You are on page 1of 33

Kabahagi Tayo sa

Pagtataguyod ng
Kasagraduhan ng Buhay
Aralin 17
Tukuyin kung taliwas o hindi sa
kasagraduhan ng buhay:
Biktima ng pang-aabuso ang isang 15
taong dalagita na kabilang sa mataas na
angkan. Subalit ang balita ukol dito ay
itinago ng pamilya. Pinayuhan rin ng ina
ng dalagita na huwag magsampa ng kaso
o palakihin pa ang isyu dahil inaalagaan
ng pamilya ang kapuri-puring ng buhay
na kanilang ipinakikita sa lipunan.
Tukuyin kung taliwas o hindi sa
kasagraduhan ng buhay:
Namasyal sa isang kagubatan ang mga
kabataang nag-aaral ukol sa iba’t ibang
uri ng punong kahoy. Subalit nang sila ay
pabalik na sa kanilang pansamantalang
tinitigilan, hindi na nila malaman ang
daan pauwi. May nagpayo na baligtarin
nila ang kanilang t-shirt upang malaman
nila ang daan pauwi.
Tukuyin kung taliwas o hindi sa
kasagraduhan ng buhay:
May problema sa kaniyang pisngi si Lena
dahil lagi siyang may taghiyawat. May
nagbigay sa kaniya ng isang pampahid na
nagpapakinis ng pisngi. Gagamitin na sana
niya ito, subalit may nagsabi sa kaniya na
ang pampagandang ito ay may halo daw na
galing sa placenta ng fetus. Nagdalawang-
isip siya kung gagamitin niya ito o hindi.
Tukuyin kung taliwas o hindi sa
kasagraduhan ng buhay:
Nagmamahalan ang dalawang
nilalang na nabibilang sa parehong
kasarian. Upang ipahayag nila sa
buong mundo ang kanilang
panghabang panahong pagsasama,
naghanap sila ng simbahang
magkakasal sa kanila.
Tukuyin kung taliwas o hindi sa
kasagraduhan ng buhay:
Dahil kaya naman ng isang mayamang
pamilya, nananatili sa loob ng isang buwan
life support system ang kanilang anak na
nasa kalagayang comatose, bunga ng
aksidente dahil sa pakikipagkarera sa motor.
Mayroong nagpayo sa mga magulang ng
kabataan na alisin na ang life support, dahil
nahihirapan na rin ito sa pananatili sa
ganoong kalagayan.
HALAGA NG BUHAY
Mga Gawaing Taliwas sa Batas ng Diyos

Okultismo mga gawaing nabibilang sa hindi


pangkaraniwang ginagawa at
iniisip ng tao.
Tatlong Uri:
Mahika (Magic)
Panghuhula (Fortune Telling)
Espiritismo (Necromancy)
Mga Gawaing Taliwas sa Batas ng Diyos

Mahika Pagsubok na gamitin o kontrolin


(Magic) ang tao, hayop, halaman at mga
elemento sa pamamagitan ng ritwal
ng okultismo, mga seremonya,
paggamit ng anting-anting,
panggagayuma, at iba pa.
Mga Gawaing Taliwas sa Batas ng Diyos

Panghuhula Ito ay pagsisikap na malaman ang


(Fortune Telling) mga darating na pangyayari o
makilala ang katauhan ng tao sa
pamamagitan ng tarot cards,
dahoon ng tsaa, Ouija board,
astrolihiya, palad, bolang Kristal o
salamin.
Mga Gawaing Taliwas sa Batas ng Diyos

Espiritismo
Ito ay nakasalig sa paniniwala na
(Necromancy) isang daluyan o medium ang
espiritu ng patay ay maaaring
makausap upang makuha ang mga
lihim na impormasyon.
Ang Panganib ng Okultismo
Ayon kay David Brown, ang
sorcery o mahika, pangkukulam,
necromancy o pagtawag ng
espiritu o kaluluwa ng mga
namatay na tao ay ginagamitan ng
kapangyarihang lumalaban sa
Diyos.
Ang Panganib ng Okultismo
Ang mga gawaing ito ay
ipinagbabawal ng Diyos
dahil ito ay paglabag sa
kautusan Niya. Ito ay
nasasakop sa mga gawaing
nagdadala sa tao ng
imoralidad.
Ang Panganib ng Okultismo
Maaaring kadalasan ay
kamangha-mangha ang mga
nagaganap sa ganitong uri ng
gawain, subalit napakalaking
panganib ang sinusuong ng mga
taong sinusubok nito.
Ang Panganib ng Okultismo
Upang hindi madala ang tao sa
kapahamakan, ipinapayo ni David
Lloyd na kailanganin ang moral
compass na nagbibigay ng gabay sa
tamang tahakin ng buhay. Ito ay
walang iba kundi ang pagsundo sa
kautusan ng Diyos.
Ilang mga Gawaing Taliwas sa Batas ng Diyos
na Bunga ng Siyensya

1. Pagbebenta ng lamang-loob ng
tao (Human organ trafficking) –
Kadalasan nangyayari ito sa mga
bansang mahihirap. Halimbawa, ang
isang nangangailangan ng pera ay
ipinagbibili ang isa niyang bato
(kidney).
Ilang mga Gawaing Taliwas sa Batas ng Diyos
na Bunga ng Siyensya

2. Maramihang pagpatay (Mass murder)


– Mga suicide bombing sa malalaking
establisimyento na kumikitil ng daan-daan;
ang insidente ng 911 New York Twin
Bombing noong Septembre, 2011; ang
pinakamalawak na pagpatay na ginawa ng
mga Nazi German sa mga Jew noong
World War II, at tinawag iyong Holocaust.
Ilang mga Gawaing Taliwas sa Batas ng Diyos
na Bunga ng Siyensya

3. Pagsasagawa ng eksperimento
sa tao (Human experimentation) –
Marami nang paglago sa medisina
at ito ay dahil sa pagpayag ng mga
tao na magamit ang kanilang mga
katawan para sa gawaing ito.
Ilang mga Gawaing Taliwas sa Batas ng Diyos
na Bunga ng Siyensya

4. Pagbabago ng ilang bahagi ng


katawan upang mapaganda
(Body aesthetics o body
modification) – May mga
pagbabagong ginagawa sa katawan
sa ngalan ng cosmetics o
pagpapaganda
Ilang mga Gawaing Taliwas sa Batas ng Diyos
na Bunga ng Siyensya

5. Pagpatay sa mga maysakit


(euthanasia o mercy killing) –
upang wakasan na ang kanilang
paghihirap.
Ilang mga Gawaing Taliwas sa Batas ng
Diyos na Bunga ng Siyensya

6. Pagpatay ng genes ng tao


(genetic engineering) – Ito ang
proseso ng pagdaragdag ng
bagong DNA sa isang organismo,
o maging sa tao.
Ilang mga Gawaing Taliwas sa Batas ng Diyos
na Bunga ng Siyensya

7. Pagbabago ng embryo (Reproductive


cloning) sa labas ng katawan ng lalaki o
babaeng donor – Ito ang pagbubuo ng
embryo, sa pamamagitan ng pagkikita ng male
at female reproductive cell sa dish. Kapag
nabuo na, ilalagay na sa female donor o sa
mismong pinanggalingan ng egg cell ang
embryo upang ipagpatuloy nito ang
pagbubuntis, hanggang sa manganak ito.
Ang Kasagraduhan ng Buhay sa Iba’t Ibang
Relihiyon
Ayon kay Michael J. Healy sa kaniyang artikulong,
“The Sanctity of Life and World Religions.” Dagdag ni
Healy, ibig niyang bigyang-diin na “hindi ipinipilit ng
simbahan ang paniniwala nito sa iba, kundi ito ay
pagtawag sa mga mayoryang relihiyon upang
maibalik nito ang pinakamalalim na turo, ugat at
pagpapahalaga.” Paglaanan ng paggalang sa may mga
buhay lalong-lalo na sa tao.
Ang Monothestic (Iisang Diyos) na
Relihiyon ni Abraham
Ang paggalang sa buhay bilang
kaloob at pagpili ng Diyos ay mula
pa sa buhay na nasa sinapupunan.

Ang turo sa Islam, “Huwag mong


kunin ang buhay na ginawa ni
Allah na banal.” 10 weeks old
Ang Monothestic (Iisang Diyos) na
Relihiyon ni Abraham
Ang Judaismo ang original at
pundamental na batas, “Huwag kang
papatay,” na itinuturo rin sa Kanlurang
tradisyon.
Binibigyan diin din ni Haely na ang
tradisyon ay may magkakahawig na turo
sa pundamental na kasagraduhan ng
buhay.
Ang Ibang Tradisyon
Sa mga Hindu, lahat ng bagay na may
buhay ay banal, sapagkat sila ay bahagi ng
Diyos
Sa Budismo, “Huwag sirain ang
buhay.”
Sa Jainismo, “Huwag papatayin o
sasaktan ang anumang may buhay.”
Ang Ibang Tradisyon
Sa relihiyong Sikh, ang mga katawan
ay nilalang ng isang Diyos, at dahil dito,
ang kaluluwa ay kasama sa mga
katawan.

Confucianismo “Huwag mong gawin


sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa
iyo.”
Ang Ibang Tradisyon
Taoismo, ang “Pagmamahal na may
pag-aaruga (Caring Love, (ts’e)”, ang
pinakauna nitong birtud.

Shinto ng Japanese – “Maging


mabait ka sa iba”; “Huwag kalimutan
na ang mundo ay isang pamilya.”
Ang Ibang Tradisyon
Zoroastrianismo – ang bawat isa ay
maghangad ng mabuti para sa iba,
maging mabait at mababang-loob,
pigilan ang galit, igalang ang
matatanda at mga bata at maging
mapagmahal sa lahat.
Tandaan!

“SAPAGKAT BUHAY NATIN AY


MAHALAGA SA KANIYA, DAPAT
NATING IGALANG AT
ALAGAAN ANG SARILI NATING
KATAWAN.”
LINANGIN

Sagutin ang gawain sa


pahina 182 (Paglalagom).
PAUNLARIN

• Nais kitang paalalahanan na ikaw ay magsisimulang magsagawa


ng Major PT sa susunod na linggo.
• Nais ko ring unawain at pagnilayan mo ang isang quotation sa
ibaba.
PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Bilang isang kabataan, mapapangalaagan


ko ang aking sariling buhay sa
pamamagitan ng
___________________________________
___________________________________
___________________________________

You might also like