You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools – Valenzuela

Video Lesson Script: Araling Panlipunan 10 (1st Quarter)


MELC: (AP10MHP-Ii-13) Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRRM Plan
Sub-Skill: (AP10MHP-Ii-13) Napapahalagahan ang pagkakaroon ng disiplina at
kooperasyon sa pagharap sa mga panganib na dulot ng mga suliraning pagkapaligiran
Live Streaming Teacher: Mr. Renie N. Jose

Date of Streaming: December 2, 2020 Date Submitted: October 18, 2020

SCENE ACTION NARRATION

1. Opening/ Greetings
Preliminaries Magandang umaga mga mag-
A. Teacher’s aaral, bago natin simulan ang
Introduction ating aralin sa umagang ito, narito
ang ilan sa mga paalala: Ihanda
ang inyong learning packets na
matatagpuan sa week 8 pahina 20
hanggang 26, sagutang papel at
panulat.

Handa ka na bang matuto? Tara,


simulan na nating ALAMIN,
TUKLASIN at HALUNGKATIN ang
mundo ng Kontemporaryong Isyu.

B. Objectives Ang Paksang ating tatalakayin sa


umagang ito ay tungkol sa:
Community-Based Disaster and
Risk Management Approach

Ang ating layunin sa pagkatuto


ay:
Naisasagawa ang mga angkop na
hakbang ng CBDRRM

Ang ating tiyak na layunin ay:


Nasusuri ang kahalagahan ng
Community-Based Disaster Risk
Reduction and Management
Approach sa pagtugon sa mga
hamon at suliraning
pangkapaligiran
2. Motivation Magandang Buhay! Mga mag-
aaral, ngayong araw na ito ay
nasa ikatlong araw o huling
bahagi na tayo ng pagtalakay
tungkol sa mga angkop na
hakbang ng Community-Based
Disaster and Risk Management
Approach.

Bilang panimula, ating isagawa


ang inihanda kong gawain.

Ang gawain natin sa umagang


ito ay tinatawag na: SURI-
BALITA

Tara panoorin natin!

Note: Ang video na panonorin


ay mula sa TV Patrol patungkol
sa mabagal na rehabilitasyon
ng mga biktima ng bagyong
Yolanda sa Tacloban City.

Mga mag-aaral, ang ating


napanood na balita ay
nagmula sa TV Patrol.

Bilang pagpapatuloy, mula sa


balitang inyong napanood,
halina’t sagutin natin ang mga
Pamprosesong Tanong:

1.Tungkol saan ang balitang


inyong napanuod?
3. Discussion
Mahusay! Ang balitang ating
napanuod ay tungkol sa mga
hinaing ng Yolanda survivors
sa mabagal na rehabilitasyon
ng gobyerno.

Sa nakaraang pagtalakay,
napag-aralan natin na
napakahalaga ng Disaster
Preparedness kung sakaling
may mga sakuna o hazard na
darating. Ang paghahandang
ito ay nakapaloob sa Ikalawang
Yugto sa pagbuo ng CBDRRM
Plan. Bilang pagpapatuloy
halina’t ating talakayin ang
ikatlo hanggang ika-apat na
hakbang sa pagbuo nito.

Ang Ikatlong Yugto sa pagbuo


ng CBDRRM Plan ay Disaster
Response.

Ano ang kahalagahan ng


disaster response sa gitna ng
sakuna o hazard?

Mahusay! Sa disaster
response, tinataya kung gaano
kalawak ang pinsalang dulot ng
isang kalamidad.

Sinasabing napakahalagang
makakuha ng impormasyon
mula sa gawaing ito upang
magsilbing batayan ito sa mas
epektibong pagtugon sa mga
pangangailangan ng isang
komunidad o pamayanan na
nakaranas ng kalamidad.

Sa pag-aaral natin sa disaster


response, mayroon tayong
tatlong uri ng pagtataya. Ano-
ano ang mga ito?

Una. NEEDS ASSESSMENT-


Tinutukoy dito ang mga
pangunahing pangangailangan
ng mga biktima ng kalamidad
tulad ng pagkain, damit at
gamot. Mahalagang matugunan
ang mga pangangailangang ito
pagkatapos ng kalamidad na
kanilang naranasan.

Ikalawa. DAMAGE
ASSESSMENT- Tinutukoy dito
ang bahagya o pangkalahatang
pagkasira ng mga ari-arian
dulot ng kalamidad. Batid natin
na pagkatapos ng kalamidad,
inaasahang maitatala ang mga
pinsalang dulot nito.
Ikatlo. LOSS ASSESSMENT-
Tinutukoy dito ang
pansamantalang pagkawala ng
serbisyo at pansamantala o
pangmatagalang pagkawala ng
produksyon.

Tandaan natin na ang


DAMAGE at LOSS ay
magkaugnay.

LOSS- ay resulta ng mga


produkto, serbisyo, at
imprastraktura na nasira.

Ano ang halimbawa ng damage


at loss?

Ang pagbagsak ng tulay ay


damage, at ang kawalan
naman ng maayos na daloy ng
transportasyon ay tinatawag
nating loss.

Isa pang halimbawa ay ang


pagkasira ng lupaing-
taniman. Ang lupaing taniman
ay damage, samantalang ang
pagbaba ng produksyon ng
bigas ng palay ay loss.

Isa pang halimbawa, pagguho


ng ospital dahil sa lindol, ito ay
damage, samantala ang
panandaliang pagkaantala ng
serbisyong pangkalusugan ay
maituturing na loss.

Bakit mahalagang maunawaan


natin ang yugtong ito?

Mahusay! Napakahalaga na
maunawaan natin ito upang
magkaroon tayo ng maayos na
koordinasyon sa lahat ng sektor
ng ating lipunan.

Kadalasan nagkakaroon tayo


ng suliranin kapag
nababalewala ang nilalaman ng
DRRM Plan kung walang
maayos na komunikasyon lalo
na sa pagitan ng ibat-ibang
sektor lalo na sa oras na
nararanasan natin ang isang
kalamidad.

Mahalaga rin ang kaligtasan ng


bawat isa kaya sa
pagsasagawa ng disaster
response ay dapat isaalang-
alang ng mga mamamayan ang
kanilang kakayahan sa
pagsasagawa nito.

Kung ikaw ay magiging bahagi


ng disaster response, ano-ano
ang mga datos o impormasyon
ang dapat mong malaman at
maunawaan?
Una. Sitwasyon
Sa ilalim nito dapat maunawaan
mo ang mga sumusunod:
-uri ng disaster
-petsa o oras
Apektadong lugar
Posiblidad ng “after effects”

Ikalawa: Paunang ulat ng


Epekto
Sa ilalim nito dapat makuha
mo ang datos ng mga
sumusunod:
-bilang ng namatay
-bilang na nasalanta
-bilang ng nawawala
-nangangailangan ng tirahan at
damit
-nangangailangan ng pagkain
-nangangailangan ng tubig
-nangangailangan ng
sanitasyon

Ikatlo. Pangangailangan ng
tulong
Bilang bahagi ng disater
response dapat maunawaan
mo ang mga sumusunod:
-search and rescue
-evacuation
-proteksiyon
-pangangailangang medical
-pangangailangan sa pagkain
-pangangailangan sa tubig
-sanitasyon
-pagkukumpuni sa mga
imprastraktura

Ngayong nalaman mo na ang


paghahandang ginagawa sa
ilalim ng disaster response,
ngayon naman alamin natin
ang huling yugto ng pagbuo ng
plano ng CBDRMM.

Ang ikaapat na yugto ay:


DISASTER REHABILITATION
and RECOVERY.

Ano ang mga mahahalagang


impormasyon na dapat nating
maunawaan sa disaster
rehabilitation and recovery?

Una. Tinatawag din ang


yugtong ito na rehabilitation

Ikalawa. Sa yugtong ito, ang


mga hakbang at gawain ay
nakatuon s pagsasaayos ng
mga nasirang pasilidad at
istruktura at ang mga
naantalang pangunahing
serbisyo upang manumbalik sa
dating kaayusan at normal ang
daloy ng pamumuhay ng mga
tao.

Ano ang mga halimbawa ng


mga pangunahing serbisyo na
kailangang agarang maibalik?

Tumpak! Ang mga halimbawa


nito ay ang mga:
-sistema ng komunikasyon
-sistema ng transportasyon
-suplay ng tubig at kuryente
-pagkukumpuni ng mga bahay
-sapat na suplay ng pagkain,
damit at gamot
-kabilang diin dito ang
pagbabantay ng presyo ng mga
pangunahing bilihin
-pagkakaloob ng psychosocial
services upang madaling
malampasan ng mga biktima
ang kanilang dinanas na
trahedya.

Noong 2006, ang Inter-Agency


Standing Committee (IASC) na
binubuo ng iba’t ibang NGO,
Red Cross at Red Crescent
Movement, International
Organization for Migration
(IOM), World Bank at mga
ahensya ng United Nations ay
nagpalabas ng Preliminary
Guidance Note.

Tungkol saan ang nasabing


Preliminary Guidance?

Ito ay sa pagpapakilala ng
Cluster Approach na
naglalayong mapatatag ang
ugnayan ng iba’t ibang sektor
ng lipunan. Makatutulong ito
upang maging mas malawak at
ang mabubuong plano at
istratehiya at magagamit ng
mahusay ang mga
pinagkukunang yaman ng isang
komunidad. Ginamit na batayan
ng National Disaster
Coordinating Council (NDCC)
ang Cluster Approach sa
pagbuo ng sistema para sa
pagharap sa mga sakuna,
kalamidad, at hazard sa
Pilipinas.

Matatandaan natin na noong


Mayo 10, 2007, ipinalabas ang
NDCC Circular No. 5-2007, ito
ay isang direktibo na
nagpapatatag sa Cluster
Approach sa pagbuo ng mga
Disaster Management System
sa Pilipinas.

Ano ang nilalaman ng NDCC


Circular na ito?

Iminumungkahi dito na
magtalaga ng pinuno ng bawat
cluster (Cluster Leads) para sa
tatlong antas: nasyunal,
rehiyunal, at probinsiyal. Noong
taong 2007 rin, sa bisa ng
Executive Order No. 01-2007,
nabuo ang Ayuda Albay
Coordinating Task Force na
syang namuno sa pagtugon at
rehabilitasyon ng lalawigan
matapos ang bagyong Reming.
Noong July 2007, sa bisa ng
E.O. No. 02-2007, ay binuo
naman ang Albay Mabuhay
Task Force. Layunin nito na
ipatupad ang mas
komprehensibong programa
para sa pagtugon at
rehabilitasyon ng lalawigan sa
panahon ng kalamidad.

Kinapapalooban ito ng pagbuo


ng iba’t ibang cluster sa bawat
barangay, bayan at komunidad
na siyang mamumuno sa mga
ito sa panahon ng panganib,
pagpapatatag ng seguridad at
suplay ng pagkain at
pangunahing pangangailangan,
pagpapasigla ng information
campaign, at pagpapayabong
ng mga gawaing
pangkabuhayan sa mga
nasalantang lugar.

Nakita ang pagiging epektibo


ng nasabing programa dahil
idineklara ng Albay ang zero
casualty sa kabila ng pagtama
ng malakas na bagyong Glenda
noong Hulyo 2014.
Nagpapatunay ito na kung
magkakaroon ng maayos na
sistema
ng disaster management ang
isang lugar ay maaaring
maiwasan ang
malawakang pinsala sa
panahon ng kalamidad. Higit sa
maayos na sistema, nakita rin
sa Albay ang partisipasyon ng
mga mamamayan, NGO, at iba
pang sektor ng lipunan sa
pagpaplano at implementasyon
ng kanilang disaster
management plan.

Isa sa mga pamamaraang


ginawa ng pamahalaan upang
maipaalam sa
mga mamamayan ang
konsepto ng DRRM plan ay ang
pagtuturo nito sa mga paaralan.
Sa bisa ng DepEd Order No. 55
ng taong 2008, binuo ang
Disaster Risk Reduction
Resource Manual upang
magamit sa ng mga konsepto
na may kaugnayan sa disaster
risk reduction management sa
mga pampublikong
paaralan
4. Generalization Sum up the important points Naunawaan mo sa ating tinalakay
of the lesson na aralin ang iba’t ibang yugto ng
isang CBDRRM plan. Naging
malinaw din sa iyo ang
kahalagahan ng partisipasyon
ng mga mamamayan at lahat ng
sektor ng lipunan sa pagbuo ng
DRRM plan.

Samakatuwid dapat na maging


aktibo kang kabahagi ng
pagbubuo ng plano sa inyong
lugar upang maging handa ang
inyong pamayanan sa pagtama ng
iba’t ibang hazard at kalamidad.

Tandaan ang apat na yugto sa


pagbuo ng CBDRRM Plan

Una. Disaster Prevention and


Mitigation

Ikalawa.Disaster Preparedness

Ikatlo. Disaster Response

Ikaapat. Disaster Rehabilitation


and Recovery

Tandaan…Lamang ang may alam!

5. Question and Bilang pagtatapos, narito ang ilang


Answer sa mga katanungan na dapat
nating sagutin.

Gawain : Tama o Mali


Panuto: Tukuyin kung ang
pangungusap na ipinapahayag ay
tama o mali base sa teksto ng
CBDRRM Approach.

____________________1.
Mahalaga ang partisipasyon ng
mga mamamayan sa CBDRM
approach sa pagharap sa mga
epekto ng hazard at kalamidad.

Sagot: TAMA
____________________2. Ang
CBDRM Approach ay isang
paghahanda laban sa mga
kalamidad na kinakagarap ng mga
tao.

Sagot: TAMA
____________________3. Hindi
kailangang maging aktibo ng mga
mamamayan subalit maaaring
ipasa sa mga may katungkulan sa
gobyerno ang pagharap sa mga
kalamidad.

Sagot: MALI

____________________4.Layunin
ng Philippine National Disaster
Risk Reduction and Management
Framework (PDRRMF) ay ang
pagbuo ng disaster-resilient na
mga pamayanan.

Sagot: TAMA

____________________5. Ang
CBDRM Plan ay nagbibigay ng
sapat na kaalaman at kakayahan
ang mga lokal na pinuno sa
pagharap ng mga sakuna at
kalamidad.

Sagot: TAMA

Prepared by:

Name: Renie N. Jose

Positon: Master Teacher I

School: Mapulang Lupa National High School

Script Language Validator:

Name: Ma’am Cherry Lou Tolentino


Ma’am Hanna J. Perez

Date of Validation : ________________________

You might also like