You are on page 1of 1

KAHANDAAN SA PASUKAN

Kagaya nang mga nakaraang pasukan, ang pagbubukas ng klase sa taong ito ay
nananatili pa ring isang hamon sa bawat isa dulot ng patuloy na na paglaganap ng
pandemya. Hindi maipagkakailang ang lahat ay patuloy na binabagabag ng animo’y
walang katiyakan at kasiguradahong pagpapatuloy ng paghahatid ng dekalidad at ligtas
na edukasyon.
Gayunpaman, ang mga kahinaang naghatak sa nakaraang pasukan ay patuloy na
binibigyang-tugon ng kagawaran at ang mga kalakasang naibahagi nito ay patuloy na
pinaglilinang upang lalong maihanda ang lahat ng antas sa pagulong ng taong
panuluyan.
Matatandaang sa nakaraang taon ay nagulat ang lahat sa biglaang pagbabago ng
sistema ng edukasyon, bilang ang lahat ay kumonporma sa ibat-ibang uri ng distance
learning modalities. Matatandaan ring ang bilang ng mga naimprintang modyul at mga
kagamitang pangkatuto ay hindi angkop sa mataas na bilang nga mga mag-aaral at sa
iksi ng oras sa paghahanda ng mga ito. Kung kaya’t patuloy at puspusan ang paggawa ng
mga Learning Activity Sheets (LAS), Themed-Based Assessments (TBAPA), Home
interventions, at mga karagdagang pananaliksik upang kahit papaano’y maitawid ang
edukasyon sa nakaraang taon.
Naihanda rin ang lahat ng mga guro, mag-aaral, kabilang na ang mga ibat-ibang grupong
kaakibat ng komunidad kaugnay sa mga makabagong pamamaraan na magpapalinang
ng kanilang kasanayan at responsibilidad bilang isa sa mga haligi ng isang matatag na
Learning Community.
Sa kabuuan, ang kakulungang naranasan noon ay paniguradong mapaghahandaan na
ngayon. Ang lahat ay hinubog na sa kung ano ang dapat gawing paghahanda at sa kung
ano ang dapat pagtuunan ng pansin. Kung kaya’t iwaksi na ang takot, bagkus ay
pagtibayin ang sarili sa patuloy na pagdaloy ng walang humpay na edukasyon kahit
paman sa gitna ng pandemya.

You might also like