Tungkol sa Buhay Ang Paggamit ng Ipinagbabawal na Gamot • Dahil sa droga, ang isip ng tao ay nagiging blank spot. Nahihirapan ang isip na iproseso ang iba’t ibang impormasyon na dumadaloy dito. Alkoholismo • Ito ay ang labis na pagkonsumo ng alak ay may masamang epekto sa tao. • Maaring magka cancer, sakit sa atay at kidney. Aborsiyon • Pag-alis ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina. Pro-life a. Ang sanggol ay itinuturing na isang tao mula sa sandali ng paglilihi. b. Kung ang pagbubuntis ay resulta ng kapabayaan ng ina, dapat niyang harapin ang kahihinatnan nito. c. Kung magiging katanggap-tanggap sa lipunan ang aborsiyon, maaring gamitin ito ng mga tao bilang regular na paraan para hindi ituloy ang pagbubuntis. d. Ang lahat ng sanggol ay may mahusay na potensiyal; bawat isa na ipinalalaglag ay maaaring lumaki at maging kapaki-pakinabang sa lipunan o sa buong mundo.
e. Maraming mga relihiyon ay hindi nag-
eendorso ng pagpapalaglag o ilang mga paraan ng birth control dahil sa paniniwalang ang pakikipagtalik ay para sa layuning pagpaparami (procreation) lamang at ang sinumang batang nabubuhay ay mga anak ng Diyos. Ang pagkitil sa buhay ng isang anak ng Diyos ay masama. Pro-choice • Ang bawat batang isinisilang sa mundo ay dapat mahalin at alagaan. Ang tamang pagplaplano sa pagkakaroon ng anak ay karaniwang nagbubunga ng mas magandang buhay para sa mga bata dahil may kakayahan ang mga magulang na suportahan ang kanilang mga anak sa pisikal, emosyonal at pinansiyal na aspeto. b. Ang fetus ay hindi pa maituturing na isang ganap na tao dahil wala pa itong kakayahang mabuhay sa labas ng bahay- bata ng kaniyang ina.
c. Sa mga kasong rape o incest, ang
sanggol ay maaring maging tagapagpaalala sa babae ng trauma na kaniyang naranasan. e. Ang aborsiyon, sa pangkalahatan ay ligtas na pamamaraan. Mas mababa pa sa 1% ng mga aborsiyon na ginawa bago ang ika-21 na linggo ng pagbubuntis ang resulta ng mga pangunahing komplikasyon tulad ng pagdurugo o impeksiyon. d. Kung sakaling ituloy ang pagbubuntis at magpasiya ang ina na dalhin sa bahay- ampunan ang sanggol pagkatapos, maraming bahay-ampunan ang kulang sa kapasidad na magbigay ng pangunahing pangangailangan ng mga bata. Ang Dalawng Uri ng Aborsiyon 1. Kusa (Miscarriage) – pagkawala ng sanggol bago ang ika-20 linggo ng pagbubuntis. 2. Sapilitan (Induced) – ito ay pagpapaalis ng siang sanggol sa pamamagitan ng pag-opera o pagpapainom ng mga gamot. Ang Prinsipyo ng Double Effect • Ang isang kilos na nararapat gawin ay maaring magdala ng mabuti at masamang epekto. Una: ang layunin ng kilos ay nararapat na mabuti. Ikalawa: ang masamang epekto ay hindi dapat direktang nilayon ngunit bunga lamang ng naunang kilos. Ikatlo: ang mabuting layunin ay hindi dapat makuha sa pamamagitan ng masmang pamamaraan.
Ikaapat: kinakailangang ang
pagkakaroon ng mabigat at makatwirang dahilan upang maging katangap-tanggap ang masamang epekto. Pagpapatiwakal • Ito ay ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling kagustuha. Euthanasia (Mercy Killing) • Isang gawain kung saan napadadali ang kamatayan ng isang taong may matindi at wala nang lunas na karamdaman. Ito ay ang paggamit ng modernong medisina at kagamitan upang tapusin ang paghihirap ng isang maysakit. • Ito rin ay minsang tinatawag na assited suicide. PWD (Persons with Disabilities) • “ Ang buhay ng tao ay napakahalaga; kahit na ang mga pinakamahihina at madaling matukso, mga may sakit, matatanda, mga hindi pa isinisilang at mahihirap, ay mga obra ng Diyos na ginawa sa sarili Niyang imahe, laan upang mabuhay magpakailanman, at karapat-dapat ng mataas na paggalang at respeto.” - Papa Francis ng Roma