You are on page 1of 1

Ang Suliranin Panlipunan ng

Ating Bansa
Ang Pilipinas ay nasasama sa 3rd World Country o sa madaling salita
“kabilang sa hindi gasinong kaunlad na bansa. Napakaraming suliranin ang kinakaharap
ng ating lipunan na sa dinami ng umupo ay hindi padin nasosolusyunan.

Kahirapan
Unang pangunahing problema ng
ating bansa ay pagtaas ng numero ng
kahirapan. Sa laki ng populasyon sa
ating bansa kahit na nakapagtapos kana
hindi ka padin makakuha ng maayos at
magandang trabaho na nagdudulot ng
kahirapan sa bansa.

Populasyon
Hindi gaya ng ibang bansa, hindi
ipinapatupad ang one child policy sa Pilipinas
sapagkat madami sa atin ay mga katoliko na
naniniwala sa “humayo kayo at magpakadami”.
Dito nagmumula ang kahirapan at pagkasira ng
ating mga likas na yaman.

Polusyon
Ang pagkasira ng ating mga likas
na yaman. Pagdumi ng tubig, lupa at
hangin ang isa sa pinakamalking
problema ng bansa. Ito ay dahil sa
kakulangan ng disiplina ng bawat isang
Pilipino. Maling pagtapon ng mga
basura. Tapon dito tapon doon.

kalidad ng edukasyon
Nitong mga nakaraang araw ay napanood ko na
madami nang mga guro ang mas nais na magturo sa
ibang bansa dahil mababa at masyadong nakakamatay
ang mundo ng edukasyon sa Pilipinas. Sa halip na dito
nila iniaalay ang kanilang talino nabibigay ito sa mga
banyaga. Ganon din ang kakulangan sa budget pang
edukasyon para sa silid-aralan at materyales sa pagtuturo
lalong higit sa pampublikong paaralan.

Korapsyon
Hindi na mawawala sa mundo ng pulitika ang
korupsyon mula sa pinakababa hanggang pinakataas.
Nakakalungkot isipin na ang mga taong ating dapat
sandalan at inaasahang magaahon sa ating bansa sa
sadlak na kalagayan, sila pang lalong umaapak at
yumuyurak dito.

Napakahirap mong mahalin Pilipinas. Isa ito sa lagi kong naririnig sapagkat
ang ating bansa ay nasadlak na sa pinakailalim. Sana balang araw tayo ay makaahon
at maging maganda ang hinaharap. Mga suliranin nawa’y masolusyonal hindi man
lahat sana’y mabawasan.
- PAULYANA NINA J. CABALLERO

You might also like