You are on page 1of 3

KAKAPUSAN NG PERA

- Nag kakapos ang pera sa pilipinas dahil sa mababang sweldo kaya naman maraming mas
gusto mag trabaho sa ibang bansa dahil mas mataas ang sahod doon kesa dito sa bansa ng
pilipinas. Kinakapos sa pera ang mga pilipino dahil sa pag kawala rin nila ng trabaho lalo na
nung sumapit ang pandemya sa pilipinas at nung tumaas ang presyo ng mga bilihin. Isa rin
sa rason kung bakit nag kakapos sa pera ay ang pag rami ng populasyon. Sa isang pamilya,
hindi na nag kakasya ang sampung libo sa isang buwan dahil sa bilihin at bayarin sa bahay.
Sa panahon ngayon, mahirap na maka hanap ng trabaho nang may malaki ang sahod. Dahil
din bakit nag kakapos ang pera sa pilipinas dahil sa korap na gobyerno. Dahil sa kahirapan,
marami nang gumagawa ng masama para lang mabuhay gaya ng pag nanakaw at iba dahil
walang pang gastos sa kanilang pang araw araw na pamumuhay.

SOLUSYON: Ma so-solusyunan ito kapag ang gobyerno ng bansa ay hindi na korap ang
umuupo. Kailangan natin ng maayos na gobyerno, hindi yung mga nag nanakaw sa yaman.
Tanggalin ang korapsyon sa gobyerno dahil ito ang nag papahirap sa mga pilipino. Kung
walang korap, ang mga pera na makukuha ay pwedeng maka tulong sa mga taong
nangangailangan. Magagamit ang pondo para sa pang kabuhayan ng mga tao upang
magkaroon sila ng sapat na trabaho para mabuhay nila ang kanilang sarili o pamilya at para
may pang araw araw na pamumuhay sila. Makaka tulong din ang pag pplano ng pamilya,
dahil hindi nyo mabubuhay ang inyong pamilya kung wala kayong pang araw araw na pang
gastos. Walang magulang o anak ang papayag na mamatay na lang sa gutom dahil sila ay
wala nang makain dahil wala silang makukunan na pera na pang bili ng kanilang maka-kain.

KAKAPUSAN NG
PANGANGAILANGAN
- Kinakapos tayo sa pangangailangan ng tao. Kakapusin tayo sa pagkain dahil hindi sapat
ang pinag kukunang yaman natin. Pwede ito maging permanenteng pag ka-wala kung hindi
ito matutugunan nang maayos. Maraming maghihirapan na pilipino kapag ito ay tuluyan
nang nawala.
SOLUSYON: Pwede natin ito masolusyunan sa pamamagitan ng hindi pag sasayang at pag
titipid ng mga kailangan natin. Huwag din tayo maging mang-mang sa pag gamit ng mga
kagamitan para hindi ito masayang tulad ng mga pagkain, damit, tubig at iba pa.

KAKULANGAN SA PAG UNLAD


-Kulang sa pag unlad ang pilipinas dahil sa namumuno rito at pati na rin ang mamamayan.
Ni simpleng batas ay hindi masunod, pag tapon ng basura sa tamang tapunan at pag tawid
sa tamang tawiran ay hindi na sinusunod. Paano na uunlad ang pilipinas nito? Kung
sinusunod natin ang simpleng batas dito, ang bansa natin ay mananatiling malinis at
maaaring ding tumaas ang turismo rito sa ating bansa na mag reresulta ng unti unting pag
unlad ng ating bansa. Isa rin sa rason kung bakit hindi tayo umuunlad ay hindi natin kayang
baguhin ang sarili natin. Maraming taong gusto gumanda ang buhay, makapag aral nang
maayos, at kumita nang malaki. Pero paano naman ito mangyayari kung ang mga pilipino ay
nilalamon na ng sistema?

SOLUSYON: Huwag nating hayaan na ang pilipinas ay hindi na tuluyang umunlad. Panatilihin
natin malinis ang kapaligiran at sundin ang mga batas. Baguhin natin ang sarili para ang ating
bansa ay mabago rin. Huwag tayo maging tamad para tayo ay makapag aral at magkaron ng
magandang trabaho para maging resulta ng pag unlad ng ating mga buhay pati na rin ng ating
bansa.

KAKULANGAN SA EDUKASYON
- Maraming pilipino ang hindi nakaka kuha ng magandang trabaho dahil ang iba ay hindi
tinatanggap dahil hindi sila nakapag tapos ng pag aaral. Maraming pilipino ang hindi
nakapag tapos at hindi nakapag aral dahil sa hindi sapat na pera. Wala silang pambili ng
kanilang kailangan sa paaralan at ang kanilang baon ay hindi na magkakasya dahil ang ibang
magulang ay walang trabaho at walang mapapag kunan ng kanilang pang araw araw. Meron
din naman mga pilipino na kinukulang sa edukasyon dahil sila ay tamad lamang. Karamihan
sa kanila ay mayayaman. Okay lang sa kanila ang hindi mag aral dahil pag laki nila ay hindi
na nila po-problemahin kung saan sila kukuha ng pang araw araw at kung paano sila
makakahanap ng trabaho pang tustos sa pang kabuhayan nila.
SOLUSYON: Huwag natin hayaan na tayo ay kaininn ng katamaran. Kung tayo ay walang wala na
talaga, mang hingi tayo ng tulong sa malapit natin kamag anak. Tapusin natin ang ating pag aaral
para tayo ay magkaroon ng magandang trabaho at para mabuhay ang ating sarili at pamilya. Puwede
rin tayong mag trabaho habang tayo ay estudyante pa lamang para tayo ay may pang tustos sa mga
kailangan natin sa paaralan at sa ating pang araw araw na pang kain at upang tayo ay makapag aral
din sa maayos na paaralan.

You might also like