You are on page 1of 1

Activity!

Question: Kung magbibigay kayo ng limang isyu sa kasalukuyang


pamahalaan ano ang mga isyu na at bakit ito naging issue?

1. War on Drugs
 Naging issue ang war on drugs ni Pangulong Duterte, dahil umano
madaming paglabag sa human rights ang nangyari. Nagging laman din
ng mga balita ang mga sinasabing karumaldumal na pagpatay sa mga
inosente naman daw na biktima na pawang napagbibintangan lamang.
Naging usapan din hanggang sa international ang mga human rights
violation.
2. West Philippine Sea
 Sinasabi ng maraming tao na naging sunudsunuran ang Pilipinas sa
China dahil bagamat nanalo tayo sa tribunal court at napatunayan na
pagmamay-ari ng Pilipinas and West Philippine Sea ay hinahayaan ng
administrasyon ngayon ang mga aktibidad ng China doon.
3. Corruption
 Isang malaking issue sa pamahalaan ngayon ang tungkol sa 15-bilyong
piso na umano’y naibulsa ng mga namamahala sa PhilHealth. Ang
naturang pera ay dapat gamitin sa benepisyon ng mga miyembro ng
PhilHealth ngunit sa halip ay naging laman lamang ng bulsa ng mga
taong hindi naman dapat makatanggap nito.
4. Environmental Concerns
 Ngayong kasagsagan ng Covid-19 pandemic, naitala na maraming naging
pagtaas sa bahagdan ng pagkasiran ng kalikasan sa Pilipinas. Naging
dahilan nito ang napakaraming basura galing sa mga hospital. Dahil rin
sa ang mga tao ngayon ay nasa kanilang mga sariling bahay ay ang
basurang naiipon nila sa mga online shopping ay napakarami at puro
mga plastic ang karamihan dito.
5. Foul mouth
 Naging usapan at dahilan ng mga pambabatikos kay pangulong Duterte
ang kanyang mga pagmumura at mga salitang parang hindi naangkop
para sa isang namumuno ng isang bansa. Nasa isip ng bawat isa na
dapat ang isang pinuno ay isang tao na mapagkukunan ng inspirasyon
ng kahit na sino at maaring gayahin ng sinuman.

You might also like