sa buhay, kabuhayan, ari-arian, komunidad, at kalikasan.

30. Tumutukoy sa pamamaraan kung saan ang mga gawain tulad ng pagpaplano sa mga dapat gawin hanggang sa
pagkilos sa panahon ng kalamidad ay ipinagkakatiwala sa mas mataas na tanggapan o ahensiya ng pamahalaan.

31. Pamamaraan ng paghahanda sa kalamidad kung saan nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan
ang pagpaplano, pagbuo ng hakbang hanggang sa pagkilos sa pagharap o paglutas sa iba’t ibang suliraning
pangkapaligiran na kinakaharap ng komunidad.

32. Ito ay mga pangyayari na nagiging sanhi ng malawakang pinsala sa tao, mga ari-arian, pang-ekonomiya o kapaligiran
ng isang komunidad o isang lipunan.

33. Tumutukoy sa inaasahan o posibleng pinsala sa buhay o ari-arian dulot ng pagtama ng kalamidad.

34. Titulo ng Republic Act No. 10121

35. Kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto ng kalamidad.

36. Ibig sabihin ng NDRRMC

37-40. Mga Hakbang Sa Pagbuo Ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan (in order)

You might also like