You are on page 1of 1

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALAING PANLIPUNAN

GRADE-I YUNIT II

I. LAYUNIN
Nakikilala ang “family tree” at ang gamit nito sa pag-aaral ng pinagmulang lahi ng
A. Pamantayan sa Pagkatuto
pamilya.
1. Nabibigyang-kahulugan ang salitang pamilya.
B. Layunin (KSA) 2. Nakagagawa ng sariling “family tree”.
3. Napapahalagahan ang ugnayan ng sariling pamilya.
II. PAKSANG ARALIN
A. Paksa Ang Aking Pamilya: “Family Tree”
B. Sanggunian Araling Panlipunan (Yunit 2) p. 33-36
C. Mga Kagamitan Mga Biswal, larawan at iba pa.
III. PANIMULANG GAWAIN
A. Pagbabalik-Aral - Ang guro ay magtatanong patungkol sa/mga nakaraang leksyon.
- Ang guro ay magbibigay kahulugan sa mga mahihirap na salitang maaring mabasa
ng mga mag-aaral.
B. Paglinang ng Talasalitaan 1. Pamilya – pinakamaliit na yunit ng lipunan.
2. Family Tree – isang biswal na representasyong magpapakita ng mga kasapi ng
isang pamilya at ugnayan nito sa bawat isa.
IV. PAMAMARAAN
- Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng isang laro.
- Ang laro ay tatawaging “Hulaan Mo”.
- Ang guro ay magpepresenta ng isang malaking puno sa pisara.
- Ang mga mag-aaral ay kinakailangang mapunan ang limang bungang nawawala sa
puno.
- Upang mapunan ito, ang guro ay magbibigay ng tiglilimang bunga sa bawat mag-
aaral na may ibat-ibang larawan.
A. Paunang Pagtataya
- Ang guro ay magbibigay ng mga katangian ng bawat isang bunga. Pagkatapos, ang
mga mag-aaral ay itataas ang mga larawang bunga na maaring sagot upang
makumpleto ang nawawalng bunga ng puno hanggang sa ito ay makumpleto.
Mga Katanungan:
- Sino-sino ang mga taong nakapaloob sa larawan?
- Ano sa tingin niyo ang nais ipahiwatig ng larawan?
- Ano sa tingin ninyo ang ating tatalakayin ngayong araw?
Family Tree
B. Paglalahad - Ipinapakita ng “family tree” ang mga kasapi ng pamilya at ugnayan ng bawat
kasapi.
- Ang mga mag-aaral ay gagawa ng sariling “family tree”.
- Ang mga mag-aaral ay guguhit ng mga mukha ng bawat kasapi ng pamilya at
C. Paglalapat ididikit nila ito sa idinibuhong puno.
- Ang guro ay tatawag ng limang mag-aaral na magbabahagi sa klase ng sariling
“family tree”.
D. VALUES INTEGRATION - Bakit mahalaga ang ugnayan ng bawat kasapi ng pamilya?
I. Panuto: Basahing mabuti
E. Pagtataya
V. TAKDANG ARALIN Panuto: Magsaliksik tungkol sa mga alituntunin ng pamilya.

You might also like