You are on page 1of 2

Fire Prevention Month 2024 |

Tema: “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa”

Ang buwan ng Marso ay Fire Prevention Month!
Kaisa ang Paaralan ng Dungawan Central Elementary School ng buong bansa sa pagpapalakas ng
kampanya upang maiwasan ang sunog, lalo na ngayong Fire Prevention Month.
Layunin nito na magbigay-aral at paalala sa lahat na mag-ingat sa sunog at kung ano ang mga dapat
gawin sa oras ng sunog.
Sa anumang sakuna, laging tandaan:
Ligtas ang may alam!

𝐊𝐚𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧
𝘯𝘪 𝘑𝘢𝘮𝘪𝘧𝘦 𝘈. 𝘍𝘦𝘭𝘪𝘤𝘪𝘢𝘯𝘰
“Init at pinsalang dulot nito ay maiiwasan kung ang bawat isa’y handang pigilan at agapan ang
pagdating nito.”
Naglalagalab. Nakapapaso. Nakapipinsala. Ito ang mga katangiang taglay nito. Marami nang
nalamon na mga kagamitan ang apoy na ito, maging mga buhay ay kaniyang winawakasan. Nag-
iiwan ito ng mga marka sa mga taong kaniyang nabibiktima, mga markang magpapaala sa kanilang
masalimuot na karanasan. Ngunit maiiwasan naman ang mga ganitong mga pangyayari kung ang
bawat isa ay handang maging handa.
Sa pagtapat nang maliit na kamay ng orasan sa ikawalo ng umaga 12 ng Marso ay siyang hudyat ng
pagsisimula ng Fire Drill bilang paggunita sa Fire Prevention Month na isinasagawa tuwing Marso,
ito ay may temang “Sa pag-iwas sa sunog hindi ka nag-iisa.” Ang Raniag High School ay nakiisa sa
programang ito kasama ang mga mag-aaral sa bawat lebel at mga guro.
“Magbigay ng awareness hindi lamang sa mga estudyante kundi pati na rin sa mga personnel” Iyan
ang saad ng SDRRM Coordinator ng paaralan na si Mr.Denver Pol Fernandez. Ang Fire Drill na
isinagawa ay pinangunahan ng BFP Personnel na sina F02 Salvador D. Libao at FO1 Ashley M.
Taberna. Sa kanilang pangunguna ipinakita nila sa mga mag-aaral ng Raniag High School kung
paano aapulain ang apoy sa tangke gamit ang basang tela, paano gagamitin ang fire extinguisher at
paano puksain o pigilan ang paglaganap ng apoy.
Upang mas lalong maintindihan ng mga mag-aaral at guro ang mga ito, pinaranas nila ito sa mga
piling mga mag-aaral kung paano apulain at aagapan. Apat na mag-aaral at isang guro ang
nagprisinta na subukan ang mga ito. Makikita sa mga mata at labi ng mga mag-aaral at guro ang
pagkamangha dahil nagkaroon sila ng bagong kaalaman kung paano nga ba maiiwasan ang pagsiklab
ng sunog.
“Kahandaan at Kaalaman”saad ng SDDRRM Coordinator kung bakit kinakailangan na magsagawa
ng mga Fire Drill, kahandaan upang maiwasan ang mapaminsalang dulot ng apoy. At sapat na
kaalaman para mapuksa ito. Kaya naman kahandaan at kaalaman ang dapat na taglayin ng bawat isa
upang hindi natin maranasan ang naglalagablab nitong init. Sabi nga nila “Ligtas ang may alam!.”

You might also like