You are on page 1of 27

Kabahagi Tayo sa

Pagtataguyod ng
Kasagraduhan ng Buhay
Aralin 17
Tukuyin kung taliwas o hindi sa kasagraduhan ng buhay:

Biktima ng pang-aabuso ang isang 15


taong dalagita na kabilang sa mataas na
angkan. Subalit ang balita ukol dito ay
itinago ng pamilya. Pinayuhan rin ng ina
ng dalagita na huwag magsampa ng
kaso o palakihin pa ang isyu dahil
inaalagaan ng pamilya nag kapuri-
puring buhay na kanilang ipinakikita sa
lipunan.
Tukuyin kung taliwas o hindi sa kasagraduhan ng buhay:

Namasyal sa isang kagubatan ang mga


kabataang nag-aaral ukol sa iba’t-ibang
uri ng punong-kahoy. Subalit nang sila
ay pabalik na sa kanilang
pansamantalang tinitigilan, hindi na nila
malaman ang daan pauwi. May nagpayo
na baligtarin nila ang kanilang mga t-
shirt upang malaman nila ang tamang
daan pauwi.
Tukuyin kung taliwas o hindi sa kasagraduhan ng buhay:

May problema sa kanyang pisngi si Lena


dahil lagi siyang may taghiyawat. May
nagbigay sa kanya ng isang pampahid na
nagpapakinis ng pisngi. Gagamitin na
sana niya ito, subalit may nagsabi sa
kanya na ang pampagandang ito ay may
halo daw na galing sa placenta ng fetus.
Nagdalawang-isip siya kung gagamitin
nita ito o hindi.
Tukuyin kung taliwas o hindi sa kasagraduhan ng buhay:

Nagmamahalan ang dalawang


nilalang na nabibilang sa
parehong kasarian. Upang
ipahayag sa buong mundo ang
kanilang panghabang panahong
pagsasama, naghanap sila ng
simbahang magkakasal sa kanila.
Tukuyin kung taliwas o hindi sa kasagraduhan ng buhay:

Dahil kaya naman ng isang mayamang


pamilya, nanatili sa loob ng isang buwan
life support system ang kanilang anak na
nasa kalagayang comatose, bunga ng
aksidente dahil sa pakikipagkarera sa
motor. Mayroong nagpayo sa mga
magulang ng kabataan na alisin na ang
life support, dahil nahihirapan na rin ito
sa pananatili sa ganooong kalagayan.
Mga Gawaing Taliwas sa Batas ng Diyos

Gawaing nabibilang sa hindi


Okultismo pangkaraniwang ginagawa at iniisip
ng tao.
Tatlong Uri:
Mahika (Magic)
Panghuhula (Fortune Telling)
Espiritismo (Necromancy)
Mga Gawaing Taliwas sa Batas ng Diyos

Pagsubok na gamitin o kontrolin


Mahika ang tao, hayop, halaman at mga
(Magic) elemento sa pamamagitan ng
ritwal ng ukoltismo, mga
seremonya, paggamit ng anting-
anting, panggagayuma, at iba pa.
Mga Gawaing Taliwas sa Batas ng Diyos

Panghuhula Ito ay pagsisikap na malaman


ang mga darating na pangyayari
(Fortune Telling)
o makilala ang katauhan ng tao sa
pamamagitan ng tarot cards,
dahon ng tsaa, Ouija board,
astrolihiya, palad, bolang kristal
o salamin.
Mga Gawaing Taliwas sa Batas ng Diyos

Espiritismo Ito ay nakasalig sa paniniwala


(Necromancy) na isang daluyan o medium
ang espiritu ng patay ay
maaaring makausap upang
makuha ang mga lihim na
impormasyon.
Ang Panganib ng Okultismo
Ayon kay David Brown, ang
sorcery o mahika, pangkukulam,
necromacy o pagtawag ng espiritu o
kaluluwa ng mga namatay na tao na
ginagamitan ng kapangyarihang
lumalaban sa Diyos.
Ang Panganib ng Okultismo

Ang mga gawaing ito ay


ipinagbabawal ng Diyos dahil
ito ay paglabag sa kautusan
Niya. Ito ay nasasakop sa mga
gawaing nagdadala sa tao ng
imoradlidad.
Ang Panganib ng Okultismo

Maaaring kadalasan ay
kamangha-mangha ang mga
nagaganap sa ganitong uro ng
gawain, subalit napakalaking
panganib ang sinusuong ng
mga taong sinusubok nito.
Ano ang dapat gawin?
Upang hindi madala ang tao sa
kapahamakan, ipinapayo ni David
Lloyd na kailangnanin ang moral
compass na nagbibigay ng gabay sa
tamang tahakin ng buhay. Ito ay
walang iba kundi ang pagsunod sa
kautusan ng Diyos.
Ilang Gawaing Taliwas sa Batas ng Diyos na Bunga ng
Siyensya
 Pagbebenta ng lamang-loob ng tao (Human-organ trafficking)
 Maramihang Pagpatay (Mass murder)
 Pagsasagawa ng eksperimento sa tao (Human experimentation)
 Pagbabago ng ilang bahagi ng katawan upang mapaganda (body
aesthetics o body modification)
 Pagpatay sa mga maysakit (euthanasia o mercy killing)
 Pagbabago ng genes ng tao (genetic engineering)
 Pagbubuo ng embryo sa labas ng katawan ng lalaki o babaeng donor
(reproductive cloning)
Ilang Gawaing Taliwas sa Batas ng Diyos na Bunga ng
Siyensya
 Pagbebenta ng lamang-loob
(human organ trafficking)-
kadalasang nangyayari a mga
bansang mahihirap. Hal.- ang
isang nagnangailangan ng
pera ay ipinagbibili ang isa
niyang bato (kidney).
Ilang Gawaing Taliwas sa Batas ng Diyos na Bunga ng
Siyensya
 Maramihang pagpatay
(mass murder)- halimbawa
nito ay ang naganap na
suicide bombing na
naganap noong Setyembre
2001 sa 911 New York
Twin Bombing.
Ilang Gawaing Taliwas sa Batas ng Diyos na Bunga ng
Siyensya
 Pagsasagawa ng eksperimento sa
tao (human experimentation)-
dala ng paglago sa larangan ng
medisina, ang iba ay pumapayag
upang gawing eksperimento ang
sarili nilang katawan.
Ilang Gawaing Taliwas sa Batas ng Diyos na Bunga ng
Siyensya

Pagpatay sa maysakit
(euthanasia o mercy
killing) – upang
wakasan na ang
kanilang paghihirap.
Ilang Gawaing Taliwas sa Batas ng Diyos na Bunga ng
Siyensya
 Pagbabago ng genes ng tao
(genetic engineering) – ito
ay ang proseso ng
pagdaragdag ng bagong
DNA sa isang organismo, o
maging sa tao.
Ilang Gawaing Taliwas sa Batas ng Diyos na Bunga ng
Siyensya
 Pagbubuo ng embryo sa labas ng
katawan ng lalaki at babaeng donor
(reproductive cloning)- pagbubuo ng
embyo sa pammagitan ng pagkikita
ng male at female reproductive cell
sa dish. Kapag buo na ilalagay na sa
female donor ang embryo upang
ipgpatuloy nito ang pagbubuntis.
Ang Kasagraduhan ng Buhay Ayon sa Iba’t ibang
Relihiyon

 Ayon kay Michael J. Healy sa kanyang artikulong,


“The Sanctity of Life and World Religions”, hindi
ipinipilit ng simbahan ang paniniwala nito sa iba,
kundi ito ay pagtawag sa mga mayoryang relihiyon
upang maibalik nito ang pinakamalalim na turo,
ugat at pagpapahalaga. Paglaanan ng paggalang sa
mga may buhay-lalong lalo na sa tao.
Ang Monothestic (Iisang Diyos) na Relihiyon ni Abraham

 Ang paggalang sa buhay bilang kaloob at pagpili ng Diyos ay


mula pa sa buhay na nasa sinapupunan.
 Ang turo sa Islam, “Huwag mong kunin ang buhay na ginawa
ni Allah na banal”.
 Ang Judaismo ang orihinal at pundamental na batas, “Huwag
kang papatay,” na itinuturo rin sa Kanlurang tradisyon.
 Binibigyang diin din ni Haely na ang tradisyon ay may
magkakahawig na turo sa pundamental na kasagraduhan ng
buhay.
Ang Ibang Tradisyon
 Sa mga Hindu – lahat ng bagay na may buhay ay banal,
sapagkat sila ay bahagi ng Diyos.
 Sa Budismo- “Huwag sirain ang buhay.”
 Sa Jainismo – “Huwag papatayin o sasaktanang
anumang may buhay.”
 Sa relihiyong Sikh – ang mga katawan ay nilalangn ng
isang Diyos, at dahil dito, ang kaluluwa ay kasama sa
mga katawan.
Ang Ibang Tradisyon
 Confucianismo – “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong
gawi sa iyo.”
 Taoismo – “Pagmamahal na may pag-aaruga, (Caring Love-
ts’e), ang pinakauna nitong birtud.
 Shinto ng Japanese – “Maging mabait sa iba”, “Huwag
kalimutan na ang mundo ay isang pamilya.”
 Zoroastrianismo- ang bawat isa ay maghangad ng mabuti para
sa iba,maging mabait at mabbang-loob,pigilan ang galit,
igalang ang matatanda at mga bata at maging mapagmahal sa
lahat.
Ngunit…
 Sa kabila ng pagkakaisa ng mga relihyon sa buong mundo na
sagrado ang buhay at dapat igalang, ang karapatang mabuhay ng
bata na nasa sinapupunan, ang mahihina, ang mga inaayawan, ay
patuloy na sinusuway.
 Tila baga ang kultura ng kamatayan (culture of death) ay patuloy na
ikinakalat sa pamamagitan ng genocide, pang-aalipin, aborsyon,
euthanasia, pagpapakamatay, pagaamit ng eksperimento sa mga
tao, pag-torture, pagkagumon sa bawal na gamot, extrajudicial
killing at marami pang uri ng gawaing taliwas sa pagrespeto sa
kasagraduhan ng buhay.
Ano ang dapat gawin?
 Igalang ang buhay, sapagkat walang ibang dakilang kaloob.
 Igalang ang buhay, ang sa iyo at ang buhay sa paligid mo.
SAPAGKAT ----- kapag walang paggalang sa buhay, mawawala ang
sangkatauhan ,ant kapag walang paggalang sa sangkatauhan,
mawawala ang pggalang sa nilalang ng Diyos, at kapag nawala iyon,
mawawala na ang lahat.

You might also like