You are on page 1of 5

MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA BUHAY

Isyu isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dala- wa o higit pang mga panig o posisyon na
magkakasalungat at nangangailangan ng mapanuring pag-aaral upang malutas.

Ang buhay ng tao ay maituturing na pangunahing pagpapahalaga. - -(De Torre)

Mga Batayan ng Etikal na Pagpapasiya

Narito ang tatlong (3) batayan sa paghubog ng paninidigan tungo sa moral na pagpapasiya:

Personal - kumakatawan sa pansariling paghubog ng tamang Katwiran at mapanuring kaisipan; sariling


pag-unawa at konsepto ng tama at mali; kritikal na antas.

"Ang makatwirang kaisipan ay ang paglalapat ng kritikal na kai- sipan at makatutulong ito upang
makabuo ng paninidigan batay sa impormasyon at totoong ebidensiya sa halip na opinyon o pa-
kiramdam. Michael Shermer (2015)

2. Institusyonal o propesyonal - nababatay sa mga prinsipyo at pamantayan na itinadhana ng mga


kinatawan ng simbahan, pa- mahalaan, at iba't ibang sangay ng panlipunang institusyon.

"Ang paghubog ng moral na paninindigan ay isang panlipunang proseso."- Stephen Satris (2008)

3. Likas na Batas Moral - bilang batayan ng pagpapasiya, ay pin- aniniwalaan ng marami na ito ay
unibersal at nasasalig sa kalikasan at tunguhin ng tao at buhay; hindi nagbabago; pinaka- matibay at
pinakamataas na batayan at pundasyon ng paghubog ng moral na paninindigan,

MGA ISYUNG MORAL KAUGNAY NG KAHALAGAHAN NG BUHAY Bioethics ay isang natatanging


larangan ng pag-aaral ng mga isyung kaugnay sa buhay.

A:ABORSIYON paglaglag o pagtanggal ng fetus'o sanggol mula sa sinapupunan ng ina.

"Ang aborsiyon ay isang aksiyon na nagkakait sa isang sanggol ng kani- yang unang karapatan upang
mabuhay at makaranas sa hinaharap ng magandang kinabukasan. (Don Marquis)

Dalawang Uri ng Aborsiyon:

1. Kusa (Miscarriage) - Ito ay ang pagkawala ng isang sanggol bago ang ika-20 lingo ng pagbubuntis;
natural na pangyayari; hindi gi- nagamitan ng medical or artipisyal na pamamaraan.

2. Sapilitan (Induced) - ito ay ang pagwawakas ng pagbubuntis at pagpapaalis ng isang sanggol, sa


pamamagitan ng open-opera o pagpapainom ng mga gamot.

Pro-life vs. Pro-Choice

1.Pro-life

Ang sanggol ay itinuturing na isang tao mula sa sandal ng paglilihi.

b. Kung ang pagbubuntis ay resulta ng kapabayaan ng ina, dapat niyang harapin ang kahihinatnan nito.

c. Kung magiging katanggap-tanggap sa lipunan ang aborsiyon, maaaring gamitin ito ng mga tao bilang
regular na paraan pa- ra hindi ituloy ang pagbubuntis.
d. Ang lahat ng sanggol ay may mahusay na potensiyal.// e. Maraming mga relihiyon ay hindi nag-
eendorso ng Pagpapalaglago ilang birth control dahil sa layunin ng pakikipagtalik na pagpaparami
(procreation) at sinumang ba tang nabubuhay ay mga anak ng Diyos.

2. Pro-Choice

a. Ang bawat batang isinisilang sa mundo ay dapat mahalin.at. alagaan.

b. Ang fetus ay hindi pa'maituturing na isang ganap na tao dahil wala pa itong kakayahang mabuhay sa
labas ng bahay-bata ng kaniyang ina.

c. Sa mga kasong rape o incest, ang sanggol ay maaaring ta gapagpaalala sa babae ng trauma na
kaniyang nararanasan.

d. Kung sakaling ituloy ang pagbubuntis at magpasiya ang ina na dalhin sa bahay-ampunan ang sanggol
pagkatapos, maraming bahay-ampunan ang kulang sa kapasidad.

e. Ang aborsiyon, sa pangkalahatan ay ligtas na pamamaraan.

. Ang Prinsipyo ng Double Effect (Sto. Tomas de Aquino) May mga oras kung kalian ang isang kilos na
nararapat gawin ay maaaring magdala ng mabuti at masamang epekto."

Mga Kondisyon

1. Ang layunin ng kilos ay nararapat na mabuti.

2. Ang masamang epekto ay hindi dapat direktang nilayon ngunit bunga lamang ng naunang kilos na
may layuning mabuti.

3 Ang Mabuting layunin ay hindi dapat makuha sa pamamagi tan ng masamang pamamaraan.

4. Kinakailangan ang pagkakaroon ng mabigat at makatuwirang dahilan upang maging katanggap-


tanggap ang masamang epekto.

B. GENETIC ENGINEERING.- Ito ay medikal na proseso na naglala- yon na (1) ihiwalay ang genes at
baguhin ito upang magamit nang maayos, (2) ihanda ang genes upang ilipat sa ibang host (tao, hayop, at
halaman), at (3) lumikha ng bagong nilikha (transgenics) o parehong nilikha (cisgenics).

Mga Pangangatwirang Sumasalungat:

a.Ang buhay ay nilikha ng Diyos at nakabatay sa Likas na Batas Moral o Batas-Kalikasan. Ang paggamit ng
genetic engineering ay direktang pakikialam at pagkontrol sa banal na layunin at kaga- napan ng tao.

b. Maraming kaakibat na etikal na isyu ang genetic engineering ka- bilang ang panlipunang alalahanin;
paano mabibigyan ng karapatan bilang tao o bagong nilikha ang bunga nito.

c. Maaari itong magtaguyod ng komersiyo para sa biyolohikal na teknolohiya at genetic engineering na


kung saan kadalasan ang tanging nabibiyayaan ay ang mga may kapangyarihan, im- pluwensiya at
yaman.
d. Kahit may mga benepisyo, hindi pa rin maitatatwa na mayroon itong hindi inaaasahang mga
biyolohikal, pisikal, at sikolohikal na epekto para sa mga nasasangkot dito...

Mga Pangangatwirang Pagsang-ayon:

* May benepisyo ang human cloning, tulad ng tulong upang magkaroon ng anak ang mag-asawa at along
sa may sakit na nangangailangan ng organ or tissue transplant na walang ma- kuhang donor.

C. EUTHANASIA o MERCY KILLING - Ito ay isang aksiyon na nagla- layong maibsan ang dinaranas na
paghihirap (suffering) dulot ang malubhang (terminal) sakit sa pamamagitan ng direkta (active) o hindi
direktang (passive) pagkitil sa buhay ng may sakit.

Mga Pangangatwirang Pagsang-ayon:

Ito ay paggalang sa karapatan ng may sakit na gumagawa ng pansariling pagpapasiya ukol sa kaniyang
buhay.

Ito ay rasyonal na pasiya kung may malubha at di na maaaga- pang karamdaman. (Timothy Howell)

* Ang limitasyon ng pagiging epektibo ng palliative care (daludhasang pangangalagang medikal para sa
mga taong nabu- buhay na may malubhang karamdaman) upang maibsan ang paghihirap ng pasyente.

Mga Pangangatwirang Sumasalungat:

*Isa sa pinakamahalagang karapatan ng tao ay ang kaniyang buhay dahil ito ang kinakailangang
kondisyon upang maranasan niya ang kalayaan. Sa ganitong ay paraan ay mapapawalang bisa ang
kahalagahan ng buhay. Ang kalayaan ay maaaring abusuhin lalo na kung nasasanay na ang tao na
gamitin ang personal da:, kalayaan kaagad-agad bilang solusyon sa mga sitwasyon gaya pg euthanasia,
Richard Doerflinger)

*Kadalasan ang mga matatanda at may terminal na karamdaman ay mahina at madaling maapektuhan
ng pressure ng iba lalong la- to na kung nararamdaman nilang sila ay pabigat at walang silbi.

Ang implikasyon nito sa health care lalo na ang mga doctor at mga pars dahil salungat ito sa sinumpaan
nilang hangarin na su- magip ng buhay

D. PAGPAPATIWAKAL o SUICIDE-Ang sadyang pagkitil ng isang⚫ tao sa sariling buhay at naaayon sa


sariling kagustuhan:

Despair o kawalan ng pag-asa-isa sa mga karaniwang dahilan kung bakit may ilang taong pinipiling kitlin
ang sarili nilang buhay. Upang mapigilan ang kawalan ng pag-asa, kinakailangang mag- isip ang isang tao
ng mga malalaking posibilidad at natatanging mga paraan upang harapin ang kaniyang kinabukasan.

- Eduardo A. Morato

Mga Karaniwang Dahilan ng Pagpapatiwakal:

1. Biyolohikal

3. Emosyonal
2. Sikolohikal

4. Sosyal

Cluster Effect o Copycat Suicide - Ito ay isang pangyayari kung kung saan ang pagpapakamatay ng isang
indibidwal ay nakakahi- kayat rinsa ibang tao lalo na ang mga kabataan na magpaka- matay.

Mga Argumento;..

*Ang pagpapakamatay bilang isang lehitimong bagay ng personal na pagpili:

*Walang sinuman ang dapat na piliting magdusa nang labag sa kanilang kalooban.

*Ang pagpapakamatay ay itinuturing na kasalanan.

*Ang buhay ay regalong kaloob ng Diyos na hindi dapat tanggi han nang may pagkamuhi, at na ang
pagpapakamatay ay laban sa "likas na kaayusan" at kaya humahadlang sa kabuuang pla no ng Diyos para
sa mundo.

E. ORGAN TRANSPLANT AT ORGAN DONATION-Ito ay isang med- ikal na operasyon na naglalayon na


ilipat ang isang bahagi ng ka- tawan ng tao (mata, puso, kidney atbp.) upang masakip o madug- tungan
ang buhay ng tao

Mga kaugnay na katanungan:

moralidad ng paglilipat ng bahagi ng katawan *etika ng pagkuha ng organ at alokasyon nito

Ilan pang katanungan ukol sa organ donor:

(a) uri ng donor kung tunay na patay (clearly dead), brain dead, buhay na donor (living donor), at ang
paggamit ng fetal tissues;:. (b) paraan kung paano nakuha ang bahagi ng katawan; kung ito ay kusang
ibinigay (willing donor) o ibinigay kapalit ng salapi at pwersahang ibinigay.

Mga Perspektibo:

+ Ito ay makataong aksiyon at simbolo ng kagandahang-loob.

Malaki ang tulong nito upang makapagligtas ng buhay.

+ Binabago rin nito ang kalidad ng buhay hindi lamang ng taong nakatanggap undi pati na rin ang mga
kaanak nito.

Isa itong positibong ambag ng siyensiya.

-Anumang uri nito ay mapanganib lalo na kung buhay ang donor. -Malaki ring ang katanungan ukol sa
karapatan ng ibang tao gaya ng pamilya na magpasiya para sa isang tao.

- Napapanahong isyu rin kaugnay ng organ donation ang pagbe- benta ng organs:

"Nagdudulot ang pagbebenta ng organs ng commodification o pagtrato sa tao bilang kalakal at pang-
aabuso." (Childress)
*ang pagbebenta ng organs ay sanhi ng malaking diskriminasyon para sa mga taong mahihirap na
walang pambayad para sa kina- kailangang organ transplant.

MGA HAKBANGIN TUNGO SA PAGPAPATIBAY NG MORAL NA PANININDIGAN: (Corey & Corey,


Callanan

1. Kilalanin at pag-aralang mabuti ang isyu.

2. Suriin ang mga potensiyan na isyu.

3. Balikan ang mga kaugnay na etikal na pamantayan mula sa ins- titusyonal hanggang sa unibersal.

4. Sumangguni sa iba't ibang tao.

5. Isaalang-alang ang lahat ng posibleng hakbanging isasagawa. 6. Itala ang lahat ng kahihinatnan (+/-)
ng bawat hakbangin at posibleng mga aksiyon

7. Magpasiya tungo sa pinakamabuti at angkop na hakbangin o aksiyon.

You might also like