You are on page 1of 19

Republic of the Philippines

CAVITE STATE UNIVERSITY


Cavite City Campus
Brgy. 8, Pulo II, Dalahican, Cavite City

GNED 14 - Panitikang Panlipunan / Sosyedad at Literatura

LEARNING MODULE 2
Panitikan Hinggil sa Kahirapan

OBJECTIVES/ INTENDED LEARNING OUTCOMES

Sa katapusan ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Maipaliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan sa pamamagitan ng mga
makabuluhang akdang pampanitikan.
2. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapakipakinabang na sanggunian
sa panunuring pampanitikan.
3. Matukoy ang mga katangian ng mahusay na akdang pampanitikan na may kabuluhang
panlipunan.

SUBJECT MATTER
Panitikan Hinggil sa Kahirapan

Kahirapan sa pilipinas
Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat
ng problema ng ating bansa. Madalas
nating sisihin ang maling pamamalakad ng
mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang
may kasalanan o tayong mga Pilipino na
tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay
katumbas ng kahirapan”. Sinasabi ng
karamihan, kaya sila naghihirap ay sa
kadahilanang wala silang trabaho, pero
ang totoo, maraming trabahong nakalaan,
mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero
hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa
nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa
napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang
ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan.
I. Pangunahin Sanhi ng Kahirapan sa Pilipinas

Ang sapilitang pangingibang bayan ng


mga Pilipino upang maghanap ng
ikabububuhay ay naging parte na ng
kultura. Ang karamihan dito ay ang mga
kababaihan. Dala ng labis na kahirapan
ay ito ang naging siyang tugon ng mga
Pilipino uapng makaraos sa araw araw
na pamumuhay. "Ang salitang kapit sa
patalim" ay maiuugnay dito. Dahilan sa
ang paglisan sa sariling bayan at
mawalay sa pamilya ay hindi madali
para sa isang kulturang kinalakihan.
Narito ang ilang matitinding dahilan ng kahirapan sa Pilipinas:

A. CORRUPTION: Ang pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan ng mga tao sa gobyerno.


Ito ang pinakamalupit at talamak na dahilan ng paghihirap ng bayan. Ang mga pera na
para sana sa kapakanan ng taong bayan ay napupunta lang sa bulsa ng iilan na mga
may kapangyarihan sa pamahalaan. Ito ay maituturing na kanser sa lipunan.

B. MPERIALISMO: Ang pananakop ng ilang bansa noong mga nakaraang panah


on tulad ng Espanya, Hapon at US na nagpahirap sa Pilipinas. Mga dayuhan na nag
iwan ng mga mali o masamang impluwensiya at kultura sa bansa.

Ang patuloy na pakikialam o pagdikta ng US sa pamalaan ng Pilipinas. Masasabing


ang mga tulong pinansiyal ng mga malalakas na bansa sa Pilipinas ay isang suhol
upang mapaikot at madiktahan ang pamahalaan. Mga pera na hindi naman napupunta
sa mga tamang proyekto kundi nahuhulog din sa bulsa ng korapsiyon. Mga perang
suhol upang mapalakas ang kanilang mga pansariling layunin na nagbabaon sa
kahirapan ng Pilipinas.

Ang pagpasok ng "globalisasyon" ay maitutuiring din na isang imperyalismo. Kung


saan ang mga dayuhan at mayayamang kapitalista na nagmamay ari ng ibat ibang
kompanya ang siyang nagdidikta sa pamahalaan upang siskilin ang karapatan ng mga
mangaggawa. At ang pagsasanib pwersa ng pamalaan at kapitalista ang siyang
dumudurog sa unyon na siyang pumapatay sa karapatan ng mga mangagagawa
upang magkaroon ng tamang pasahod, benepisyo at hustisya. Maituturing na isang
pang aalipin o "modern slavery" ang pasahod sa mga manggagawa, kompara sa
kinikita ng mga higanteng korporasyong dayuhan.

Pangalawa sa mga dahilan ay ang maling gawain ng mga pinuno ng ating bansa, ang
pagbubulsa sa kaban ng bayan. Ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng buhay
ng mga mahihirap ay ginagamit ng mga pulitiko para sa sarili nilang interes. Sapat ang
sweldo ng mga pinuno ng ating bansa, ang totoo ay sobra-sobra pa ito para bumuhay
ng isang pamilya, pero patuloy pa rin sila sa maling gawain nila. Kamakailan lang ay
sinabi na umaangat na ang ekonomiya ng ating bansa, pero wala kahit isa ang
nakaramdam nito. Kailangan pa ring pumila ng matagal para lang makabili ng NFA
Rice, mataas pa rin singil sa gasolina, sa kuryente at halos sa lahat ng bilihin, hindi
kasya ang sweldo ng isang empleyado lamang.
Dahil sa maling gawain ng mga pulitiko, mga simpleng mamamayan ang
naaapektuhan, dahil mas pinipili nilang ibulsa ang malaking pondong pangkahirapan
kaysa idagdag sa sweldo ng mga empleyado, isang malaking kamalian sa parte ng
mga pinuno.

Pangatlo sa mga kadahilanan ay ang pagiging iresponsable ng mga Pilipino, o ang


kawalan ng paninindigan. Kung magiging responsible lamang ang mga magulang ng
mga batang kalye ay malamang walang pakalat-kalat na bata ngayon sa lansangan,
walang uhuging bata na nanghihingi na limos, at walang kaawa-awang mga mukha
ng mga gutom na bata ang makikita natin.

C. PYUDALISMO (FEUDALISM): Ang pagmamay ari ng iilang mayayaman sa mga


lupaing sakahan.
Nang ipatupad ang Agrarian Reform program hindi ito lubusang naipatupad ng
pamahalaan. Dahilan na ang nag mamay ari ng malalaking lupaing sakahan ay
pagmamay ari ng mga makapangyarihan sa lipunan at gobyerno.

Nariyan din ang malalang pagpapalit nang mga lupang agrikultura upang gawing
industriyal, bahayan at golf courses ng mga mayayaman. Kung saan naagawan ng
taniman o sakahan ang mga magsasaka. Dahilan ng pagkakaroon ng kakulangan ng
pangunahing lokal na pagkain. Dahilan upang mag angkat pa ng mga pangunahing
pagkain tulad ng bigas sa ibang bansa.

Isang pang dahilan ng paghihirap ng bansa ay ang matinding kapapabayaan ng likas


na yaman ng bansa. Ang pagputol ng mga puno na dahilan ng pagbaha (illegal logging),
landslide at erosion. Ang pagdudumi sa ilog at dagat, pag gamit ng mga nakakalason,
patutok at maling paraan ng pangingisda na sumisira sa yamang dagat. Ang
kapabayaan ng gobyerno at mamamayan sa likas na yaman ay isang malaking dahilan
upang unti unting mabaon ang bansa sa kumunoy ng kahirapan.

II. Epekto ng kahirapan sa kalusugan

Mga anak na nagtatrabaho sa mga kalye ay


napakita sa maraming mga panganib. Mga bata
na gumastos ng maraming oras ang
pagtatrabaho sa kalye ay mas madaling kapitan
sa panghinga impeksyon, pneumonia at iba
pang mga sakit, at mukha ng isang mataas na
panganib ng pinsala o kamatayan mula sa mga
sasakyang Sila ay maaaring magamit bilang
huthot at pangingikil. Ang ilan ay kahit na
sapilitang sa bata prostitusyon o iba pang
kriminal na gawain.
III. Epekto ng kahirapan sa pag aaral

Anak madalas mukha problema sa


pagkakaroon ng isang edukasyon at aalis
ang lansangan para sa mga sumusunod na
dahilan: sila ay may limitadong pag-access
sa kalidad na edukasyon na magagamit sa
mga lugar kung saan sila nakatira at
trabaho; pumapalya o mababa ang kinikita
ng pamilya ay hindi maaaring cover ang mga
gastos ng paaralan pagpapalista, uniporme
at school proyekto; at minsan enroll sa
paaralan, ang isang mataas na proporsyon
ng mga bata ay sapilitang sa drop out, lalo
na bilang ng paaralan na gastos tumaas sa
mamaya taon.

Presidente hinirang ng Pilipinas, Benigno


"Noynoy" Aquino ay may won ang halalan
labanan, ngunit ang tunay na labanan ay pa
rin na lumaban bilang siya ay tumatagal ng
kanyang lugar bilang pinuno ng bansa,
sasabihin pampulitika commentators.

Siya ay itinakda upang magmana ng isang


bansa na laganap sa kahirapan, militar
ligalig, katiwalian, marahas na krimen,
Muslim at pampulitikang pakikipagtalo,
sinasabi ng marami sa mga taong ay
sumusunod sa kalagayan ng mga tao na
Filipino.

Siya nag pledge sa buong kanyang kampanya na siya ay pagpunta sa maglagay ng isang
itigil sa katiwalian sa loob ng pamahalaan at bilang isang resulta ay din itigil ang kahirapan.

"Kung walang corruption, walang kahirapan," ay ang kanyang halalan slogan.


MGA PANITIKAN HINGGIL SA KAHIRAPAN

ANG KALUPI

Ni

Benjamin Pascual

Mataaas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang


maliit na barung-barong. Aliwalas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga mata
na bahagyang pinagdilim ng kanyang malalagong kilay ay nakakintal ang kagandahan
ng kaaya-ayang umaga. At sa kanyang maninipis na labi, na bahagyang pasok sa
pagkakalapat at maputla, ay naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan. Araw ng
pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa gabing iyon at tatanggapin nito ang
diploma bilang katunayang natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas na
paaralan. Ang sandaling pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin namang panahon ng
pagpapaaral ay dumating na: ang magkaroon ng isang anak na nagtapos sa high
school ay hindi na isang maliit na gaya niya. Sa mapangarapin niyang diwa ay para
niyang nakikita ang kanyang anak na dalaga sa isang kasuutang puting-puti, kipkip
ang ilang libro at nakangiti patungo sa lalo pang mataas na hangarin sa buhay, ang
makatapos sa kolehiyo, magpaunlad ng kabuhayan at sumagana. Maaaring balang
araw ay magkaroon din siya ng mamaniganging may sinasabi rin naman. Nasa daan
na siya, para pa niyang naririnig ang matinis na halakhak ng kanyang anak na dalaga
habang paikut-ikot nitong isinusukat sa harap ng salamin ang nabuburdahang puting
damit na isusuot sa kinagabihan. Napangiti siyang muli.

Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ang isang pangnang sisidlan
ng kanyang pamimilhing uulamin. Habang daan, samantalang patungo sa pamilihang-
bayan ng Tondo, ay mataman niyang iniisip ang mga bagay na kanyang pamimilhin.
Hindi pangkaraniwang araw ito at kinakailangang magkaroon silang mag-anak ng hindi
pangkaraniwang pananghalian. Bibili rin siya ng garbansos. Gusting-gusto ng kanyang
magtatapos na anak ang minatamis na garbansos.

Mag-iikasiyam na nang dumating siya sa pamilihan. Sa labas pa lamang ay


naririnig na ang di-makamayaw na ingay na nagbubuhat sa loob, ang ingay ng mga
magbabangos na pakanta pang isinisigaw ang halaga ng kanilang paninda, ang salit-
salitang tawaran ng mga mamimili. Linggo ng umaga at ang palengke ay siksikan. Sa
harapan niya piniling magdaan. Ang lugal ng magmamanok ay nasa dulo ng pamilihan
at sa panggitnang lagusan siya daraan upang magdaan tuloy sa tindahan ng mga
tuyong paninda at bumili ng mantika. Nang dumating siya sa panggitnang pasilyo at
umakmang hahakbang na papasok ay siyang paglabas ng humahangos na isang
batang lalaki, na sa kanilang pagbabangga ay muntik na niyang ikabuwal. Ang siko ng
bata at tumama sa kanyang kaliwang dibdib.

“Ano ka ba?” bulyaw ni Aling Marta. “Kay sikip na ng daraanan ay patakbo


ka pa kung lumabas!”
“Pasensiya na kayo, Ale,” sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na
bangos na tig-bebente, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin
sa kanya. “Hindi ko ho kayo sinasadya. Nagmamadali ho ako, e.”

“Pasensya!” sabi ni Aling Marta. “Kung lahat ng kawalang-ingat mo’y


pagpapasensyahan nang pagpapasensyahan ay makakapatay ka ng tao.”

Agad siyang tumalikod at tuluy-tuloy na pumasok. Paano’t paanuman, naisip


niya, ako ang huling nakapangusap. Higit kong daramdamin kung ako na itong
nagawan ng di mabuti ay sa kanya pa manggagaling ang huling salita. Mataman
niyang inisip kung may iba pang nakakita sa nangyari. Marahas ang kanyang
pagkakapagsalita sa bata at maaaring may kakilala siyang nagdaraan na nakarinig ng
kanyang mga sinabi. Dumating siya sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng
isang kartong mantika.

“Tumataba yata kayo, Aling Godyang,” ang bati niya sa may kagulangan nang
tindera na siya niyang nakaugaliang bilhan. Nakangiti siya at ang babae ay ngumiti rin.

“Tila nga ho,” ani Aling Godyang. “Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda.”

Natawa si Aling Marta at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang


bestido upang magbayad.

“Bakit ho?” anito.

“A, e, nawawala ho ang aking pitaka,” wala sa loob na sagot ni Aling Marta.

“Ku, e, magkano naman ang laman?” ang tanong nga babae.

Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang


bigay na sahod ng kanyang asawa nang sinundang gabi, Sabado. Ngunit aywan ba
niya kung bakit sa di pa ma’y nakikiramay nang tono ng nagtatanong ay nakapagpalaki
ng kanyang loob upang sabihin, “E, sandaan at sampung piso ho.”

Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari’y tinakasan ng lakas,


nag-iisip ng mga nakaraang pangyayari. Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa
kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Tumama ang siko nito
sa kanyang dibdib, sa kanyang katawan! Dali-dali siyang tumalikod at patakbong
lumabas. Hindi pa marahil iyon nakakalayo; may ilang sandali pa lamang ang
nakararaan. Inisip niya kung ano ang kasuutan nito na maaari niyang pagkakilanlan,
ang tabas ng mukha, ang gupit, ang tindig. Sa labas, sa harap ng palengke na
kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit at mangilan-ngilang namimili at mga batang
panakaw na nagtitinda ng gulay, ay nagpalinga-linga siya. Patakbo uli siyang lumakad,
sa harap ng mga bilao ng gulay na halos mayapakan na niya sa pagmamadali, at sa
gawing dulo ng pusisyon, na di-kalayuan sa natatanaw niyang karatig na outpost ng
mga pulis, ay nakita niya ang kanyang hinahanap. Nakatayo ito sa harap ng isang
bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Hindi siya maaaring magkamali;
ang wakwak na kamiseta nito at ang mahabang pantalon na wari’y salawal ding
ginagamit ng kanyang ama ay sapat nang palatandaan upang ito ay madaling makilala.
At ang hawak nitong bangos na tig-bebeinte.
Maliksi siyang lumapit at binatak ang bata sa liig.

“Nakita rin kita!” ang sabi niyang humihingal. “Ikaw ang dumukot ng pitaka
ko, ano? Huwag kang magkakaila!”

Tiyakan ang kanyang pagkakapagsalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa


pag-aapuhap ng isasagot ay masukol niyang buung-buo. Ngunit ang bata ay
mahinahong sumagot:

“Ano hong pitaka?” ang sabi. “Wala ho akong kinukuha sa inyong pitaka.”

“Anong wala!” pasinghal na sabi ni Aling Marta. “Ikaw nga ang dumukot ng
pitaka ko at wala nang iba. Kunwa pa’y binangga mo ‘ko, ano, ha? Magaling, magaling
ang sistema ninyong iyan. Kikita nga kayo rito sa palengke!”

Marami nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at babaing


mamimili. Hinigpitan ni Aling Marta ang pagkakahawk sa liig ng bata at ito’y pilit na
iniharap sa kababaihan.

“Aba, kangina ba namang pumapasok ako sa palengke, e banggain ako,”


sabi niya. “Nang magbabayad ako ng pinamili ko’t kapain ko ang bulsa ko, e wala nang
laman!”

“Ang mabuti ho’y ipapulis ninyo,” sabing nakalabi ng isang babaing nakikinig.
“Talagang dito ho sa palengke’y maraming naglipanang batang gaya niyan.”

“Tena,” sabi ni Aling Marta sa bata. “Sumama ka sa akin.”

“Bakit ho, saan ninyo ‘ko dadalhin?”

“Saan sa akala mo?” sabi ni Aling Marta na pinisil ang liig ng bata. “Ibibigay
kita sa pulis. Ipabibilanggo kita kapag di mo inilabas ang dinukot mo sa akin.”

Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na bangos upang
dalawang-kamayin ang pag-aalis sa mabutong daliri ni Aling Marta na tila kawad sa
pagkakasakal sa kanyang liig. May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata
at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga
nanonood ay lumapit an isang pulis, na tanod sa mga pagkakataong tulad niyon, at
nang ito ay malapit ay sinimulan ni Aling Marta ang pagsusumbong.

“Naseguro ko hong siya dahil sa nang ako’y kanyang banggain, e


naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa,” patapos niyang pagsusumbong.
“Hindi ko lang ho naino kaagad pagka’t akoy nagmamadali.”

Tiningnang matagal ng pulis ang bata, ang maruming saplot at ang


nagmamapa-sa-duming katawan, pagkatapos ay patiyad na naupo sa harap nito at
sinimulang mangapkap. Sa bulsa ng bata, na sa pagdating ng pulis ay tuluyan nang
umiiyak, ay lumabas ang isang maruming panyolito, basa ng uhog at tadtad ng sulsi,
diyes sentimos na papel at ang tig-bebeinteng bangos.

“Natitiyak ho ba ninyong talaga na siya ang dumukot ng inyong pitaka?”


tanong ng pulis kay Aling Marta.
“Siya ho at wala nang iba,” sagot ni Aling Marta.

“Saan mo dinala ang dinukot mo sa aling ito?” mabalasik na tanong ng pulis


sa bata. “Magsabi ka ng totoo, kung di ay dadalhin kita.”

“Wala ho akong dinukot na maski ano sa kanya,” sisiguk-sigok na sagot ng


bata.

“Maski kapkapan!” sabad ni Aling Marta. “Ano pa ang kakapkapin namin sa


iyo kung ang pitaka ko, e naipasa mo na sa kapwa mo mandurukot! O, ano, hindi ba
ganoon kayong mga tekas kung lumakad, isa-isa, dala-dalawa, tatlu-tatlo! Ku, ang
mabuti ho yata, Mamang Pulis, e ituloy na natin iyan sa kuwartel. Baka roon matutong
matakot iyan at magsabi ng totoo.”

Tumindig ang pulis. “Hindi natin kara-karaka madadala ito nang


walang evidencia. Kinakailangang kahit paano’y magkaroon tayo ng maihaharap na
katibayang siya nga ang dumukot ng inyong kuwarta. Papaano ho kung hindi siya?”

“E, ano pang evidencia ang hinahanap mo?” sabi ni Aling Marta na
nakalimutan ang pamumupo. “Sinabi ko nang binangga ako nang pasadya, na
naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa. Ano pa?”

Sa bata nakatingin ang pulis na wari’y nag-iisip ng dapat gawin. Maya-maya,


muling naupo at dumukot ng isang lapis at isang maliit na kuwaderno sa kanyang bulsa.

“Ano ang pangalan mo?” ang tanong niya sa bata.

“Andres Reyes po.”

“Saan ka nakatira?” ang muling tanong ng pulis.

Lumingon ang bata sa kanyang paligid, inisa-isa ang mga mukhang


nakatunghay sa kanya. “Wala ho kaming bahay,” ang sagot. “Ang tatay ko ho, e may
sakit at kami ho, kung minsan, ay sa bahay ng Tiyang Ines ko nakatira, sa Blumentritt.
Kung minsan naman ho, e sa mga lola ko sa Quiapo at kung minsan, e sa bahay ng
kapatid ng nanay ko rito sa Tondo. Inutusan nga lang ho niya ‘kong bumili ng ulam,
para mamayang tanghali.”

“Samakatwid ay dito kayong mag-ama nakatira ngayon sa Tondo?” ang


tanong ng pulis.

“Oho,” ang sagot ng bata, “pero hindi ko nga lang ho alam ang kalye at
numero ng bahay dahil sa noong makalawa lang kami lumipat at saka hindi ho ako
marunong bumasa, e.”

Ang walang-kawawaang tanong at sagot na naririnig ni Aling Marta ay


nakabagot sa kanyang pandinig; sa palagay ba niya ay para silang walang mararating.
Lumalaon ay dumarami ang tao sa paligid at ang pulis na umuusig ay tila siyang-siya
sa kanyang pagtatanong at pagsusulat sa kuwaderno. Nakaramdam siya ng pagkainis.
“Ang mabuti ho yata, e dalhin na natin iyan kung dadalhin,” sabi niya.
“Pinagkakaguluhan lamang tayo ng mga tao rito ay wala namang nangyayari. Kung
hindi naman ninyo kaya ay sabihin ninyo at tatawag ako ng ibang pulis.”

“Hirap sa inyo ay sabad kayo nang sabad, e,” sabi ng pulis. “Buweno, kung
gusto n’yong dalhin ngayon din ang batang ito, pati kayo ay sumama sa akin sa
kuwartel. Doon n’yo sabihin ang gusto n’yong sabihin at doon n’yo gawin ang gusto
n’yong gawin.”

Inakbayan nito ang bata at inilakad patungo sa outpost, kasunod ang hindi
umiimik na si Aling Marta at ang isang hugos na tao na ang ilan ay ngingti-ngiti habang
silang tatlo ay minamasdan. Sa harap ng outpost ay huminto ang pulis.

“Maghintay kayo rito sandal at tatawag ako sa kuwartel para pahalili,” sabi
sa kanya at pumasok.

Naiwan siya sa harap ng bata, na ngayon ay tila maamong kordero sa


pagkakatungo, sisiguk-sigok, nilalaro ng mga payat na daliri ang ulo ng tangang
bangos. Luminga-linga siya. Tanghali na; iilan-ilan na lamang ang nakikita niyang
pumapasok sa palengke. Inisip niya kung ilang oras pa ang kinakailangan niyang
paghintay bago siya makauwi: dalawa, tatlo o maaaring sa hapon na. Naalaala niya
ang kanyang anak na dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay naiinip
na sa paghihintay; at para niyang naririnig ang sasabihin nito kung siya’y uuwi na
walang dalang anuman, walang dala at walang pera. Nagsiklab ang poot sa kanya na
kangina pa nagpupuyos sa kanyang dibdib; may kung anong sumulak sa kanyang ulo;
mandi’y gagahanip ang tingin niya sa batang kaharap. Hinawakan niya ito sa isang
bisig at sa pagdidilim ng kanyang paningin ay pabalingat niyang pinipilit sa likod.

“Tinamaan ka ng lintik na bata ka!” sabi niyang pinanginginigan ng laman.


“Kung walang binabaing pulis na makapagpapaamin sa iyo, e ako, ako ang gagawa
ng ikaaamin mo! Saan mo dinala ang dinukot mo sa ‘kin? Saan? Saan?”

Napahiyaw ang bata sa sakit; ang bisig nito ay halos napaabot ni Aling
Marta sa kanyang balikat sa likod. Ang mga nanonood ay para-parang nangapatdan
ng dila upang makapagsalita ng pagtutol. Ang kaliwang kamay ni Aling Marta ay
pakabig na nakapaikot sa baba ng bata; sinapo ito ng bata ng kanyang kamay at nang
mailapit sa kanyang bibig ay buong panggigigil na kinagat.

Hindi niya gustong tumakbo; halos mabali ang kanyang siko at ang nais
lamang niya ay makaalpas sa matitigas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon, nang
siya ay bitiwan ng nasaktang si Aling Marta at makalayong papaurong, ay naalala niya
ang kalayaan, kalayaan kay Aling Marta at sa dumarakip na pulis, at siya ay humanap
ng malulusutan at nang makakita ay walang lingod-likod na tumakbo, patungo sa ibayo
ng maluwang na daan. Bahagya na niyang narinig ang mahahayap na salitang
nagbubuhat sa humahabol na si Aling Marta; ang sigaw ng pulis at ang sumunod na
tilian ng mga babae; bahagya nang umabot sa kanyang pandinig ang malakas na
busina ng isang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim sa kanya ang
buong paligid at sa pagmumulat na muli ng kanyang paningin, sa pagbabalik ng
kanyang ulirat, ay wala siyang nakita kundi ang madidilim na anino ng mga mukhang
nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan.
Hindi umimik si Aling Marta habang minamasdan ang bata. Maputla ang
kulay ng kanyang mukha ay aywan ba niya at pati siya ay tila pinanawan ng lakas.
Malamig na pawis ang gumigiti sa kanyang noo at ang tuhod niya ay parang
nangangalog. Hindi siya makapag-angat ng paningin; sa palagay ba niya ay sa kanya
nakatuon ang paningin ng lahat at siya ay binubuntunan ng sisi. Bakit ba ako
manganganino sa kanila? Pinipilit niyang usalin sa sarili, Ginawa ko lamang ang dapat
gawin ninuman at nalalaman ng lahat na ang nangyaring ito’y pagbabayad lamang ng
bata sa kanyang nagawang kasalanan.

Ang pulis ay nakabalik na sa outpost at sa isang ospital na tumatawag. Ang


bata ay napagtulungan ng ilan na buhatin sa bangketa upang doon pagyamanin at
ipaghintay ng ambulansiya kung aabot pa. Ang kalahati ng kanyang katawan, ang
dakong ibaba, ay natatakpan ng diyaryo at ang gulanit niyang kamiseta ay tuluyan
nang nawalat sa kanyang katawan. Makailang sandali pa, pagdating ng pulis, ay
pamuling nagmulat ito ng paningin at ang mga mata ay ipinako sa maputlang mukha
ni Aling Marta.

“Maski kapkapan n’yo ako, e wala kayong makukuha sa akin,” sabing


pagatul-gatol ng nilalabasan ng dugo sa iong. “Hindi ko kinuha ang inyong pitaka.”

May kung anong malamig ang naramdaman ni Aling Martang gumapang sa


kanyang katawan; ang bata ay pilit na nagsasabi ng kanyang pahimakas. Ilang sandali
pa ay lumungayngay ang ulo nito at nang pulsuhan ng isang naroroon ay marahan
itong napailing. Patay na, naisaloob ni Aling Marta sa kanyang sarili.

“Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo,” matabang na sabi ng pulis sa


kanya. Nakatayo ito sa kanyang tabi at hawak na naman ang kanyang kuwaderno at
lapis. “Siguro matutuwa na kayo niyan.”

“Sa palagay kaya ninyo ay may sasagutin ako sa nangyari?” tanong ni Aling
Marta.

“Wala naman sa palagay ko,” sagot ng pulis. “Kung may mananagot niyan
ay walang iba kundi ang pobreng tsuper. Wala rin kayong sasagutin sa pagpapalibing.
Tsuper na rin ang mananagot niyan.”

May himig pangungutya ang tinig ng pulis. “Makaaalis nap o ako?” tanong
ni Aling Marta.

“Maaari na,” sabi ng pulis. “Lamang ay kinakailangang iwan ninyo sa akin


ang inyong pangalan at direksiyon ng inyong bahay upang kung mangailangan ng
kaunting pag-aayos ay mahingan naming kayo ng ulat.”

Ibinigay ni Aling Marta ang kanyang pangalan at tinitirhan at pagkatapos ay


tuwid ang tinging lumayo sa karamihan. Para pa siyang nanghihina at magulung-
magulo ang kanyang isip; Sali-salimuot na alalahanin ang nagsasalimbayan sa
kanyang diwa. Lumalakad siya ngayon na walang-tiyak na patutunguhan. Naalaala
niya ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat niyang iuwi na, sana’y
naiuwi na, at ang nananalim, nangungutyang mga mata ng kanyang asawa sa
sandaling malaman nito ang pagkawala ng pera. Magtatanong iyon, magagalit,
hanggang siya ay mapilitang sumagot. Magpapalitan sila ng mahahayap na
pangungusap, sisihan, tungayawan, at ang anak niyang ga-graduate ay
magpapalahaw ng panangis hanggang sa sila ay puntahan at payapain ng mga
kapitbahay. Katakut-takot na gulo at kahihiyan! Sa loob-loob ni Aling Marta, at hindi
sinasadya ay muling nadako ang pinag-uulapang diwa sa bangkay ng batang
natatakpan ng diyaryo, na siyang pinagmulan ng lahat.

Kung di sa tinamaan ng lintik na iyan ay hindi ako masusuot sa suliraning


ito, usal niya sa sarili. Kasi’y imbi, walang-pinag-aralan, maruming palaboy ng
kapalarang umaasa sa taba ng iba. Mabuti nga sa kanya!

Kinakailangan niyang kumilos, umisip ng paraan. Kinakailangang kahit


papaano’y makapag-uwi siya ng ulam sa pananghalian. Pagkakain ng kanyang asawa
ay malamig na ang kukote nito at saka niya sasabihin ang pagkawala ng pera.
Maaaring magalit ito at ipamukha sa kanya, tulad ng madalas sabihin nito, na ang lahat
ay dahil sa malabis niyang paghahangad na makapagpadala ng labis na salaping
ipamimili, upang makapamburot at maipamata sa kapwa na sila ay hindi naghihirap,
ngunit ang lahat ay titiisin niya, hindi siya kikibo. Ililingid din niya ang nangyayaring
sakuna sa bata; ayaw ng kanyang asawa ng iskandalo at anuman pangangatwirang
gawin niya ay siya rin ang sisisihin nito sa dakong huli; at kung sakali’t darating ang
pulis na kukuha ng ulat ay lilihiman niya ito. At tungkol sa ulam, mangungutang siya
ng pera sa tindahan ni Aling Godyang, at iyon ang kanyang ipamimili; nasabi niya rito
na ang nawala niyang pera ay sandaan at sampung piso at ang halagang iyon ay
napakalaki na upang ang lima o sampung piso ay ipagkait nito sa kanya bilang panakip.
Hindi iyon makapaghihindi. May ngiti ng kasiyahang naglalaro sa maninipis na labi ni
Aling Marta nang ipihit niya ang kanyang mga paa patungong pamilihan.

Tanghali na nang siya ay umuwi. Sa daan pa lamang, bago siya pumasok


ng tarangkahan, ay natatanaw na niya ang kanyang anak na dalaga na nakapamintana
sa kanilang barung-barong. Nakangiti ito at siya ang minamasdan, ngunit nang malapit
na siya at makita ang kanyang dala ay napakunot-noo, lumingon sa loob ng kabahayan
at may tinawag. Sumungaw ang payat na mukha ng kanyang asawa.

“Saan ka kumuha ng ipinamili mo niyan, Nanay?” ang sabi ng kanyang anak


na ga-graduate.

“A, e,” hindi magkandatutong sagot ni Aling Marta. “Saan pa kundi sa aking
pitaka.”

Nagkatinginan ang mag-ama.

“Ngunit, Marta,” ang sabi ng kanyang asawa, “ang pitaka mo, e naiwan mo!
Kanginang bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa bulsa ng iyong bestidong nakasabit at
kumuha ako ng pambili ng tabako, pero nakalimutan kong isauli. Saan ka kumuha ng
pinamili mo niyan?”

Biglang-bigla, anaki’y kidlat na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa gunita ni


Aling Marta ang larawan ng isang batang payat, duguan ang katawan at natatakpan
ng diyaryo, at para niyang narinig ang mahina at gumagaralgal na tinig nito: Maski
kapkapan ninyo ako, e wala kayong makukuha sa ‘kin. Saglit siyang natigilan sa
pagpanhik sa hagdanan; para siyang pinangangapusan ng hininga at sa palagay ba
niya ay umiikot ang kanyang buong paligid; at bago siya tuluyang nawalan ng ulirat ay
wala siyang narinig kundi ang papanaog na yabag ng kanyang asawa’t anak, at papaliit,
lumalabong salitang: Bakit kaya? Bakit kaya?
TATA SELO
NI
ROGELIO SIKAT

Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng


munisipyo, ngunit ng tumaas ang araw, at kumalat na ang baliatng tinaga at
napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan.
Naggigitan ang mga tao, nagsisiksikan, nagtutulakan bawat isa’y
naghahangad makalapit sa istaked.
“Totoo ba, Tata Selo?”
“Binawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.”
Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas.
May nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa Malabo attila lagi
nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na
ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may
bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid
ang kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa
nagkakagulong tao.
"Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo," umiiling na wika ngkanyang
kahangga, talagang hindi ko ho mapaniwalaan."
Hinaplus-haplos ni Tata Selo ang ga-dali at natuyuan na ng dugng putok
sa no. Sa kanyang harapan, di kalayuan sa istaked, ipinagtutulakanng mga
pulis ang mga taong ibig makakita sa kanya. Mainit ang sikat ng araw na
tumatama sa mga ito, walang humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay
nakalutang ang nasasalisd na alikabok.
"Bakit niya babawin ang saka?" tanong ng Tata Selo. "Dinaya ko na ba
siya sa partihan? Tinuso ko na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama
lang niya ako. Hindi ba't kaya maraming nagagalit sa akin ay dahilsa
ayaw kong magpamigay ng kahit isang pinangko kung anihan?"
Hindi pa rin umaalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin
siya sa rehas. Nakatingin siya sa labas ngunit wala siyang sino mang
tinitingnan.
"Hindi ma na sana tinaga ang Kabesa," anang binatang anak ng
pinakamayamang propitaryo sa San Roque, na tila isang magilas na pinunong
bayan nakalalahad sa pagitan ng maraming tao sa istaked.Mataas ito, maputi
nakasalaming may kulay at nakapamaywang habang naninigarilyo.
"Binabawi po niya ang aking saka," sumbong ni Tata Selo. "Saan pa po
ako pupunta kung wala na akong saka?"

Kumumpas ang binatang mayaman. "Hindi katwiran iyan para tagain mo


ng kabesa. Ari niya ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin,
mapapaalis ka niya anumang oras. "
Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas.
"Ako po'y hindi ninyo nauunawaan, "nakatingala at nagpipilit ngumiting
wika niya/ Sa binatang nagtapon ng sigarilyo at marring tinapakan
pagkatapoos. "alam po ba ninyong dating amin ang lupang iyn? Naisangla
lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po ng
kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon kaya nga po ako hindi
nagbibigay ng kahit isang pinangk kung anihan. Kung hindi k na naman po
mababawi, masasaka man lamang po. Nakikiusap poako sa kabesa kangina.
'kung maaari po sana, "Besa, wika ko po, 'kung maaari po sana, huwag naman
ninyo akong paalisin. Kaya ko pa pong mag-saka, "Besa. Totoo pong ako'y
matanda na, ngunit ako pa nama'ymalakas pa. Ngunit... Ay! tinungkod po niya
ako nang tinungkod, tinganan po n'yong putok sa aking noo, tingnan po 'nyo,"
Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa'y tinalikuran
si Tata Selo at lumapit sa isang pulis.
"Pa'no po ba'ng nangyari, Tata Selo?
Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang
isang batang magbubukid na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito
ang isang magbubukid, anak-magbubukid na naniniwala sa kanya. Nakataas
ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata. Nangungulintab ito, ang mga
bisig at binti ay may halas. May sukbit itong lilik.
"Pinuntahan niya ako sa aking saka, amang," paliwanag ni Tata Selo.
"Doon ba sa may sangka. Pinaaalis ako sa aking saka, ang wika'y iba na raw
ang magsasaka. Nang makiusap ako'y tinungkod ako. Ay! tinugkod ako, amang.
nakikiusap ako sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako
pupunta?
"Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo."
Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya
ang bata.
"Patay po ba?"
Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas.
Napadukmo siya sa balikat.
"Pa'no po niyan si Saling?" muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang
maglalabimpitong anak ni Tata Selo na ulila na sa ina.
Katulong ito kina kabesang tano at kamakalawa lamang umuwi kay Tata
Selo "Pa'n po niyan si Saling?"
Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas. Hindi pa
nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating ito,
kasama ang hepe ng mga pulis. Galing ssila sa bahay ng kabesa. abut-
abot ang busina ng diyip na kinasasakyan ng dalawang upang mahawi ang
hanggang noo'y di pa nag-aalisang tao.
Tumigil ang diyip sa di-kalayuan sa istaked.
"Patay po ba? Saan po ang taga?"
Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpawisang tao.Itinaas ngmay-
katabaang alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang
pagkakaingay.nanulak ang malaking lalaking hepe.
"Saan po tinamaan?"
"Sa bibig." Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot iyn at
mariing ihinagod hanggang sa kanang punong tainga. "Lagas ang ngipin."
Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan,
nagtulakan. Nanghataw ng ng batuta ang mga pulis. Ipinasya ng alkalde na
ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan. Dalawang
pulis ang kumuha kay Tata Selo sa istaked.
"Mabibilanggo ka niyan, Selo," anang alkalde pagkapasok ni Tata Selo.
Umupo si Tata Selo sa silyang nasa harap ng mesa. Nanginginig ang kamay ni
Tata Selo nang ipatong niya iyon sa nasasalaminang mesa.
"Pa'no nga ba'ng nangyari? "Kunot at galit na tanong ng alkalde.
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
"Binawi po niya ang aking saka, Presidente, " wika ni Tata Selo. "Ayaw
ko pong umalis doon. Dati pong amin ang lupang iyon, amin po, naisangla
lamang po at naembargo-"
"Alam ko na iyan, "kumukumpas at umiiling na putol ng nabubugnot na
alkalde.
Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may
nakasungaw ng luha sa kanyang malalabo at tila lagi nang may inaaninaw na
mata.
"Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,"wika ni Tata Selo "Kaya ko
pa pong magsaka. Makatuwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman
ako, Presidente, malakas pa po."
"Saan mo tinaga ang kabesa?"
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
Nasa may sangka po ako nang dumating ang kabesa. Nagtatapal po
ako ng pitas na pilapil. Alam ko pong pinanonood ako ng kabesa, kung kaya po
naman pinagbuti ko ang paggawa, para malaman niyang ako po'y talagang
malakas pa, kaya ko pa pong magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya ako
at nang ako po'y lumapit, sinabi niyang makakaalis naako sa aking saka
sapagkat iba na ang magsasaka.
"Bakit po naman, Besa? tanong k po. Ang wika'y umalis na lang daw po
ako. 'Bakit po naman, Besa? Tanong ko po uli, 'malakas pa po naman ako, a'
Nilapitan po niya ako. Nakiusap pa po ako sa kanya, ngunit ako po'y ... Ay!
tinungkod po niya ako ng tinungkod nang tinungkod."
"Tinaga mo na no'n, " anag nakamatyag na hepe.
Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin -- may mga
eskribiyente pang nakapasok doon -- ay nakatuon kay Tata Selo. Nakayuko si
Tata Seloo at gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri sa ibabaw ng maruming
kutod. Sa pagkakatapak sa makintab na sahig, hindi mapalagay ang kanyang
may putik, maalikabok at luyang paa.
"Ang iyong anak, na kina kabesa raw? usisa ng alkalde.
Hindi sumagot si Tata Selo.
"Tinatanong ka anang hepe.
Lumunok si Tata Selo
"Umuwi na po si Saling, Presidente."
"Kailan?"
Kamakalawa po ng umaga.
"Di ba't kinakatulong siya ro'n?"
Tatlong buwan na po."
"Bakit siya umuwi?"
Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiiyak na napayuko
siya.
"May sakit po siya."
Nang sumapit ang alas-dose - inihudyat iyn ng sunud-sunod na
pagtugtog ng kampana sa simbahan na katapat lamang ng munisipyo - ay
umalis ang alkalde upang mananghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama ang
hepe at dalawang pulis.
"Napatay mo pala ang kabesa," anang malaking lalaking hepe. Lumapit
ito kay Tata Selo na nakayuko at di pa natitinag sa upuan.
"Binabawi po niya ang aking saka." katwiran ni Tata Selo. Sinapokng
hepe si Tata Selo. Sa lapag halos mangudngod si Tata Selo
"Tinungkod po niya ako ng tinugkod, " nakatingala, umiiyak at kumikinig
ang labing katwiran ni Tata Selo.
Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyt ng hepe si Tata Selo ssa sikmura.
Sa sahig napaluhod si Tata Selo, nakakapit sa unipormeng kaki ng hepe.
"Tinungkod po niya ako ng tinungkod ... Ay! tinungkod po niya ako ng
tinungkod ng tinungkod ..."
Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis.
"Si kabesa kasi ang nagrekomenda kay Tsip, e," sinasabi ng isa nang si
Tata Selo ay ttila damit na nalaglag sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan
ng hepe.
Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo
nagkalat ang papel na naiwan nang nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang
alikabok, gayong sa pagdating ng buwang iyo'y dapat nang nag-uuulan. Kung
may humihihip na hangin, may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga pepel
sa itaas.
"Dadalhin ka siguro sa kabesera, Selo, "anang bagong paligo at bagong
bihis na alkalde sa matandang nasa loob ng istaked. "Don ka siguro ikukulong."
Wala ni papag sa looob ng istaked at sa maruming sementadong lapag
nakasalampak si Tata Selo. Sa paligid niya'y may natutuyong tamak-tamak na
tubig. Naka-unat ang kanyang maiitim at hinahalas na paa at nakatukd ang
kanyang tila walang butong mga kamay. Nakakiling , nakasandal siya sa steel
matting na siyang panlikurang dingding ng istaked. Sa malapit sa kanyang
kamay, hindi na gagalaw ang sartin ng maitim na kape at isang losang kanin.
Nilalangaw iyon.
"Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo," patuloy ng alkalde. Nagsindi
ito ng tabako at lumapit sa istaked. Makintab ang sapatos ng alkalde.
"Patayin na rin ninyo ako, Presidente."Paos at bahagya nang narinig si
Tata Selo."Napatay ko po ang kabesa, Patayin \na rin ninyo ako."
Takot humipo sa maalikabok na rehas ang alkalde. Hindi niya nahipo
ang rehas ngunit pinagkiskis niya ang mga palad at tiningnan niya kung may
alikabok iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo, nakita niyang lalo nang
nakiling ito.
May mga tao namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti iyon kaysa
kahapon. Nakapasok ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may
kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sa bagong langkay na dumating
at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay taga-poblacion. Hanggang noon, bawa't
isa nagtataka, hindi makapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibing
kinahapunan ang kabesa. Nagtataka at hindi makapaniwalang nakatingiin sila
kay Tata Selo na tila isang di pangkaraniwang hayop na itatanghal.
Ang araw katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdadakong
alas-dos, dumating ang anak ni Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama,
mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol.
Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito'y ipinatawag sa kanyang
tanggapan. Di-nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakao. Dalawang pulis
ang umalalay kay Tata Selo. Halos buhattin siya ng dalawang pulis.
Pagdating sa bungad ng tanggapan ay tila saglit na nagkaroon ng laka si
Tata Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo sa harap ng mesa ng presidente.
Nagyakap ang mag-ama pagkikita.
"Hindi ka na ssana naparito Saling," wika ni Tata Selo na
napaluhod." May sakit ka, Saling, may sakit ka!"
Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kaloong ang ama. Nakalugay
ang walang kintab niyang buhok, ang damit na suot ay tila yaong suot pa nang
nagdaang araw. Matigas ang kanyang namumulang mukha. Pinalipat-lipat niya
ang tingin mula sa nakaupong alkalde hanggang sa mga nakatinging pulis.
"Umuwi ka na, Saling " hiling ni Tata Selo. Bayaan m na ... bayaan mo
na. Umuwi ka na, anak. Huwag, huwag ka nang magsasabi..."
Tuluyan nang nalungayngay si Tata Selo. Ipinabalik siya ng alkalde sa
istaked. Pagkabalik niya sa istaked, pinanood na naman siya ng mga tao.
"Kinabog kagabi," wika ng isang magbubukid. " Binalutan ng basang
sako, hindi nga halata."
"Ang anak, dumating daw?
"Naki-mayor."
Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis ssi Tata Selo.
napasubsob si Tata Selo pagkaraang siya'y maiupo. Ngunit nang marinig
niyang muling ipinanakaw ang pintong bakal ng istaked, humihilahod na
ginapang niya ang rehas. mahigpit na humawak doon at habang nakadapa'y
ilang sandali ring iyo'y tila huhutukin. Tinawag siya ng mga pulis ngunit paos
siya at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang kanang kamay sa rehas,
bumagsak ang kanyang mukha sa semendadong lapag. Matagal siyang
nakadapa bago niya narinig na may tila gumigising sa kanya.
"Tata Selo ... Tata Selo ..."
Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng mga luha
niyangmata ang tumatawag sa kanya.
Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon.
Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umabot sa kanya.
"Nando'n amang si Saling sa Presidente, "wika ni Tata Selo. "Yayain mo
nang umuwi, umuwi na kakyo." Muling bumagsak ang kanyang mukha sa lapag.
Ang bata'y saglit na nag-paulik-ulik, pagkaraa'y takot at bantulot ng sumunod...
Mag-iikaapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit
pa rin iyn. May Kapiraso nang lihin sa istaked, sa may dingding na steel matting,
ngunit si Tata Selo'y wala roon. Nasa init siya. nakakapit sa rehas sa dakong
harapan ng istaked. Nakatingin siya sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi
nang nag-aaninaw na mata'y tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa
labas ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang inutusan niya kanina. Sinabi
ng batang na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi
siya pinakinggan ni Tata Selo, na ngayo'y hindi pagbawi ng saka ang sinasabi.
Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat
ay kinuha na sa kanila, lahat, ay! ang lahat ay kinuuha na sa kanila...

--WAKAS--
References

Editorial Staff. (2018, October 17). Mga Sanaysay Tungkol sa Kahirapan (7


Sanaysay). Pinoy Collection. https://pinoycollection.com/sanaysay-tungkol-sa-
kahirapan/

Apoy, M. (2022, November 13). Mga Agos sa Disyerto: Isang Pagsusuri.


https://sayutsotsayusay.blogspot.com/2011/11/mga-agos-sa-disyerto-isang-
pagsusuri.html

ANG KALUPI (Maikling Kuwento). (2022, November 13).


https://siningngfilipino.blogspot.com/2013/07/ang-kalupi-maikling-
kuwento.html

Dahlia, M. (2022, November 14). ANG HIRAP MAGUTOM!: Isang Talumpati


ukol sa kahirapan. https://soslitnimamdahl.blogspot.com/

You might also like