You are on page 1of 1

Maling Solusyon na Nilikha ng Isipan

Sa panahon ngayon,”Bawal ang magutom” kaya gumagawa nalang ng mga bagay na sa tingin ay
makakalutas sa pang-araw-araw na pangangailangan. Meron nagsasabi na nasa diskarte lang nabubuhay
ang tao kaya ginagawa nalang ang bagay na kahit alam na bawal at ‘di maaaring gawin ay pinipilit dahil
sa iniisip na isang solusyon upang makamit ang inaasam na kaginhawaan. Ang iba ay nagbebenta ng
bawal na gamot,dumadakip ng mga bata at pinaangkat sa mga magulang,at iba pang kaso ng mga
ito.Ngunit meron pa palang mas nakababahalang isipin at nakakatakot kung gagawin,ang pagbenta ng
mga parte sa katawan upang magkaroon ng pagkakitaan.

Isa sa mainit na pinag-uusapan ngayon sa buong bansa at sa sosyal medya ay ang malawakang isyu
tungkol sa pagbenta ng parte sa loob ng katawan. Dahil sa mabilisang kumalat,marami ang naalarma isa
na dito ang pamahalaan na agad nagbigay aksyon upang solusyunan ang problemang kinakaharap. Batay
sa naitalang konklusyon ng World Health Organization (WHO),hindi kukulangin sa 800 na kidney ang
naibenta noong 2008. Ayon sa pagpapaliwanag,napipilitan ang tao na ibenta ang kanilang internal organ
ay dahil sa lubusang kahirapan at walang hanap-buhay. Karagdagan pa,ang pagbebenta ng mga parte ng
katawan ay nangyayari sa mga bansang nagpapaunlad pa lamang kagaya ng Pilipinas na naitala sa top 5
sa listahan na pagpapakuha ng parte sa katawan noong 2005. Ngunit hindi lang sa bansang Pilipinas ang
bentahan ng mga internal organ kundi maging sa karatig-bansa nito tulad ng Iran na legal ang pagbenta
ng mga ito kaya walang alinlangan ang mga tao na magbenta kahit alam na delikado. Sa Egypt rin na may
78 porsento na kaso nito at sa India na may 71 porsento rin.

Sa Estados Unidos ay mahigit sa 123,000 ka tao ang nangangailangan ng mga internal organ kaya sila ang
umaangkat sa mga bansang nagbebenta ng mga ito. Kung kidney lang ang kailangan,tatanggap ang
nagbenta ng $200,000 dolyar samantala ang ibibigay naman sa donor ay $5,000 dolyar,napakasaklap
isipin ngunit ito ang katotohanan. Kung buo naman na parte ng katawan ay bibilhin sa mahigit sa $45
milyon dolyar. Ang puso ang pinakamahal na may 1 milyon dolyar ang halaga at pangalawa ang atay na
may $557,000 dolyar. Dahil sa halagang ito,maraming mga tao ang nawiwiling ibenta nalang ang
kanilang mga organ o di kaya ginagamit ang ibang tao upang ibenta.

Sa kasong ito,isa sa mga hindi dapat gawin sa buhay ng tao. Sa Pilipinas ay mahigpit na ipinagbabawal
ang pagbenta at illegal,kaya patago-tago ang bentahan nito. Sa mga taong may balak,huwag nang ituloy
sapagkat napakadelikado at mapanganib. Tandaan hindi matutumbasan ng pera ang halaga ng ating
katawan.

Mario Sarceda

You might also like