You are on page 1of 3

KALIKASAN

Ang kalikasan ang nagbibigay kula sa ating kapaligiran na sadyang pinagkaloob ng ating
panginoon.
Dapat natin itong ingatan at alagaan. Pahalagahan natin ang kalikasan, dahil pinagkukunan
ito ng pagkain, malinis na hangin at pangsangga sa anumang kalamidad na darating. At ito ay
mahalagang bagay na dapat nating palaguin at huwag abusuhin para sa kapakanan sa susunod
na henerasyon.
Ang kalikasan ay pinagmulan ng iba't-ibang pinagkukunang yaman. Ang mga yamang ito ay
maaring renewable at non-renewable. Ano nga ba ang renewable at non-renewable? Ang
renewable energy ay mga energy na napapalitan ng mabilis, hindi katulad ng non-renewable
energy na aabutin pa ng milyong taon. Ibig sabihin ang renewable energy ay isang bagay na
mabilis lamang itong palitan at halimbawa nito ay tulad ng tubig, hangin, at solar energy.
Kabaliktaran naman nito ang non-renewable, dahil ang non-renewable ay matagal na mawala
o maglaho. Halimbawa nito ay carbon-based, organic na nagmula sa gasolina at oil o gas.
Dito rin nagmula ang materyales sa paggawa ng mga bahay at iba't-ibang mga gusali. Ang
kalikasan ay tumutulong na mabawasan ang mga dumi at usok na dulot ng proseso ng
produksiyon at pagkonsumo.
Ngunit anong ginawa natin? Ito ay unti-unting winasak at inabuso na kung saan-saan natin
tinatapon ang basura sa dagat na kung saan nilalason natin ang mga isda at manira pa. Dapat
na hindi natin ito ginawa. Sa una pa lang dapat nating pinangalagaan ang kalikasan dahil tayo
rin naman ang makikinabang nito. Kung ikukumpara mo ang kalikasan noon at ngayon, ay
ang dami na itong pinagbago.
Kung mas lalo natin itong pababayaan. Dahil magkakaroon ito ng maraming epekto sa
kalikasan. Tulad ng pagkakaroon ng pagbaha, landslide, Flashfloods at marami pang iba na
makakasama sa ating kalikasan. Halimbawa nito ay katulad ng bagyong Yolanda, nagkaroon
ito ng pagbaha at pagFlashFlood, Ang tanong, Ano ang sanhi nito? Isa na dito ay ang
pagpapabaya sa ating kalikasan.
DAHIL SA KAHIRAPAN
Kahirapan ang isa sa pinakamalaking
problema na kinakaharap ng maraming
bansa sa buong mundo, partikular sa ating
bansa. Maraming mga Pilipino ang
nabubuhay sa kahirapan. Kung saan hindi
nakakakain ng sapat sapagkat hindi rin nila
mapagkasya ang kanilang kinikita sa pang-
araw-araw. Pero sabi ng iba, hindi
kasalanan ng mga mahihirap na
ipinanganak silang mahirap ngunit
kasalanan na nila kung sila ay namatay pa
ring mahirap. Ngunit paano kung mas pinili
nga nilang mamuhay sa kahirapan kaysa sa
magsipag at umahon paalis dito?
Dahil maraming Pilipino ang may mga
magulang na hindi sapat ang kinikita at
hindi kayang tugunan lahat ng
pangangailangan ng kanilang pamilya,
nangingibabaw na sa kanilang isip na hindi
rin naman makakapagtapos ang kanilang
mga anak at hindi makahahanap ng magandang trabaho kaya hindi na sila mag-aaksaya pa ng
pera para sa pang-aral ng mga anak.
Sa pang-araw-araw nating pamumuhay, normal na satin na makakita ng mga batang
lansangan na namamalimos at mga minor de edad na nagtatrabaho na. Ang kanilang mga
magulang ang siyang nag-uudyok sa mga batang ito upang maghanap-buhay na rin at
makatulong sa gastusin ng mag-anak.
Dahil na rin sa kahirapan at kawalan ng edukasyon, maraming mga kabataan ang maagang
nabubuntis dahil para sa kanila, masosulusyunan ng maagang pagpapamilya ang kahirapan
ngunit hindi nila alam na ito pa ang mas magpapahirap sa sitwasyon na mayroon sila.
Kahirapan din ang sanhi kadalasan ng mga krimen na nangyayari sa mundo. Maraming
Pilipino ang kumakapit sa patalim para iahon ang kanilang pamilya sa hirap. Ang iba ay
nagnanakaw at pumapatay para sa pera dahil ito lamang ang naiisip nilang solusyon.

You might also like