You are on page 1of 6

Kyle Andrew U.

Tapican 11-ABM Nobyembre 18, 2019

EDITORYAL - Hinahanap pa ang ‘honest’ PNP chief

(Pilipino Star Ngayon) - November 18, 2019 - 12:00am

Wala pang nakikitang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) si President Duterte.
Ayon sa report, nahihirapan ang Presidente na maghanap ng mapagkakatiwalaan at malinis na
PNP chief. Isang buwan na ang nakararaan mula nang mag-leave si dating PNP chief Gen. Oscar
Albayalde makaraang madawit sa operasyon ng “ninja cops” noong 2013 kung saan siya ang
police director ng Pampanga. Labintatlong pulis na nasa ilalim ng kanyang pamumuno ang
inakusahang nag-recycle ng shabu. Sa Senate hearing, lumalabas na inaarbor ni Albayalde ang
kanyang mga tauhan. Nagretiro si Albayalde noong Nobyembre 8.

Nagalit si Duterte sa nangyaring kontrobersiya sa PNP at nasabi na kung demonyo ang “ninja
cops” mas demonyo siya. Pinagmumura niya ang mga matataas na pinuno ng PNP dahil sa
“ninja cops”.

Marahil ang mga nangyaring iyon ang dahilan kaya hanggang ngayon, wala pang napipili ang
Presidente na permanenteng PNP chief. Sa kasalukuyan, si Lt. General Archie Gamboa ang
officer-in-charge ng PNP.

Mahirap talagang pumili ng bagong pinuno ng PNP. Kailangan ay idaan sa butas ng karayom.
Mahirap nang magkamali. Kailangan talaga ay malinis at mapagkakatiwalaan ang pipiliing PNP
chief. Mahalaga ito para maisulong at maipatupad ang mga batas para sa ikagagaling ng bansa.
Lalo pa nga ang pagpapatupad ng kampanya laban sa illegal na droga. Tanging ang PNP ang
makatutulong para maisagawa ang pagdurog sa sindikato ng droga. Sa kasalukuyan, malaki ang
problema sa illegal drugs at aminado ang Presidente na bigo ang drug campaign. Sa kabila na
araw-araw ay may nahuhuling drug pushers at maraming nakukumpiskang shabu, patuloy ang
problema. Dagsa pa rin ang droga at walang pagkaubos.

Kahit na magtagal ang pagpili sa bagong PNP chief, okey lang ito. Ang mahalaga, ang mapipili
ay malinis, mapagkakatiwalaan at may “kamay na bakal” na handang basagin ang mga kabaro na
naliligaw ng landas. Mahalaga ito para maibalik ang nadungisang imahe ng PNP.

Ipagpatuloy ang mabusising pagpili.

Sanggunian:

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2019/11/18/1969737/editoryal-
hinahanap-pa-ang-honest-pnp-chief

Ipinasa kay:

Gng. Camille F. Derramas

Guro
Maagang Pagbubuntis (Teenage Pregnancy)
ni: Mary Johnette P. Piojo

Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ng mga babae sa edad na 12 hanggang


19 ay isang malawakang isyu hindi lamang sa pilpinas pati narin sa buong mundo. "Ang hindi
marunong maghintay madalas ay maagang nagiging nanay" kasabihan madalas nating naririnig
sa mga nakakatanda. Palagi nating tatandaan na sa simula lang ang sandaling sarap at kasunod
nito ay pang matagalang hirap.

Ayon sa 2014 datos ng Philippine Statistical Authority(PSA), kada oras 24 na sanggol


ang isinisilang ng mga teenager mothers. Ang datos na ito ay sinususugan ng 2014 Young Adult
Fertility and Sexuality(YAFS) strudy. Nakapaloob dito na 14% ng mga pilipina na may edad na
15 to 19 ay buntis o di kaya ay mga ina na. Sinasabi ding mas mataas ang bilang ng teenage
pregnancy ng pilipinas kumpara sa ibang mga bansa ng Southeast Asia. Maraming eksperto ang
nagugulat sa pagtaas ng bilang ng mga nabubuntis na menor de edad na babae sa ating bansa.
Ang isyu na ito ay mahalaga dahil napipigil ang maagang pagbubuntis ng mga batang babae.

Ayon sa YAFS dalawa sa mga dahilan ng mga kabataang nabubuntis ay ang pagkasira ng
kanilang buhay pamilya at kawalang ng maayos na Female role models saloob ng kanilang
tahanan. Maraming eksperto ang nagsabing sintomas ng kahirapan ang teenage pregnancy.
Maliban dito, ang temptasyon ay isa ring napakahirap labanan na dahilan. Ang paggamit ng
teknolohiya gaya ng cellphones, at social media ay isa rin sa pangunahing dahilan ng maagang
pagbubuntis ng mga teenagers. Ang mass media lalong lalo na ang internet ang isa sa sinisisi sa
teenage pregnancy at isa sa mga napagusapan sa 12th community Pediatrics Society of the
Philippines (CPSP) annual convention. Sabi sa naturang convention si Dr. Ramizo ay
pinarangalan ng CPSP bilang outstanding member sa taong 2013-2014. Ito ay dahil sa kanyang
pag serbisyo sa mga nangangailangan.

Sa datos noong 2009, halos 3.6 milyon ang naitalang batang ina sa bansa. Sa katunayan
pito sa sampung buntis na babae ay hindi bababa sa edad na 19. Pinatunayan ito ng world bank at
sinasabing ang pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming bilang ng mga batang ina.
Malaking porsyento ng mga kabataang nabubuntis ay nabibilang sa low income generating
group. Dahil wala pa sa hustng gulang karamihan sa mga kabataang maagang nabubuntis ay
hindi nag papakasal. Ang teenage pregnancy ay mapanganib din para sa mga sanggol. Ayon sa
mga datos, ang kaso ng premature birth ay mas mataas sa mga sanggol na isinisilang ng
kabataang babae. Kung kaya't ang mga magulang ay may malaking papel para mabigyan ng
gabay ang mga anak upang hindi maging ina sa murang edad. Gayunpaman, panahon na upang
patatagin natin ang ating mga pamilya. Panahon na upang ito naman ang ating bigyan ng aksyon.
Tayo na't magising sa katotohanan, mahirap ang maging batang ina. Wala itong maidudulot na
kabutihan saatin.

Ipinasa ni:

Dara Angela Apaitan

Ipinasa kay:

Gng. Camille F. Derramas

(Guro)
Duanne Hynlie T. Pilante : 11-ABM

Global Warming!
Anu na ba ang nagawa mo para sa mundong ito? Sumira ng kalikasan? O kaya
naman kasali ka sa mga taong may pagmamahal sa mundong iyong kinalakihan?
Mundo’ng sa ngayo’y namimiligro dahil sa kagagawan nating mga tao. Malamang isa ka
sa mga nakakaramdam ng mga pagbabago dito sa mundo, mga pagbabagong tila’y
hahamakin ang katatagan mo. Mga pagbaha, malalakas na mga bagyo, ulan- na tila’y
walang katapusang papatak dito sa mundo. Ilan lamang yan sa mga sinyales ng
Pagbabago ng Panahon o mas tinatawag na Global warming. Anu nga ba ito? Bakit
kailangan nating tuonan ng pansin ang phenomena na ito? Anu ba ang mga epekto nito
sa atin hindi lang sa tao pati na sa kalikasan? Tayo ay dapat lamang na magkaroon ng
ideya o kaalaman sapagkat napapanahon ang pagsagawa ng kilos para masulosyonan
ang suliraning ito.

Ang Pag-init ng Daigdig o “Global Warming” ayon sa Wikipedia ay tumutukoy sa


nararanasang pagtaas ng katamtamang temperatura ng himpapawid at mga karagatan
sa mundo nitong mga nakaraang dekada. Ayon sa siyentipikong opinyon, “ang
nararanasang paginit nitong huling 50 taon ay gawa ng tao”. Ang pagtaas ng antas ng
carbon dioxide at iba pang mga greenhouse gases na resulta ng mga produkto mula sa
petrolyong langis, pagpapanot ng kagubatan, pagsasaka, at iba pang kagagawan ng
tao ang mga pangunahing sanhi ng paginit ng mundo. Ang pagtaas sa pandaigdigang
temperatura ay magdudulot ng malaking pagbabago kasama na rito ang pagtaas ng
karaniwang taas ng dagat at pagbabago sa dami ng mga paguulan. Ang mga
pagbabagong ito ay sinasabing magpaparami sa dalas at lakas ng mga mapanirang
kalagayan ng panahon tulad ng baha, tag tuyot, bugso ng init, bagyo at buhawi. Ang
paginit ay makaapekto sa bilang at tindi ng mga ito. Gayunman, ang mga pagaaral ay
nakatuon sa panahon hanggang taon 2100 na ang pag-init ay patuloy na mangyayari
dahil sa ang CO2 o carbon dioxide ay may mahabang buhay sa himpapawid.

Ang klima ay patago-tago sa pamamagitan ng mga prosesong “panloob”


gayundin sa tugon sa pabago bagong panglabas ma puwersang gawa at di-gawang
tao kasama ang pagkilos ng araw, pagputok ng bulkan at ng greenhouse gases.
Tanggap ng klimatologo o mga nagaaral sa klima na tumaas ang temperatura ngunit
ang sanhi ng pagbabagong ito ay kontrobersyal lalo na sa labas ng komunidad ng mga
siyentipiko. Sinasabing ang kasalukuyang klima ng mundo ay wala sa kapanatagan
kasama ang pwersang dulot ng pagtaas ng mga greenhouse gases dahil sa
enersiyang termal ng mga karagatan at mabagal na pagtugon ng ibang di tuwirang mga
epekto- ito’y ayon sa Association of British Insurers Financial Risks of Climate Change
noong Hunyo 2005.

Ang bansang Pilipinas ay isa rin sa mga nagkokontibusyon sa tinatawag na


Global Warming sapagkat narito rin sa atin ang mga aspetong nagdudulot ng pagtaas
ng temperatura ng mundo –mga sasakyang dulot ay maitim na kausukan, mga
pabrikang nagsisi- pagkompitensyahang dulot ay pagdami ng Carbon Dioxide sa
atmospere at mga aktibong Bulkan o mga likas na sanhi ng Climate change. Ang pag
pabaya sa kalikasan ay nagdudulot ng kapahamakan sa mundong ating
kinalalagyan.
Casey Lian S. Dominguez 11-ABM

TEKNOLOHIYA: EPEKTO NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA


Makabagong teknolohiya sa makabagong panahon.Ang teknolohiya ay may malaking bahagi sa
bawat buhay ng tao. Mapa-bata man o matanda, ay gumagamit ng mga makabagong teknolohiya. At dahil
sa mga teknolohiyang ito, mas nabibigyan natin ng pansin, oras, atensyon at halaga. Ngunit masasabi ba
natin na maganda ang epekto o masama ang paggamit nito? Lalo na sa mga kabataan? Nais naming
magbigay impormasyon sa mga kabataang katulad namin sa mga posibleng epekto ng teknolohiya sa
ating buhay.

Ang teknolohiya ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at


proseso upang tumulong sa mga suliranin ng tao. Teknolohiyang masasabing pinakamalagong imbensyon
sa modernisasyon. Mas nabuhay ang teknolohiya ngayong ika-21 na siglo. Dahil sa mga bagong gadyets
na naimbento. Mga “high-tech” na kung tawagin. Iba’t ibang klase ng teknolohiya na mapapahanga ka
talaga. Kaya’t mas nagiging makabuluhan ito sa mga tao. Ito ay napapanahon. Sa paglipas ng panahon,
dumadami na rin ang mga teknolohiyang naiimbento upang mapadali ang mga gawain at makatulong sa
mga suliranin ng mga tao.

Sa edukasyon, ang paggamit ng teknolohiya, ay mas napapabilis at nagiging organisado ang mga
gawaing akademiko. Katulad ng paglikom ng mga impormasyon para sa kanilang takdang-aralin, research
work, proyekto, pag-uulat at iba pa. Ito’y nakakatulong lalo na sa mga mag-aaral na nangangailangan ng
kalidad na edukasyon. Ang bawat paaralan, ay may tinatawag na computer laboratory na kung saan
tinitipon ang lahat na kompyuter at tinuturuan ang mga estudyante sa paggamit nito. Ang teknolohiya ay
napakahalaga sa mga kursong may koneksyon sa computer o mga teknolohiya. Bilang estudyante na may
kursong ABM (Accountancy Business and Management), kailangan rin namin ang mga teknolohiya para
mas lalong mapadali ang aming pag-aaral. Ang nais lamang ng mga paaralan sa paggamit ng mga
teknolohiya ay para mas mapadali ang mga Gawain at mapadali ang pagkatoto ng mga estudyante. Kung
sa Komunikasyon naman, ang teknolohiya ang pinaka una sa uso sa paggamit ng komunikasyon . Dahil
sa mga social networking sites, mas napapadali ang ating komunikasyon sa mga taong malalayo sa atin.
At dahil sa mga social networking sites (facebook, twitter, skype atbp.) may mga nakakahalubilo tayong
mga tao na hindi natin kilala sa personal at nagkakaroon tayo ng mga kaibigan dahil dito. Nakakakuha
tayo ng mga impormasyon at balita.

Ngunit sa kabila ng magandang dulot nito sa edukasyon at pang komunikasyon ay may


masamang dulot din ito. Dahil sa mga makabagong teknolohiya, ang mga kabataan ngayon ay nalulong
na sa paggagamit nito. Imbes na pag-aaral ang inaatupag nila, mas nabibigyang pansin at oras nila ang
pag access ng internet dahil sa mga social networking sites. Ang pag fe-facebook, ang manood ng mga
movies hanggang umaga, paglalaro ng mga nakakaadik na online games, ang pagtetext at marami pang
iba. Ito’y masama sa mga kabataan dahil unti unting napapabayaan nila ang kanilang pag aaral at
nawawala ang pokus nito. At dahil sa mga social networking sites, ay maaari ka ring makakuha ng
kaaway. Akala natin kaibigan lang? Mali! Dahil hindi pa din mawawala ang “away” sa social media.
Maraming nabubully dahil sa social media. At dahil sa kanilang pagka-adik sa mga makabagong
teknolohiya, naaapektuhan din ang kanilang kalusugan. Ang ibang mga kabataan naman ay umaasa na
lamang sila sa mga impormasyon sa internet at kadalasan ay copy-paste ang kanilang ginagawa. Hindi
lahat ng impormasyon na nasa internet ay totoo. Mas mainam pa rin na bumisita ka sa library ng iyong
paaralan para makakuha ka ng mas makapani-paniwalang impormasyon.

Maganda man o masama ang epekto ng mga Makabagong teknolohiya sa mga kabataan ngayon.
Kailangan nating kontrolin ang ating sarili sa paggagamit nito. Oo nga’t maganda ang naidudulot nito sa
mga kabataan sa pag-aaral ngunit hindi naman sa lahat ng panahon ay kakailanganin o kaakibat natin ang
teknolohiya. Hindi lamang teknolohiya ang nagpapatakbo sa buhay natin. Kailangan mo pa rin ang iyong
kakayahan sa paggawa ng mga gawain. Ito lamang ang masasabi ko, HINDI INAABUSO ANG
PAGGAMIT NG MGA MAKABAGONG TEKNOLOHIYA. MATUTONG GAMITIN ITO SA
MAGANDANG PARAAN. AT HINDI SA MGA WALANG KWENTA LAMANG.
Frans Angel G. Salazar 11 - STEM 3

EDUKASYON

Edukasyon, isang salita subalit marami ang kahulugan. maraming tao


ang nagsasabi na edukasyon ang pinakamahalaga sa buhay ng isang tao. Sa
pamamagitan ng edukasyon, nagkakaroon ang tao ng malawakang pag iisip,
nadadagdagn ang kaalaman at ito ang nagiging daan tungo sa tagumpay.

Lahat ng tao sa mundo ay nangangailangan ng edukasyon para sa


sariling kapakanan. bawat isa ay may karapatang tumuntong sa paaralan dahil
edukasyon ang nagsisilbing gabay at sandata sa lahat ng pagkakataon. Alam natin na
napakalaki ang naiaambag nito sa ating buhay pati na sa lipunan. Ito ang
pinakaimportante sa lahat ng bagay sapagkat dito nakasalalay ang buhay para sa
hinaharap. Edukasyon ang tanging paraan para masuklian ang paghihirap at sakripisyo
na dinanas ng ating mga magulang.

Ayon sa inilathala ni Nani sa internet noong araw ng Miyerkules, ika-30


ng Enero taong 2013, napakahalaga ang pagkakaroon ng edukasyon sa buhay ng
isang tao. Nakakatulong ito sa pagpapaunlad ng sarili at maging ang kinabukasan.
Nagpapalakas ito ng loob ng isang tao para makipagsapalaran sa buhay. Nagpapatatag
sa pagkatao para harapin ang mga pagsubok at matutong lumaban sa agos ng buhay.
Madalas nating naririnig sa ating mga magulang na ang edukasyon lamang ang tanging
maipapamana sa mga anak kaya pinapayuhan silang mag-aral ng mabuti at magtapos
sa pag-aaral. Ang edukasyon ang pamanang kailanman ay hindi mawawala sa tao at
hindi mananakaw ninuman.

Ayon sa inilathala ng Nuffnang sa blogger noong taong 2011, ang


edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang
bansa. Kung wala nito, at kung ang mamamayan ng isang lipunan ay hindi
magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging
mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na
ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila ng kanilang mga inaasam na mithiin.
Ang unang layunin ng dukasyon ay ang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay
at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at kinabukasan. Ito ang nagsisilbing
mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang
tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo
at ginagalawang kapaligiran.

Ang pagkakaroon ng pagkakataon na makapag-aral ay biyaya na hindi


maaaring sayangin, pabayaan at ipagbalewala. Sa pamamagitan ng edukasyon,
maraming natututunan ang isang tao at napupukaw ang kanyang isipan sa mga bagay-
bagay. Natututong dumiskarte sa buhay at nagkakaroon ng lakas ng loob na harapin
ang problema. Maraming magandang naidudukot ang edukasyon na siyang tutulong at
gagabay sa dako ng ating buhay.
Jericho Xynel I. De la Cruz

Ang Lalawigan ng Iloilo


Ang lalawigan ng Iloilo ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Islang Panay. Ito ay
kabilang sa rehiyon ng Kanlurang Kabisayaan. Napaliligiran ito ng mga lalawigan ng Capiz sa
hilaga, ng Antique sa kanluran, ng Dagat Kabisayaan at Kipot Guimaras sa silangan, at Golpo ng
Panay at Kipot ng Iloilo sa timog.

Pinaniniwalaang binili ng 10 datu mula Borneo and isla ng Panay sa pinuno ng mga
Negrito na si Marikudo noong 1212. Isang gintong salakot at gintong kwintas ang ipambayad ng
mga datu. Napunta kay Datu Paiburog ang teritoryo ng Irong-irong. Nang dumating ang mga
Espanyol, nagtayo sila ng pamayanan sa Ogtong(Oton ngayon). Itinatag ng mga mananakop na
Espanyol ang Fuerza San Pedro sa Irong-irong. Ang mga Espanyol rin ang nagbigay ng pangalang
Iloilo sa lungsod. Ito na rin ang ipinangalan sa buong lalawigan. Itinatag noong Marso 10, 1917
ang lalawigan ng Iloilo.

Ang Iloilo ay isa sa mga pangunahing pinagmulan ng bigas sa Pilipinas. Bukod sa bigas,
ang ilan pa sa mga pangunahing produkto na nagmumula rito ay tubo, niyog, mais, saging,
mangga, kape, at iba pang lamang-ugat na halaman. Ang pangingisda ay isa ring mahalagang
pinagkakakitaan ng mga taga-Iloilo. Ang bangus at hipon ay pinagmumulan ng malaking kitang
dolyar ng lalawigan.

You might also like