You are on page 1of 4

St.

Mary’s College of Baliuag


Baliuag, Bulacan
Taong Pampanuruan 2021-2022

ISO 9001:2015 Certified PAASCU Level III Accredited


Certificate No. 01 100 1534708

Asignatura: Araling Panlipunan Baitang: 10 Markahan: Una

Blg. ng Modyul: 4 Paksa: Kahalagahan ng Kahandaan, Disiplina at


Kooperasyon sa Pagitan ng mga Mamamayan
at Pamahalaan
I. PANIMULA

Mula sa nakaraang talakayan ay natutunan natin ang mga paghahandang


nararapat gawin sa harap ng panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran at
kung anu- anong mga ahensiya ng pamahalaan na responsable sa kaligtasan ng
mamamayan sa panahon ng kalamidad at sakuna.

Sa modyul na ito ay atin namang tatalakayin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng


disiplina at pagkakaisa sa pagitan ng mga mamamayan at pamahalaan sa panahon
ng kalamidad at sakuna. Sa kasalukuyan ay ating kinakaharap ang CoVid -19,
maraming mga bagong batas ang ipinatutupad ng pamahalaan upang masugpo natin
ang pandemya ngunit may mga pagkakataon na hindi umaayon o sumusunod ang mga
mamamayan sa pamahalaan na nagiging ugat ng hindi pagkakaunawaan ng
magkabilang panig.

II. ANG MODYUL NA ITO AY NILIKHA UPANG IYONG:

 nasusuri ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon


ng mga hamong pangkapaligiran;
 napahahalagahan ang pagkakaroon ng disiplina at kooperasyon sa pagitan ng
mga mamamayan at pamahalaan sa panahon ng kalamidad; at
 naisasabuhay ang kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagharap sa mga
hamong pangkapaligiran.

III.TALAKAYAN

A. Dapat Mong Malaman!

Bigyan ng kahulugan ang salitang kooperasyon gamit ang ACROSTIC sa ibaba.

K-_______________________________________________
O-_______________________________________________
O-_______________________________________________
P-_______________________________________________
E-_______________________________________________
R-_______________________________________________
A-_______________________________________________
S-_______________________________________________
Y-_______________________________________________
O-_______________________________________________
N-_______________________________________________

Kahalagahan ng Kahandaan, Disiplina, at Kooperasyon sa Pagtugon sa mga


Hamong Pangkapaligiran

 Maraming kalamidad ay sinasabing gawa ng kalikasan, ang maraming


gawa at desisyon ng mga tao ay nakaaambag o nakapagpapalala sa
epekto ng kalamidad.

1
 Bawat pagkilos at desisyon sa buhay ay may kaagapay na bunga, positibo
man o negatibo. Dahil sa kapabayaan sa kapaligiran, nakararanas tayo ng
iba’t ibang panganib o sakuna.

 Ang hindi wastong pagtatapon ng basura ay maaaring magdulot ng


pagbaha.

 Dahil sa pagiging gahaman ng iba sa salapi, ang mga puno sa kagubatan


at mga mineral ay inuubos nang hindi isinasagawa ang reforestation at
hindi ipinapatupad ang sustainable development.

 Nagmungkahi ang Philippine Red Cross na magkaroon ng Lifetime Kit


bago pa may dumating na kalamidad gaya ng pagbaha. Ito ay dapat na
praktikal at kayang dalhin sa paglikas. Kailangang mayroon nito ang bawat
miyembro ng pamilya. Gawin ito kasama ang buong pamilya upang matuto
ang mga bata na maghanda ng kanilang mga kit, sa pamamagitan nito,
sila’y laging handa sa pagdating ng baha.

 Nagmungkahi naman ang Department of Energy, na sa tuwing panahon ng


kalamidad tulad ng baha, kailangang maging maingat at disiplinado sa
paggamit ng kuryente upang maiwasan ang disgrasya.

 Binigyang katuparan ng National Disaster Risk Reduction and


Management Plan (NDRRMP) ang nilagdaan ng R.A No. 10121 of 2010,
kung saan nagbibigay ng legal na batayan sa mga patakaran, plano at
programa upang makahanda sa sakunang dulot ng baha.

 Ang NDRRMP na nakapalooban ng apat na thematic na lugar, ito ay ang


(1) Disaster Prevention and Mitigation; (2) Disaster Preparedness; (3)
Disaster Response; at (4) Disaster Rehabilitation and Recovery. Sa
pamamagitan nito, matitiyak ang physical framework, social, economic,
environmental plans sa komunidad, lungsod, munisipalidad at mga
probinsyang sasang-ayon sa plano.

 Ang layunin naman ng DRRM na nakapaloob sa mga emergency services


at public assistance na sa panahon ng sakuna tulad ng pagbaha ay
magkaroon ng agarang responde upang may makapagligtas ng mga
buhay, mabawasan ang mga epekto nito sa kasalukuyan at upang matiyak
ang public safety at matugunan ang mga basic substance na kailangan ng
mga residenteng apektado ng pagbaha. Ang pagresponde sa mga sakuna
ay nakatutok sa agaran at short term o panandaliang pangangailangan na
tinatawag na disaster relief.

Ang mga Paghahanda sa Harap ng mga Kalamidad

Ang mga kalamidad ay hindi mo alam kung kailan darating, ang kahandaan ay
mahalaga sa kaligtasan ng mga tao, sila man ay nasa peligroso o kahit sila ay nasa ligtas
na lugar. Kung handa ang bawat isa at laging nagmamasid sa panganib sa paligid,
maiiwasan o mababawasan ang pinsala at epekto nito sa buhay at maging sa mga ari-
arian.

Narito ang ilan sa mga paalala at mga bagay na dapat mong gawin bilang paghahanda:

1. Palaging subaybayan ang mga balita o anunsiyo sa radio, TV, o internet ukol sa
mga kalamidad tulad ng bagyo, baha at landslide lalo na kung ang lugar na
tinitirhan ay laging naaapektuhan o prone sa mga ganitong kalamidad.

2
2. Alamin at intindihin ang lagay ng panahon at mga panganib na maaaring
makaapekto sa pamilya o sa komunidad. Pag- usapan nang madalas sa inyong
pamilya ang mga ganitong bagay.
3. Sa tahanan, lumikha o magtalaga ng isang ligtas na silid o lugar at tiyaking alam
ito ng lahat ng miyembro ng pamilya. Doon maglagay ng emergency kit, mga
gamot, tubig na maiinom, at iba pang emergency supplies.
4. Tiyakin at ipaalam sa bawat miyembro ng pamilya kung saan- saan sa pamayanan
maaaring magtungo kung kakailanganin ang evacuation o paglikas.
5. Magtalaga ng isang responsableng miyembro ng pamilya na magiging point of
contact sa mga panahon ng kalamidad o sakuna. Tiyaking madali siyang maaabot
ng text o tawag sa telepono.
6. Tumukoy at ipaalam sa bawat miyembro ng pamilya ang mga lugar na maaaring
pagtipunan kung sakaling magkakahiwa- hiwalay sa panahon ng trahedya.
7. I-save sa cellphone ang mga emergency telephone numbers. Magpaskil din ng
listahan nito na malapit sa telepono. Ipaalam ito sa bawat miyembro ng pamilya,
lalo na sa mga bata, at ituro sa kanila kung kailan tatawagan ang bumbero, pulis,
o mga opisyal ng barangay at kung anu ang dapat sabihin nila.
8. Mag-research tungkol sa first aid, CPR, at iba pang kaalaman sa pagliligtas ng
buhay. Sumangguni sa mga eksperto at ibahagi ang iyong kaalaman sa bawat
miyembro ng pamilya.

Para sa mga karagdagang impormasyon at halimbawa maaari mong bisitahin ang


mga link:

 https://www.youtube.com/watch?v=7NUChE6NOrI
 https://www.youtube.com/watch?v=Mja-o8kvWv0

IV. IYONG TANDAAN!

 Maraming kalamidad ay sinasabing gawa ng kalikasan, ang maraming


gawa at desisyon ng mga tao ay nakaaambag o nakapagpapalala sa
epekto ng kalamidad.

 Bawat pagkilos at desisyon sa buhay ay may kaagapay na resulta, positibo


man o negatibo.

 Ang hindi wastong pagtatapon ng basura ay maaaring magdulot ng


pagbaha.

 Nagmungkahi ang Philippine Red Cross na magkaroon ng Lifetime Kit


bago pa may dumating na kalamidad gaya ng pagbaha.

 Nagmungkahi naman ang Department of Energy, na sa tuwing panahon ng


kalamidad tulad ng baha, kailangang maging maingat at disiplinado sa
paggamit ng kuryente upang maiwasan ang disgrasya.

 Binigyang katuparan ng National Disaster Risk Reduction and


Management Plan (NDRRMP) ang nilagdaan ng R.A No. 10121 of 2010.

 Ang layunin naman ng DRRM na nakapaloob sa mga emergency services


at public assistance na sa panahon ng sakuna.

 Ang mga kalamidad ay hindi mo alam kung kailan darating, ang kahandaan
ay mahalaga sa kaligtasan ng mga tao, sila man ay nasa peligro o kahit
sila ay nasa ligtas na lugar.

 Narito ang ilan sa mga paalala at mga bagay na dapat mong gawin bilang
paghahanda:

 Palaging subaybayan ang mga balita o anunsiyo sa radio, TV, o


internet ukol sa mga kalamidad.

3
 Alamin at intindihin ang lagay ng panahon at mga panganib na
maaaring makaapekto sa pamilya o sa komunidad.
 Sa tahanan, lumikha o magtalaga ng isang ligtas na silid o lugar at
tiyaking alam ito ng lahat ng miyembro ng pamilya.
 Tiyakin at ipaalam sa bawat miyembro ng pamilya kung saan- saan
sa pamayanan maaaring magtungo kung kakailanganing ang
evacuation o paglikas.
 Magtalaga ng isang responsableng miyembro ng pamilya na
magiging point of contact sa mga panahon ng kalamidad o sakuna.
 Tumukoy at ipaalam sa bawat miyembro ng pamilya ang mga lugar
na maaaring pagtipunan.
 I-save sa cellphone ang mga emergency telephone numbers.
 Mag-research tungkol sa first aid, CPR, at iba pang kaalaman sa
pagliligtas ng buhay.

V. SANGGUNIAN:

ABS CBN News (2017, August 23). Red Alert: Survival Go-Bag. YouTube.
https://www.youtube.com/watch?v=Mja-o8kvWv0

ABS CBN News (2015, June 9). TV Patrol: Ano ang mga dapat ilagay sa inyong
emergency kit? YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=7NUChE6NOrI

You might also like