You are on page 1of 4

SACRED HEART OF JESUS MONTESSORI SCHOOL

J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City

Montessori-Based Learning
Learning Instructional Packets (LIPs)
Araling Panlipunan-6
S.Y 2020-2021

Name: ________________________________________________ Date submitted: __________________

Grade & Section: ______________________________________ Teacher: _________________________
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Content Standard:
Ang mag-aaral ay… naipamamalas ang mapanuring pagunawa sa bahagi ng Pilipinas sa globalisasyon batay sa lokasyon nito sa
mundo gamit ang mga kasanayang pangheograpiya at ang ambag ng malayang kaisipan sa pag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino

Performance Standard:
Ang mag-aaral ay… naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribosyon ng Pilipinas sa isyung pandaigdig batay sa lokasyon nito sa
mundo

Pangunahing Pang-unawa: May mga kaganapan sa kasaysayan ng pilipinas na kung saan ang sakripisyo ng mga pangunahing
bayani ay nagbunga nagkamalayang nasyonalismo sa mga Pilipino noon.

Pangunahing Tanong: Paano nagising ang damdaming Makabayan ng mga Pilipino ng kilusang propaganda at ng katipunan?

I. LEARNING COMPETENCY
 Nasusuri ang mga dahilan at pangyayaring naganap sa Panahon ng Himagsikang Pilipino • Sigaw sa Pugad-Lawin • Tejeros
Convention • Kasunduan sa Biak-naBato

Layunin:

Pagkatapos ng aralin ikaw ay inaasahang:

 makapgasusuri ng mga pangyayari sa paglaganap ng rebolusyon;
 matutukoy ang mga mahahalagang tao at ang kanilang mga ginampanan sa rebolusyon laban sa Kastila.
 makapagbibigay ng implikasyon ng Kasunduan sa Biak-na-Bato;
 maipamamalas ang Fruits of normalization/ Beatitude of the month/ PVMGO)
 Nakakukuha nang hindi bababa sa 75% na kasanayan

Sariling Layunin: magagawa kong… ________________________________________________________________________

II. LEARNING CONTENT

Lesson 3: Ang mga dahilan at pangyayaring naganap sa Panahon ng Himagsikang Pilipino • Sigaw sa Pugad-Lawin • Tejeros
Convention • Kasunduan sa Biak-naBato

Materials:
L..I.P

References:
1. K to 12 Curriculum Guide
2. MELCs
3. https://www.youtube.com/watch?v=0BNjNI9PtUg

III. LESSON PRESENTATION

Palawakin natin ang iyong nalalaman, basahin at isaisp ang inyong mga nalalaman. Pagkatapos mong magbasa ang Gawain bilang
Ang
isa Pagkakabunyag
mapapalawak mo ngangKatipunan
iyong natutuhan halina’t magsaya.
Imposibleng maitago at manatiling lihim ang mabilis na lumalagong samahan. Ang mga miyembro nito ay gabi-gabing
nagpupulong. Nagsimulang maghinala at kumalat ang mga balita na mayroong lihim na samahan laban sa mga Kastila. Noong Agosto
19, 1896 natiyak ng mga Kastila ang katotohanan ng Katipunan. Nabunyag ito dahil sa galit ng dalawang katipunerong empleyado ng
Diaryo de Manila. Ibinunyag ni Teodoro Patiño (isa sa mga katipunero), ang lihim sa kanyang kapatid na si Honoria na nagtrabaho sa
isang bahay-ampunan. Sinabi ni Honoria sa isang madre, si Sor Teresa, ang tungkol sa samahan. Sinabi ni Sor Teresa ang natuklasan
kay Padre Mariano Gil na siyang nagsumbong sa mga opisyal na Kastila. Dahil dito, nilusob and Diaryo de Manila at kinumpiska ang
mahahalagang ebidensya tungkol sa Katipunan, tulad ng mga dokumento at armas. Nagkaroon ng maraming pag-aresto sa mga
katipunero.

Sigaw sa Pugadlawin
Ang mga katipunerong nakatakas ay nagtungo sa Balintawak, isang
nayon sa Kalookan, at nagtipon sa Pugadlawin noong Agosto 23, 1896. Dito
ay nagpulong sila sa 13 bahay ng anak ni Melchora Aquino, kilala bilang
“Tandang Sora” at “Ina ng Katipunan”. Nagkasundo ang mga katipunero sa
panahon na upang lantarang lumaban sa mga Kastila. Pinangunahan ni
Bonifacio ang pagpunit ng kanilang mga sedula, bilang tanda ng pagsuway
sa pamahalaang España. Kanilang itinaas ang mga sandata at sabaysabay na
sumigaw ng “Mabuhay ang Pilipinas”. Ito ang tinatawag na sigaw sa
Pugadlawin na naging hudyat ng pagsisimula ng unang himagsikang
Pilipino. Bagamat pinagpayuhan ni Dr. Jose Rizal si Andres Bonifacio na
huwag munang mag-alsa dahil hindi pa sila handa, isinulong din niya ang
pag-aalsa ng Katipunan.

Ang mga
pangyayari
kumbensyon ng Tejeros

Ang Kumbensyon sa Tejeros (mga kapalit na pangalan ay ang

Kapulungan ng Tejeros at Kongreso ng Tejeros) ay isang pagpupulong na
ginanap sa pagitan ng hating Magdiwang at Magdalo ng Katipunan sa San
Francisco de Malabon sa Kabite noong Marso 22, 1897. Ito ang kauna-
unahang pampanguluhan at pang-ikalawang panguluhang halalan sa
kasaysayan ng Pilipinas kahit na ang mga Katipunero (mga kasapi ng
Katipunan) at hindi ang pangkalahatang populasyon ang nakapaghalal.
Ang Numuno Dito ay si andrs bonifacio

Ang mga kasapi ay Sina:

Piniling Pangulo:Emilio Aguinaldo
Pangalawang Pangulo: Mariano Trias
Mga Direktor na pandigma: Artenio Ricarte, Kapitan Heneral at Emiliano Riego de dios
Direktor sa Panloob: Andres Bonifacio

Nahati ang mga Rebolusyonaryo sa Dalawa And Madalo at Magdiwang Sa MAgdalo ay si Baldomero Aguinaldo at sa Magdiwang ay
si Mariano Alvarez Tumutol si Daniel Tironana sa pagkakahalal kay bonifaio bilang Direktor na Panloob dahil hindi siya abogado
mas mataas raw ang pinag-aralan ni Jose Del Rosario kaysa sa kanya at hindi niya kaya ang tungkulin, Lubos na ikinagali ito ni
bonifacio at hiningi niya na humngi ng tawad Hindi sumunod si Tirona bagkus ay Umalis. Sa galitni bonifacio ay Isinigaw niyang
bilang supremo ng katipunan ay ipawawalann niya ng saysay ang mga nangyari sa kumbensyon kasama ng kanyang mga tagasunod.

Ang Kasunduan sa Biak-na-Bato

Kahit nanghina at nawalan ng sigla ang mga rebolusyonaryo sanhi ng

pagkamatay ni Andres Bonifacio, buong giting pa rin nilang hinarap ang mga
Kastila. Masigasig ding nakipaglaban ang mga Pilipino sa maraming
probinsya dahil sa hiling ni Aguinaldo na ipagpatuloy ang pakikipaglabang
gerilya.

Habang pinaplano ni Hen. Aguinaldo na magtatag ng Republika ng

Biak-na-Bato, may mga lumutang na mungkahing pakikipag-usap sa
pamahalaang Kastila para sa kapayapaan. Nag-alok na ang Pamahalaang
Kastila ng pagpapatawad. Nagkusang loob si Pedro Paterno, isang mestisong
Intsik na mamagitan sa dalawang panig upang isulong ang pagkakasundo
para sa kapayapaan.

Dito nabuo ang Kasunduan sa Biak-na-Bato sa pagitan ni Heneral

Emilio Aguinaldo at Gobernador Heneral Primo de Rivera. Parehong may hiniling na mga kondisyon ang mga Kastila at Pilipino.
Mula sa mga Pilipino, humiling ang mga Kastila na umalis sa bansa si Aguinaldo at ang mga lider na Pilipino. Kailangan ding isuko
ang mga armas at sumuko ang mga rebelde.

Ang mga Kastla ay magbabayad ng P800,000 sa liderato ng himagsikan. Ang P400,000 ay babaunin ni Emilio Aguinaldo at
mga kasama sa pagtungo sa Hong Kong. Ang P200,000 ay ibibigay kapag isinuko na ng mga rebelde ang mga armas; at ang P200,000
ay ibibigay para sa mga naulila at nasira ng digmaan.
Kahit napatunayan ng masang Pilipino na kaya nilang makipaglaban ng walang lider, kahit hindi ganap maunawaan ng
masang Pilipino ang implikasyon ng pagsuko ng kanilang lider sa Biak na Bato maluwag nilang tinanggap ang pamumuno ni
Aguinaldo na walang pasubali at nagpatuloy sa kanilang pakikibaka.

Magaling! Binabati kita sa iyong pagpapalawak sa aralin, ngayon naman ating palalimin ang mga natutuhan mo. Sagotan
mo ang Gawain bilang 2 ang mangatwiran ka!

Gawain 2: Mangatwiran ka!

Panuto : Ipalwanag ang iyong sagot

1. Anong aral ang dapat mong matutuhan mula sa ginawa ng mga makabayang Pilipino sa pagkakamit ng
Kalayaan noon?
____________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
2. Paano maisasabuhay ng ibang Pilipino ang aral na ito?

Magaling, sana ay ikaw ay natutuwa sa iyong ipinakitang kahusayan sa pagsagot sa mga aktibidad ating sanayin ang
iyong mga nalalaman upang mas higit mo pang maipag-ibayo.

Gawain 3: Tapusin mo!

Panuto: Tapusin ang mga pahayag

1. Ngayon alam ko na ang kahalagahan ng

____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________

2. Nasiyahan ako na ..

3. Dahil ….

Napakahusay, ako ay lubos na nasisiyahan dahil sa iyong mga gawang napakahusay, malamit mo nang matapos ang mga
pagsasanay ngayon naman sa gawaing bilang 4, gagawa ka ng isang reflection bilang paglalapat sa iyong mga natutuhan.

Gawain 5: Pagnilayan

1. Ang ginawang pagsasakripisyo ng mga bayaning Pilipino para sa Kalayaan ng Pilipinas, ating Kalayaan ay
hindi nasayang dahil sa kanilang sakripisyo natamasa na natin ang bunga ng kanilang ipinaglalaban.
Paano mo maipapakita, ang pagpapahalaga sa mga ginawang sakripisyo ng ating mga bayaning Pilipino
para sa kalayaan ng ating bansa?
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________

You might also like