You are on page 1of 3

Editoryal

Sibuyas isang Hiyas


Nakakalungkot na isipin na ang Pilipinas ay itinuturing na isang
bansang malawak ang sakahan , subalit dumaranas tayo ngayon ng kakapusan sa
ilang produktong pangsakahan.
Nang mga nakaraang buwan usapusapan na at dinadaing ng mga
mamimili ang sobrang taas na presyo ng sibuyas maging ang mga manininda ay
umaaray na dahlia wala ng bumibili sa kanilang mga panindang sibuyas.
Masakit mang isipin na sa ating bansa ay nararanasan ang
ganitong krisis samantalang itituring tayong Agricultural Land.
Sino ba ang dapat sisishin ? Magsasaka o ang ating gobyerno ?
sana man lang napagaaralan ito ng ating pamamahalaan at makontrol ang
pagtaas nito.
Hindi sagot ang pag angkat nito sa ibang bansa , dapat itoy
binibigyan ng pansin ng ating pamahalaan ,ang pang matagalang solusyon upang
hindi natin maranasan ang ganitong krisis.
Bigyan ng sapat na suporta ang mga magsasaka upang mapataas
pa ang kanilang produksiyon sa kanilang mga produktong pangsakahan upang
lahat na pangunahiung produkto natin na pangsakahan ay maiwasang umabot sa
ginto ang halaga nito.
West Philippine Sea

Para sa Pinoy o Tsinoy


Mayaman ang ating bansa sa mga likas na yaman ,malawak na
karagatan , subalit anong gagawin natin kung ang ibang bansa ay kakamkamin ang
mga bahagi ng ating karagatan na napatunayan naman na ito ay napapabilang sa
atin.
Matagalo na isyu ang West Philippine sea na kong saan itoy
inaangkin ng mga Tsino .pinagbabawalan ang ating mga mangigisada na
mamalakaya dito na kung saan itoy pag-aari natin.
Napatunayan na ng kataatasang hukom na tayo ang may-ari
dito subalit di parin Malaya ang ating mangigngisda na pumalaot dito. May halong
takot at pangamba ang ating mgakababayan tuwing silay nagagawi dito
Manindingan sana ang ating pamahalaan kung ano ang
nasasaad sa katibayan natayo ang nag mamayari nito.Hindi kailangan gumamit ng
dahas upang lubusang mapasa atin ito ,kundi ipakita natin sa mga dayuhang
umaangkin nito na tayo ay may paninindingan kung ano ang para sa atin.
F2F o Online

Edukasyon ang sandata natin upang makamit natin ang tagumoay sa buhay. Sabi nga
ng ating mga magulang di bale ng walang kayamanan ang mahalaga may pinagaralan. Iyan ang
napakahalaga na maging pamana sa mga kabataan.

Halos dalawang taon na ang nakaraan ng ang buong mundo ay makaranas ng


pandemya . Sa mga panahong iyon marami ang mga nagbago ,lalong lalo na ang pamaraan ng pag-aaral
ng mga bata sa paaralan.Ginawang online class at modular para lang maipagpatuloy ang pagaaral subalit
hinahanap pa ring g mga kabataan ang face to face classes .

Kamiy naniniwala na ang F2F classes ang pinaka mabisang pag-aaral upang lalong
matutukang g mga guro ang mga kakulangan sa bawat mag-aaral. Ang ganitong Sistema ng magbibigay
daan sa kanila upang magkaroon ng insperasyon upang mapalawak pa ang kanilang kaalaman sapagkat
sa oras na silay may mga katanungan itoy kaagad mabibigyan ng kasagutang hhg kanilang mga guro.

Isa rin sa magandang naidudulot ng F2F ay ang pakikisalamuha ng mga bata sa kapwa
nila. Dito natoto ang mga mag-aaral kung papano makipag usap mga mamayan.Nahuhubog sa mga
kabtaan ang pagiging malapit sa isat isa at magbahagi ng kanilang opinion .

Naniniwala ako na sa tulong ng ating gobyerno itoy mag papatuloy na upang lalong
mapaunlad ang kakayahan at kaalamang ng bawat mag-aaral sa pamamagitan ng F2F classes.

You might also like