You are on page 1of 1

Tayo ang pag-asa sa problema ng pagbasa!

Kanino ba dapat iasa ang suliranin sa mga mag-aaral na hindi marunong bumasa? May pag-
asa pa kayang mapagtagumpayan ang napakahabang krusada sa pagpapabasa?
Sa pagpapatuloy ng ibat-ibang makahulogang programang ikinasa ng departamento ng
edukasyon upang matugonan ang problema ng pagbasa. Nagbaba ng kautusan ang nasabing
ahensya mula sa (Deped Memo. No. 048 s. 2021,OU-LAPP No. 0-267, s, 2021 and No. 63, s, 2021).
Ang pangunahing layunin ay ipapatupad sa lahat ng paaralan ang pagkakaroon ng brigada pabasa.
Ang kautusang ito ay nagbibigay liwanag at daan upang unti-unting masulosyonan ang taon-taong
problema ng pagbasa.
Sa kabilang banda, ang suliraning ito ay hindi malulutas ng mga guro at kawani ng paaralan
lamang, kundi ito ay suliraning dapat kabilang ang lahat. Naging matinding balakid marahil upang
hindi maisakatuparan ng pangmatagalan ang adhikain ng programa dahil sa hindi lubusang pagtutuk
ng ibang magulang sa pagpapatupad nito sa kani-kanilang tahanan. Labis na inaasa ng ibang
magulang ang suliraning ito sa kamay ng mga guro. May iilan ding mga magulang na maging sila ang
pagbabasa ay syang naging problema. Ito ang lalong nagpapalala at dagdag panibagong hamon sa
departamento ng edukasyon.
Maunawaan sana ng lahat na ang kasagutan ay maaring sila, kayo, buong pamayanan at
maging ang pangkalahatang lipunan. Nawa ay palaging itanong sa sarili, ano na ba ang naambag at
nagawa ko sa paglutas ng suliraning akademiko? May mahalagang hakbang na ba akong nagawa
upang bigyang gabay at pag-asa ang mga kabataang hindi marunong magbasa? Maintindihan sana
ng lahat na ang suliraning ito ay ang kasagutan ay tayo mismo!

Bakuna ang lunas tungo sa isang bansang ligtas: Guro at kawani ng GNHS nabakunahan na
Naging matagumpay ang pagbabakuna sa ahensya ng departamento ng edukasyon distrito ng
Barobo III na napabilang sa kategoryang-apat mula sa programa ng departamento ng kalusugan. Ito
ay ginanap noong ika-26 ng Agusto 2021 sa unang turok at sa Septembre 23, 2021 gaganapin ang
pangalawang turok sa mababang paaralan ng Townsite Barobo, Surigao del Sur.
Sa kabila ng takot at pangamba ng mga guro mula sa Gamut, National High School ay
matapang nila itong hinarap upang patuloy na magampanan ang tungkuling sinumpaan. Hindi naging
balakid ang banta ng pandemya upang hindi maipagpatuloy ang trabahong nakakabit sa mga balikat
ng mga Pilipinong guro. Mula sa bakuna na Sinovac sa bansang Tsina, Moderna at Janssen ng
bansang Amerika ay ang mga napiling bakuna upang iturok sa mga gurong nagpabakuna sa araw na
iyon. Hindi mawari ang bakas ng pagpupursigi at determisnayong ipinakita ng mga guro at ibang
kawani ng paraalan ng GNHS sa pakikihalok ng programa ng pamahalaan ang bakuna kontra
pandemya. Hindi lingid sa lahat na may iilang mga guro na nag-aalangan at hindi buo ang loob sa
pagpapabakuna dahil sa takot sa posibling epekto nito sa kanilang katawan. Ngunit sa kabilang
banda, ang tanging katiyakan lamang ay ang paniniwalang ito ang pinaka epektibong paraan upang
maiwasan ang patuloy na hawaan at maproktektahan ang sarili at maging ang nakakarami.
Sa pagpapatuloy ng pag-aarangkada ng programang pagbabakuna ng pamahalaan, ang
tanging dasal ng sambayanan ay nawa ito na ang kasagutan at ang lunas tungo sa panibagong ligtas
na bukas.

You might also like