You are on page 1of 18

Aralin 9 – Suriin Natin Mga

Yugto ng Makataong Pagkilos


PAGPUKAW
Suriin ang larawan at sagutin ang mga
tanong.
“Tama ba ang gagawin ko?”
“Tama ba ang ginawa ko?”
“Bakit ko ba nagawa yun?”
“Hindi ko alam kung bakit
ko nagawa yun?”
• Naranasan mo na rin ba ang ganitong
sitwasyon? Magbigay ng halimbawa ng
ganitong pangyayari sa iyong buhay?
• Paano mo hinarap ang naging
kinalabasan ng iyong mga naging
pagpapasya?
• Sa paanong paraan nakaaapekto ang
ating pagpapasya sa atin, maging sa
ibang tao?
Pagiging Patas-isang
birtud
• Pagkakaroon ng pantay-pantay
ng bawat isa
• Pagpapasya na tungo sa
kabutihan na panlahat
Subalit…
• Nakakalimutan na sa bawat desisyon,
may kaakibat na responsibilidad.
• Nakakalimutan na ng tao na maging
sensitibo sa damdamin at kapakanan
ng iba, habang ipinipilit nating
ipinaglalaban kung ano ang sa
palagay nating dapat nating
tinatamasa.
Ano ang naghuhubog sa ating
kalayaan at kusang-loob na
pagkilos?
• Ang bawat pagsubok na dumarating
sa ating buhay
• Ang mga ito ay kailangan nating
pagdaanan upang tayo ay may
matutunan
Anuman ang mangyari, isaisip
natin na:
“Everything happens for a reason.”
“Sa bawat biyaya ay may kaakibat
na responsibilidad.
“Ang pagsubok ay isang
pagkakataon pang matuto at
lumago bilang isang tao.”
Mahalagang malaman natin na…
• Lahat ng pagpapasya hanggang sa pagkilos ay
isang proseso
• Sa ating pagninilay-nilay, maaaring isaalang-
alang ang mga sirkumstansya sa kapaligiran
at mga pangyayari sa ating buhay.
• Malaki ang maiaambag ng ating mga
natutunan bunga ng karanasan sa anumang
pagkilos o hindi natin pagkilos
Saan dapat nakabatay ang
pagpapasya?
• Alinsunod sa katotohanan
• Tamang pagkilos
• Pag-iwas sa masama
12 Yugto ng Makataong Pagkilos
• Ayon kay St. Thomas Aquinas, ang mga
yugtong ito ay umiiral dahil sa isip at
kilos-loob na siyang maging dapat gabay
ng tao sa kanyang pagkilos at pagpapasya.
• Ito ay nahahati sa dalawa- ayon sa isip at
kilos-loob.
• Mula sa pagninilay hanggang sa
pagpapasya
12 Yugto ng Makataong Pagkilos
ISIP KILOS- LOOB

1. Kamalayan 2. Pagkakaroon ng interes sa


nakikitang pangyayari
3. Paghuhusga sa nais makamtan 4. Intensyon ng layunin

5. Masusing pagsusuri ng paraan 6. Paghuhusga sa paraan

7. Praktikal na paghuhusga sa 8. Pagpili


pinili
9. Utos 10. Paggamit

11. Pangkaisipang kakayahan ng 12. Bunga


layunin
Halimbawa:
Si Alexa ay mula sa mahirap na pamilya at kapos
ang kakayahan ng kanyang magulang para
tustusan ang kanyang pag-aaral. Nais ni Alexa na
maging guro at ilang panahon na lamang, maaari
na siyang makapasok sa isang unibersidad. May
nag-alok sa kanya na mag-aaral sa isang
unibersidad at bilang kapalit, kailangan niyang
manilbihan at iwan ang pamilya nito.
1. Kamalayan – pangarap ni Alexa ang maging
guro at alam niyang ito ay makakatulong
upang makaahon sila sa hirap
2. Pagkakaroon ng Interes sa mga Nakikitang
Pangyayari – Ang oportunidad na makapag-
aral sa pamamagitan ng tulong na ibinibigay sa
kanya
3. Paghuhusga sa nais makamtan – ito ang
nais niyang makamtan dahil sa ito ang kanyang
pangarap at pinaniniwalaan niyang susi upang
maiahon ang pamilya sa kahirapan.
4. Intensyon ng layunin – dahil pangarap
ni Alexa ang maging guro, pinag-isipan
niya kung kukunin niya ang inaalok na
tulong kapalit ng paninilbihan at pag-
iwan sa mahal niyang pamilya
5. Masusing pagsusuri ng paraan –
Kailangang suriin ni Alexa ang kanyang
sitwasyon at mga paraan na maaari
niyang piliin para tuparin ang mga
pangarap
6. Paghuhusga sa paraan – sa mga paraan na
maaring pagpilian, susuriin kung alin ang
pinakamabuti at makabubuti lamang hindi
lamang sa sarili, kung hindi para sa lahat.
7. Praktikal na paghuhusga sa pinili – Ang
inisip ay humuhusga sa ano pa man ang
pinakamabuti sa lahat.
8. Pagpili – Ang tao ay malayang gumawa ng
anuman pagpapasya.Mula sa halimbawa, si
Alexa ay mamimili mula sa pinagpipilian.
9. Utos- agarang pagkilos sa napiling desisyon
matapos ang pagninilay. Dito na gagawin ni Alexa
kung ano ang kanyang desisyon.
10. Paggamit – Dito magkakaroon ng pag-unawa si
Alexa kung tama ba ang naging desisyon. Kung
napaninindigan niya ito at kaya niyang panagutan.
11. Pangkaisipang kakayahan ng layunin-
mauunawaan ni Alexa na ang kanyang pinili ayon
sa kanyang ninanais at inaasam.
12. Bunga – dito matutuklasan ni Alexa kung
naging tama ang kanyang naging desisyon.
Kahalagahan ng pagninilay sa yugto ng
makataong pagkilos:
• Pagkakasundo ng isip at kilos-loob
upang matamo ang kabutihan para
sa sarili at sa kapwa.
• Gabay ng tao upang maunawaan ang
kahalagahan ng matalinong
pagpapasya at pagiging sensitibo sa
iba.
PAGSUBOK
• Gawin ang aktibiti sa pahina 98 sa
isang buong papel.

You might also like