You are on page 1of 41

PAGGALANG

SA BUHAY
ARALIN 10
Natutukoy ang mga paglabag sa
paggalang sa buhay;
Nasusuri ang mga paglabag sa
paggalang sa buhay; at
LAYUNIN Napahahalagahan ang mga
kaalamang natutunan tungkol sa
paggalang sa buhay.
SUBUKIN

1. Ito ay sadyang pagkitil ng buhay at naaayon sa sariling kagustuhan.


A. aborsiyon
B. alkoholismo
C. pagpapatiwakal
D. paggamit ng droga
2. Nais ni Enrico na mapasama sa mga magtatapos nang may karangalan.
Buong gabi siya kung magbalik-aral. Nalaman ito ng kanyang kabarkadang
si Julio kaya pinayuhan niyang uminom ng ecstacy si Enrico upang hindi
makatulog habang nag-aaral. Sinabi pa nitong mananatili siyang aktibo sa
mahabang panahon. Subalit tumanggi si Enrico at hindi niya raw ito
gagawin. Ano ang pinakamakatwirang dahilan ng pag-iwas ni Enrico?
A. Natakot siya sa resulta nito sa kanyang katawan at isip.
B. Alam niyang mapapagalitan siya ng kanyang mga magulang.
C. May moral na batayan ang pag-iwas sa droga.
D. Baka malaman ito sa paaralan at hindi siya makatapos nang karangalan.
3. Nalaman ni Eduardo sa doktor na malala na ang sakit niya sa bituka.
Matagal na siyang sinabihang huminto sa kanyang bisyo, subalit
nakasanayan na niya ito lalo na kapag kasama ang mga kaibigan at
mayroong okasyon. Hanggang naging bahagi na ito ng kanyang buhay.
Ngayon, sinisingil siya ng kanyang bisyo na:
A. Pagpupuyat
B. Paninigarilyo
C. Paglalasing
D. Pagdodroga
4. Ito ay ang labis na pag-inom ng alak.
A. aborsiyon
B. alkoholismo
C. pagpapatiwakal
D. paggamit ng droga
5. Ito ay sagrado at kaloob mula sa Diyos.
A. Sarili
B. Pamilya
C. Buhay
D. Biyaya
TUKLASIN
Batay sa mga nabasa, narinig o nabalitaan, isulat ang mga maaaring
kahinatnan ng mga sumusunod:
1. Paggamit ng droga
2. Aborsiyon
3. Sobrang pag-inom ng alak
4. Suicide
5. Euthanasia o “mercy killing”
Kaya nilikha ng Dios ang tao, lalaki
at babae ayon sa wangis Niya.
Genesis 1:27
TAO ISIP AT KILOS-LOOB

Inaasahan na tayo ay makabubuo at


makagagawa ng mabuti at matalinong
pagpapasiya sa kabila ng mga isyung
umiiral sa lipunan.
PAANO MO PINAHAHALAGAHAN ANG BUHAY MO
AT BUHAY NG KAPWA MO?
MGA ISYU TUNGKOL SA BUHAY
PAGGAMIT NG
DROGA
Ito ay isang estadong
sikiko (psychic) o pisikal
na pagdepende sa isang
mapanganib na gamot, na
nangyayari matapos
gumamit nito nang paulit-
ulit at sa tuluy-tuloy na
pagkakataon.
Ano ang mga dahilan ng paggamit
ng droga?
Ano ang epekto ng paggamit nito?
Bilang kabataan, maging
matalino ka sa pagpili ng
sasamahang kaibigan.
Maging maingat sa mga
taong maaaring magdulot sa
iyo ng maling impluwensiya.
ALKOHOLISM
O

Labis na pagkunsumo ng
alak o anumang inuming
may alkohol.
Ano ang mga dahilan ng labis na
pag-inom ng alak?
Ano ang epekto ng alkoholismo?
ABORSIYON
Ang aborsiyon o
pagpapalaglag ay
intensiyonal na pag-alis
ng isang fetus o sanggol
sa sinapupunan ng ina.
ANG DALAWANG URI NG
ABORSIYON

 Kusa (Miscarriage). Ito ay tumutukoy


sa natural na mga pangyayari at hindi
ginamitan ng medikal o artipisyal na
pamamaraan.
 Sapilitan (Induced). Ito ay ang
pagwawakas ng pagbubuntis at
pagpapaalis ng isang sanggol, sa
pamamagitan ng pag-opera o
pagpapainom ng mga gamot.
PRO-LIFE
 Ang sanggol ay itinuturing na isang tao
mula sa sandali ng paglilihi
 Kung ang pagbubuntis ay resulta ng
kapabayaan ng ina dapat niyang harapin
ang kahihinatnan nito
 Kung magiging katanggap-tanggap sa
lipunan ang aborsiyon, maaaring
gamitin ito ng mga tao bilang regular na
paraan para hindi ituloy ang
pagbubuntis.
 Ang lahat ng sanggol ay may mahusay
na potensiyal
PRO-CHOICE

 Ang bawat batang isinisilang sa mundo ay


dapat mahalin at alagaan.
 Ang fetus ay hindi pa maituturing na isang
ganap na tao dahil wala pa itong
kakayahang mabuhay sa labas ng
bahaybata ng kaniyang ina.
 Sa mga kasong rape o incest, ang sanggol
ay maaaring maging tagapagpaalala sa
babae ng trauma na kaniyang naranasan
PRO-CHOICE
 Kung sakaling ituloy ang pagbubuntis at
magpasiya ang ina na dalhin sa bahay-
ampunan ang sanggol pagkatapos,
maraming bahay-ampunan ang kulang sa
kapasidad na magbigay ng pangunahing
pangangailangan ng mga bata.
 Ang aborsiyon, sa pangkalahatan ay ligtas
na pamamaraan. Habang itinuturing itong
iligal, tiyak na maraming babae ang patuloy
na sasailalim nang palihim sa ganitong
proseso at maglalagay sa kanilang
kalusugan sa di-tiyak na sitwasyon at
maaaring mauwi sa kamatayan.
UNANG ABORTION PANGALAWANG ABORTION

 18 years old pa lang, bata pa  24 years old, hindi sinasadyang


 Gusto ng boyfriend na ipa-abort ang mabuntis
baby  3 na ang anak nila, hindi na nila kaya
 Wala siyang kakayahan buhayin mag-
pang bumuhay pa ng isa
isa ang baby  Mahirap ang buhay

 Sobrang hirap ng kaniyang buhay  Paraan: Uminom ng gamot na


prescribed ng doktor
 Paraan: Uminom ng gamot na
 Resulta: Hindi siya nahirapan sa
pampalaglag na binili lang sa Quiapo.
abortion. Hindi nalagay sa alanganin
 Resulta: Muntik na siyang mamatay.
ang buhay niya.
Pero dahil sa abortion, nabigyan siya
ng pangalawang pagkakataon sa buhay
Isang ina na limang buwan nang nagdadalang-
tao ang nagkaroon ng malubhang sakit. Sa
pagsusuri ng mga doktor, nalaman niya na
kailangang alisin ang kaniyang bahay-bata
ngunit maaari itong magresulta sa pagkamatay
ng sanggol sa kaniyang sinapupunan. Kung
hindi naman ito isasagawa, maaaring magdulot
ito ng mga komplikasyon at malagay sa
panganib ang kaniyang buhay.
Iligtas ang buhay ng sanggol
LAYUNIN Iligtas ang buhay ng ina.
sa sinapupunan ng ina.

Gamutin ang mapanganib


Hindi itutuloy ang
na sakit ng ina sa
PARAAN pamamagitan ng pag-alis ng
opersayon upang alisin ang
bahay-bata ng ina.
bahay-bata.
Wala ng iba pang medikal Makasasama ito sa kalusugan
na pamamaraan na maaaring ng ina dahil maaaring
SIRKUMSTANSIYA gawin bukod sa alisin ang mamatay ang sanggol sa
bahay-bata ng ina. sinapupunan ng ina.
Masasagip ang buhay ng ina Maililigtas ang sanggol dahil
sa tiyak na kamatayan hindi aalisin ang bahay-bata
KAHIHINATNAN ngunit maaaring mamatay ngunit malalagay sa panganib ang
ang sanggol. buhay ng ina.
ANG PRINSIPYO
NG DOUBLE
EFFECT

 Ayon kay Sto. Tomas


de Aquino, may mga
oras kung kailan ang
isang kilos na nararapat
gawin ay maaaring
magdala ng mabuti at
masamang epekto.
MAAARING PUMILI NG ISANG KILOS NA MAGDUDULOT NG MASAMANG
EPEKTO KUNG MATUTUGUNAN ANG SUMUSUNOD NA APAT NA
KONDISYON.

 Ang kilos na isasagawa ay nararapat na mabuti.


 Ang masamang epekto ay hindi dapat direktang nilayon ngunit bunga lamang ng
naunang kilos na may layuning mabuti.
 Ikatlo, ang mabuting layunin ay hindi dapat makuha sa pamamagitan ng
masasamang gawain.
 Ikaapat, kinakailangan ang pagkakaroon ng mabigat at makatuwirang dahilan upang
maging katanggap-tanggap ang masamang epekto.
TIM TEBOW MOTHER (VICTIM OF
RAPE) AND HER SON
PAGPAPATIWAKAL
(SUICIDE)
Ang pagpapatiwakal ay
ang sadyang pagkitil ng
isang tao sa sariling
buhay at naaayon sa
sariling kagustuhan.
DAHILAN NG
PAGPAPATIWAKAL

 Ang kawalan ng pag-


asa (despair)
 Matinding depresyon
 Kawalan ng tamang
pag-iisip
PARAAN UPANG
MAKAIWAS SA DEPRESYON
AT PAGPAPATIWAKAL

 Panatilihing abala ang


sarili sa mga
makabuluhang gawain
tulad ng paglilingkod sa
kapuwa at pamayanan.
 Pagkakaroon ng matibay
na support system
(pamilya at mga
kaibigan)
EUTHANASIA

Ito ay tumutukoy sa
paggamit ng mga
modernong medisina at
kagamitan upang
tapusin ang paghihirap
ng isang maysakit.
IBA PANG MAHAHALAGANG
IMPORMASYON TUNGKOL SA
EUTHANASIA
 Ang sakit o paghihirap ay likas na
kasama ng buhay ng tao. Ang pagtitiis
sa mga hirap at pagsubok ay
pakikibahagi sa mga plano ng Diyos.
 Pagmamahal at pag-aalala ang ibigay sa
ganitong pasyente hindi kamatayan.
IBA PANG MAHAHALAGANG
IMPORMASYON TUNGKOL SA
EUTHANASIA
 Hindi ipinipilit ang paggamit ng mga
hindi pangkaraniwang mga pamamaraan
at mamahaling mga aparato upang
pahabain ang buhay ng isang tao.
 Ang pagpapatigil sa paggamit ng mga
life support ay hindi itinuturing na
masamang gawain. Ito ay maliwanag na
pagsunod lamang sa natural na proseso.
BUHAY PARA SA MGA DI-NORMAL
PERSONS WITH DISABILITIES O PWD
NICK VUIJIC
“Magagalit ba ako sa Diyos dahil sa mga kung anong wala ako o
magiging mapagpasalamat ako sa Diyos sa kung ano ang
mayroon ako?”
Ang buhay ay sagrado.
Ito ay regalo mula sa Diyos.
Ang hindi paggalang sa kabanalan ng buhay ay mali dahil ito
ay indikasyon ng kawalan ng pasasalamat at pagkilala sa
kapangyarihan ng Diyos.

You might also like