You are on page 1of 12

10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4:
Dalawang Approach sa Pagtugon
sa Hamong Pangkapaligiran
ii
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito


ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tatalakayin sa Araling
Panlipunan Baitang 10.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib


na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran.

Ang modyul na ito ay nahahati sa apat na aralin:


• Ang Disaster Risk Management
• Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework
• Community-Based Disaster and Risk Management Approach
• Top-Down Approach at Bottom-up Approach

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. natutukoy mo ang kahulugan ng Disaster Management at Community Based
Disaster ang Risk Management;
2. nasusuri ang pagkakaiba ng katangian ng Bottom – Up Approach at Top-
Down Approach; at
3. natatalakay ang kahalagahan ng Community Based Disaster Risk
Mangement.

Aralin Dalawang Approach sa Pagtugon


sa Hamong Pangkapaligiran
1
1
Pagbati! Natutuwa ako na natapos mo ang mga aralin na may kinalaman sa
suliraning pangkapaligiran. Ang iyong mga napag-aralan ay lubhang kabilang sa
mga kontemporaryong isyu sapagkat ito ay mga problema ng lipunan at dapat
lutasin ng buong bansa, kabilang na tayo. Ngayon naman ay iyong pag-aaralan ang
dalawang approach na tutugon sa hamong pangkapaligiran.

Balikan

KUMPLETUHIN MO NGA AKO


Nalaman mo sa nakalipas na aralin ang tungkol sa dahilan at epekto ng
suliraning pangkapaligiran sa ating bansa. Bago mo pag-aralan ang kasunod na
aralin, sagutin mo muna ang hinihinging detalye sa tsart at isulat ang sagot sa
activity sheet.

Suliraning Dahilan Epekto Solusyon


pangkapaligiran

Kung nasagutan mo ang mga kinakailangang impormasyon sa tsart ngayon ay


handa ka nang sagutan ang kasunod na paksang aralin. Handa ka na ba? Sa
tuklasin ay kinakailangan na pag-aralan ang mga larawan at sa ilalim nito ay
sasagutan mo ang mga nakahandang tanong. Tara! Madali lang ito.

2
Tuklasin

LARAWAN SURI

Panuto: Suriing mabuti ang larawan at sagutin ang mga sumusunod na tanong sa
ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang mga nasa larawan?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Naranasan mo na ba itong mangyari sa iyong buhay?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Paano mo ito pinaghahandaan? Bakit mo ito kailangang paghandaan?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Kung nasagot mo ang una hanggang ikatlong tanong ay binabati kita sapagkat
may kahandaan ka na matutunan ang paksang araling ito. Magpatuloy ka!

3
Suriin

Karaniwang mo nang naririnig o napapanuod ang paghahanda na ginagawa


ng pamahalaan sa tuwing magkakaroon ng kalamidad gaya ng bagyo, lindol, at
sunog. Ang mapanatiling ligtas ang komunidad sa mga banta ng sakuna ay
nakasalalay sa pagkakaroon ng mahusay na disaster management. Paano nga ba
maisasagawa ito? Ano nga ba ang disaster management? Handa ka na bang alamin
ang mga bagay na may kinalaman dito?

Ang disaster management ayon kay Carter (1992), “ay isang dinamikong
proseso na sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa pagsasagawa
ng angkop na pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy sa mga kasapi, pamumuno at
pagkontrol.” Ayon naman kina Ondiz at Rodito (2009),” ito ay tumutukoy sa iba’t
ibang gawain na dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna,
kalamidad, at hazard.”

Ang pamahalaan ang bumabalangkas ng disaster management plan subalit


ang tagumpay nito ay nasa pagkakaisa ng mamamayan, pribado at pampublikong
sektor hanggang sa makabangon sa hagupit ng mga natural na kalamidad.
Mahalaga sa pagpaplano ng disaster management ang makabuo ng iba’t ibang
disenyo na naaangkop at makapagpapanatili ng kaayusan ng komunidad sa
panahon bago at pagkatapos ng kalamidad. Ang mga plano o hakbang ay
nararapat na maisagawa ng komunidad upang maiwasan ang malaking pinsala at
mahalagang naibibigay din ang mga impormasyon para sa kabatiran. Mahalaga rin
ang tulong at suporta na maaaring maibigay upang makabangon at makabalik sa
normal na pamumuhay ang mamamayang naapektohan ng kalamidad.

May mahahalagang termino na dapat na maunawaan sa pag-aaral nito na ayon sa


isinalin sa wikang Filipino mula sa Disaster Risk Management System Analysis;
Ito ay mula sa A Guide Book nina Baas at mga kasama (2008).

1. Hazard – Ito ay nangangahulugang banta


dulot ng tao o kalikasan. May posibilidad
na magdulot ng panganib sa buhay, ari-
arian at kalikasan.
May dalawang uri ng hazard:

a. Anthropogenic hazard o Human


Induced Hazard – hazard na dulot
ng tao.

4
Halimbawa nito ay mga sasakyan at pabrikang nagbubuga ng maitim
na usok, kemikal na itinatapon sa mga anyong tubig;

b. Natural hazard – Ito ay hazard na dulot ng kalikasan. Halimbawa


nito ay lindol, bagyo, tsunami at iba pa.

2. Disaster – pangyayari na nagdudulot ng


panganib sa tao, sa kapaligiran at maging sa
mga gawaing pang-ekonomiya; Maaari itong
natural katulad ng bagyo, lindol at pagputok
ng bulkan. Pwede ding gawa ng tao gaya ng
digmaan at polusyon.

3. Vulnerability – ang nakakaranas ng malaking


posibilidad na maapektuhan halimbawa ay ang
mga matatanda, bata, at buntis na
palagiang pinaaalalahanan ng gobyerno na
hindi maaaring lumabas sa panahon ng
pandemyang Covid 19, at mga bahay na gawa sa
mahinang materyales sa panahon ng sakuna tulad
ng bagyo at lindol;

4. Risk – inaasahang maaaring pinsala sa ari-arian at buhay sa pagtama ng


kalamidad;
May dalawang uri ito:

a. Human risk - panganib na dulot ng kalamidad sa tao;

b. Structural risk – panganib na dulot ng kalamidad sa bahay at gusali;

5
5. Resilience – kakayahan ng pamayanan na harapin at muling makabangon
sa epekto na dulot ng kalamidad;

Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework

Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2020 ay


may dalawang pangunahing layunin na nakabatay sa batas na ito:

1. Ang hamon na dulot ng mga kalamidad


at hazard ay dapat pagplanuhan at
hindi lamang haharapin sa panahon ng
pagsapit ng iba’t ibang kalamidad;

2. Mahalaga ang bahaging ginagampanan


ng pamahalaan upang mabawasan ang
pinsala at panganib na dulot ng iba’t
ibang kalamidad at hazard.

Ang dalawang layuning ito ay kasama na


naging batayan sa pagbuo ng PDRRMF.

Binibigyang halaga ng National Disaster Risk Reduction Framework ang


kahandaan ng mga komunidad sa bansa sa panahon ng kalamidad at hazard
upang mapaliit ang pinsala sa buhay at ari-arian. Ang pagnanais na malutas ang
mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay tungkuling nakasalalay sa
pagkakaisa at pagtutulungan ng mga mamamayan, pamahalaan, pribadong sektor,
sektor ng mga negosyante at non-governmental organizations (NGO’s).
Isinusulong rin ng National Disaster Risk Reduction Management Council
(NDRRMC) ang Community-Based Disaster and Risk Management Approach ang

6
balangkas ng plano at polisiya kung paano haharapin ang mga kalamidad, hazard,
at hamong pangkapaligiran.

Ang Community-Based Disaster and Risk Management Approach

Ayon kina Abarquez at Zubair (2004), “ang Community-Based Disaster


Risk Management ay isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may
banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri,
pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan.”

Binibigyang diin na may mahalagang papel na dapat gampanan ng


pamayanan na maibigay ang partisipasyon, dahil ang komunidad ang may
pinakamataas na posibilidad na makaranas ng hagupit ng bagyo at iba pang
kalamidad at makatutulong ang mga pamamaraang nabanggit upang maging
matagumpay ang plano.

Ang CBDRRM Approach sa pananaw naman nina Shah at Kenji (2004), ay


isang proseso ng paghahanda laban sa hazard at kalamidad na nakasentro sa
kapakanan ng tao. Ibig sabihin nito na mahalaga na matukoy ng mga komunidad
ang mga dahilan, masusing masuri ang pinagmumulan ng hazard at maging ang
epekto nito. Tingnan din ang mga aspekto ng istrukturang panlipunan,
pangekonomiya, at pampolitika na maaaring magpapalala sa epekto ng kalamidad,
hazard, at sakuna. Sa naunang paksa, nabanggit na ang kabiguan ng ilang
institusyon na isagawa ang kanilang tungkulin at responsibilidad ang dahilan ng
hindi pagtatagumpay ng mga programa ng gobyerno. Gayunman, ang kawalan ng
interes ng mga mamamayan na makiisa sa pamahalaang lokal ang isa sa tinutukoy
na dahilan ng hindi pagtatagumpay ng plano.

Ang kakulangan ng impormasyon na dapat na malaman sa panahon bago


ang pagtama ng sakuna ay sasalamin sa kabiguan ng pamahalaan na maipatupad
ang Disaster Risk Management Plan dahil sa hindi nasunod ang implementasyon
ng pagkasira ng ari-arian. Kung ang lahat ng sektor ay may epektibong plano
maiiwasan ang malaking pinsala ng kalamidad. Sinusugan ito ng isang ulat ng
WHO noong 1989 ang tungkol sa CBDRM Approach. Ayon dito mahalaga ang
pakikilahok ng lahat ng sektor sa pamayanan upang:

1. mabawasan ang epekto ng mga hazard at kalamidad;

2. maligtas ang mas maraming buhay at ari-arian kung ang pamayanan ay


may maayos na plano kung paano tutugunan ang kalamidad sa halip na
maghintay ng tulong mula sa Pambansang Pamahalaan; at

3. ang iba’t ibang suliranin na dulot ng hazard at kalamidad ay mas


mabibigyan ng karampatang solusyon kung ang lahat ng sektor ng
pamayanan ay may organisadong plano kung ano ang gagawin kapag
nakaranas ng kalamidad; Kahalagahan ng CBDRM Approach

Ang pagbuo ng disaster resilient na komunidad ang pinakamahalagang


layunin ng Philippine National Disaster Risk Reduction and Management
Framework (PNDRRMF). Nangangahulugan ito na ang pagbabalangkas ng plano,
pagtataya, at pagsasagawa ng implementasyon na nakapaloob sa disaster

7
management plan ay mahalaga upang makabuo ng isang pamayang handa at
matatag sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran.

Ang CBDRRM Approach ay nakaayon sa bottom-up approach kung saan


ang mamamayan at iba’t ibang sektor ng lipunan ay maisagawa ang mga hakbang
sa pagpaplano tulad ng pagtukoy, pag-aanalisa, at pagbibigay solusyon sa mga
suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan ng komunidad. Nakaayon sa
CBDRM Approach ang konsepto ng bottom-up approach, ang mamamayan at iba
pang sektor ng lipunan ang mangunguna sa hakbangin ng pagtukoy, pag-aanalisa
at pagresolba sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa
kanilang komunidad. Ito ay kabaligtaran sa top-down approach, kung saan ang
pagpaplano sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay iniaasa sa nakatataas na
ahensya ng pamahalaan o tanggapan. Isang halimbawa ay kung may barangay na
nakaranas ng kalamidad, ito ay aasa sa magiging tugon ng pamahalaang barangay
at pamahalaang bayan. Samantala, kung ang buong bayan o lungsod ang
nakaranas ng sakuna ang pagtugon sa sistema ay nakabatay sa tulong na ibibigay
o ipatutupad ng lokal na pamahalaan gaya ng punong-bayan at gobernador ng
probinsya. Ang sistemang ito ng disaster management ay umani na ng batikos.
Ayon sa mga nakasaksi na ng ganitong sistema hindi natutugunan ng top-down
approach ang pangangailangan ng komunidad at napababayaan ang mga
mamamayang may mataas na posibilidad na nakaranas ng matinding epekto ng
hazard o kalamidad. Pananaw lamang ng namumuno ang nabibigyang halaga sa
pagbuo ng plano at malinaw na hindi nakikita at nadarama ang karanasan ng mga
tao, ang pangangailangan, at ang sitwasyong kinalalagyan ng mga mamamayan sa
komunidad.

Ang mga mamamayan na nakaranas lamang ang tunay na nakababatid ng


katotohanan ng epekto na idinulot ng kalamidad. Suliranin din ang hindi
pagkakaunawaan ng Pambansang Pamahalaan at Lokal na Pamahalaan hinggil sa
mga hakbang na dapat isagawa pagkatapos ng kalamidad na nagreresulta sa
mabagal na pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan pamayanan. Ang
ganitong sitwasyon ay hindi lamang minsan nang nangyari at ito ay nasaksihan ng
dating senador na si Panfilo Lacson ng siya ay gawing Czar para sa rehabilitasyon
ng Tacloban City matapos ang pananalasa ng super typhoon Yolanda. Nasaksihan
niya na ang agarang rehabilitasyon ay dapat na magmula sa aktibong
partisipasyon ng mga lokal na pamahalaan at ng mga mamamayang hinagupit na
matinding bagyo. Ang kahinaan ng top-down approach ay matutugunan ng
bottom-up approach. Mahalaga ang maliliit na detalye na may kinalaman sa
sakuna, hazard, at kalamidad sa pangangailangan ng mamamayan. Sa bottom-up
approach ang karanasan ng mga mamamayang naninirahan sa disaster prone
area ang dapat na pagbuhusan ng malalim na pag-aaral at pagpaplano upang
mapabilis ang pagbangon sa mga lugar na ito. Mahalaga ang pakikipagdayalogo sa
mga punong-bayan na naapektuhan ng kalamidad sa halip na maghantay na
lamang ng post-disaster needs assessment. Sa pamamaraang ito ay higit na
makabubuo ng plano na angkop sa pangangailangan ng pamayanan.

Ang paggamit ng bottom-up approach ay higit na epektibo dahilan kung


bakit ito rin ang ginagamit ng Laos, East Timor, Indonesia at India. Sa
pagpapaplano ng disaster risk management mahalagang pagsamahin ang
kalakasan ng top-down approach at bottom-up approach. Malaki ang

8
ginagampanang papel ng pambansang pamahalaan sa pagbuo ng plano dahil sa
kanilang kaalaman sa mga sistemang ipatutupad. Hindi rin naman dapat isantabi,
ang pananaw at karanasan ng mga mamamayan sa pagbuo ng disaster risk
management. Kung mapagsasama ang kalakasang ito, ay magbubunga ng
holistikong pagtugon sa kalamidad at hazard sa pamayanan.
Sa ngayon ang National Disaster Coordinating Council (NDCC) ay naglalayon
na maturuan ang mga lokal na pinuno sa pagbuo ng Community Based Disaster
Management Plan. Binibigyan din nito ng sapat na kaalaman na hasain ang
kakayahan ng mga lokal na pinuno kung paano maisasama ang CBDRM Plan
kasama na ang pagbuo ng plano at programa sa mga lokal na pamahalaan at mga
barangay officials. Sa kabuuan ang plano na maisasagawa ay higit na magiging
epektibo kung ang iba’t ibang sektor sa pamayanan ay makikiisa sa pagbuo upang
higit na matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan. Makabubuo ng
angkop na estratehiya at desisyon sa simula pa lamang ng pagsasaayos ng plano.

Basehan ng
Top-Down Approach Bottom-UP Approach
katangian
Layunin Maihanda ang buong bansa sa Maihanda ang mga mamayan sa
banta ng iba’t ibang kalamidad. barangay sa mga banta ng hazard

Maibaba ang mga plano sa bawat Maisagawa ang mga paghahanda


probinsya at munisipalidad. na kakailanganin upang maging
ligtas ang pamayanan
Bumuo ng Philippine Disaster Risk Reduction Community-Based Disaster
plano and Management Framework Risk Reduction
Tagapamuno Pambansang pamahalaan Pamayanan sa tulong ng kapitang
barangay, kagawad at barangay
tanod
Paraan ng Pagsasagawa ng mga pag-aaral, Maisagawa ng tama ang mga
pagbibigay ng seminars at pagsasanay sa iba’t pagsasanay na natutunan
mga teknikal ibang anyo ng disaster. pamayanan tulad ng earthquake
na tulong. drill at fire drill o sa panahon ng
pagbaha. Maging maalam sa mga
lugar na maaaring puntahan sa
panahon ng paglikas tulad ng
evacuation center
Sino ang Pamahalaang Pambansa, Local Pamayanan, Local Government
maaaring Government Unit (LGU), Unit (LGU), pampublikong
makiisa dito? pampublikong indibidwal, indibidwal, pribadong indibidwal,
pribadong indibidwal, Non-Governmental Organization
NonGovernmental Organization
Nagbibigay National Disaster Risk Reduction Provincial Disaster Risk Reduction
babala Management Council (NDRRMC), Management Office (PDRRMO),
Pamahalaang pambansa, Munisipalidad ng bawat bayan
Social Media

9
Katagumpayan Nakasalalay sa maayos na Nakasalalay sa pagkakaisa at
pagpaplano ng pambansang pagtutulungan ng pamayanan
pamahalaan upang mabawasan ang pinsalang
dulot ng kalamidad/hazard.
Mahalagang alam din ang mga
Hotlines ng Pamahalaang
Pambayan sa panahon ng hazard.
Pinagmumulan Pambansang pamahalaan, Pambansang pamahalaan,
ng tulong International Community, Non- International Community, Non-
Governmental Organization, Governmental Organization,
pribado at pampublikong pribado at pampublikong
indibidwal, Local Government indibidwal, Local Government Unit
Unit, Department of Social Welfare Provincial Government,
and Development Munisipalidad

Narito ang isang simpleng ilustrasyon ng Dalawang Approach sa Pagtugon sa


mga Hamong Pangkapaligiran

10

You might also like