You are on page 1of 43

Mga napapanahong isyung lokal

at nasyonal
“Mga Napapanahong Isyung
Lokal at Nasyunal “

“Kayraming suliranin” na dahil


sa “di kayang lutasin” ay “hindi
na rin
pinapansin”

# Pagmimina sa Pilipinas: Sanhi ng Pagkasira


ng Kalikasan, Pakinabang para sa Iilan
Mga Nagbabagang Suliraning Lokal at Nasyonal

Kaakibat ng modernisasyon ang


pagsulpot ng mga suliranin sa
lipunan katulad ng mga sumusunod:
KORAPSYON

ito ay isang katiwalian na


maaaring ituring na
krimeng tumutukoy sa
kawalan ng integridad at
katapatan na isinasagawa
ng isang indibidwal o
organisasyong may
hawak na kapangyarihan
o awtoridad upang
makakuha ng pansariling
benepisyo.
KORAPSYON

SANHI:
ang pagiging ganid o sakim
ng mga kinauukulan sa
kanilang pwesto at hindi
nakukontento sa kanilang
natatanggap.

BUNGA/EPEKTO:
magdudulot ng kawalang
tiwala ang mga tao sa mga
nakakataas; kahirapan at
pagtaas ng utang ng bansa
Paglala ng kriminalidad
Krimen - paglabag sa
itinakdang alituntunin at batas
na may nakalaang
kaparusahan.

Ang pagkakaroon ng mataas


na datos ng kriminalidad sa
isang lugar ay nagiging balakid
sa pagkakaroon ng kapayapaan.
Paglala ng kriminalidad

Bumaba ng 49% ang datos ng


kriminalidad sa bansa habang
naka-”lockdown” ang
maraming parte ng bansa
Paglala ng kriminalidad

SANHI: kawalan ng
patnubay, kawalan ng
edukasyon, kahirapan,
walang maayos na
trabaho at marami pang
iba.
BUNGA/ EPEKTO:
kaguluhan, pagbaba ng
ekonomiya, kawalan ng
seguridad, kawalan ng
katahimikan
Pagkawasak ng kalikasan

SANHI:
-Pagsasawalang bahala ng
mga tao sa kapaligiran
-Pagsusunog ng mga plastik
at goma
Pagkawasak ng kalikasan

BUNGA/EPEKTO:
-pagbabaha at pagguho
ng lupa dahil nakakalbo
na ang mga kabundukan
sa bansa dahil sa
pagpuputol ng mga
Ang sistemang ekonomiko ng piliinas sa kasalukuyan

• Nakakaranas na ng
“recession” ang bansa.
Naitala ang -16.5%
Gross Domestic Product.
Ito ang pinakamababang
naitala mula noong
1981.
• -9% ang unang
kalahating growth rate
ng Pilipinas ngayong
taon
Ang sistemang ekonomiko ng piliinas sa kasalukuyan

• Umabot sa P1.821
trillion ang nakolekta sa
buwis at customs
magmula Enero 1
hanggang Setyembre
30. Mas mababa ito ng
12% kumpara sa
nakaraang taon nang
dahil sa mabagal na
pag-usad ng ekonomiya
bunsod ng pandemya.
Kahirapan sa pilipinas

   Ang kahirapan ang isa sa mga


mabibigat ng problema ng ating
bansa. Madalas nating sisihin ang
maling pamamalakad ng mga pinuno
ng bansa, pero sila nga ba ang may
kasalanan o tayong mga Pilipino na
tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay
katumbas ng kahirapan”. Sinasabi ng
karamihan, kaya sila naghihirap ay
sa kadahilanang wala silang trabaho,
pero ang totoo, maraming trabahong
nakalaan, mapili lang talaga ang mga
Pilipino.
Kahirapan sa pilipinas

   Ang kahirapan ay isa sa mga


problema na kinakaharap ng mga
Pilipino. Ito ay isa rin sa
problema na hindi matapos tapos
at hindi rin mabigyan ng
solusyon. Mahigit kumulang 48%
o 11.1 milyon ang bilang ng mga
pamilyag pilipino na nagsasabi at
itinuturing ang kanilang sarili
bilang mahirap.
Sanhi at bunga ng kahirapan

KORAPSYON: Ang pagnanakaw


ng pera sa kaban ng bayan ng
mga tao sa gobyerno. Ito ang
pinakamalupit at talamak na
dahilan ng paghihirap ng bayan.
Ang mga pera na para sana sa
kapakanan ng taong bayan ay
napupunta lang sa bulsa ng iilan
na mga may kapangyarihan sa
pamahalaan. Ito ay maituturing
na kanser sa lipunan.
Sanhi at bunga ng kahirapan

IMPERYALISMO:  Ang
pananakop ng ilang bansa noong
mga nakaraang panahon tulad ng
Espanya, Hapon at US na
nagpahirap sa Pilipinas. Mga
dayuhan na nag iwan ng mga mali
o masamang impluwensiya at
kultura sa bansa.
Sanhi at bunga ng kahirapan

PYUDALISMO (FEUDALISM):
Ang pagmamay ari ng iilang
mayayaman sa mga lupaing
sakahan. Nang ipatupad ang
Agrarian Reform program hindi
ito lubusang naipatupad ng
pamahalaan. Dahilan na ang nag
mamay ari ng malalaking lupaing
sakahan ay pagmamay ari ng mga
makapangyarihan sa lipunan at
gobyerno.
EPEKTO NG KAHIRAPAN SA KALUSUGAN

Mga anak na
nagtatrabaho sa mga
kalye ay napakita sa
maraming mga panganib.
Ang mga batang
nagtatrabaho sa
lansangan ay kadalasang
pronto sa mga sakit tulad
ng respiratory infections,
pneumonia at iba pang
mga sakit.
EPEKTO NG KAHIRAPAN SA KALUSUGAN

Ikinalalagay din sa
peligro ang mga buhay ng
mga bata lalot sa maliliit
nilang katawan ay nasa
lansangan na sila na
maaaring masagasaan ng
mga nagraragasang mga
sasakyan.
EPEKTO NG KAHIRAPAN SA pag-aaral
• sila ay may limitadong
pag-access sa kalidad na
edukasyon na magagamit
sa mga lugar kung saan
sila nakatira at trabaho.

• Hindi sapat ang sinasahod


ng magulang upang
makapag aral ang mga
anak o para makabili ng
mga kagamitan na
kinakailangan para sa pag
aaral.
UNEMPLOYMENT MAY SOLUSYON PA
BA?
Nadagdagan ng dalawang milyon ang mga walang trabaho sa unang tatlong
buwan ngayong taon, ayon sa survey ng Social Weather Stations. Ang mga walang
trabaho ay binubuo ng 5.9 milyong matatanda na kusang umalis sa kanilang
trabaho, 3.3 milyong matatanda na inboluntaryong nawalan ng trabaho at 1.5
milyon sa unang pagkakataon na ang naghahanap ng trabaho. Kabilang din dito
ang mga na-”retrenched” na umabot sa walo hanggang siyam na porsiyento
Ganun pa man, ayon sa surbey, 39% ng sumagot ang nagsabi na malaki ang
pag-asa na makakuha ng trabaho sa susunod na 12 buwan. Malaki ang kanilang
paniniwala na darami ang trabaho lalo pa’t maraming mga establishimyento ang
muling magbubukas pagkatapos ng pandemya. Nasa 31% naman ang nagsasabi
na walang pagbabagong mangyayari at 12% ang nagsasabi na mababawasan ang
walang trabaho.
UNEMPLOYMENT MAY SOLUSYON PA
BA?
Ang kawalan ng trabaho ang nagtutulak sa ilan para makagawa ng masama.
Dahil sa nararanasang gutom, napipilitan silang magnakaw at mangholdap.
Nakakapit na sila sa patalim. Nagrerebelde ang kanilang bituka at hindi na nila
kayang pigilin. Kung magkakaroon nang maraming trabaho, malulutas na ang
mga krimen. Magkakaroon nang kaayusan.
Sa aming paniwala, ang pagpapaunlad ng sector ng agrikultura ang dapat
tutukan ng kasalukuyang administrasyon. Buhusan ang pagpapaunlad sa mga
bukirin. Bigyan ng suporta ang mga magsasaka. Gumawa ng irigasyon. Bigyan ng
mga binhi na madaling pakinabangan. Sa sector ng agrikultura nanggagaling ang
pagkain kaya narito rin ang trabaho. Hindi mauubusan ng trabaho dahil
kumakain araw-araw ang mga tao. At ito ang maaring maging solusyon sa
problema ng karamihan at ng ating bansa.
Ang Konsepto ng Sustentableng Kaunlaran

Ang pag-unlad ay isang


progresibong proseso ng
pagpapapabuti ng
kondisyon ng tao, gaya
ng pagpapababa ng antas
ng kahirapan, kawalan
ng trabaho,
kamangmangan, di-
pagkakapantay-pantay,
at pananamantala.
(Fajardo,1994)
Ang Konsepto ng Sustentableng Kaunlaran
  Ang konsepto ng
sustentableng kaunlaran ay
isang proseso na kung saan
naglalayon ito na magkaroon ng
isang kana-kanais na kalagayan
ng mga tao sa lipunan ngayon
at sa hinaharap na kung saan
ang mga mapagkukunan at
kondisyon ng buhay ay patuloy
na mabigyan ng importansya o
matugunan ang
pangangailangan ng mga tao
nang hindi nasisira o
naaapektuhan ang
kagandahang natural ng mga
sistematikong botiko,
integridad at katatagan.
Ang Konsepto ng Sustentableng Kaunlaran

▪  Ang layunin ng sustentableng kaunlaran ay matugunan ang


pangangailangan ng tao na hindi nagko-kompromiso o
naaapektuhan ang pangangailangan ng hinaharap at matugunan
ang lumalagong pag-aalala tungkol sa bumibilis na pagkasira ng
kapaligiran ng tao at mga likas na yaman.
▪  Ang konseptong ito ay pormal na nagmula sa Brundtland
Commission, na tumutukoy sa Worlds Commission on
Environment na kilala sa pangalan na si Gro Harlem Brundtland na
syang pangulo nito.
Ang Konsepto ng Sustentableng Kaunlaran

▪  Ang konsepto ng sustentableng kaunlaran ay mauugnay sa


napapanahong isyung lokal at nasyonal, na kung saan ang bawat
desisyon na ginagawa ng tao ay nakakaapekto dito. Katulad na
lamang ng kawalan at kakulangan ng pag-aalaga ng tao sa
kapaligiran ay nagreresulta ng global warming at climate change,
ang labis na kontsruksiyon, agresibong pangingisda, pagpuputol
ng puno at pagkakalat.
Ang Konsepto ng Sustentableng Kaunlaran

▪  Ang sustentableng kaunlaran ay isang solusyon sa nasasabing


problemang lokal at nasyonal sa lumalalang climate change. Isa rin
sa kinakaharap na isyu ngayon ay ang COVID-19 na syang
nakaapekto sa ekonomiya at lahat ng tao. Dahil sa COVID-19 ay
bumabagsak ang ekonomiya, madaming mga gusali at mga
negosyo. Marami ring mga namatay na mga tao at mga
pinagkukunan ang nasira. Kaya ang sustentableng kaunlaran ay
isang ideya para masolusyunan ang suliraning lokal at nasyonal.
Mga Hamon sa Sustentableng Kaunlaran

Ang isa sa mga hamon o


balakid sa sustentableng
kaunlaran ay ang mga
negosyo na tanging ang
pagkita lamang ng pera ang
tanging hangad na wala
nang pakialam sa likas na
yaman ng mundo. Na ang
tanging nasa isip ay ayos
lamang na sirain ang mga
puno o ano mang likas na
yaman basta ay sila ay
kumukita
Mga Hamon sa Sustentableng Kaunlaran

▪ Balakid din sa pag-unlad ay ang mga tao o kumpanya na may maling


paniniwala o iligal na gawain, na patuloy silang kumukuha ng
masaganang suplay at ang apgkuha ng mga pinagkukuhanan sa iligal na
paraan. Halimbawa nito ay ang pangingisda, masagana silang
nangingisda na kahit maliliit na isda ay kinukuha rin at ang paggamit ng
dinamita o ano mang kemikal na compound para makapanghuli ng isda.
▪ Ang pagpuputol ng puno, pagsusunog ng mga fossil fuel at ang pagsasaka
ng luboslubos na mga hayop at iba pa ay syang dahilan din ng climate
change na kung saan balakid ito o nagiging hamon sa sustentableng pag-
unlad ng bansa.
ANG HAMON KAUGNAY SA CLIMATE
CHANGE

Ang climate change ay ang


pagbabago ng klima o panahon
dahil sa pagtaas ng mga
greenhouse gases na nagpapainit
sa mundo. Nagdudulot ito ng
baha at tagtuyot, nagkakaroon
ng mas maraming bagyo, at
pagguho ng lupa. Nagkakaroon
din ng epekto sa araw-araw na
kabuhayan ng tao, pagbaba ng
produksyon sa agrikultura at
pagtaas ng bilang ng kaso  ng
ibat ibang karamdaman
Tugon ng pilipinas SA CLIMATE CHANGE

• Magpalit ng inyong gamit


na bumbilya. Gumamit ng
tinatawag na compact
fluorescent light bulbs.
• Huwag palagiang gumamit
ng kompyuter nang
patuloy tuloy. Kung apat ng
oras lamang sa isang araw
nating gagamitin ito ay
makakabawas tayo ng
carbon dioxide emission ng
83%
Tugon ng pilipinas SA CLIMATE CHANGE
• Huwag ng gumamit ng
plastic bags. Gumamit ng
bag na pwedeng gamitin ng
paulit-ulit para mabawasan
ang plastic bag na ating
itinatapon.
• Gumamit ng nirecycle na
papel. Sa paggamit nito ay
60% ng kuryente ang
matitipid sa paggawa ng
bagong recycled paper
kumpara sa paggawa ng
bagong papel.
Polusyon sa tubig at Lupa
Ang polusyon sa tubig ay isang
pangunahing problema sa
Pilipinas. Ayon sa Water
Environment Partnership in Asia
(WEPA), 32% ng dami ng lupa
ng Pilipinas humigit-kumulang
96,000 square Kilometers  ang
ginagamit para sa agrikultura.
Ang pangunahing pananim ay
ang palay (bigas), mais, tubo,
prutas, ugat na pananim, gulay
at puno (para sa goma). Ang
dumaraming populasyon,
urbanisasyon, agrikultura at
industriyalisasyon ay pawang
nagbawas sa kalidad ng tubig sa
Pilipinas.
Polusyon sa tubig at Lupa

▪ Ayon sa WEPA, ang mga epekto sa polusyon sa tubig ay


nagkakahalaga sa Pilipinas ng humigit-kumulang na $ 1.3 bilyon
taun-taon. Patuloy na sinusubukan ng gobyerno na linisin ang
problema, ipinatupad ang mga multa sa mga polyuter pati na rin
ang mga buwis sa kapaligiran, ngunit maraming mga problema ang
hindi pa napapansin. Ayon sa datos ng gobyerno, hanggang sa 58%
ng nasubok na tubig sa lupa ay nahawahan ng coliform, at humigit-
kumulang na 1/3 ng mga sakit  ay makukuha sa tubig. Bilang
karagdagan dito, sa panahon ng tuyong panahon, maraming mga
lugar ang nakakaranas ng kakulangan sa tubig.
Polusyon sa tubig at Lupa

▪ Noong 2014, nagsimulang magbigay ang Water.org ng suportang


philanthropic at panteknikal upang mabawi ang polusyon sa tubig
sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapalawak ng programa ng
WaterCredit. Ipinapakita ng mga istatistika ng Water.org na 75
porsyento ng mga Pilipino ang handang mamuhunan sa mga
pautang sa tubig at kalinisan. Sa pagitan ng 2015 hanggang 2017,
ang samahan at mga kasosyo nito ay nagtatrabaho kasama ang
walong magkakaibang mga institusyong microfinance upang
magsagawa ng pagsasaliksik at pagsasanay sa pagtupad ng mataas
na pangangailangan para sa malinis na tubig at pag-access sa
kalinisan.
Pagmimina sa Pilipinas: Sanhi ng Pagkasira ng Kalikasan, Pakinabang
para sa Iilan

Ang gobyerno ng Pilipinas


ay umaasa sa papel na
maaaring gampanan ng
pagmimina bilang
mapagkukunan ng kaunlaran
sa ekonomiya, ngunit dapat
kilalanin na ang pagmimina ay
isang aktibidad din na
nagpapakita ng napakaraming
mga problemang
pangkapaligiran, panlipunan
at pang-ekonomiya.
Pagmimina sa Pilipinas: Sanhi ng Pagkasira ng Kalikasan,
Pakinabang para sa Iilan

▪ Ang pagtuklas, pagkuha at pagproseso ng mga mineral ay malawak


na itinuturing na isa sa mga pinaka nakagagambalang aktibidad sa
kapaligiran at panlipunan sa mundo at mga epekto sa kapaligiran
ay maaaring mangyari sa panahon ng paggalugad, pag-unlad ng
minahan, pagpapatakbo ng minahan at matagal na matapos
magsara ang isang minahan. Ang modernong malakihang
pagmimina ay maaaring magbago ng mga landscape, sistema ng
tubig, ekonomiya at mga pamayanan.
Pagmimina sa Pilipinas: Sanhi ng Pagkasira ng Kalikasan,
Pakinabang para sa Iilan

▪ Ang kabuuang pagbabawal sa pagmimina ay nakasalalay sa


katunayan na ang mga aktibidad sa pagmimina ay may
mapanirang epekto sa likas na mapagkukunan, tulad ng pagkasira
ng natural na tirahan ng iba't ibang mga uri ng hayop. Ang
pagtatapon ng mga kemikal sa pagmimina ay maaari ring
madumhan ang iba pang mga lugar na malapit sa mga lugar ng
pinagminahan.
Pagmimina sa Pilipinas: Sanhi ng Pagkasira ng Kalikasan,
Pakinabang para sa Iilan

▪ Ang mga taong nasa malalaking korporasyon ng pagmimina ay


mahigpit na isinagawa ang kanilang mga layunin sa pagkamit ng
kanilang mga pansariling interes na kinakalimutan ang
katotohanang ito ang mga dahilan kung bakit mayroong kawalan
ng timbang sa komunidad ng biotic. Kaya dapat talagang maghigpit
ang gobyerno sa pagpapatupad ng mga ligal na hakbang sa
pagmimina upang maiwasan ang pagkasira sa yamang mineral.
Deforestation, Mabilis na Urbanidad,  Basura, Baha at iba pang
Problema

Ang deforestation ay sanhi


ng pagkasira ng kalikasan. Ito
ang tawag sa pagputol ng mga
punong-kahoy o ang
pagsasagawa ng paglilinis sa
kagubatan upang gawing
lokasyon ng mga negosyong
tulad ng subdivision, at iba pa.
Isa rin sa layunin ng mga taong
nagsasagawa ng deforestation
ay upang gawing kasangkapan
sa paggawa ang mga punong-
kahoy tulad ng mga produktong
pang-pernityur.
Deforestation, Mabilis na Urbanidad,  Basura, Baha at iba pang
Problema

Ang mabilis na urbanidad ay


bunga ng mabilisang
pagbabago o pag-unlad ng
isang bayan. Dito nagaganap
ang pag-aangkop ng mga
mamamayan sa makabagong
teknolohiya.
Deforestation, Mabilis na Urbanidad,  Basura, Baha at iba pang
Problema

Mga basurang nakikita kung


saan-saan ay isa sa mga sanhi kung
bakit nakakaranas ng pag baha ang
isang lugar. Dahil sa paulit-ulit na
problema sa mga basura, paulit-ulit
lang din ang nagiging resulta sa
tuwing nagkakaroon ng malakas na
pag-ulan. Maaaring isisi sa
kalikasan ang pagkakaroon ng
malalakas na ulan ngunit ang
pagkakaroon ng baha ay maaaring
kasalanan na ng mga tao dahil sa
kawalang disiplina at kakulangan sa
maayos na dreyneyj sistem. Maaari
itong masolusyunan kung
magkakaroon lamang ng disiplina
ang mga tao.
Komunikasyon at mga Suliraning Lokal at Nasyonal
Komunikasyon ang tawag
proseso nang pagpapalitan ng
mga impormasyon. Ngunit kung
hindi ito maisasagawa ng ayos
ay maaari itong maging sanhi
ng hindi pagkakaunawaan na
magreresulta sa kung ano mang
problema. Maayos na
komunikasyon at malawak na
pag-intindi ang susi upang
maging matagumpay ang
pagpapalitan ng impormasyon.
Ito rin ang kailangan upang mas
mapalawak pa ang kaalaman ng
isang tao tungkol sa mga bagay-
bagay.

You might also like